Hay" pinipilit ko pang imulat ang mata ko habang nang umaga na ito.
Napatingin ako sa labas ng bintana at nakita ko na maliwanag na nga sa labas.
"Umaga na? Bakit kaya hindi ako ginising nila mama?" Nagtatakang tanong ko at napatingin ako sa orasan na naka sabit sa pader.
"Huh? Alas nueve na?" Gulat kong sabi na nagpatayo sa akin sa kama.
Dahan-dahan akong bumaba ng hagdan papuntang kusina, para silipin si mama.
"Huh? Umalis si mama?" Nagtataka kong bulong sa sarili.
Aakyat na sana ulit ako ng hagdan pabalik ng silid ko nang maramdaman ko na may tao sa paligid ko.
" Tsk... heto nanaman eh. Kaya ayaw kong naiiwan mag-isa dito sa bahay eh." Bulong ko ulit habang nagmamadali sa pag-akyat.
"Pssst." Narinig kong may sumitsit sa likod ko.
Hindi ko sana papansinin pero
"Psst!" Muling sabi.
"Bakit ganoon? Dati nararamdaman ko lang sila. Bakit ngayon naririnig ko na?" Muling bulong ko.
Nagpasya pa rin ako na hindi ito pansinin. Hindi na baleng magutom ako mamaya. Nasaan ba kasi si mama?
"Huwag ka nang magkunwaring hindi mo ako naririnig noh, dahil alam ko na naririnig mo na ako" muling nay nagsalita sa likuran ko.
"My God, bakit naririnig ko siya?" Bulong ko sa sarili ko.
"Hoy! Diane" muling sabi nito at tumawa.
Napalingon tuloy ako sa kaniya ng hindi ko sinasadya.
"Sabi ko na eh, naririnig mo na ako" muling sabi nito na humagalpsk ng tawa.
Nagulat naman ako sa itsura niya.
"Hoy! Bakit ganiyan ka makatingin? May dumi ba ako sa mukha?" Muling tanong nito.
"W-wala, nagulat lang ako, akala ko kasi nakakatakot ang itsura kapag multo" sagot ko sa kaniya.
"Siyempre depende iyong kung paano ka namatay." Sagot nito sa akin.
"P-paano ka ba namatay?" Natatakang tanong ko sa kaniya.
" Hindi pa naman ako patay noh" sagot nito sa akin at yumuko.
"Sorry ha." Malungkot na wika ko.
"Bakit ka nag so-sorry? Nasa hospital pa ang katawan ko pero buhay pa ako" Natatawang tanong niya sa akin.
"Ha? Puwede pala iyon? Hindi pa patay pero nagmumulto?" bulong ko sa sarili.
Nakita ko naman siyang tumawa.
"Bakit ka tumatawa?" Nagtatakang tanong ko.
"Bakit ka ba kasi bulong ng bulong eh naririnig naman kita?" Tumatawang sabi niya.
"Talaga? Naririnig mo ako?" Gulat kong tanong sa kaniya.
"Oo, multo nga ako 'di ba?" Tumatawa pa rin na sagot niya.
"Hindi ka na ba natatakot sa akin Diane?" Seryosong tanong niya pagkalipas ng ilang sandali.
"Uhmmm... hindi na. Nagtataka nga rin ako eh." Sagot ko na totoo naman.
Kahit alam kong kakaiba pa rin ang itsura niya at kahit alam ko na multo siya, hindi na ako nakakaramdam ng takot.
"Ano nga pala ang pangalan mo at bakit ka nandito? Kilala mo ba ako?" Tanong ko sa kaniya.
"Jane, kilala kita, magkapit bahay tayo noh, bagong lipat lang kami sa tabi ninyo nang maatake ako sa puso" maikling sagot niya, nakita ko siyang umupo sa sofa.
"Napapagod ka rin ba Jane?" Tanong ko sa kaniya.
"Oo, siguro kasi buhay pa ang katawang lupa ko." Sagot niya at ngumiti.
"Ahhh... ganoon pala 'yon?" Natatawang sabi ko.
"Hindi ka ba nagugutom Diane?" Nakangiting tanong niya sa akin.
"Nagtataka nga rin ako, hindi ako nagugutom." nagtatakang sagot ko.
"Gusto mo bang lumabas Diane?" Muling tanong niya sa akin.
"Saan naman tayo pupunta?" Tanong ko sa kaniya.
"Diyan lang, ikot lang tayo sa parke" nakangiting sabi niya.
"Ahhh... sige. Siguro nabubulok ka na rin dito sa bahay. Ako rin eh, parang ilang araw na akong hindi lumalabas." Sagot ko sa kaniya.
At lumabas na nga kami ng bahay. Hindi na ako nag atubili na magpalit dahil maayos naman ang suot ko.
"T-teka, bakit parang ito pa rin ang suot ko kahapon?" Nagtatakang tanong ko sa sarili.