Chereads / All For You / Chapter 12 - Chapter 11

Chapter 12 - Chapter 11

Madam Crystal

Just thinking of another option on how to get more money from my son. Naubos na ang

nai-transfer na pera sa bank account ko. Matagal ko nang gawain iyon dahil may kasabwat ako sa loob. Ngayon magpapalamig muna ako. I'm hooked in casino and with my young boyfriend na marami ding bisyo. That doesn't matter anymore as long na napapakinabangan ko siya and he satisfies me in bed. Hindi naman din ako ganoon kasama kay Thunder, lalo na't tinuring ko siyang tunay na anak ko. May isa pang paraan para makakuha ako ng malaking halaga sa aking pinakakamahal na anak.

Thunder

Pinagsawa ko lang aking mga mata sa panonood ko sa aking asawa. She's washing the dishes. Kahit pagod na siya sa mga anak namin, pati sa akin nagagawa niya pang magdagdag ng ganiyang gawain. Hindi niya ako napansin na matagal na akong nakatayo sa likuran niya malapit sa ref. Tapos na siya't nilapag niya muna ang mga nahugasan niya sa may mesa pagkatapos ay naupo, pupunasan pa pala niya iyon.

"Babe, huwag mong sabihing panonoorin mo lang ako rito? Mauna ka na kayang mahiga roon?" Napansin na pala niya ako.

Ngumiti ako sa kaniya't lumapit na naupo sa tabi niya. "I'm enjoying the beautiful view here."

"Naku, itulog mo lang 'yan," sabi niya habang seryosong nagpupunas ng mga hinugasan niya kanina.

"Ayaw mo bang lumipat ng mga bata sa bahay ko?" tanong ko. Kinukulit ko talaga siya.

"Napag-usapan na natin 'yan, Babe. Huwag na muna ngayon."

"Okay, Babe, just tell me kung kailan mo gusto?"

Tumango siya at tumayo nilagay niya na ang natapos niya sa lagayan.

"Gusto mo nang coffee?" she said. Tumango lang ako.

Nang matapos siyang magtimpla. We go to the living room.

"How's your family pala, do they know that we're already married?"

"Yes, actually Ninong David told Mama. Hindi ko naabisuhan si Ninong, but it's okay na malaman na ni Mama. Wala naman din siyang magagawa."

"Sure akong galit na galit iyon. Kahit kailan naman hindi ako magugustuhan noon, alam mo na mahirap lang kasi kami. Baka sabihin na naman niya pera lang ang gusto ko sa iyo."

I hugged her tight alam kong nagdaramdam ang mahal ko.

"I'm sorry for that Babe, don't worry hindi ko hahayaang masaktan kahit sino man sa inyo na pamilya ko."

"Salamat naman, Babe." She kissed me fast on the lips.

"Nag file pala ako ng leave sa office ng dalawang linggo."

"At bakit?"

"Let's take a break, Babe, magbakasyon muna tayo sa province. Good start na rin para maipakilala ko kayo doon."

"Hindi pa ako ready."

"Babe, please. Nangungulit kasi ang tatlo. They want to meet their Lolo's and Lola. They also asked me if maganda daw ba sa kinalakihan nating probinsiya."

"Na-curious ang tatlo?"

"Ano na? Payag o hindi? Siguro kapag hindi ka pumayag magtatampo ang mga babies natin."

"A ewan, bahala ka na nga!"

"Ako ang bahala sa iyo do'n, wala ka bang tiwala sa kaguwapuhan ko?"

We both smiled.

"Mayro'n naman, ikaw kapag ako sinabunutan ng nanay mo doon, sasamahin ka sa akin!" angil niya.

"Babe, gano'n ka ba talaga katakot kay Mama?"

"Oo e, huwag kang ma-offend, Babe. Mother mo ba talaga iyon?"

"At bakit mo nasabi iyon?" Nagkibit-balikat ako.

"Sa guwapo mo, hindi talaga kayo magkamukha?"

" Well, I Iook like more of my father."

"Weh, baka ampon ka lang?" Babe, gumagabi na. Nililibang mo yata ako e, matulog na tayo maaga pa tayong gigising bukas."

Sa wakas nandito na rin kami sa Mansion. Actually hindi nila alam na darating kami.

I want them to surprise. Mas okay na iyon para masagot ko sila ng maayos sa mga tanong nila regarding sa pagkakaroon ko ng anak at pagpapakasal ko. Sulit naman ang

mahaba-habang pagmamaneho ko. Kanina habang on the way kami sa biyahe laging nagtatanong ang mga bata tungkol sa lolo at lola nila. Nakakatuwa talaga sila, ang dadaldal.

Celes

Hindi ko alam kung kinakabahan ako ngayon. Ano ba ang dapat kong sabihin sa mga magulang niya? Lalong-lalo na kay Don Faustino. Alam kong mabait ang matanda at ang papa ni Thunder pero ang ina niya malay ko lang talaga. Napapaismid ako sa iniisip ko pero hindi talaga sila magkamukha ng nanay niya. Ang layo ng ugali ng nanay niya sa asawa't ama niya.

Bigla naman namatay ang kuryosidad sa isip ko nang tinawag ako ni Thunder buhat niya si Chzarina habang si Caleb at Charles ay nasa unahan niya palakad palapit sa Mansion. Kanina pa pala niya ako tinatawag. Sumalubong naman sa amin si Tiyang Melba na may pagtataka sa mukha. Yumakap siya sa akin pagkakita niya.

"Celes, ikaw nga. Ang ganda-ganda mo!"

tuwang-tuwang sabi niya.

"Kumusta po kayo, Tiyang Melba?" tanong ko. Inutusan kong magmano ang tatlong bata at sumunod naman. Nahihiya pa nga sila sa matanda.

"Naku, mabuti naman, 'nak." Bumaling naman siya kay Thunder. "Señorito, si Celes ba at ikaw saka 'yang mga bata, anak ninyo?" tanong niya pa na ikinatango na lang naming dalawa. "Naku, pumasok na nga tayo sa loob. Halina kayo. May mga apo na pala kami ang ganda at ang popogi."

Inakay niya kami papunta sa malaking sala at tahimik lang kaming naupo.

"Wait lang, Babe. I just talk to them, para hindi naman magulat."

Tumungo ito sa library at naiwan muna kami ng mga bata sa sala. Nagpahanda naman ng meryenda si Tiyang Melba. Tahimik lang naman ang mga bata. Bigla naman lumabas si Thunder kasama ang parents niya at si Don Faustino. Tumayo naman ako at sinabi sa mga bata na magmano sa matatanda pati na rin ako.

"Kumusta po kayo, Sir, Ma'am, Lolo?"

Tumango lang sila sa akin at ngumiti. Lumapit naman sa akin si Thunder at ang mga bata naman ay yumakap sa kanila.

"No doubt, hijo. Mga anak mo nga sila." Si Don Faustino ang nagsalita.

"Oo nga Papa. Ang galing naman ng aking anak naka tatlo agad."

"Celes, bakit ngayon mo lang pinakita ang mga apo namin. Last time I checked sinabi mong hindi si Thunder ang ama ng pinagbubuntis mo noon.

Hindi ko na lang pinansin ang sinabi ng nanay niya.

"Ma, puwede ba, naririnig kayo ng mga bata! You don't have to be rude at my wife. And nakaraan na 'yan. And I already knew what you did to her. Watch out your mouth, Ma! We're here because I want you to all know that I got married to her. And Ma, please respect my wife." Galit siya na parang nakikiusap din sa ina niya.

Naiinis naman ang matandang babae. Nakasimangot ito.

"Crystal, we need to talk? Celes, I'm sorry. Mamaya na lang ako makikipaglaro sa mga apo ko," sabi ng ama ni Thunder na parang nagtitimpi.

Nang wala na sila. Hinarap naman kami ni Don Faustino.

"I'm glad may mga apo na ako. Kay gagandang mga bata. Celes, pagpasensiyahan mo sana ang inasta ng aking anak. Alam ko naman ang ginawang pagtrato sa iyo ni Crystal, sadyang ganiyan lang talaga ang ugali no'n. Anyway, wala ba kayong balak magpakasal sa simbahan?"

"Lolo, I already told my wife about it but she always refused." Tumingin si Thunder sa akin.

"Hindi naman po importante iyon. Naikasal naman po kami, ang mahalaga po ngayon magkakasama kami." Ngumiti ako kay Don Faustino.

"Kapag pumayag ka, Hija, sagot ko na ang lahat ng gastusin. Para saan pa si Thunder lang ang kaisa-isang tagapagmana ko." Ngumiti ang matanda sa akin.

Lumapit ang mga bata sa Lolo nila at kumandong pa ang mga ito. Mabilis naman nilang nakagaanan ng loob ang matanda.

"Bueno, hiramin ko muna ang mga bata at ipapasyal sa bukirin. Kung okay lang sa inyo?" paalam pa ng matanda.

"Okay lang po, Lolo." Si Thunder na natutuwa.

"Huwag ninyong kukulitin si Lolo at papagurin ha? Please... behave." Paalala ko pa sa mga bata.

"Don't worry, Hija. I can manage. Malakas pa ako sa kalabaw," he smiled at them.

"Wow, kalabaw is carabao right, Lolo?" namamanghang sabi ng anak kong babae.

"Yes! You want to see that big carabao?" tanong pa ng matanda sa mga bata.

Sabay-sabay namang tumango ang tatlo at bumungisngis pa.

"Yes! We are going to see a carabao!" Charles said and clapped his hands.

"Okay Lolo, tara na po!" aya naman ni Caleb.

Napapangiti naman ang matanda sa mga apo niya.

"Okay, Kids. Let's go!"

"Bye, Mommy and Daddy!" sabay-sabay na paalam ng tatlong bata sa amin.

Delfin

"Hindi mo kailangang maging bastos sa asawa ng anak mo!" naiinis na sabi ko.

"Alam mo naman ayoko sa babaeng 'yun, Delfin!" sabi niya na naiinis din.

"Kahit na! Marunong ka naman sanang makisama! Kung nabubuhay lang si Cristina hindi ganiyan ang pagtrato niya sa asawa ng anak niya! Ang layo ng ugali mo kay Cristina!" Hindi ko maiwasang hindi masabi iyon.

"So, Cristina again? Oh come on, Delfin. Don't tell me siya pa rin hanggang ngayon eh patay na siya!" atungal niya.

"Crystal, ang pagmamahal ko sa inyo e hindi magkatulad! Kaya ayos-ayusin mo ugali mo! Magkaiba talaga kayo ng ugali ni Cristina! Kung nabubuhay pa siya hindi sana ikaw ang pinagtitiyagahan kong kasama ngayon! Thank you for taking care of us! Pero hindi pa rin sapat iyon!" galit kong sabi sa kaniya.

"How dare you, Delfin! I hate you! Don't ever compare me to your ex wife! Matagal na siyang patay! You can't do nothing about it! Hindi na siya babalik sa iyo!" pasigaw nansabi niya.

Isang malutong na sampal ang natanggap niya mula sa akin.

"You know what? I regret that I married you! Nagpakasal ako sa isang taong halos isuka na ang pinanggalingan, hindi man ako nagsasalita pero alam ko ang pagtrato mo sa ibang tao. Kung magsalita ka akala mo kung sino kang mayaman. Saan ka ba nanggaling? E mahirap ka pa sa daga noon! Kung hindi dahil kay Cristina hindi mo matitikman lahat ng luho mo ngayon!" Kumuyom ang kamao ko. Umalis akong hindi lumilingon sa kaniya. Baka kung ano pang magawa ko sa kaniya. Naiinis ako sa ugali niya.

Alam kong nagngingitngit siya sa galit. Kitang-kita ko kung paano niya ako tingnan. Sa una lang pala siya mabait. Wala na ang dating Crystal na minahal ko.