Tae"
"Sige na ituloy na natin mamaya" si Anton.
"Taena, tapos kakaripas" natatawang sabi ni Jeff.
"O sige, ang maunang tumakbo siya taya bukas ng lunch" si Junie
"Sige!" Sabay-sabay na sabi ng buong tropa.
"Ano ba ang luwang naman ng kalsada eh" Si Jen, habang itinutulak ang tropa niya palayo sa kaniya.
"Sigurado ba kayong may makikita tayo dito?" Tanong ni Tibby.
"Humawak kayo kay Ella, para sure" bulong ni Jane.
"Ayaw ko nga! Baka makita ko pa lahat" si Chenie.
"Oh eh bakit pala tayo nandito?" Si Junie
"Ghost hunting?" Sabay-sabay ulit nilang sagot.
"Tapos ayaw ninyo makakita, ano pala i-hunt ninyo?" Si Junie
"Eh kasi nga daw, maganda daw iyong chicks na isinabit doon sa puno" Si Boyet
"Ay gago! Daming chicks sa school, doon pa talaga tayo maghahanap" tumatawang sabi ulit ni Antong.
"Eh, nandiyan naman si Ella" bulong ni Boyet.
"Ano ba akala ninyo sa akin anting-anting?" Banas na tanong ni Ella.
"Hindi! At least kapag kasama ka namin mas ramdam namin eh" si Boyet ulit.
"Buset!" Pairap na sagot ni Ella sa tropa niyang nagtatawanan.
Kinagabihan nagsama-sama nga para sa kalokohang naisip nila.
"Nakikita ninyo ba iyong puno na 'yon? Doon daw siya isinabit" turo ni Ella sa isang puno.
"Ella, sabihin mo kapag may nakita ka ha" si Jen, na halata namang takot na.
"Oo, sige. Siguraduhin ninyo lang na hindi kayo tatakbo ha" paniniguro ni Ella habang itinuturo sila Jen.
"Oo, kami pa" Si Ruru.
"Wala naman yata, malapit na tayo sa puno wala pa akong nakikita" si Anton. Pagkalipas ng isang oras na pag tambay nila malapit sa puno.
"Uwi na tayo, inaantok na ako" si Jen.
"Ayan oh taxi! Parahin na ninyo" si Chenie
"Huh?! Bawal ba magsakay dito? Bakit ayaw nila tumigil?" Si Jen habanf nililingon ang taxi na palayo.
"Huh? Problema no'n? May nakalimutan?" Sabi ni Chenie na natatawa sa sumunod ba taxi. Tumigil lang ito sandali, pagkatapos ay umalis na rin.
Ilang taxi pa ang sinubukan nilang parahin pero hindi sila tinigilan ng lubusan.
"Baka bawal dito magsakay" si Jen
"Grabe! Ala-una ng madaling araw, bawal parin magsakay?" Si Anton na tinignan si Jen.
Maya-maya ang nagsalita si Ruru.
"May nakikita daw si Ella" sabi nito habang matindi ang kapit kay Ella.
"Weh? Patingin?" Si Anton na papalapit sa dalawa.
"Ako din" si Jeff.
"Dito bilis!" Sabi ni Ruru.
"Ayon oh, nakikita ninyo?" Tanong nito.
"Joke ba ito Ru?" Si Anton.
"Hindi! Kaunting atras pa" si Ruru ulit, habang hinihila ang damit ng dalawa para umatras.
"Ay! fruita!" Si Anton
" Ay! Hayup!" Si Jeff
Sabay silang tumingin kina Ruru at Ella na inumpisahan ng tumakbo palayo sa dalawa.
Pagkatapos ay tumingin sila sa paa nila.
"Ang gagi!" Inis sa sabi ni Anton habang ikinukuskos ang paa sa damuhan. Ganoon din si Jeff. Pagkatapos ay tinanggal ang sapatos at isa-isang hinabol ang ibang miyembro ng tropa nila para ipahid ang tae na natapakan nila.
Kakatakbo medyo napalayo na sila sa pinanggalingan nila.
Nang may tumigil na taxi sa harap nila.
"Sumakay na kayo!" Sigaw ng driver.
Agad namang sumakay ang magbabarkada.
"Kuya, parang kayo po iyong tumigil sa harap namin knina?" Tanong ni Ella
"Oo, ako iyon. Ilang beses pa akong nag-isip kung babalikan ko kayo eh." Si manong driver.
"Ay! Eh bakit po ba ninyo kami hindi isinakay kanina?" Tanong ni Anton na nasa tabi ng driver.
"Hindi ko kayo isinakay, kasi may kasama kayong babae na mahaba ang buhok kanina" sabi ni kuya driver habang tinitignan kami isa-isa.
"Ha? Saan po banda?" Tanong ni Ella.
"Hindi mo ba nakita?" Si manong ulit.
"Hindi po eh, saan po siya nakatayo?" Si Ella ulit.
Tumingin muli si manong driver kay Ella at sinabing,
"Katabi mo."
-Anino