Divina's POV
"Babe, sama ako kina Alec mag hiking sa Mt. Tumulag" sabi mo
"Ha? Kailan?" Gulat na tanong ko.
"Bukas kami aalis, tapos 2 days kami doon, bale four days tayo na hindi magkikita" siya.
"Oh, okay." Sabi ko
"Okay lang?" Tanong niya
"Ingat ka" ako ulit
"Ingat lang?" Siya ulit.
Natawa na lang ako sa kaniya.
"Ano ba ang gusto mo na sabihin ko?" Tanong ko
"Hindi mo ba ako pipigilan?" Siya ulit habang nakatingin na sa akin.
"Eh bakit naman kita pipigilan? Break naman tapos sina Alec naman kasama mo" sabi ko.
"Okay! Mami-miss kita" sabi niya na hinila ako palapit sa kaniya.
"Mami-miss din kita" sagot ko.
Paano na hindi kita mami-miss kung araw-araw ganito ang ginagawa mo sa akin? Sabi ko sa sarili ko habang tinititigan ang lalake na nakahawak sa kamay ko.
"Babe, andito na kami kina Alec naghahanda na kami ng pag-akyat sa bundok" sabi mo sa telepono.
"O-okay" sagot ko. Miss na miss kita, unang araw na hindi tayo magkikita.
"Babe, wala daw signal sa tuktok eh. Baka bukas na ng gabi kita matawagan ulit pagkababa namin" sabi mo ulit.
"Ha? Gano'n ba?" Sabi ko, pakiramdam ko matagal kita na hindi makikita.
"Tatawagan agad kita promise, at mag-iingat ako" sabi mo pa
"Dapat lang, maghihintay ako sa'yo" sagot ko
"Senorita, good girl ka diyan ha at huwag kang gagala kasama ng iba. Huwag ka rin iinom na wala ako" sabi mo ng seryoso.
"Opo" natatawang sagot ko.
" I love you, my senorita" sabi mo na natatawa.
"Nainggit ka yata sa ringtone ko eh, share ko sa'yo" sabi ko ng natatawa.
" Huwag mo papalitan ha, para iyan susundan ko kahit malayo ka" sabi mo pa.
"Adik! Sige na, ingat kayo ha" sabi ko ng natatawa sa kalokohan mo.
"I love you" ikaw
"I love you too" sagot ko, at niyakap ko ang telepono pagkatapos natin mag-usap.
Baka sakali na maramdaman parin kita. Nami-miss kita, pero hindi ko masabi. Ayoko na sirain ang bakasyon mo. Kilala kita, isang salita ko lang
"Bakit kaya hindi pa tumatawag iyon? Hindi pa kaya sila nakababa" tanong ko sa sarili habang tinitingnan ang hawak ko na telepono.
Napatingin ako sa orasan, alas nueve na ng gabi.
Napag desisyunan ko na subukan na tawagan siya.
"Cannot be reach? Hindi pa kaya sila nakababa?" Bulong ko.
Sinubukan ko na mahiga, pero hindi ako mapakali. Maya't-maya ay sinusubukan ko siya tawagan. Pero gano'n parin, cannot be reach parin ang telepono niya. Kinakabahan na ako. Gustong-gusto ko ng umiyak.
Hanggang sa hindi ko na namalayan ang pagtulo ng luha ko. Hindi ko maintindihan pero takot na takot ako.
"Lyndoln, tawagan mo na ako." Bulong ko habang nakatingin parin sa hawak ko na cellphone ko.
"Lyndoln please, natatakot na ako" muling bulong ko habang yakap ko na ang cellphone ko.
Naalimpungatan ako ng marinig ko na nag ri-ring ang cellphone ko.
"Hello!" Agad kong sagot.
"Hello, Divina?" Sabi ng nasa kabilang linya.
Tinignan ko ang pangalan, numero ni Lyndoln pero bakit iba ang boses.
"H-hello sino ka? B-bakit nasa iyo ang telepono ni Lyndoln?" Kinakabahan na tanong ko.
"Hello, Divina, si Alec ito, ano kasi Divina, may nangyari kasi" nauutal na sabi ni Alec.
" Anong nangyari?" Gulat na tanong ko, tuluyan na ako na napatayo mula sa upuan kung saan ako nakatulog.
"Divina... nawawala si Lyndoln" si Alec.