Chereads / okA tokaT / Chapter 5 - Nanay

Chapter 5 - Nanay

Me and my boyfriend were having our dinner, ng makita ko ang matandang babae sa labas ng restaurant kung saan kami kumain.

"Hon, kanina pa nakatingin iyong matandang babae sa labas" sabi ko sa boyfriend ko.

" Ah, si nanay Lydia iyan, hinihintay siguro ako" naka ngiting sabi ni Leo, ang boyfriend ko.

"Kilala mo? Ang creepy ha. Hindi ko naisip na may kaibigan kang ganiyan ang itsura" sabi ko ng natatawa.

" Naghihintay kasi siya ng ibibigay ko na pagkain" si Leo ulit.

"What? You're going to feed her? Seryoso ka?" Ako na natatawa.

" Wala naman akong makitang masama doon" si Leo ulit.

Natatawa pa rin ako sa kanya. Kahit ang seryoso na ng mukha niya. Pinili ko na lamang ang manahimik at baka lalong mainis sa akin.

Pagkatapos namin kumain ay ipinabalot niya ang mga natira naming pagkain.

"Para siguro sa matandang gusgusin na naghihitay sa labas" naisip ko.

Pagkalabas namin ay sinalubong agad kami ng matanda.

"Eto po 'nay para sa mga bata" si Leo, habang inaabot ang pagkain sa matanda.

Hindi ko na sila pinansin at nauna na akong sumakay sa sasakyan, nakakahiya na may makakita sa akin na kausap ang matanda.

"Sakay ka na 'nay para maka-kain ka na din" offer ni Leo sa matanda na lalong ikinainis ko.

"Salamat anak" rinig ko na sabi ng matanda, at sumakay na nga ito sa likod ng kotse.

Amoy na amoy ko pa ang mabahong amoy niya. Pinili ko na lamang takpan ang ilong ko habang nagbibiyahe.

"Andito na po tayo 'nay. Kain na" si Leo

Nagulat na lang ako ng maramdaman ko ang paghaltak sa akin matanda papunta sa likuran,

Kasabay ng sakit ng makita ko ang duguan kong tiyan, habang dinudukot niya ito ng kaniyang sariling kamay.

"Masarap talaga ang mga taong maitim ang budhi anak" sabi pa nito habang isinusubo ang bituka ko na nakakabit pa sa tiyan ko.

"Paka busog ka nay" narinig kong sabi ni Leo ng nakangiti habang naka tingin sa akin.

-Anino