Chereads / okA tokaT / Chapter 4 - Limang Araw

Chapter 4 - Limang Araw

Limang Araw"

"Lee! " sigaw ko habang iwinawagayway ko ang mga huli kong isda.

"Halika na, para maluto na natin 'yan" sigaw mo pabalik. Nakita ko nanaman ang ngiti mo.

"I'm starving!" Sabi ko habang inaabot ko sa iyo ang mga huli ko.

Tinignan mo lang ako at ngumiti.

"Ah, sabi ko gutom na ako" maikling paliwanag ko.

"Ano ba ang nais mo na pagkakaluto nito?" Muling tanong mo.

"Ikaw ang bahala" sagot ko at hinalikan kita sa noo.

Para lang makita ko muli ang ngiti mo.

"Sige, magpahinga ka muna habang nagluluto ako" ikaw ulit.

Minabuti ko na pumunta sa likod ng bahay para magpahangin.

Nang mapatingin ako sa kalendaryo na naka sabit sa pintuan ng bahay natin.

"Tatlong araw na lang Luke" bulong ko sa sarili. 

Pinigilan ko ang luha sa aking mga mata, dahil ayaw ko na mag-alala ka.

"Mahal na mahal kita Lee" bulong ko sa iyo bago tayo matulog. Ipinangako ko sa sarili ko na mamahalin kita hanggang sa huling sandali.

Dalawang araw

"Nais kong mamasyal sa ilog" sabi mo na pinagbigyan ko naman.

"Lee, can I ask you something?" Tanong ko sa kanya. Huli na ng may maalala ako.

"May itatanong sana ako sa'yo"  sabi ko ng nakangiti.

"Ano iyon?" Ikaw

"Ano ang pinagkakaabalahan mo dito dalawang taon na ang nakaraan?" Tanong ko.

Nagulat ako ng makita kita na tumawa.

"Ano ba ang dapat ko pagkaabalahan dito? Eh 'di ikaw, sino pa ba? Tatlong taon na tayong kasal kaya ibig sabihin, tatling taon mo na rin akong binobola" natatawang sabi mo.

"Tatlong taon?" Bulong ko sa sarili.

"Ako ay nagugulumihan minsan sa iyo irog ko, para bang ikaw ay nanggaling sa ibang lugar na napakalayo" sabi mo habang tinititigan ako.

"Ha? Hindi nakalimutan ko lang siguro" sagot ko sa'yo, pagkatapos ay niyakap kita ng mahigpit.

Baka sakaling hindi mo na ako tanungin muli.

Sa gabing ito muli kong ipinaramdam sa iyo ang pagmamahal ko. Nàis ko na maalala mo ako hanggang sa huling sandali.

Huling araw

"Ito na ang araw na iyon" bulong ko sa sarili.

Tinignan ko ang araw sa kalangitan.

"Oras na" muling bulong ko.

Nakita ko ang pagpasok ng tatlong kalalakihan sa ating munting tahanan.

Nais ko na lumaban, ngunit alam ko na hindi maari.

Ang tanging nagawa ko ay yakapin ka habang unti-unti nila tayo na pinapatay.

Naramdaman ko ang pag tagos ng kanilang sandata sa aking likuran hanggang sa ikaw ay maabot nito.

"Patawad" tanging nasambit ko, ng makita kita na panawan ng buhay.

Hanggang sa hugutin ko ang huling hininga sa dibdib ko.

"Luke!" May naririnig akong boses

"Luke!" Muling tawag sa akin

Binuksan ko ang mga mata ko. At nakita ko na ang pamilyar na paligid sa aking silid.

"Nagkita ba kayo?" Tanong ng matanda sa akin.

" Opo" sagot ko ng hindi tumitigil sa pag-iyak.

"Nagawa mo ba ang nais mong gawin?" Muling tanong nito

"Opo" sagot ko habang yumuyugyog ang balikat sa pag-iyak.

Habang inaalala ang dahilan ng aking pag-iyak.

Bumalik ako sa nakaraan, isan-daang taon na ang nakaraan para matahimik sa paulit-ulit kong panaginip, sa nakaraan kong buhay.

Sa huling limang araw kung saan hindi mo nakasama ang iyong asawa, kung saan nadatnan ka niya na wala ng buhay.

"Matatahimik ka na Lee" bulong ko, habang pinupunasan ang luha sa aking mga mata.

Kahit alam ko na ako ang hindi na matatahimik dahil sa iyo.

-Ano-