Madam Crystal
"O, bakit ka nandito? Kaalis lang ng anak mo, nasa kaniya na ang pera mo," nakangising wika ni Edward sa akin. Mukha siyang tanga sa hitsura niya.
"Alam ko, katatawag lang niya. Ano pa bang balak mo d'yan sa babae? Di ba sabi ko sa inyo patayin n'yo na! Bakit pinapatagal n'yo pa ang seremonyas?" gigil na sita ko.
"Huwag kang masiyadong hot. Relax, kalma ka lang, baby. Makakarating din tayo d'yan. Ano pa bang ginagawa mo rito? Baka may nakasunod sa 'yo, mahirap na. Tsk." Hindi ko pinansin ang sinabi niya. Ba
"Kumusta naman siya?" tanong ko sa kaniya.
"Wow, baby, ang plastik mo para kumustahin pa siya, ano?" pang-aasar pa niya. Lumakad kaming dalawa papunta sa kuwartong pinagdalhan namin kay Celes.
"Walang ibig sabihin `yon. Dapat nga pinapahirapan mo! Sabagal siya sa mga plano ko!" tumaas ang boses ko na matalim ang matang tumitig sa kaniya.
"Easy ka lang, baby. Ang sama mo sa manugang mo. Wala ka talagang patawad," sabi niya na nanunudyo. Wala talagang alam gawin ang lalaking ito kundi pikunin ako.
"A, basta gawin mo ang trabaho mo!" sigaw ko.
"Ano bang ginagawa mo?" nataranta si Edward nang malapit na kami sa kuwarto kung nasaan si Celes. Pipihitin ko na sana ang doorknob pero pinigilan niya ako. Ewan ko ba sa lalaking `to kung bakit ganito ang inaakto niya. Sinamaan ko siya ng tingin.
"Bakit ba? Gusto ko nang matapos ang lahat ng `to!" singhal ko sa kaniya.
"Huwag kang padalos-dalos!" singhal din niya sa akin.
"Wala kang pakialam! Ang tagal mo kasing kumilos! Napakatanga mo!"
Sa sobrang inis ni Edward sa akin ay tinanggal na niya ang suot niyang bonnet at nilamukos niya ang kaniyang mukha.
"Bahala ka na nga! Sige pumasok ka na!" pabalang na sabi niya, saka niya ako iniwang mag-isa.
Nang makapasok na ako sa kuwarto ay tulog naman si Celes. Nakatali ang mga kamay niya sa likod ng silya. Tinapik-tapik ko ang mukha niya.
Celes
Naalimpungatan ako nang maramdaman kong may tumatapik sa aking mukha. Dahan-dahan akong nagmulat ng mga mata at bumungad sa akin ang pamilyar na mukha ng babae. Minsan pa akong pumikit, baka kasi namamalik-mata lang ako sa taong nasa harapan ko. Naguguluhan talaga ako sa nangyayari? Bakit nandito siya? Panaginip lang siguro ito, kaya naman tuluyan na akong nagmulat ng mga mata. Ngiting nakakaloko ang bumungad sa akin. Napatuwid ako ng upo.
"M-Mama?" nag-aalinlangang tawag ko. Gulong-gulo talaga ako.
"Na-miss mo ako?" tanong niyang nakangisi sa akin.
"Ano pong ginagawa n'yo rito?" tanong ko naman.
"Una sa lahat huwag mo akong tatawaging Mama! Pangalawa, napakatanga mo naman! Natural, ako lahat ang may pakana nito!" pasigaw niyang sabi, nagpanting ang tainga ko.
"Bakit n'yo ito ginagawa?" garalgal ang tinig kong tanong sa kaniya. Hindi ko akalaing ganito pala siya kasama.
"Dahil sa pera, kaya nga ayaw kita para sa anak ko! Hindi kita gusto noon at hanggang ngayon! Naintindihan mo?!"
"Kaya po ba pati sarili n'yo ay ginamit n'yo para lang magkapera?" hindi makapaniwalang sabi ko. Tiningnan niya akong masama. Nagulat na lang ako nang bigla niya akong sampalin. Tumagilid ang mukha ko pakaliwa. Ang bigat ng kamay ni Mama, masakit ang pagsampal niya.
"Kahit ano, kaya kong gawin para sa pera! At kahit ang patayin ka'y kaya ko! Mawala ka lang sa buhay ng anak ko!"
Hindi ako makapaniwala sa mga sinasabi ng biyenan ko. Papatayin talaga niya ako? Ganito ba talaga siya kasama? Kahit kaligayahan ng sarili nitong anak kaya niyang wakasan. Napailing-iling ako't mapait na ngumiti.
"Itali n'yo ng maayos `yan, ha!" wika niya sa isa sa mga goons. "Hindi dapat makatakas iyan!" bilin niya sa mga tao niya, saka siya lumabas ng kuwarto at iniwan ako.
Nang wala na si Mama ay saka lang nalinawan ang isip ko sa lahat ng ginawa niya, kaya nga ngayon ay iniisip ko kung paano ako makakatakas dito. Wala naman akong alam na paraan. May dalawang nakabantay sa akin at mataman ko silang tinitingnan.
"Kuya, masakit ang tiyan ko. Puwede ba akong mag c.r?" kunwaring tanong ko. Parang hindi convincing ang acting ko.
"Pare, magba-banyo daw si Miss Beautiful," paalam ni kuyang kidnapper sa kasama niya.
"Baka acting lang iyan?" sabi niya na mukhang hindi kumbinsido.
"Mga kuya, baka gusto ninyong maglinis ng dumi ko rito? Nakakahiya naman sa inyo. Kayo rin, mangangamoy ebak kayo rito, ang baho, 'di ba?" mataray na saad ko sa kanila.
"O siya, sige! Bilisan mo lang! 'Wag kang magbabalak tumakas, dahil wala ka naman matatakbuhan!" aniya at nagkatawanan pa ang dalawang goons na pangit.
Kinalagan na nila ang tali ko. Sinamahan pa nila ako papunta sa c.r. Jusko, ang kulit nilang dalawa, may pa escort pa si mayora. Gusto pa yata nilang samahan ako sa loob ng banyo. Pagkapasok ko sa banyo ay mabilis kong ni-lock ang pinto. Tiningnan ko ang kabuuan ng banyo. Tama sila, mukhang wala akong kawala. Maliit lang ang bintana ng c.r hindi ako kakasya't basta na lang makakalusot doon. Palakad-lakad lang ako. Dapat malaman ni Thunder ang pinaggagawa ng kaniyang ina. Demonya ang ina ng asawa ko, parang hindi siya. Napakaamo ng mukha, iyon pala'y nasisiraan na ng bait! Bigla kong nakapa ang isang maliit na bagay sa damit ko. Tinanggal ko ito. May maliit siyang push button at umilaw na kulay red. Ano ito? 6? Suwerte. Napangiti ako. Matatapos na rin ang kahibangan ng biyenan ko.
Thunder
"Sir, location sa Tagaytay, sa isang abandonadong resthouse dinala si Ma'am Celes," sabi ng isang Pulis na kasama namin.
Ngayon ay sigurado na talaga kung saan nila dinala si Celes. Thanks for the signal, nakita siguro iyon ng asawa ko. Malalaman na rin namin kung sino ang may pakana nito. Sisiguraduhin kong mabubulok sa kulungan ang mga may kagagawan nito. Tumawag ang parents ng asawa ko't nag-aalala na rin sila, kaso wala pa akong magandang maibabalita sa kanila, pero sinigurado kong hindi. Naalala ko rin ang mga anak ko, nagtatanong sila kung nasaan ang mommy nila, ang sabi ko na lang ay maayos ang mommy nila at huwag silang mag-alala, na busy lang ang mommy nila sa work nito.
Hindi ko namalayang saglit na naglakabay ang aking isipan. Kasama si Papa, Mr. Madrigal at iba pang Pulis ay pinagpaplanuhan na namin ang pagliligtas sa asawa ko. Sana ay maging maayos ang kalalabasan ng mga plano namin.
Edward
Nagtataka ako sa sarili ko, bakit ba ako pumayag sa gusto ni Crystal? Ang totoo niyan gusto ko siyang patayin. Dahil sa kaniya nasira ang buhay ko at ng pamilya ko! Siya ang dahilan ng paghihirap namin. Pinapatay niya
ang mga magulang ko dahil lang sa lupang nakamkam niya. Ulila ako ngayon nang dahil sa kagagawan niya! Nagpanggap akong ibang tao para sa plano ko at kumagat naman siya. Napakawalang puso niya talaga! Ayaw kong mapahamak si Celes dahil isa siya sa mga kaibigan kong iniwan sa probinsiya. Nagkataon naman na hindi ko siya nakilala kaya sinunod ko ang gusto ni Crystal. Akala ko kapangalan lang niya dahil madami naman talagang magkakapangalan sa mundo. Pero mali pala ako, dahil ang Celes na asawa ni Thunder ay siyang kaibigan ko mula pagkabata. Kaya ngayon nagsisisi ako sa lahat.
Crystal
Pumasok kami ni Sandra sa kuwarto kung nasaan ang kinaiinisan kong babae.
Nag-angat siya ng tingin habang nakatali naman ang mga kamay niya at mga paa. Gulat ang ekspresyong namutawi sa kaniyang mukha. Marahil nagtataka siya kung bakit kasama ko si Sandra?
Nakatayo kami sa harapan niya at nginingisihan siya.
"Gulat lang ang peg?" ani Sandra at sabay kaming nagkatawanan nang nakakaloko.
Kumunot ang noo ni Celes at palipat-lipat ng tingin sa aming mag-ina.
"M-Magkakilala kayo?" nauutal niyang tanong.
"Obvious ba, my dear? Can't you see magkamukha kami?" nakangising turan ko naman. "Anak ko siya!" proud pang sabi ko.
Nanlalaki ang mga mata ni Celes sa sinabi ko.
Hindi talaga siya makapaniwala sa mga sinabi ko.
"Kung mag-ina kayo, bakit n'yo ipapakasal sa anak ninyong si Thunder ang Sandra santita na `yan? E di magkapatid sila Sandra?" usisa pa niya.
"Gaga! Hindi! It's no, no, no! Dahil hindi ko naman tunay na anak si Thunder!" sabi ko, lalong lumukot ang mukha ni Celes.
"Mawalang galang lang po, pero.sino po ba ang ina Thunder?" Mayro'ng pag-alala sa tinig ni Celes.
"Pinatay ko na siya!" Isang nakakalokong tawa ang isinagot ko sa kaniya.
Celes
Nagising akong may tumatapik sa pisngi ko. Nakatulog ako sa kakaisip at ni wala man lang laman ang aking tiyan. Hindi ko makain ang binibigay nila. `Yon ay kung pagkain bang matatawag iyon. Parang kaning baboy naman yata iyon. Pagmulat ko'y nakita ko ang pares ng mata na nakatitig sa akin at pamilyar ang mga iyon. Ngumiti siya sa akin. Kinalagan ako, may dala pala itong pagkain. Pati paa kinalagan din niya. Mataman niya akong tinitingnan, marahil ay hindi ko kasi alam kung tatanggapin ko ang alok niyang pagkain sa akin? Wala naman pala iyong nagbabantay sa akin, napansin niya siguro.
"Wala sila pinalabas ko muna sila. Kumain ka muna, magpalakas ka kasi aalis na tayo rito." Parang sinagot niya kung ano ang naisip ko kanina. Nakakapagtaka naman ang pakikitungo ng lalaking kidnapper sa akin.
"Sino ka ba? At bakit mo ito ginagawa sa akin? Hindi ka ba natatakot? Kasi kung patatakasin mo ako, isusuplong kita!" angil ko sa kaniya.
Bigla naman niyang tinanggal ang suot niyang bonnet.
"B-Buddy?!" hindi makapaniwalang tawag ko. Kaya pala, tama ang hinala ko.
"Sorry, Celes, hindi kasi kita nakilala kaagad. Malaki kasing pinagbago mo? Kaya mabuti pa kumain ka na saka na lang ako magpapaliwanag dahil dumidilim na. Plano ni Crystal na patayin ka ngayong gabi.Kaya magpalakas ka. Bilisan mo na r'yan," halos pabulong na lang siyang magsalita. Puno man nang pagtataka'y sinunod ko na lang siya. Saka na lang ako magtatanong sa kaniya.
Mabilis akong kumain dahil iyon ang bilin niya. Pero hindi rin niya napigilan ang sariling hindi magkuwento, hindi nga siya mapakali dahil patayo-tayo ito tapos ay uupo naman. Sinabi niyang lahat mula sa umpisa, kung paano niya nakilala ang biyenan kong hilaw. Kaya hindi ko rin siya masisisi kung ganito kapariwara ang naging buhay ng kaibigan kong si Buddy. Nang dahil kay Madam Crystal wala na akong ni katiting na respeto sa kaniya, dahil sa mga pinaggagawa niyang panloloko at
pang-aalipusta sa amin!
"Halika na! Bilisan mo na!" sabi sa akin ni Buddy na walang kapaguran sa pagtakbo. Hingal na hingal na kasi ako sa kasusunod sa kaniya.
Lakad takbo ang ginawa namin, malaki pala itong lugar, mayayabong at nagtataasang damo ang nakapaligid sa malaking bahay nilabasan namin. Ang mahirap lang ay matagal pa bago kami makakarating sa dulo ng malaking gate. Pero merong malaking bakanteng lote pa ang natatanaw ko. Para itong dating musileyo at bago kami tumakas ay nilagyan niya ng pampatulog ang iniinom ng mga kasama niya. Nilansi niya ang mga ito habang wala pa ang ibang goons na kasamang umalis ng dalawang bruha.
Madam Crystal
"Mga wala kayong kuwenta! Nakatakas ang binabantayan ninyo!" Nagpupulos ako sa galit na tiningnan isa-isa ang mga tauhan ko. Gigil nila si ako.
"Ano pang hinihintay ninyo? Pasko?! Magsikilos na kayo! Mga Istupido!" angil ko pa sa kanila na magkasalubong ang aking kilay.
Lumapit sa akin ang isa sa tauhan kong lalaki na maskuladong pangit. "Madam, wala na po sila."
Hinampas ko siya sa ulo at napakamot pa ito.
"Mga tanga talaga kayo! Hindi pa sila nakakalabas niyan sundan ninyo! Hindi pa nakakalayo ang dalawang `yon, sigurado!" sigaw ko sa kanila. Ang dami nila pero wala man lang nagawa, amoy alak pa ang mga damuho!
Gosh, I'm so stressed to the fourth power!
Celes
Nagulat ako nang hablutin ako ni Buddy at nagtago kami rito sa loob ng musileyo! Buti na lang may dala siyang baril.
"Dumito ka muna, kahit anong mangyari huwag kang lalabas," aniya na parang kabado.
"P-pero, Buddy, delikado." Pinigilan ko siya't hinawakan nang mahigpit ang braso niya, pero hindi ko pa rin siya napigilan.
"Kaya ko ang sarili ko, Celes, kung nalaman ko lang nang maaga ang ugnayan ninyo ni Thunder, sana ay wala ka rito sa sitwasyong ito," gumaralgal ang tinig niya. Malungkot akong napatitig sa kaniya. Alam kong mabuti pa rin siyang tao't kaibigan ko. Biktima lang din siya. Niyakap niya ako bago tuluyang iwan. Nagdadasal ako na sana maging maayos na ang lahat. Wala akong nagawa't nagkubli na lang ako sa isang sulok.
Ilang minuto lang ay bigla na lang akong nakarinig ng putok ng baril malapit sa kinaroroonan ko. Tinakpan ko ang magkabilang tainga ko dahil palapit nang palapit at palakas nang palakas ang putukan sa pinagkukublian ko. Para akong mahihimatay sa takot, naglakas loob akong silipin ang nagaganap sa aking paligid. Napasinghap ako't natutop ang aking bibig. Lagot na! Nadakip nila si Buddy, pinagtutulungan pa nila itong bugbugin. Nando'n ang mag-inang bruha na nanonood. Tuluyan nang bumagsak si Buddy sahig.
Duguan ang buong mukha nito.
"Nasaan siya?! Pakialamero ka talaga, ano?!" sabay bunot nang baril ng biyenan kong hilaw sa isang tauhan niya. Saka niya itinutok ang baril sa sintido ng kaibigan ko.
"Demonya ka talagang matanda ka!" narinig kong sabi ni Buddy. Hinawakan pa ng dalawang tauhan ng biyenan ko si Buddy sa mgakabilang braso at pilit na pinapatayo ito. Nanghihina si Buddy dahil sa tindi nang pambubuugbog sa kaniya.
Si Sandra naman ay nakangisi lang na nanonood.
"Ngayon mo lang alam?! tuya ng biyenan ko.
"Matagal na! Anak ako ng mag-asawang pinatay mo!"
Nagulat naman ang mag-ina sa sinabi ni Buddy. Ang mga walang puso tinawanan lang nila ang kaibigan ko.
"Gano'n ba?! Kung isunod na kaya kita sa kanila?!" Literal akong nanlambot nang marinig ko iyon.
Nakatutok pa ang baril niya kay Buddy. Kakalabitin na ni Madam Crystal ang gatilyo, ngunit napasigaw ako sa takot at mabilis na tumakbo sa kinaroroonan nila.
"Huwag!" Binitiwan nila si Buddy at napaupo ito sa sahig at umubo ng dugo.
Tumayo ako sa harapan ng aking hilawam na biyenan. Hinarang ko ang aking sarili kay Buddy.
"Please, Mama, maawa po kayo, palayain ninyo siya!"
"Ayaw ko nga! Ano ka sinusuwerte?!" sigaw niya't nagtawanan pa sila ng malakas.
"Napakawalang puso ninyo!" singhal ko.
Lumapit siya sa akin na ikinabigl ko. Sinabunutan at pinagsasampal niya ako. Wala akong nagawa kundi ang mapaluha sa sakit nang ginagawa niya.
"Ilayo ninyo `yang babaeng iyan baka siya pa ang unahin kong paputukan!"
Binitbit ako ng dalawang lalake at hinawakan ng maigi sa mga braso ko. Nagpuoumiglas ako pero malakas sila. Sa isang iglap tinutukan niya ng baril sa may dibdib si Buddy at ipinutok iyon. Napasigaw ako sa takot, humagulgol ako ng malakas sa sinapit ni Buddy.
"Napakasama mo!" umiiyak na turan ko. Lumapit si Madam Crystal sa akin at tinutukan din ako sa sintido Natigilan ako. Para akong hihimatayin sa takot. Ito na ba ang katapusan ko? Napapikit ako't naisip bigla ang masasayang araw namin ng mga anak ko. Lahat nang mga alaala ko'y nag-flashback sa isipan ko.
"Isusunod na kita!" Iyan ang huling narinig ko mula kay Madam Crystal.