Chereads / Three Jerks, One Chic, and Me / Chapter 27 - What are you doing here?

Chapter 27 - What are you doing here?

Chapter 27: What are you doing here?

Jasper's Point of View 

1st of July na ngayon, ang bilis ng panahon at ilang araw na lang ay kaarawan na rin ni Kei. 

Parang ako pa 'yong mas excited kaysa sa kanya, eh. Palagi kong pinapaalala 'yong araw na tatanda nanaman siya. July 7 ang birthday n'ya-- Saturday. Uuwi ulit ang mommy n'ya pero mukhang hindi makakarating si tito-- ang dad n'ya. 

Narinig ko kay kay Reed na nasabayan daw ang important event sa California. Kaya for the past few days, medyo gloomy si Kei. 

"Oy girl, tingnan mo 'yong boy" turo ng babae sa akin mula sa hindi kalayuan. Nakikita ko sila mula sa peripheral eye view at mayro'n talaga akong abilidad makaramdam kung ako ang pinag-uusapan nila.  

"Saan?"

"Ay, ang cute n'ya, may girlfriend na kaya siya?"

Nandito ako mag-isa ngayon sa mall para bumili ng regalo para sa birthday niya. Alam kong maaga-aga pa naman pero mas okay na 'yon para wala na rin akong iintindihin.

Saka maliban doon, kailangan ko rin kasing bumili ng supporter sa paa para sa pagtakbo ko sa Lunes dahil hindi magiging madali ang practice namin sa sprinting. 

"H'wag na h'wag kang lalampa lampa kapag practice! At 'pag nagkapasa ka, hindi kita gagamutin!" naalala kong sabi ng MVP namin na si Mirriam. Ang taray taray n'ya kapag sa 'kin pero 'pag sa iba naman, ang bait bait. Favoritism?

And speaking of Mirriam, nando'n siya sa Cinema Area sa tapat ng Kettle Corn. Nakasuot lang ng simpleng damit pero kung titingnan, hot pa rin.

Nakapusod. Suot ang White Shirt and Black Shorts. 

Napatingin ako sa hita n'ya't napa pogi sign. "Hmm... Thicc" kumento ko at ibinaba na ang mga kamay para tawagin s'ya. "Mirriam!" tawag ko sa kanya at buti na lang, nilingunan niya ako.

Ngunit noong makalingon s'ya sa akin ay nawala ang nag e-enjoy niyang mukha at bigla na lang akong sinimangutan. Ayaw ba niya akong makita?

Lumapit ako sa kanya para batiin, "Sup! Ano'ng ginagawa mo rito?" tanong ko nang makahinto sa tapat n'ya. Luminga-linga rin ako para hanapin ang kasama n'ya. "Ikaw lang mag-isa?" tanong ko sabay tanggal sa earphone na nakasuksok sa kanan n'yang tainga. 

Binawi n'ya ang earphone na tinanggal ko sa tainga niya't tinaasan ako ng kilay, "Kailangan ba talagang tanungin kung ano'ng ginagawa ko rito, Jasper?" inangat pa n'ya 'yong pop corn niya para ipakita sa 'kin na manonood siya ng sine.

Aba, eh malay ko ba? Malay mo, binili lang n'ya kasi gusto niya no'ng popcorn?

Tinuro ko siya, "Ikaw lang mag-isa?" sambit ko at napaatras nang pasakal n'ya akong akbayan saka n'ya hinampas hampas ang ulo ko. "Aray! Masakit! Ang laki laki ng kamay mo-- aray! Harassment!" pinagtitinginan na kami ng mga tao kaya binitawan na n'ya ako. Pulang pula ang mukha niya samantalang magulo na ang buhok n'yang nakapusod.  

Dinuro niya ako, "T*ngina mo, huwag kang magpapakita sa 'kin bukas, ah?" 

Hinawakan ko ang batok ko, "What? Nagtanong lang naman ako kung ikaw ang mag-isa--" 

"Eh, ano ngayon kung mag-isa ako at manonood ako ng Frozen, huh?!" tinuro pa niya ang poster sa gilid kaya ako naman itong napasunod ang tingin. Frozen, eh?  

Ibinalik ko ang tingin kay Mirriam at pilit na napangiti, "So, wala kang kasama kasi nahihiya k--" inangat niya ang kamay n'yang nakasara ang kamao kaya binawi ko na, "Joke lang! Joke lang! Mayro'n ka ba?" tanong ko naman kaya mas namula ang mukha niya kaysa kanina. 

Gumalaw naman na ang pila sa cinema #2 kaya napatingin na roon si Mirrim bago panandaliang ibinaling ang tingin sa akin at sinipa ang tuhod ko. Potek!

Kung makakakilala ako ng lost sister ni Haley, malamang si Mirriam na 'yon! 

Tumalikod na siya sa 'kin at patakbong naglakad paloob sa cinema #2. Doon yata ipapalabas ang Frozen.

Tumayo na lamang ako ng maayos at nagbuga ng hininga. 

"Bakit kasi nagtanong ka pa kung mayroon siya? Engot" lumingon ako sa pinang galingan ng boses

Si Haley na nakahalukipkip habang taas taas ang kaliwang kilay.

"Haley! Ano'ng ginagawa mo rito?" tanong ko naman sa kanya at patakbong lumapit sa kanya.

Kumunot-noo siya, mukhang na weird-uhan sa tanong ko. "Seriously, do you really have to ask me that?"

Ang hirap talagang intindihin ng mga babae! Kailangan ba naming maging si Madam Auring para lang mahulaan kung ano ang iniisip nila?!

Tinabingi ko ang ulo ko at gaya n'ya, ipinag krus ko rin ang mga kamay ko.

"Hmmm..." pag-iisip ko.

"Hey, pumunta ka ba rito para bumili ng regalo ni Kei?" hula niya kaya gulat akong napatingin sa kanya

"How did you know?" I asked her. Marka sa mukha ko ang pagkamangha. 

Ba't siya nahulaan n'ya kung bakit ako nandito? Sana all. 

Nagkibit-balikat siya, "Just a hunch." sagot niya 'tapos naglakad, sinundan ko siya ng tingin. 'Di ba niya ako aalukin na sumama sa kanya?

Huminto siya na animo'y may naalala dahilan para mapalingon ito sa 'kin. Yehey! Aalukin na niya ako!

"May balak ka bang umamin kay Kei sa birthday n'ya?" tanong niya na nagpakurap sa akin. Eh?

"T-teka, ano nga ulit?" baka kasi iba lang ang pagkakarinig ko. 

Wala naman akong pinagsabihan sa kahit na sino na may gusto ako kay Kei, eh. 

Tumitig lang siya sa 'kin nang mapabuntong-hininga siya, "Nevermind." pagbabalewala na lang niya't nagpatuloy. Hindi ko naman pinalagpas iyon dahil dali-dali akong tumabi sa kanya. Nakatingin lang ako sa kanya samantalang diretsyo lamang ang tingin ni Haley. 

Napapaawang bibig ako, tila parang may sasabihin pero hindi ko magawa. Nahihiya ako. Baka kasi mali 'yong rinig ko kanina. 

"What do you want?" iritableng tanong ni Haley pagkatigil niya sa paglalakad kasabay ang pagharap sa akin. Huminto  rin naman ako't pinaglaruan ang mga daliri ko. Nakayuko rin ako at nakatuon ang tingin sa mga daliri.  

"Ano... P-paano mo nalaman?" nahihiyang tanong ko na may kuryosidad. Tinirikan n'ya ako ng mata 'tapos hindi ako sinagot at ini-snob-ban lang. "Haleeee!" pang-aasar ko sa pangalan n'ya at aalis na sa pwesto ko noong bigla siyang humarap sa akin. 

"H'wag mo ngang pinaglalaruan pangalan k--" naputol ang sasabihin niya noong tumunog ang phone niya. Tiningnan naman niya ang caller at muling napairap. "Damn this sh*t." padabog n'yang sinagot ang tumatawag sa kanya at tinalikuran ako. 

"Hello.? Huh.? Kakapunta ko pa lang dito sa mall 'tapos pababalikin mo ako d'yan.? Ano ka? Sira.? Edi ikaw mag-isa mo.! Huwag kang nang-uutos dahil hindi mo ako katulong.!" at ibinaba niya ang phone call. Inaatake nanaman s'ya ng adrenaline rush. Hula ko, si pareng Harbe 'yon.

"Bakit daw?" tanong ko nang hindi na binabanggit 'yong pangalan ni Harbe boy.

Ibinulsa lang niya ang phone 'tapos lumingon sa 'kin at kinuha ang kwelyo ko para ilapit ako sa kanya. "Ikaw nga ang pumunta sa mansion ng Smith. Paglutuan mo si Harvey." humihingi talaga siya ng pabor sa lagay na 'yan.  

Hinawakan ko naman ang pulso niya, "Hindi ba, parang pambu-bully na 'tong ginagawa mo, Hale--" 

"Pupunta ka ro'n o sasapakin kita?" babala niya. Gusto kong umiyak, bakit ang sisiga ng mga babae ngayon? Buti pa si Kei, eh! Mala-guardian angel ng buhay ko. 

Perfect girl does exist! 

Umiling-iling ako at tila parang umaarteng isang bata, "Ayoko. Ayoko...! Samahan mo 'ko!" at niyakap ko pa siya na nagpagulat sa kanya. Ginawa ko lang din talaga dahil may balak na lumapit sa 'kin na babae. Ayoko muna silang i-entertain. Feeling ko, mapapagod nanaman ako. 

Tinulak naman niya ako at nakakatawa dahil pulang pula 'yong mukha niya. 

"Jasper!" bulyaw niya pagkatawag n'ya sa akin kaya hindi ko na maiwasang 'di mapahalakhak. 

She's bossy and mean, but deep inside. There's a soft and caring side that she can't able show to anyone. Maybe because hindi n'ya kayang i-express lahat to the point na iba na 'yong nagagawa n'ya sa totoong nararamdaman niya. 

"Tara na nga lang. Tutal, nandito ka na rin naman. Magsama na tayong tumingin-tingin." pagsusungit niya't naunang naglakad. "Pero hindi dahil sa gusto kitang kasama or anything. Pagbubuhatin lang kita ng bibilhin." sinabi n'ya 'yan pero mahahalata mo naman sa kilos n'ya na gusto lang talaga niya ng kasama. 

Napangiti ako ngunit napaseryoso rin pagkatapos. Oras na rin siguro para mag friend to friend talk kaming dalawa.

Lumingon siya at naabutan ang ginagawa kong ekspresiyon. "What's on your mind?" tanong niya. 

Nanlaki ang mata ko at napalitan ng ngiti ang mukha ko. "I was just thinking that you're the troublesome type" bumuka ng unti ang bibig niya pero kaagad ding isinara.

"What do you mean?" kunot-noong tanong. Malamang, naguguluhan sa tanong ko.

"You actually want to get along with everybody else, but you just can't bring yourself to express that" saglit pa itong nakatitig sa akin nang iniiwas niya iyon.

"What the hell? Saan naman nanggaling 'yang sinasabi mo ngayon?" tanong n'ya matapos umismid.

Humagikhik ako't inakbayan siya "Alam mo, mas magandang mag-usap habang nakaupo at kumakain" sambit ko at tumalikod kasama siya para harapin 'yong doughnut house, "May bago silang doughnut ngayon, kain tayo d'on" yaya ko.

Mas tumaas ang kilay niya nang lingunin ako, "Edi ikaw ang mag-isang pumunta diya--"

"Huwag kang ganyan, treat ko naman 'yon... Payagan mo na 'ko, Princess" pagpilit ko tapos kinindatan siya.

Tinulak niya ang mukha ko kaya napapanguso naman ako, "Don't call me a princess, you jerk!"

***

NAKA-ORDER NA kami ng makakain at sa ngayon ay hindi ko alam kung nandidiri ba siya sa pinili ko o sadyang bitter siya.

"Bakit pang Valentine's ang kinuha mo?" tanong niya habang nakasalong baba na nakatitig sa in-order ko. Dalawang heart shaped doughnut kasi ang binili ko para sa kanya na may sprinkles and strawberry filling. Ayan ang bago nila sa store na 'to. 

Humawak ako sa likod ng ulo ko, "Mukha kasing masarap" sagot ko

"Ang creepy, pang couple lang kaya 'yan" bakit pinapansin niya yong mga gano'ng bagay?

"Hindi lang naman couple ang p'wedeng kumain niyan, ah? Pare-parehong tinapay lang 'yan! " paliwanag ko na inirapan naman niya. "Ang sungit mo, bakit? Nahihiya ka ba sa 'kin dahil ito ang first date--" nabuga niya sa akin ang iniinum niya.

Great.

Kinuha niya ang kwelyo ko at inis akong tinignan ng malapitan, "First date? Sa tingin mo nag de-date tayo ngayon? At first? You sure?" tanong niya na may kasabay na pandidilat na mata. 

Nakatuon na ang atensyon ng iba sa amin. Akala siguro nila, nag-aaway kami. 

Inilipat ko ulit ang tingin kay Haley at nginitian s'ya, "Oo, bakit? Maliban sa 'kin, sino 'yung una-- Ah! Oo nga! Si Harvey nga pala ang first date mo!" turo ko sa kanya at humalakhak para asarin s'ya.

"Kaya pala parang proud ka, a--" malakas niya akong sinikmuraan bago itulak pasanndal sa upuan. 

Ang sakit... 

"Ang cute nilang couple." rinig namin sa nakaupo sa likuran kaya parehong nambilog ang mata namin ni Haley. Tumawa naman ang kasama niya no'ng tao sa likod. 

"Totoo." pagsang-ayon naman nito kaya lumingon na sa kanila si Haley na walang ganang nakatingin sa kanila.  

"Are you serious?" tanong niya pero nag tongue out lang ako.  

***

UMAYOS NA AKO ng upo at tumikhim, "Balik tayo sa topic natin kanina"

Kumagat muna si Haley ng doughnut bago ko maipag patuloy 'yong sasabihin ko, "Just what I said earlier. You can't bring yourself to express your feelings, and if you keep that up, you won't be able to let everyone know how you feel" 

Inilagay niya ang kinakain niya sa platito niya, "Wait, why are you sticking your nose into my business to begin with?" salubong na kilay na tanong niya. 

Nakatingin ako sa kanya hanggang sa bigyan ko siya ng matamis na ngiti, "Because you're my friend, I just can't leave you alone ya'know?"

Hindi siya umimik at nakatitig lang sa akin, I think na-shock siya sa sinabi ko?

Bakit? May masama nanaman ba akong nasabi kaya siya ganyan?

"Haley? Jasper?" napatingin kaming pareho sa pinanggalingan ng boses. Kapapasok lang niya rito sa loob. 

"Reed!?" tawag naming pareho ni Haley kay Reed kasabay no'ng paglapit niya sa amin

"What are you doing here?" tanong pa ulit naming pareho ni Haley

Pero nagtaka kami dahil nag iba ang ekspresiyon ng mukha ni parekoy. 

"Seriously? Kailangan ba talagang tanungin kung bakit ako nasa doughnut house?" kunot-noo nitong tanong.

"..."

Nagulat na lamang kamo ako noong bigla nanaman akong nakatanggap ng pananakit ni Haley. "Nahawa kasi ako sa 'yo!" bulyaw ni Haley na hindi ko alam kung saan nanaman nanggaling ang galit.

"Bakit ako!?" takang tanong ko habang turo ang sarili. 

"Eh, kasi ikaw!" paninisi pa niya sa akin. 

"Hoy..." aawatin pa sana kami ni Reed noong may dumating na chic. Baby ~! 

"Guys, nandito rin kayo" napatingin kaming tatlo kay Kei na ngayon ay nakasuot ng skirt and white blouse na nakikita ang braso. Nakasandals din s'ya. 

Sh*t! Ang chics, nandito na! Tingnan mo nga naman kung gaano kaganda ang babaeng ito! Kumikinang sa sobrang pagliliwanag ng kagandahan. 

"Kei?" sabay na banggit namin sa pangalan niya. Inilagay ni Kei ang dala-dala niyang supot sa kanyang likuran at itinabingi kaunti ang ulo. 

"Ano'ng ginagawa mo rito?" tanong ni Reed kay Kei dahilan para mapatingin kaming pareho ni Haley sa kanya.

"You're asking the same thing, stupid" naiiling-iling na wika ni Haley.

Nag bored look ako, "Yeah, stupid" pagsang-ayon ko sa sinabi ni Haley pero sinamaan lang kami ng tingin ni Reed

"Ano raw?" Taka namang sabi ni Kei

"Ate Kei, ang bilis mong maglaka-- Oh! You, guys... What are you doing here?" tanong naman ng kararating na si Rain. Bakit nandito silang lahat?! 

Hindi kami kumibo at namagitan sa amin ang katahimikan.  Mayamaya lang noong matawa kami, maliban kay Kei na tiningnan kami isa-isa bago pilit na natawa para makisabay. 

Hindi talaga niya alam kung ano ang dahilan kaya kami natatawa.