Chereads / Heal My Wounds Once Again / Chapter 14 - Simula Ngayon

Chapter 14 - Simula Ngayon

"Sir Lann, pwede po ba kitang tanungin?"

".. Bakit? Ano 'yun?"

"Sir, kung sakaling dadaan po kayo sa bahay ni Gussion pakisabi po na magpagaling na po siya sa maslalong madaling panahon, kase malungkot po kapag kulang kami ehh, tsaka. Pakisabi na rin sa kanya na 'salamat', 'yun lang po Sir, salamat po." mahinahong sinabi ni Ezekiel at umalis na agad ito.

Pinauna nang pauwiin ni Ezekiel si Chelsea kaya naunang umuwi sa kanya si Chelsea. Habang naglalakad si Ezekiel pauwi sa kanilang bahay ay nakita nanaman niya ang tatlong bata na si Kiel, Brando at Tristan na pinaglalaruan ang kuting.

"Hoy! Anong ginagawa niyo sa pusa?!" pasigaw na tanong ni Ezekiel sa tatlo at lumingon ang mga ito sa kanya.

"Uyyy, si Ezekiel oh, sinigawan tayo" sumbong ni Brando kay Kiel. Hinagis muna ni Kiel ang kuting bago tumayo at pinagpag ang kamay nito, mas lalong nagalit si Ezekiel kaya tumahimik ito.

"Anong ginagawa namin, edi pinaglalaruan namin yung pusa 'di ba" mayabang na sagot ni Kiel at tumawa ang dalawa nitong kasama. Hinawakan niya sa kuwelyo si Ezekiel sabay sabing, "Wala si Gussion, walang magta-tanggol sa'yo ngayon" nilakihan ng mata ni Kiel si Ezekiel habang nakahawak ito sa kwelyo't niyayabangan pa rin. Hinawakan ni Ezekiel ang dalawang braso ni Kiel sabay sabing "Talaga ba?!"

Ng hinawakan ni Ezekiel sa braso si Kiel ay pinihit nito ang dalawang kamay sabay sipa sa dibdib. Tumalsik si Kiel, nagulat ang dalawang kasama nito pero nilabanan rin ng mga ito si Ezekiel. Ng makawawa niya ang tatlo ay tumakbo ito palayo at umiiyak. Lumapit siya sa pusa at hinimas niya ito sa bandang mukha.

"Simula ngayon ming-ming, po-protektahan ko na lahat ng taong na-aapi." sumpa ni Ezekiel sa sarili niya at iniwan ang kuting, binigyan niya muna ito ng ka-unting tirang pagkain bago siya umalis.

"Gussion, kumain ka na ng lugaw habang mainit pa" pakiusap ni Gin sa kanya at sumunod naman agad ito. "Pagkatapos mong kumain magpahinga ka na agad ahh" dagdag utos pa nito at tumango lang si Gussion.

Nang papalabas ng gate si Gin ay nadatnan niya si Lann na nasa labas ng bahay nila. "Kuya?! Anong ginagawa mo dito?"

"Haha, ku-kumustahin ko lang si Gussion, tsaka may sasabihin na rin ako." sagot at pakiusap ni Lann kay Gin.

"Ahhh haha, andun siya sa loob kuya nagpapahinga, pwedeng bantayan mo na rin siya kuya, may bibilhin lang ako para panghapunan namin mamaya." sagot at pakiusap rin ni Gin kay Lann.

"Haha, sige ba" kamot ulong pasagot ni Lann.

"Haha, salamat kuya"

Ng makapasok sa bahay si Lann ay agad niyang pinuntahan ang kwarto ni Gussion at kinausao niya ito.

"Gussion.. Gussion" pag-gising ni Lann sa kanya.

"K-kuya Lann? Ba't ka andito?" tanong ni Gussion na nanghihina pa rin.

"Ano bang ginawa mo ba't parang nabinat ka 'ata?" tanong ni Lann sa kanya at sumagot agad ito.

"Kuya, magdamag kase kaming mag-training ni Ezekiel kahapon, tapos naglaban pa kami." sagot nito.

"Ahhh" biglang pumasok sa isipan niya ang sinabi ni Ezekiel sa kanya.

"Sir Lann, pakisabi na rin na 'salamat'"

Ibig sabihin nagte-training sila ni Ezekiel? Sabi ni Lann sa isipan niya at binantayan nalang niya si Gussion hanggang sa dumating si Gin.

"Gin, pwede ba tayong mag-usap" seryosong pakiusap ni Lann sa kanya.

"Oh-Oo naman, bakit kuya?"

Napakunot ang noo ni Gin sa mga sinabi ni Lann sa kanya.

"Ahhhh, haha, kuya. 'Wag kang mag-alala 'di ko hinahayaan na malaman ni Ezekiel na may kapangyarihan kami. Hindi kahit kailan, kuya." nakangiting sagot ni Gin at tiningnan siya ng seryoso ni Lann.

"Haha, sa bagay, may tiwala naman ako sa'yo. Pero magiingat ka pa rin, aalis na ako" paalala at pamamaalam ni Lann sa kanya at umalis na agad ito.

Agad na nag-luto ng sopas si Gin para mainitan ang katawan nito, hindi pinapahiran o pinapainom ng kung ano-anong gamot ni Gin ang kapatid niya o kahit na ang sarili niya dahil hindi tatalab sa kanila 'yun, kailangan lang ng pahinga, pagaalaga at pagmamahal, 'yun ang tradisyong ginagawa nila. Marunong rin mag-meditate at mag-heal si Gin, kaso ginagamit niya lang 'yon sa sitwasyong kailangan na talaga kase napakaraming stamina ang kailangang ipunin para doon.

"Gussion, oh, kumain ka na tapos magpahinga ka na ulit. Tatlong linggo nalang exam na natin, dapat parehas na mataas ang marka natin ha" hiling ni Gin at sumagot ng maayos si Gussion.

"Haha, oo naman kuya!" mahinang pasigaw na sagot nito sa kuya niya.

"Haha, damihan mo yung kain mo, masarap kaya 'yan." pambobola pa nito sa kapatid niya.

"Haha, alam ko 'yung kuya, dadamihan ko ang pagkain ko."

Malapit na ang exam, Gussion. Magpagaling ka kaagad, please, ang lungkot kapag dalawa lang kami ni Ezekiel sa school. Walang magpo-protekta saming dalawa. Nung sabado lang tayo huling nagkita pero parang isang buwan na para sa'kin 'yun dahil ikaw ang una kong naging kaibigan sa lugar na 'to. Sabi sa isipan ni Chelsea bago siya matulog.

"Sana, walang villain na mangguli malapit sa lugar natin ngayon noh, kung 'di, hindi kita maaalagaan ngayon" dagdag pambobola pa ni Gin at nginitian siya ng magandang ngiti nito.