Celes
"Mommy! Daddy!" sumalubong sa amin ang masisiglang mga bata.
Ilang araw na kami rito sa Mansion pero napapansin ko na parang ilag sa amin si Madam Crystal. Ang mga anak ko hindi man niya pinapansin, akala siguro niya hindi ko napapansin. Kapag nandiyan lang si Thunder, Daddy at Lolo ipinapakita niyang magiliw siya sa mga bata.
"May problema ba, Babe?" tanong sa akin ni Thunder.
"Wala, may iniisip lang ako," sagot ko't napabuga ng hangin.
"Huwag kang masyadong nag-iisip, Babe, ikaw din tatanda 'yang hitsura mo," nakangiting biro niya.
Ngiti lang ang isinagot ko sa kaniya.
Ewan ko ba malayo rin talaga ang loob ko sa ina niya. Pero hindi naman ako nawawalan ng pag-asang magustuhan ako ng biyenan kong babae. Sana isang araw magbago na ang ugali niya.
Madam Crystal
"Kung ayaw mo akong bigyan ng isang milyon?! Sasabihin ko sa anak mo ang mga sikreto mo!" 'Yan ang sinabi sa akin ng kausap ko sa kabilang linya, si Edward ang 28 anyos kong lover.
"Huwag mo akong takutin, Edward! Hindi ganoon kadali ang kumuha ng pera sa ngayon!"
"Sige, maghihintay ako pero sa oras na wala pa. Humanda ka sa akin!" galit na sabi niya at pinatay niya na ang tawag.
Pabalabag kong itinapon ang aking cellphone! I don't care! Kahit masira pa 'yan! Madali ko naman iyong mapapalitan! That guy is bullshit! Blackmailing me, huh? Kala niya talaga uubra sa akin ang panininkdak niya?! Makikita niya! That guy taught me everything! Lahat ng bisyo alam niya. Lagi kaming magkasama sa casino at laging malas, puro talo! Lulong din siya sa droga! Kaya naman panay hingi ng pera sa akin at ngayon pinagbabantaan pa ako! Pero magagamit ko siya sa susunod kong plano. Hindi na ako makapaghintay, nangangati na ang palad kong makahawak ng milyong-milyong halaga. Dumagdag pa sa panira ng buhay ko ang Delfin na 'yan. Paano kaya kung patayin ko na lang siya? Napangisi ako ng parang demonyo sa isiping iyon. Why not?
Thunder
Malalim na ang gabi at hindi pa rin ako makatulog. Himbing na ang aking asawa sa pagtulog. Hindi ko akalaing makakasama ko ang aking mag-iina sa pagkakataong ito. Kung maiibabalik ko lang ang dati, sana nasubaybayan ko ang paglaki ng mga bata. Mahal ko sila, mahal na mahal. Babalik na sana ako sa pagtulog ng bigla akong nakarinig ng malalakas na katok. Binuksan ko ang pinto, bumangad sa akin ang pupungas-pungas na si Tiyang Melba. Simula nang dumating kami rito ay sinanay ko na ang aking sariling tawagin siya ng ganoon. After all she's my wifes Aunt.
"Bakit ho?" nagtatakang tanong ko.
"Ang Mama mo, kinuha ng mga lalaking nakasuot ng itim na bonnet!" kabadong sabi niya.
"Ano po?! Paanong nangyari iyon? Ang mga bata po, ayos lang ba sila?" natatarantang tanong ko. Kinakabahan ako.
"Maayos sila, anak. Parang si Madam lang talaga ang pakay nila! Armado sila ng mga baril kaya hindi na kami nakapalag. Inutusan kasi nila kami na huwag gagawa ng ingay," nanginginig na sagot niya.
"Si Papa at si Lolo?" Nag-aalala talaga ako.
"Pinagising ko na, anak."
Wala pa kaming tulog at heto may mga pulis at imbestigador na tumutulong sa kaso ni Mama. Paano nakapasok ang mga taong iyon? Hindi ko maiwasang hindi mag-isip sa bagay na iyon. Nakapasok daw ang mga lalaking nakaitim na bonnet dahil ini-sprayan daw ang dalawang Guard ng kemikal na pampatulog sa labas ng Mansion.
Naka-antabay na rin ang mga Police sa loob ng Mansion. Hinihintay pa namin ang tawag ng mga kidnapper ni Mama. Nag hire na rin kami ng mga bodyguard for our safety. Wala naman kaming kaaway para gawin sa amin ito. Pera ang dahilan, nasisiguro ko.
"Pa, wala pa rin ba?" naiinis at naiinip kong tanong. Ang tagal naman nila, kung pera lang ang habol nila ibibigay naman namin kaagad.
"Wala pa, Hijo. Calm down, everything will be alright." Tinapik ni Papa ang balikat ko. Seryoso lang siyang nakikipag-usap sa mga Police.
"I just can't believe this is happening!" I said. I sound so really mad. I'm pacing back and forth. My mother is in danger, I can't calm my self.
"Anak, I think we have to send your Lolo to a safe place and your family too. Tapusin na muna natin ang problema rito," Papa said na relax na relax lang.
"Okay, I'll talk to Celes, Pa."
"Babe, I want you and our kids to leave now," I said to her and nagulat siya.
"Bakit naman? Kung iniisip mo ang kaligtasan namin. Mukhang okay naman kami rito sa dami ng mga bodyguard na naririto."
"Gusto kong mas ligtas kayo, iyong malayo muna kayo rito."
"Paano ka naman, Babe?" she asked na parang maiiyak.
"I'm alright, it's not safe anymore here."
"Baka naman nag-over think ka lang. Masaya na sana tayo pero bakit kailangan pang magkaganito?" May pagdaramdam sa boses ng asawa ko.
"Malalagpasan din natin ito, Babe," as I said and
embraced my wife. "Takecare of our Kids." Tumango lang siya't hinalikan ko siya sa labi.
Tumawag na ang mga kidnapper, nakipag- transaksiyon na kami sa kanila. They all want 10 million kapalit ni Mama. We have all the money kung tutuusin maliit lang iyan at kayang-kaya naming ibigay iyon sa mga taong kumidnap kay Mama. Para sa kaligtasan ng aking ina ibibigay namin kahit mamulubi pa kami.
Kasalukuyan naman nag-aayos ng mg gamit ang aking mag-iina pati si Lolo. Lolo can't deal with it anymore, matanda na siya kaya pinaubaya niya na sa amin ang pagliligtas sa aking ina. They will use our private plane kasama na doon ang pamilya ng aking asawa.
Pero masyadong demanding ang kidnappers ni Mama. Handa na rin ang tatlong bag na punung puno ng pera. Hindi pa man nakakaalis sina lolo at Celes pati ang mga bata ng binago ng kidnappers ang plano. Dapat ako ang maghahatid ng pera. Kaso nag-request pa ang mga tang ina!
"Sir, sagutin mo ang tawag," sabi ng isa sa Police. Tumango lang ako at ibinigay niya sa akin ang hawak niyang cellphone. Naka-loud speaker iyon.
"Hello, nasaan ang Mama ko? Please, huwag ninyo siyang sasaktan!" sabi ko sa mataas na boses.
"O, Montefalcon! Kung gusto mo pang mabuhay ang ina mo! Kailangan mong sundin lahat ng gusto ko. Dalhin mo ang pera sa lugar na sasabihin ko at huwag na huwag kang magsasama ng mga Police kundi'y papatayin namin ang ina mo! Wait there's more! Nagbago pala ang plano. Gusto ko babae ang maghatid ng pera! Iyong sexy at maanda mong asawa! Alam mo na mangyayari kapag hindi kayo sumunod!" Damn he cut the line.
Si Papa naman nanlulumo hindi mapakali. I know she love's my mother. Nang biglang pumasok si Celes sa eksena.
"Narinig ko lahat, Thunder. Maiiwan ako dito. Gusto kitang samahan para sa Mama mo," kalamado niyang sabi.
"Ayokong sumagal! Ayaw kong madamay ka," naiinis kong sabi.
"Kung iyon lang ang tanging paraan para mailigtas ang Mama mo ay gagawin ko."
"P-pero Babe?"
She smiled and hugged me. Wala na akong nagawa para kumbinsihin siyang umalis. Pinagkatiwala namin ang mga bata kay lolo. Kasama rin ang mga magulang ni Celes.
"Sir, based on the data that we recieved. Si Edward Montes ang mastermind sa kidnapping na ito," singit naman ng isa sa Police.
Who is the fucking Edward is? Damn him! I'll make sure he's going to rot in jail.