Divina's POV
"Anak kailan mo ba balak bumalik sa lungsod" tanong ni mama
"Bukas po, tapos na po ang bakasyon ko" sagot ko kay mama.
"Tamang-tama, para maayos ko pa ang mga dadalhin mo kina Lyndoln" si mama.
Hindi ko masabi ang tungkol sa nasaksihan ko. Hanggang ngayon nanginginig pa ako kapag naaalala ko ang pagbabago niya ng anyo.
Wala sa sarili na nasalat ko ang sugat sa leeg ko, napapikit ako ng maalala ko kung paano niya ito dinilaan at kung paano lumakas ang kaniyang hininga.
Natatakot parin ako, ngunit gusto ko rin siyang makita.
Alam kong hindi niya ako kayang saktan, gaya noong una kaming magkita pagkatapos niya mawala.
Kung paano niya pinigilan ang sarili niya para lang hindi niya ako masaktan.
Ngunit hindi rin parin lingid sa akin na iba na siya at hindi niya ako kilala. Paano kung hindi na siya makapag-pigil at masaktan na niya ako?
"Hindi, hindi siya ganon" bulong ko sa sarili habang ipinipilig ang ulo.
Kinaumagan maaga pa umalis na ako ng bahay para makapunta kina Lyndoln ng maaga.
"Oh, iha mabuti at nagbalik ka" ang mama niya, habang kinukuha ang dala ko.
"Uhmmm... padala po ni mama" sabi ko.
"Naku ang mama mo talaga, hindi ako nakakalimutan tuwing babalik ka galing sa inyo" si Tita ulit.
"S-si Lyndoln po?" Tanong ko
"Ah... nasa silid niya, baka tulog pa. Gusto mo bang puntahan?" Si Tita ulit.
"Ah... sa susunod na lang po" sagot ko at nagpaalam na ako.
Gusto ko siyang makita ngunit natatakot din ako sa magiging reaksiyon niya kapag nakita niya ako.
Baka hindi niya na mapigilan ang sarili niya sa pagkakataong ito.
Minadali ko na ang pag-alis at sumakay sa unang taxi na dumaan. Kailangan ko nang pumasok ng opisina.
Lyndoln's POV
"May tao?" Bulong ko sa sarili.
"Parang pamilyar ang boses" minabuti ko na bumaba para malaman kung sino ang dumating.
"Oh, iho. Gising ka na pala? Sayang at hindi mo inabot si Divina" sabi ni mama.
"Divina?" Gulat na tanong ko.
"Oo, kaaalis lang niya" si mama ulit habang inaayos ang mga pagkain sa mesa.
"Saan ka pupunta?" Sigaw na tanong pa niya ng bigla na lang ako lumabas.
Mabuti na lang at hindi na siya humabol ng makalabas ako ng kusina.
Wala pang isang segundo ng maabot ko ang pintuan.
Para lang magulantang sa sinag ng araw.
Wala akong maaninag, wala akong makita kung hindi puro liwanag.
"Ma, bakit hindi mo ako tinawag?" Tanong ko kay mama ng makabalik ako sa kumedor.
"Tinanong ko siya kung gusto ba niya pumasok sa silid mo, kaya lang sabi niya hindi na daw at papasok pa siya sa opisina. Dinala lang niya itong mga padala ng mama niya" paliwanag pa ni mama.
Pumasok na ako sa silid ko na nag inis.
"Divina" bulong ko na naiinis, hindi ko napigilan ang paglabas ng pangil ko.
"Hintayin mong magdilim, gagalugarin ko ang buong lungsod para hanapin ka" bulong ko.
"Bakit niya ako iniiwasan kung nobyo niya ako?"muling bulong ko sa sarili.
T'saka ko pa lang naalala ang nangyari noong huli siyang pumunta sa silid ko.
Nasaktan ko nga pala siya, baka mga natakot ko pa siya ng sobra.
"Paano kung iwasan na niya ako ng tuluyan?" Tanong ko sa sarili.
Bakit ako nalungkot? Kusang napahawak ang kamay ko sa dibdib ko.
Inip na inip na ako, ang tagal magdilim ng kapaligiran.
Nais ko nang lumabas. Nanatili lang akong nakatayo sa bintana sa loob ng halos limang oras para hintayin ang paglubog ng araw. Nang makita kong papalubog na ito ay isinara ko na ang bintana.
Mahapdi sa balat ko ang tama ng araw sa takip silim.
At sa pagdilim ng kapaligiran, unti-unti ko ng naaaninag ang lahat.
Msbilis kong kinuha ang susi ng sasakyan, alam kong wala si mama kaya minabuti kong dumaan sa bintana kahit nasa ikalawang palapag ang silid ko.
Magtataka ang mga kasambahay kapag nalaman nilang lalabas ako samantalang ako ay bulag.
Mabilis akong tumawid sa mataas na bakod na hindi man lang namalayan ng guwardiya.
Agad kong tinungo ang sasakyan ko na itinago ko sa kakahuyan.
Magugulantang at mag hehesterya di mama kapag nalaman niyang nakakalabas ako sa gabi.
Paanong ang bulag na anak ay nagmamaneho at gumagala sa gabi.
Ipinarada ko ang sasakyan ko at piniling maglakad-lakad baka sakali na masino ko siya muli.
Nakasakay na ako ng elevator ng maamoy ko ang pamilyar na amoy.
Ito rin ang naamoy ko sa kaniya noong pumasok siya sa silid ko, kaparehong amoy din ng nasa kusina ako kaninang umaga.
Tinitigan ko ang babaeng kasama ko sa elevator, hindi ko siya malapitan dahil may isa pa kaming kasama na lalake.
Mabuti na lang at bumaba ito sa second floor.
" Is that your perfume?" Tanong ko sa kaniya.
"Huh? Uh... y-yes" sagot niya.
Tinanggal ko ang hood ko at tumingin ako sa kaniya.
"Do you know me?" Muling tanong ko.
"Uh...y-yes" muling sagot niya. Medyo hawig ang boses nila pero hindi ako sigurado.
Sinubukan ko siyang halikan. Agad naman siyang kumapit sa akin.
Agad kong pinindot ang button paakyat sa tuktok ng building.
Bumibitaw lang siya kapag may sasakay.
Hindi ko na napigilan ang sarili ko ng makarating kami sa tuktok. Agad ko siyang sinunggaban sa leeg para tikman ang dugo niya, nang mapansin ko na iba ang amoy niya.
Itinuloy ko na lang kaysa makagawa ako ng isa pang katulad ko.
Minabuti kong tumigil ng maramdaman ko na itong mangisay.
"DIVINA!" sigaw ko, galit na galit ako.
Ng may maalala ako.
"Bakit naamoy ko siya sa elevator? Ibig sabihin nandito siya sa mall?" Bulong ko at agad na akong bumaba at iniwan ang babaeng kasama ko kanina na ngayon ay isa ng bangkay.