Chapter 24: Nosebleed
Haley's Point of View
Tunog ng electric fan lang ang maririnig sa paligid namin at ang kakaunting ingay ng oras-an na naka-paskil do'n sa pader n'ya sa itaas ng pintuan. Nasa kwarto pa rin niya kami at hindi umaalis.
Seryoso akong nakatingin sa naka indian seat na si Harvey, at halata sa mukha niya ang sobrang pagka-irita lalo na't hot seat s'ya sa araw na 'to.
Si Kei naman, hindi pa rin inaalis ang tingin sa sahig. Nahihiya sa suot niyang maid uniform.
"So, first. Gusto naming malaman kung pa'no ka nagkaroon ng ganyang klaseng phobia." pangunguna ko sa tanong.
Kumamot s'ya sa ulo niya. "Tigilan mo nga ako--" kinuwelyuhan ko siya at iniyuko ng kaunti ang ulo para makita niya kung paano manilim ang paningin ko.
"Sasabihin mo o ipapa-rape na kita kay Kei?" banggit ko sa crush niya kaya namula ang buong mukha niya habang napasinghap naman ang babaeng na sa tabi ko.
"Haley naman!" bulyaw niya na isa rin sa nagba-blush. Nilingon ko siya't tinaasan siya ng kilay.
"Eh, kaysa naman ipalapa ko siya sa bakla?" sambit ko kaya inalis na ni Harvey ang pagkakahawak ko sa kanya't walang nagawa kundi ang ikwento.
Tumingin siya sa hindi kalayuan, "Fine! Dahil kasi sa dalawa kong kambal na pinsan, kaya ako nagkaroon ng... Ganito" sabay tayo niya at lumayo.
Nakakairita talaga, para ba kaming mga madudumi para layuan kami? P'wede namang pa-simple lang ang layo, 'di ba?
Humalukipkip ako't naglabas ng hangin sa ilong. Hinintay lang namin 'yong susunod n'yang sasabihin pero sumagot si Kei. "Sina Trixia at Trisha?" tukoy niya sa dalawang unfamiliar names.
Tumango si Harvey. "Yeah, my twin cousins."
May lahi pala silang kambal. Ngayon ko lang nalaman.
"They are pretty similar, ako ang palagi nilang ginagalaw every night, to the point na hindi na ako makatulog dahil nararamdaman ko na ang presensiya nila." I heard Kei's gasp, she put her hand on her mouth like she was too shocked to what she heard from this guy. Hey, don't be O.A.
"You mean, you're not virgin?!" kaya napaghahalataan din itong si Kei, eh. Bilis mag react, hindi pa nga tapos magpaliwanag 'yong tao.
Ipinatong ko ang kamay ko sa balikat niya habang hindi inaalis ang tingin kay Harvey na nakaupo ngayon sa upuan.
"That's not what he meant, Kei." aniya at pumikit para huminga ng malalim, "No worries, you will still be his first." bulong ko sa kanya na mas lalong nagpasinghap sa kanya. Great...
Gusto kong matawa kaso tumikhim na si Harvey kaya ibinaling na namin ni Kei ang tingin sa kanya, "Okay, continue"
Itinuloy na ulit ni Harvey ang maikling kwento n'ya. Gusto kong hikabin, promise.
"Ginagawa nila akong kickpad and punching bag, they always did those things every night, it happened 8 or 9 years ago if I'm not mistaken" gusto kong maawa kay Harvey kaso natatawa na lang ako. Kalalaking tao, hindi niya magawang pigilan 'yong mga pinsang n'yang babae.
Pero siguro kaya rin siya natuto sa ilan sa mga martials arts.
While me...
Natuto lang naman ako dahil ayun ang will ko and it's necessary siya para protektahan ang sarili ko. Hindi ko alam kung kailan 'yon nagsimula, basta ang alam ko lang ay nag e-ensayo na akong gawin ang self-defense ko.
Nagsalong-baba ako. "18 ka ngayon... That means, nung 8-9 ka 'non nang ginawa 'yon sa'yo, correct?" tumango s'ya bilang pagsagot.
"Those two doesn't stop not until they get satisfied, kaya dumating sa punto na nagtatago na ako sa p'wedeng pagtaguan basta hindi lang nila ako mahanap" tuloy lang niya sa pagkwento at humawak sa noo, "Ayoko ng magpakita o lumabas sa pinagtataguan ko 'pag nandiyan na sila..." iniyuko niya ang ulo niya, "Sa sobrang takot ko na mahuli, naramdaman ko na lang na may tumutulo na sa ilong ko, nahanap din ako that time ng mga pinsan ko pero hindi na nila itinuloy kung ano 'yong madalas nilang gawin sa 'kin"
Medyo weird ang kwento ng gynophobia niya pero nakinig pa rin ako, "Until the day when they stopped hurting or doing violent stuff, because they thought, I have some serious illnesses
Well, I did have, the one you called gynophobia, and that is when I started to avoid girls that I don't want them to touch me, pakiramdam ko... Masasaktan nanaman ako" mas siningkitan ko ang mata kong singkit. Now, I understand.
"Pansin ko ang paglayo mo sa mga babae pero hindi obvious sa 'yo na takot ka sa 'ming mga babae" hindi s'ya sumagot at inalis lang ang kamay sa noo upang tingnan ako.
Si Kei, para namang namangha sa nalaman. Mukhang may na-realized ang bruha.
Tinanggal ko sa pagkaka-krus ang mga kamay ko at taas kilay s'yang tinitigan sa mata.
"Siguro naman, gusto mong gumaling, hindi ba?" paniniguro ko.
Binigyan niya ako ng walang ganang tingin. Obviously, yes.
"Oo, mayroon bang wala?" sarkastikong tanong n'ya kasabay ang kanyang pag-ismid. Nakakapikon talagang kausap ang isang ito, ipa-rape kita sa bakla, eh. Animal.
Nagbuga ako ng hininga para pakalmahin ang sarili. Pagkatapos ay tinuro ko si Kei na taka naman akong tiningnan. "Try to date her" simpleng wika ko na nagpamuo ng kaunting tahimik.
Chance na rin 'yan ni Kei, saka as my sorry. Ako na ang gumagawa ng paraan para mas magkalapit silang dalawa. Ako ang magiging cupid nila.
Kung tatanungin n'yo ako kung anong klaseng blackmail ang ginawa ko kay Kei, nakita ko lang naman ang pangalan ni Harvey sa likod ng notebook niya kaya tinatakot ko siya na sasabihin ko kay Harvey na may gusto siya sa kanya kung hindi niya gagawin ang pinapagawa ko.
Like come on, ganoon ako kabait na tao.
Nagulat si Kei sa sinabi ko, tila para bang hindi niya alam ang gagawin niya dahil palingon-lingon siya sa amin ni Harvey.
"Huh? I don't understand, why is it me? P'wede namang iba, right?" pagpapasa ni Kei sa ibang tao. Duh? Siya lang naman ang pwedeng gumawa no'n. Alangan namang ako, 'di ba? Disgusting. Mamatay na lang ako ng maaga kaysa makipag date sa impaktong 'to.
Nginitian ko ang babaeng iyon, "No, sa pagkaka alam ko, ikaw lang naman ang babaeng close niya kaya dapat ikaw ang i-date niya" tiningnan ko si Harvey gamit ang peripheral eye view ko. Malayo rin ang tingin niya at hindi kumikibo sa pwesto.
It's nice that he didn't complain. Aba siyempre, gusto niya 'yong ide-date niya, eh. Nangingisay na 'yan deep inside.
Harvey tsked and turned his head to looked at ,e, "Para saan ba kasi at kailangan ko pa siyang i-date? Paano gagaling 'yong phobia ko no'n?" naguguluhang tanong ni Harvey habang hindi nagbabago ang kaninang ginagawang expression. Masyado siyang maraming tanong.
Bumuntong-hininga ako't pinitik ang buhok ko.
"Takot ka sa babae lalo na kung malapit sila sa'yo, 'di ba?" Tumango siya bilang sagot, "Para gumaling 'yan, kailangan niyang dumikit sa'yo" turo ko kay Kei, "Para masanay 'yang system and organ mo mapalapit sa mga babae. At sa gayon ay hindi na lumalabas 'yang dugo sa ilong mo" paliwanag ko at umiwas ng tingin. "Pero kung pwede lang, magtabi sana kayong matulog tuwing gabi para mas gumaling 'yang phobi--" hindi ko natapos 'yong gusto kong sabihin kasi bigla silang sumagot.
"HINDI!" sabay na sagot nila habang pulang pula ang mukha.
Augh, annoying brats.
Harvey's Point of View
Angat na ang araw, hindi kaagad ako tumayo at nagpalipas pa ng ilang oras. Ngayong araw na 'yong date. Sa kakaisip ko sa kung saan kami pwedeng gumala ni Kei ngayong araw, hindi ako nakatulog ng maayos.
Nag search ako ng galaan pero ni isa ro'n, wala akong mapili. Kaya bahala na lang din mamaya kung saan kami pwedeng dalhin.
Pero hindi sa sinasabi kong gusto ko ang plano na ginawa ng Haley na 'yon.
Gusto ko lang din gumaling ang phobia kung posible pa siyang ma-cure.
Ako rin naman ang makikinabang. Hindi rin p'wede na magiging ganito na lang ako palagi
Kailangan kong gumaling.
Umalis na ako sa kama at naghanda. Inagahan ko ang pagpunta sa meeting place dahil ayoko namang pinaghihintay ang babae.
Sa ngayon ay na sa tapat na rin ako ng bahay nila Kei at hinihintay ang paglabas niya.
Sinilip ko ang orasan ko. Sabi 8:30 pero 30 minutes siyang late!
Bakit ba ang babagal ng mga babaeng kumilos? Pero, sige okay lang 'yan, ngayon lang naman ito.
Sumandal ako sa sasakyan ko't humalukipkip. Maganda ang araw ngayon at mukha namang hindi uulan.
Maririnig sa hindi kalayuang puno ang mga kumakantang ibon at ang mga naglalarong bata sa kabilang street. Nalilibang naman ako habang naghihintay kaya hindi naman ako nabo-bored.
Mga ilang minuto pa ang nakakalipas nang makarating na siya dito.
"Sorry, I'm late" sabi ng pamilyar boses sa gilid ko. Humarap ako sa kanya at papagalitan sana siya noong matameme ako.
Nakasuot siya ngayon ng floral dress 'tapos medyo mataas ang heels na suot niya. Hindi siya nakatirintas ngayon at nakalugay lang ang brown niyang buhok. Iba tuloy ang itsura niya kaysa sa usual.
Sh*t.
"Harvey?" tawag niya kaya napailing ako at dikit-kilay s'yang tiningnan.
"Bakit nakasuot ka n'yan? Anong okasyon?" balewala kong tanong para hindi n'ya mahalata na nagandahan ako sa kanya.
Sumimangot siya, "It's our date, of course" sagot niya.
Tumagilid ako ng tayo at tinakpan ang bibig ko gamit ang likod ng palad ko. P*tang*na talaga.
"Tsk" tanging nasabi ko bago pumunta sa driver's seat. Hindi ko na ipinagbukas ng pinto si Kei dahil nauna na siyang nagbukas no'n.
"Where are we headed?" tanong niya pagka-seat belt n'ya.
"Sa forever" mahinang sagot ko. Hindi 'yon narinig ni Kei kaya pinaulit niya sa akin pero hindi na ako nagtangkang sumagot at pina-andar na lamang ang makina ng kotse. Ready to go.
***
MAKIKITA SA paligid ang ganda ng aquariums. Napaka asul ng paligid at ang liwanag din.
Sa Ocean Park kami pumunta dahil mas gusto niya raw'ng pumunta rito.
Tuwang tuwa siyang naglilibot-libot sa loob. May iba't ibang klaseng isda ang makikita sa kanan, kaliwa at itaas namin. Gawa sa bullet proof ang aquarium kaya kahit na ano namang gawin mong pagpukpok dito ay hindi siya kaagad masisira o mababasag.
Turo siya rito turo siya roon. Lakad diyan lakad dito. Takbo diyan takbo rito.
Hindi ba siya napapagod?
"Harvey! Picture-an mo 'ko rito!" pag-abot niya ng phone sa akin na kinuha ko naman.
Pumuwesto na siya 'tapos gumawa na ng sarili niyang pose. 'Di kaagad ako nakagalaw at napatitig lang sa kanya. Ngiting-ngiti siya habang naka-peace sign nang kumurap-kurap siya, "Harvey, nangangalay ako."
Napaawang-bibig ako at lumingon sa kaliwa't kanan ko, "Ah, oo." at itinapat ko na ang camera ng cellphone niya sa kanya. Pinindot ang click dahilan para makapag shot ito.
Lumingon siya sa kaliwa niya pero unti-unti rin akong tiningnan mula sa peripheral eye view niya, "Kunwari stolen." sabay kindat sa 'kin kaya ako naman itong napahawak sa noo ko. Nahihilo ako sa kagandahan niya.
Umiling na lamang ako't mabilis na tinapos ang pagte-take ng photo niya. Mayamaya pa noong ma-satisfied na siya ay kumapit naman siya sa braso ko't kinuha ang phone niya sa kamay ko.
Wala akong ideya kung sinasadya ba n'yang lumapit ng ganito sa akin o sadyang hindi lang niya namamalayan.
Walang emosyon kong tiningnan si Kei na nakatingin lang pala sa akin, binelatan niya ako kaya ibinaling ko ang tingin sa iba. Humiwalay na ako sa kanya pagkatapos, "Ayokong magselfie, ikaw na lang" hindi sa takot ako sa camera. Ayoko lang talaga 'yong nakikita ko 'yong pagmumukha ko sa litrato.
"Bakit naman?" medyo nanyayamot n'yang tanong.
"Do I really have to answer that?" pagkatanong ko no'n ay may nagbato ng empty coke in a can sa ulo ko.
Humawak ako sa likod ng ulo ko at kinuha ang can sa lapag na pinangbato sa 'kin. Inis kong hinahanap ang may gawa no'n nang ihinto ng mata ko ang tingin sa babaeng nakahalukipkip sa hindi kalayuan. Kunot ang noo na medyo taas pa ang mga kilay.
Sinundan pa n'ya kami?!
Itinaas ni Haley ang dalawa niyang mga kamay. Itinuro ang mga mata gamit ang hintuturo at gitnang daliri bago iyon matigas na itinuro sa 'kin. Parang sinasabi niya na pinapanood lang niya ako.
Kumunot ang noo ko nang may sinesenyas siya na hindi ko maintindihan. Nagkikibit balikat ako at napansin naman niya na hindi ko 'yon maintindihan kaya inilabas na niya ang phone niya para i-text ako.
Ilang saglit pa'y tumunog na 'yong phone ko at natanggap ang message niya.
From: Haley
Huwag mong tinatanggihan lahat ng request ni Kei, impakto ka! Kasama 'yan sa paggaling mo! 💥
Tiningnan ko si Kei na ngayon ay muli lang pinapanood ang mga isdang naglalanguyan sa tubig.
Nilapitan ko s'ya saka ko itinago ang phone ko, "Kei" tawag ko.
Humarap naman siya sa akin habang inaayos ang pagkakasabit ng bag niya sa kanyang balikat.
"I..."
Hinawakan na niya ang braso ko at inilapit sa kanya. Malapit lang kami sa isa't isa nang ilabas na niya ang phone niya at itutok sa amin.
"Cheese!" sabi niya at labas ngipin na ngumiti. Ayoko mang gawin ay sinubukan ko pa rin.
Pagkatapos namin maglibot-libot sa Ocean Park, pumunta na kami sa park malapit lang dito. Umupo kami noong makakita kami ng bench seat.
"Nakakapagod!" labas sa ilong na sabi ko nang ibagsak ko ang pwet ko sa upuan. Medyo namanhid na rin ang mga paa ko sa kakalakad. Bumuntong-hininga ako at nilingon si Kei na nagre-relax na sa pwesto niya. Malamang, napagod din 'to. "May gusto ka bang kainin?" tanong ko kay Kei na nakatuon lang din ang tingin sa akin.
"Sorry?"
Sumimangot ako. Hindi niya ako narinig.
"Sabi ko kung may gusto ka bang kainin? Hindi ka ba nagugutom?" muli kong tanong.
"A-ah, h-hindi naman ako gutom, k-kaya okay lang..." tinabingi ko ang ulo ko tapos tiningnan siya ng mabuti. Mas mapula yata siya ngayon?
Umaninag ang liwanag sa amin kaya napatingin ako sa ulap. Medyo mainit pero sakto lang naman ang temperatura sa katawan.
Hindi ba nakayanan ni Kei 'yong init?
"Are you okay?" hinawakan ko ang forehead niya para i-check siya.
"Harvey..." sinilip ko ang mukha niya.
"Hmm?-- O-oy!" She wrapped her arms to my neck, "K-Kei! A-ano nanaman ba 'tong--" napatigil ako sa pagsasalita at kaagad na napahawak sa ilong ko nang maramdaman ko ang malambot na bagay na nakadikit ngayon sa dibdib ko nang gumalaw siya. Hindi ako naniniwala na dibdib niya 'yong nakadikit sa akin. Sh*t!
"S-Sorry Harvey, pero magtiis ka muna sa ganitong position" nahihiya at paanas na sabi niya kaya lumunok ako.
Napapikit at inangat ang tingin, "Bakit sa ganitong lugar pa? May mga tao, oh?" hindi siya nagsalita at nakayakap lang sa akin, "Kasama rin ba 'to sa paggaling ko?" sunod-sunod kong tanong. Marahan naman siyang tumango.
"Y-yes... But it can't be helped! I don't want to do this but I want to help you!" pumikit ako ng mariin. Akala ko, sa shoujo manga ko lang mararamdaman at mararanasan ang mga ganitong pangyayari.
"Argh... 'Yong ilong ko..." at dahil sa napuno na ang liquid sa ilong ko, tumalsik sila.
"H-Harvey!" tawag niya nang makalayo na siya sa akin, tinawagan niya si Haley, "Ha-Haley! Si Harvey! Mamamatay na!"
Mamamatay kaagad?
"Huh?! Wait a minute! I'll be right there! Pero tadyakan mo para magising!" Rinig kong sabi ni Haley sa kabilang linya. Naka-loud speak lang kasi. Hay naku, ewan.
***
"SERYOSO!?" gulat na reaksiyon ng dalawa na sila Reed at Jasper. Si Rain naman naging bilog lang ang bibig. Marka sa mukha nila ang hindi makapaniwalang ekspresiyon kaya maski aso ni Jasper nakanganga.
Nasa bahay at kwarto na ako ngayon at nakahiga sa kama ko. Binisita nila ako pagkarinig nila ng balita kay Kei.
Pagkamulat na pagkamulat ko pa nga lang kanina, sila kaagad ang nakita ng mga mata ko.
Nawalan na ako ng malay pagkatapos akong labasan ng dugo sa ilong ng ilang minuto.
Magiging anemic na ba ako nito?
"P're, bakit hindi mo kaagad sinabi na may gano'n ka na pa lang phobia? Edi sana naiintindihan namin? Hindi mo ba kami pinagkakatiwalaan?" ngusong ani Jasper na imbes ikinatuwa ko dahil sa sinabi niya, nainis lang ako.
"Bakla ka ba?" asar na tanong ko sa kanya habang hawak ang nakasuksok na bulak sa ilong ko.
Sinuntok ni Jasper ang sariling palad, "Anong bakla?! Suntukan tayo ngayon, oh? " hamon niya kasabay ang pagtayo, "Ako?" turo niya sa sarili, "Bakla? Halikan ko pa si Kei makita mo lan-- " sinikmuraan na siya ni Haley bago pa man niya matapos ang sinasabi.
Napatingin ako kay Reed na bigla ring nagsalita, " But bro, you didn't have to hide it, iniisip mo siguro na sasabihan ka naming chicken o ano, hindi kami gano'-- Bakit kayo tumatawa? " lumingon din ako sa tatlong babae dahil tumatawa sila.
"But he's a real chicken" pang-aasar ni Haley. Hindi siya nagpakita ng kahit na anong ekspresiyon pero sigurado ako na humahalakhak ito deep inside. Great.
"No comment" medyo natatawang sabi ni Rain.
"Yeah, yeah" si Kei.
Tumayo ako at tiningnan sila,
"You kn--" may nagpoke sa likod ko kaya bigla akong napatingin 'don.
Si Rain.
"Wala namang lumabas na dugo sa ilong ni Kuya Harvey" medyo takang sabi niya.
Pero ilang saglit lang ay tumulo nanaman ang dugo sa ilong ko. Wala kasi talaga akong suot na pantaas kaya ramdam na ramdam ko 'yong balat niya.
"Hala!" sigaw ng lahat.
"Hindi mo dapat ginawa 'yon, Rain!" saway ni Haley sa kapatid ni Reed.
"Mawawalan na tayo ng tissue!" si Jasper habang naghahanap ng tissue sa cabinet ko. "Ba't may napkin dito?!" kay mom 'yan, hayop ka!
"OMG! Tumutulo! Tumutulo!" nagpa-panic na wika ni Kei.
Nagkakagulo na sila habang ako ay palihim lamang na napangiti.