Chereads / okA tokaT / Chapter 15 - Senorita 4

Chapter 15 - Senorita 4

Lyndoln's POV

"Nasaan ako, bakit wala akong maalala?" Tanong ko sa sarili.

Nagising ako sa isang lugar na hindi ko makita.

"Iiwan na kita dito, kailangan ko ng umalis. Sana ay maging masaya ka sa bago mong buhay" boses ng isang lalake.

"Sino ako? Bakit wala akong makita" Muling tanong ko.

"Malalaman mo rin, sanhi iyan ng pagka bagok mo at muntik mong pagkamatay" siya ulit.

"Babalik muli ang paningin mo, hindi ko lang sigurado kung kasama ang ala-ala mo" sabi nitong muli.

"Aalis na ako, parating na mga taong naghahanap sa'yo" siya ulit.

Naramdaman ko ang malakas na hangin.

"Ayon may tayo, siya na yata iyon" rinig kong sabi ng isa.

Masakit sa tainga ang mga yabag nila, rinig ko pati na ang mga bulungan nila.

Bakit ganito? Kahit wala akong makita, alam ko kung ilan sila, kung saan sila nakatayo at kung ano ang ginagawa nila.

"Sir, kayo pa ba si Lyndoln Guttierez?" Tanong ng isa.

"H-hindi ko alam" sagot ko.

"Siya nga  kamukha niya itong nasa litrato eh" sabat ng isa.

"Sir, kaya ninyo po bang maglakad?" Tanong nila.

"Pare, bulag yata si sir, tignan mo mata niya" sabi ng isa pa.

"Naku, malamang may naimpeksiyon sa mata mo sir" sila ulit.

Hanggang sa makarating na kami sa isang bahay.

"Anak, salamat at buhay ka" umiiyak na saad ng matandang babae.

"Wala akong makitang mali sa kaniya Mrs. Guttierez, hindi ko malaman kung paano siyang nabulag" sabi ng doktor na tumingin sa akin.

"Gusto ko ng magpahinga" wika ko. Hindi ko maintindihan, bakit ayaw ko ng liwanag. Sumasakit ang ulo ko kapag nasisilayan ko na maliwanag ang paligid.

"Oo sige anak, dadalhin na kita sa silid mo" ani ng matandang babae.

"Ano ang nangyayari sa akin? Sino ako? Nasaan ako?" Bulong ko sa aking sarili.

Nang marinig ko ang katok sa pinto.

"Lyndoln? Si       ito. Papasok ako ha" boses ng isang babae.

Naramdaman ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko.

Kilala ko ba siya?

"Lyndoln, anong nangyari sa iyo?" Siya

"Sino ka?" Gulat na tanong ko.

"Si Divina ito Lyndoln" sabi niya at naramdaman ko ang pag dantay ng kamay niya.

Nang maramdaman ko na may kinuha siya at nagsimulang umingay ang paligid. Galing ang tunog sa hawak niya.

Nagulat ako, sinakal ko siya.

"Lyndoln, si Divina ito" siya.

Nakaamoy ako ng amoy bulaklak, amoy masarap na pagkain.

Hinanap ko ito, at dinilaan.

Nanggagaling sa babaeng ito ang bagay na iyon.

Bakit nasasaktan ako sa pag-iyak niya.

Gusto ko na siyang kagatin ngunit nasasaktan ako para sa kaniya.

Lalo na ng malasahan ko ang dugo na nagmumula sa sugat niya.

Muli kong narinig ang impit na iyak niya, muli ko ring naramdaman ang sakit sa aking dibdib.

"Sino ka sa buhay ko" bulong ng isip ko.

Naguguluhan ako, pilit kong tinatanong kung ano ang papel ng babae na ito sa buhay ko.

"Labas" malakas na sigaw ko.

Bakit ako nasasaktan sa mga iyak niya?

Bakit mabilis ang kabog ng dibdib ko sa paglalapit namin?

Ano nga ulit ang pangalan niya?

"Divina"

Lyndoln's POV

Ilang araw din akong nagkulong dito sa silid ko. Bago ko nawawaan ang lahat ng nangyayari sa akin.

Unti-unti na rin akong nakakakita, ngunit wala parin akong matandaan sa aking nakaraan.

Ngunit parang may hinahanap ang aking katawan, parang may kulang sa akin na hindi ko maintindihan.

Nakakalabas na ako sa gabi para makahanap ng dugo ng hayop sa kakahuyan.

Muli kong dinama ang dibdib ko, muli kong naalala ang babaeng iyon na pumasok sa silid ko.

Sino siya at bakit niya pinakabog ang dibdib ko.

Nang maalala ko ang lasa ng dugo niya, muling nag-init ang pakiramdam ko. Para akong nauhaw kahit kagagaling ko lang sa kakahuyan.

"Ma, sino si Divina? Tanong ko sa babae  na ang sabi niya ay siya daw ang mama ko.

" Hindi mo rin pala siya naaalala" tanong niya sa akin.

"Hindi po" sagot ko

"She's the love of your life iho" si mama

"Nakakakita ka na ba?" Si mama ulit.

"Hindi pa po masyado, puro anino lang ang nakikita ko" sagot ko.

Ngunit kahit ganoon, daig ko pa ang nakakakita. Bawat galaw, bawat hininga, bawat ilaw alam ko.

Kahit hindi ko masyadong makita ang bawat eksaktong imahe o itsura ng bawat tao sa paligid ko. 

"Ipapakita ko sana iyong mga album ninyo, kaya lang hindi mo rin pala makikita." Si mama.

"Gusto ko pong subukan" pakiusap ko kay mama.

"Ha? O sige, sandali kukunin ko" si mama.

"Ako na po, sabihin ninyo na lang kung nasaan" ako, nais ko pa ring subukan ang kakayahan ko. Kahit puro anino ang nababanaag ko.

"Nasa silid mo, sa ibaba ng kabinet mo. Sigurado ka? Si mama ulit.

"Opo" sagot ko at umalis na ako para pumasok sa silid ko.

Agad ko naman nahanap ang sinasabi ni mama, gamit ang pakiramdam at pang-amoy ko.

Hawak ko na ang album, pilit kong sinisino ang laman nito. Pero wala talaga akong makita.

"Uhhh" inis kong sabi na ibinagsak ang album.

Alam ko na siya ang hinahanap ng isip ko at puso.

Gusto ko ulit siyang makita, hindi maalis sa isip ko ang amoy at lasa ng dugo niya. Pero paano ko siya mahahanap kung hindi ko alam ang itsura niya.

Isa lang ang alam kong paraan, kailangan ko lang makalabas dito.

Hahanapin ko siya, kahit saan pa ako makarating.

Una kong sinubukan ang paglabas ng sasakyan. Nahihirapan akong maka aninag sa liwanag. Nasisilaw ako na kahit pa anino ay hindi ko makita.

Muli kong sinubukan sa gabi, kahit hindi ko maaninag ang mukha naaanigag ko ang lahat.

Daig ko pa ang gumamit ng Night Vision Goggles, nakikita ko lahat ng bagay sa paligid ko pati na ang mga tao. Maliban sa kulay, hindi ko makita ang mga kulay.

Noong una ay umiikot lang ako sa village. Hanggang sa sinubukan ko na ang lumabas sa mismong lungsod.

Hirap ako na sinuhin at hanapin ka. Pero hindi ako titigil hanggat hindi kita nakikita.

Ikaw lang ang makakasagot ng mga katanungan na gumugulo sa isip ko at puso.

At dito nga ako napadpad sa bar na ito.

Nagulat ako ng marinig ko ang ringtone ng babaeng iyon, umasa ako na siya na ang hinahanap ko.

Pero iba ang amoy niya, lalo ko pang napatunayan na iba siya ng malasahan ko ang dugo niya.

Unang tikim ko sa dugo ng tao, kaya nahirapan ako na itigil.

Ngunit kung ito lang ang paraan para muli kitang mahanap, gagawin ko.