Chereads / okA tokaT / Chapter 17 - Senorita 6

Chapter 17 - Senorita 6

Lyndoln's POV

Masyadong maliwanag ang ilaw, mabuti na lang at suot ko ang sunglasses ko. Kahit kanina ko pa nahahalatang pinagtitinginan ako.

"Mukha siyang artista" rinig kong sabi ng babae sa kalayuan.

"Mukha nga, baka artista kaya kahit gabi n naka sunglasses pa" bulong din ng kasama niya.

Halos malibot ko na ang buong mall ng maamoy ko ulit ang amoy niya, malapit sa comfory room.

"L-Lyndoln? Ikaw ba 'yan?" Boses ng lalake.

"Huh?" Sagot ko, hindi ko siya mabosesan pero pamilyar.

"Si  Chifer ito pare, so totoo nga hindi ka nakakakilala" sabi nito.

"Sinong nagsabi sa'yo?" Tanong ko, umaasa na tama ang isasagot niya.

"Si Divina" sagot nito

Bingo!

"Nasaan si Divina" muling tanong ko.

"Nasa CR, pare kayo pa ba? Gusto ko sanang ligawan kung hindi na kayo" sabi pa nito.

Pakiramdam ko nagliyab ako bigla at gusto kong ihiwalay ang ulo mula sa katawan niya sa narinig ko.

"Tutal, mukhang malabo naman na kayo" siya ulit.

"Sino ang nagsabi sa'yo?" Muling tanong ko, tiim bagang ako sa tao na ito.

"Wala naman, kaya lang palaging malungkot si Divina pare, tapos hindi mo na rin naman siya maalala, hindi mo na rin sinusundo, pare deserve niya maging masaya" si Chifer.

Tumigil ako ng maamoy ko ang hinahanap ko.

"Let's go" sabi nito.

Ng bigla ko siyang hilain sa braso.

"Ano ba? L-Lyndoln? A-anong ginagawa mo dito? Tanong nito.

Hinigpitan ko ang hawak sa mga kamay niya pagkatapos ay hinarap ko si Chifer.

"Hindi siya mapupunta sa'yo dahil sa akin lang siya sasaya" walang gatol kong sabi at hinila ko na si Divina.

Agad kaming bumaba ng parking lot at isinakay ko siya sa sasakyan ko.

"N-nakakakita ka na?" Tanong niya sa akin, habang nilalagay ko ang seatbelt niya.

Mabilis ko nang pinaandar anh kotse palabas ng building.

"Can you see me now?" Muling tanong niya.

"No!" Simpleng sagot ko.

"You can't see?" Gulat na tanong niya ulit.

"No, I can't see clearly" sagot ko.

"Oh my God! Lyndoln, what are you doing?" Pasigaw na sabi niya. Halata ang nerbiyos.

Lalo na ng idiniin ko pa lalo ang tapak sa gas. Halos sumigaw na siya sa takot.

"Ako ba dapat ang tinatanong mo niyan? Hindi ba ako dapat nagtatanong sa iyo niyan?" Inis kong sagot.

"Ano?" Muling tanong niya.

"What are you doing Divina? Bakit ka sumasama sa iba?" Tanong ko, pero bakit parang nasasaktan ako.

"Ha? Eh hindi lang naman si Chifer ang kasama ko, kasama ko din sina Jenny at Jaira. Nagkataon lang na pareho kami ng bus na sasakyan ni Chifer kaya kami nagsabay" paliwanag nito.

"Naiinis pa rin ako!" sigaw ko na nagpatahimik sa kaniya.

Ipinarada ko na ulit ang sasakyan sa kakahuyan sa likod ng bahay namin.

"A-anong gagawin natin dito?" Tanong nito sa akin pero hindi ko sinagot. Bagkus ay lumipat ako sa kinauupuan niya at tinanggal ang seatbelt niya.

"L-Lyndoln" kabadong sabi nito ng binuhat ko siya.

"Pikit" utos ko na sinunod naman niya.

Mabilis ko lang tinakbo at tinalon ang bakod hanggang sa silid ko habang buhat ko siya.

Dahan-dahan ko na siyang ibinaba sa kama.

"Naaalala mo na ako?" Muling tanong niya ng magmulat siya ng mata.

"Hindi" mahinang sagot ko.

Napansin ko siyang yumuko at maya-maya pa ay napansin ko ang pagkislap ng isang bagay sa pisngi niya.

Agad ko siyang nilapitan at hinawakan ito.

"Umiiyak ka? Tanong ko

" Bakit mo pa ako dinala dito, hindi mo rin naman ako matandaan?" tanong mo habang umiiyak.

"Hindi nga kita matandaan, kilala ka naman ng katawan ko. Pinapakabog mo dibdib ko, alam mo ba na marami na ang nakagat at napatay kakahanap ko sa'yo?" Sabi ko habang hinahawakan ang kamay niya.

"B-bakit?" Gulat na tanong niya.

"Dahil hindi kita matandaan, hindi ko nakikita ang mukha mo... tanging amoy mo lang at lasa ng dugo mo ang natatandaan ko" sagot ko. Nakita ko kung paano ka nagulat sa sinabi ko.

"K-kailangan mo ba ang dugo ko?" Tanong niya na kinakabahan.

"Hindi. Ikaw ang kailangan ko" sagot ko, at niyakap ko siya.

Hindi ko maintindihan, pero gusto kong gawin ito. Masaya ako na nahanap na kita at wala akong balak na pakawalan ka pa.

Niyakap niya rin ako pabalik at doon ko nasiguro na kailangan ko nga siya. Hinalikan ko siya ng malalim na sinagot din niya.

Hanggang sa unti-unti kong ibinaba ang halik ko at hinanap ang leeg niya, lalo akong nag-init ng maramdaman ko ang pag pintig ng pulso doon, kusang lumabas ang pangil ko at kinagat ko siya.

Sandaling kagat na magdurugtong at magbubuklod sa ating dalawa tungo sa walang hanggang pagsasama.

"Hindi na tayo maghihiwalay Senorita" bulong ko sa kaniya habang unti-unti siyang pinapahiga sa aking kama.

The End