Arman, malayo pa ba tayo?" Tanong ko sa asawa ko.
"Malapit na" sagot naman nito na hindi inaalis ang tingin sa kalsada.
"Bakit ba kasi kailangang sa inyo pa ako manganak?" Tanong ko muli sa kaniya.
"Iyon kasi ang gusto ni nanay, mahirap na daw kasi at kabuwanan mo na. Marami ng aaligid na tiktik" siya ulit.
"Ha? Tiktik? Naniniwala pa kayo doon?" Natatawa kong tanong sa kaniya.
"Hindi mo ba nabalitaan iyong nangyari kay Leny? Natagpuan na wakwak ang tiyan niya?" Siya ulit.
"Ang sabi ng mga pulis, pinasok lang daw sila ng masasama ang loob" sagot ko.
"Sabi lang nila 'yon, alangan sabihin nila na pinatay ng tiktik. Kita mo nga at nawawala ang bata sa sinapupunan niya?" Muling sabi nito.
Kinilabutan naman ako sa narinig ko.
"Oo nga, nawawala ang sanggol sa sinapupunan niya" pagsang-ayon ko.
"Huwag kang mag-alala mababantayan kang mabuti sa amin" sabi nito.
"Pero marami naman nang nagroronda sa gabi sa atin" ako ulit.
"Ano naman ang panama nila sa tiktik?" Natatawang sabi nito.
"Pero mula noong nag ronda na sila, wala na ulit sumunod na biktima" sagot ko pa.
"Mas mabuti na ang sigurado hon" simpleng sabi lang niya.
Pinili ko na lang ang manahimik kaysa makipagtalo sa kaniya.
"Mano po 'nay" bati ko sa nanay niya sa sumalubong sa amin.
Kita ko rin ang mga tao sa paligid na nakatingin sa amin.
"Pumasok ka, bilisan mo" nagmamadaling utos ng nanay niya.
"B-bakit po?" Naguguluhang tanong ko.
"Makikita nila ang tiyan mo, mabango ang amoy ng isang buntis para sa mga tiktik" sagot nito ng nasa loob na kami ng bahay nila.
"Parang mas marami yata akong katatakutan dito" bulong ng isip ko.
"Huwag kang mag-alala, hanggat nandito ka sa loob ng bahay ko, hindi ka nila magagalaw" sabi pa nito.
Kinagabihan, hindi ako dalawin ng antok. Marahil ay namamahay ako. Dagdag pa ang malikot na galaw ng bata sa sinapupunan ko.
Nang may maramdaman ako na ingay sa bubong ng bahay.
Hanggang sa makita ko na ang tila sinulid na unti-unting humahaba at bumababa patungo sa aking tiyan.
"Arman!!!" Malakas kong sigaw, na siya namang pagpasok ng biyenan kong babae sa kuarto.
"Ano ang?" Napatigil ito ng makita niya ang bagay na tinutukoy ko.
Agad niya itong hinila ng malakas, pagkatapos ay biglang binitawan.
Umiiyak akong napatakbo sa kaniya.
"Tama na, nandito lang ako" sabi nito.
"N-nasaan po si Arman?" Tanong ko.
"Hindi pa siya bumalik mula kaninang umalis para makipag-inuman sa mga kaibigan niya." Sagot nito.
Mabuti na lang pala at nandito ang nanay niya, kung hindi nalapa na ang anak namin.
Kinaumagahan, nakita kong nag-uusap silang mag-ina. Marahil ay pinagsasabihan siya sa nangyari kagabi.
Minabuti ko ang magpahangin sa labas para makapag lakad-lakad na rin.
Nang mapansin ko ang matanda na nakatingin sa akin.
Medyo kinabahan ako ng lumapit siya.
"Iha" sabi nito at hinawakan ang braso ko para mapigilan ako sa pag-alis.
"Kunin mo ito, itago mo bilisan mo" abot niya sa akin ng isang purong pilak na hugis kutsilyo.
Agad ko naman siyang sinunod. Itinago ko ito sa bulsa ng bistida ko.
"Huwag mo itong iwawaglit sa katawan mo, magagamit mo iyan mamayang gabi" sabi pa nito at umalis na.
Siya namang paglapit ng asawa ko.
"Kinausap ka ba ng matanda na 'yon?" Tanong niya.
"Ha? Hindi, hindi naman yata siya nakakapagsalita" pagsisinungaling ko.
"Akala ko kinausap ka eh, baliw kasi 'yon" sabi pa nito at hinila na ako papasok.
"Napano iyang bibig mo?" Tanong ko ng mapansin ko ang pamumula ng paligid ng labi niya.
"Ha? Napaso ako doon sa sabaw na niluto ni nanay" sagot nito.
Hindi na ako sumagot, ngunit nagduda parin ako ng kumain kami at wala namang sabaw na nakahain.
Minabuti ko na lamang ang manahimik.
Muli kong kinapa ang ibinigay sa akin ng matanda na nasa sa bulsa ko.
Naguguluhan man ako, mabuti nang sigurado. Baka bumalik muli ang tiktik mamayang gabi.
Kinagabihan, nagising ako sa ingay na nagmumula sa bubong. Kinapa ko ang kutsilyo sa ilalim ng unan ko.
Nang biglang pumasok si nanay sa silid namin. Hinila niya ang unti-unting bumababa na sinulid mula sa kisame.
Nagulat ako ng malaglag ito sa loob ng silid mula sa bubong.
"A-Arman?" Gulat na sabi ko ng makilala ko ang suot niyang damit.
Nakita ko siyang palapit sa akin habang naghahaba ang dila.
Nang bigla ulit siyang hilain ng kaniyang ina. Kitang-kita ko kung paano siya bumalibag sa pader. Pati na ng tapakan ng kaniyang ina ang katawan niya.
"Binalaan kita, hindi ka nakinig kaya magpasensiyahan tayo" sabi nito, sabay labas ng gunting na malaki.
"HUWAG!!!" malakas na sigaw ko ng isaksak niya ito sa dibdib ng anak niya.
Hindi ko lubos maisip na ang asawa ko ang tiktik, kaya pala niya ako inilayo sa lugar namin dahil hindi na siya makapam biktima.
Pinanood ko ng higitin nito ang huling hininga niya.
At nang unti-unting lumapit sa akin ang kaniyang ina.
Habang unti-unti ring nagbabago ang itsura nito.
"Tulong!!" Sigaw ko habang umiiyak.
"Walang maglalakas loob na tumulong sa'yo dito, dahil alam nila na uubusin ko ang lahi nila" sagot nito.
Nakita ko ang pagtalon niya mula sa kinatatayuan niya palapit sa akin.
Takot na takot ako. Habang hawak ko ng mahigpit ang punyal sa likod ko.
Nilakasan ko ang loob ko na itutok ito sa kaniya ng papalapit na siya sa akin.
Pinanood ko siya kung paano siya maghirap sa sakit. Kung paano siya mamilipit sa sahig.
Hanggang sa unti-unti na rin siyang panawan ng buhay.
Kinaumagahan, lumapit muli sa akin ang matandang lalake.
"Ang aga mo naman magsunog iha" sabi nito.
"Opo, sinunog ko na ang mga salot" sagot ko.
"Maraming salamat nga po pala dito" sabi ko habang inaabot ang punyal sa kaniya.
Ngunit tinignan lang niya ito at ngumiti.
"Kakailanganin mo pa 'yan" sabi nito at umalis na.
Naguluhan man ako sa sinabi niya, itinago ko na rin ang punyal.
Nagsimula na akong mag-ayos ng gamit pabalik sa lugar namin. Mas ligtas ako doon, lalo na ngayong wala ang asawa kong tiktik.
Maayos na akong nakapanganak, makalipas ang isang linggo pagka-uwi ko. Isang linggo na rin akong balo.
Iniisip ko parin kung bakit hindi kinuha sa akin ng matanda ang punyal.
Nasa harap ako ng salamin habang iniisip kung ano pa ang silbi ng punyal na ito sa akin.
Nang mapansin ko ang sanggol ko sa kama na nagising na.
Nagulat ako ng unti-unti itong bumangon mula sa higaan niya, lalo na ng makita ko ang pagbago ng itsura niya. Pati na ang pag-amba niyang talunin ako. Kitang-kita ko ang lahat sa salamin.
Nilingon ko siya sa kama at laking gulat ko ng makita ko ulit siyang nakahiga.
Muli kong nilingon ang salamin, at ganoon muli ang aking nakita.
Ngayon alam ko na kung bakit sinabi ng matanda na kakailanganin ko pa ito.
Hinintay ko ang muli niyang pagtalon papunta sa akin. Na sinabayan ko ng pagharap sa kanya, habang nakatutok ang punyal.
Bumagsak siya sa lapag ng nangingisay.
Hindi ko napigilan ang pag daloy ng luha ko ng makita ko siyang malagutan ng hininga.
"Anak" bulong ko habang umiiyak.
The End.