Dalaw"
Masaya ako dahil araw ngayon ng dalaw ni Evo.
Tuwing sabado ko siya inaabangan sa upuan na ito. Dito sa malawak na parke.
Inaalala ko ang bawat sandali sa tuwing nandito siya. Pinapakinggan kong mabuti ang bawat salitang binibigkas niya. Gusto kong panoorin ang bawat tawa niya. Palagi kong hinihintay ang pag awit niya, kasabay ng pagtugtog niya ng gitara.
Sampung taon na kaming magkasintahan noong nagplano ng isang masayang kasalan. Hindi ko makalimutan ang araw na iyon, noong alukin niya ako ng kasal sa itaas ng entablado kung saan kami tumugtog. Iyon na siguro ang pinaka-masayang araw ko.
Natigil ang pagmumuni-muni ko ng makita kong paparating na ang sasakyan niya. Tumayo ako at inayos ang bistida kong suot. Nakita ko siyang lumabas ng kotse, nagulat ako ng umikot siya sa passenger's seat at may bumabang babae.
Tinitigan ko ang magkahawak nilang mga kamay habang naglalakad papalapit sa kinauupuan ko.
Hindi ko inalis ang mga tingin ko kay Evo hanggang sa magsalita siya
"Sage, I have something to tell you." Nakangiting wika ni Evo habang naka yuko.
"Ano 'yun Evo?" Tanong ko sa kanya.
" This is Mia, she is my new girlfriend" pakilala mo sa babaeng kasama mo.
Tumulo ang luha ko... ngunit hindi kita pinigilan.
Bagkus, nilapitan kita at hinalikan. Ayoko sanang matapos ang sandali ngunit kailangan na kitang bitawan.
" Salamat Sage" iyan ang binigkas mo habang tumutulo ang luha mo.
Pinanood kita ng muli mong hawakan ang kamay niya at sinabi mong
"Thank you for waiting for me, Mia" at pinanood kitang tumalikod at iwan ako kasama siya.
Ang sakit ngunit wala akong magawa, kung hindi ang palayain ka. Gaya ng pagpapalaya mo sa akin ngayon.
Hinawi ko ang luhang walang tigil sa pagtulo sa aking pisngi... pinilit kong ngumiti.
" Masaya akong aalis, dahil masaya ka na" wika ko sa sarili, habang tinitignan ang mga bulaklak na ibinaba mo kung saan dalawang taon nang nakalagak ang aking katawang lupa.
-Anino 🖋-