Chereads / All For You / Chapter 17 - Chapter 16

Chapter 17 - Chapter 16

Celes

Akala ko'y katapusan ko na. Napamulat ako ng mga mata nang biglang dumating ang mga pulis na ikinagulat naming lahat. Pinaputukan ng mga pulis ang mga tauhan ni Madam Crystal at natamaan silang lahat, ang biyenan kong hilaw ay wala pa ring tinag sa kinatatayuan niya. Hindi naging handa ang mga kalaban sa paglusob ng mga pulis. Nanatili lang akong nakatayo at parang namamanhid kahit umuulan pa rin ng bala sa buong paligid. Pakiramdam ko ay parang mayroon akong taga-harang ng mga bala at hindi ito tumatama sa akin. May iba pang tauhan si Madam Crystal at isinama nila si Sandra sa pagtakas. Narinig ko rin ang pagsigaw ni Daddy Delfin na itigil na ng mga pulis pagpapaputok nila ng baril. Masyadong mabilis ang mga pangyayari, ngunit hindi pa rin matinag si Madam Crystal na nakatutok ang baril sa akin. Napakatapang talaga niya. Isang pamilyar na boses ang narinig kong tumawag sa akin. Si Thunder, nandito na siya! Agad niya akong dinaluhan. Naluluha ako sa sobrang saya. Niyakap namin ang isa't isa nang mahigpit at hindi naman iyon nagtagal dahil hinarang niya ang katawan niya sa akin upang maging pananggala sa ina niyang nasisiraan ng bait.

"Ma, please stop! Akala ko, mabuti kang tao? Bakit mo ito nagawa?"

Sa kabilang banda'y sumisigaw naman si Daddy Delfin.

"Please, hold your fire!" aniya na nakikiusap sa mga pulis.

"Umalis ka riyan! Huwag kang paharang-harang d'yan!" sigaw niya na matalim ang mga matang nakatitig sa akin. Para siyang kakain ng tao sa pag-akto nito.

"Ma, please. Ibaba mo na `yan! Hindi ako aalis dito kahit anong mangyari!" may diin sa salita ni Thunder.

"Hindi! Papatayin ko `yang babaeng `yan! Sabi nang umalis ka d'yan, e!" iritadong sabi pa ni Madam Crystal na napapadyak pa.

"Ma, ano ba? Itigil na natin `to!" pagmamakaawa ni Thunder.

Ngunit hindi pa rin makausap nang matino si Maam Crystal. Hawak pa rin nito ang baril at kahit anong oras ay makakalabit niya na ito. Para na siyang nasisiraan ng bait at tumawa pa siya nang malakas.

"Thunder, hijo! Hindi kita anak, kaya wala na akong pakialam kung sinomang matamaan sa inyo!" humahalakhak na sabi pa niya. Laking gulat naman ng asawa ko sa sinabi ng kaniyang hilaw na ina. Hindi ko rin maagilap ang dila ko. Mas mabuti na rin iyon kay Madam Crystal nanggaling iyon.

Sinamantala naman ni Madam Crystal ang pagtahimik naming mag-asawa. Nakangisi pa siyang sumulyao sa amin at mabilis na kinalabit ang gatilyo ng baril, diretso ang tama sa balikat ni Thunder. Ipuputok pa sana ni Madam Crystal ang baril niya pero inunahan na siya ng isa sa mga pulis. Binaril si Madam sa kaliwang paa nito. Bumagsak siya nang nakaluhod at nabitiwan ang hawak na baril.

Napaiyak ako sa dugong umaagos sa balikat ni Thunder. Nilapitan kami ng mga pulis at ni Daddy Delfin, hindi na rin niya pinansin si Madam Crystal. isinugod na namin ang dalawa sa malapit na hospital.

Habang nasa sasakyan kami ay patuloy pa rin akong umuusal ng panalangin.

"Thunder, I'm sorry. Dapat ako na lang ang natamaan," puno ng pangamba ang tinig ko.

"Babe, daplis lang ito. Hindi naman sharp shooter si Mama," biro pa niya sa akin saka siya tumawa.

Napangiti na lang ako, sana maging maauos na ang lahat.

Ligtas na ngayon si Thunder sa awa ng Diyos. Si Madam Cyrstal maayos na din at idineretso na siya sa bilangguan. Nadakip na rin si Sandra, nagtangka pa nga siyang umalis ng bansa. Buti na nga lang nakalagay na siya sa wanted list. We rested for a while, ang daming nagyari sa nakalipas na buwan. Sa ngayon wala muna kaming gustong isipin. Basta ang mahalaga ligtas na kami sa kapahamakan.

Thunder

Tuluyan nang gumaling ang sugat ko. And now, I want to face the truth. I can't believe my mom did it to us. Maybe it's hard for me to forgive and forget, but no matter what happen I still care for her. She became my mother for along time. Siguro masyado lang siyang nalulong sa kasamaan.

Iuurong na sana namin ang demanda, pero hindi puwede dahil kailangan niyang managot sa batas. Napatay niya si Buddy at wala na kaming magagawa pa.

Murder and kidnapping ang case ni Mama. Dinalaw namin siya sa presinto. Nakakaawa ang hitsura niya ngayon.

Ngumiti naman siya sa amin, kasama ko si Celes. Mukhang nagsisisi na siya sa mga kasalanang nagawa niya. Umupo siya sa tapat namin. Ginagap niya ang mga kamay ko.

"Thunder, Celes. I'm so sorry," maluha-luha niyang sabi.

Hindi ko alam ang isasagot ko, si Celes nama'y nanatili lang tahimik.

"Nagsisisi na ako, sana, dumating `yong araw na mapatawad ninyo akong lahat," she smiled at us na para bang ito na iyong huli naming pagkikita.

"You're still my mother, kahit ano pang ginawa mo sa pamilya natin. Pero, hindi mo maalis sa amin ang magalit," pilit akong ngumiti sa kaniya. Hindi pa rin kumikibo si Celes sa tabi ko.

"Hija, I'm really sorry," sabi niya sabay gagap din sa palad ni Celes.

"Tapus na ho iyon, ayaw ko na rin pong balikan ang masasakit na pinagdaanan ko sa kamay ninyo," napayuko na lang ang asawa ko.

I can't blame her for being cold towards my mother. Masyado lang siyang nasaktan sa pagkawala ng kaibigan na sumagip sa buhay niya. Celes told me that if Buddy only knew it all. Hindi na sana siya nasangkot sa mga plano ni Mama.

"Were here to clarify things, you told me that day, that you are not my mother. Is it true?" I asked. There's a part of me na sana hindi totoo ang sinabi niya. Of course, it will be sad on my part.

"Yes, pero ang Daddy mo na lang ang sasagot tungkol d'yan. Ayoko nang dagdagan pa ang mga kasalanan ko sa iyo," tumalikod na siya pero may sinabi pa siya bago tuluyang umalis. "I hope someday you'll forgive me all." Her last word. I didn't have the courage to hug her.

Celes

Nagkaroon kami ng maliit na salo-salo sa bago naming bahay na iniregalo sa akin ni Thunder. Sa totoo lang, masyado itong malaki para sa amin ng mga bata, kaya nag-decide kami na dito na lahat tumira. Yes! Kasama na namin ang aking magulang, ang parents ni Thunder, pati na rin si Lolo Faustino at siyempre maiiwan ba ang aking ever bestfriend na si Ising.

Nalaman na rin namin kung sino ang tunay na mother ni hubby. Walang iba kundi si Mommy Cristina na malayong-malayo sa ugali ni Madam Cyrstal. Kaya pala ang laki ng duda ko kahit noon pa. Hindi naman kasi sila magkamukha ni Madam. May facial features kasi si Thunder na katulad ng kaniyang totoong ina, kaya noong unang ipinakilala pa lang siya sa amin ni Daddy Delfin, e, tiyak ko na siya ang ina ni Thunder. Hindi siya matapobre at tulad ng inay at itay ko magiliw din siya sa mga bata. Sobra. Parang hindi nauubusan ng pasensiya. Napag-alaman din namin kung bakit bigla siyang nawala, dahil sa kagagawan din ni Madam Crystal.

Dumating naman si Sir Madrigal na dati kong Boss. At saka, Uncle din pala siya ni Thunder dahil magpinsan sila ni Mama Cristina. O, earth ang liit mo?!

Kasama din niya si Nathan na pinsan din ni Thunder. Natulala naman si Ising nang makita niya ang crush niya.

"Ang saya naman natin ngayon. We are one happy family now," nakangiting sabi ni Nathan sa amin.

Nasa malaking sala na kami ngayon. Kaniya-kaniya kami ng puwesto.

"Oo nga, insan. By the way, kids. Tito Nathan is here. Lolo's here too. Mag-bless kayo," tawag ni Thunder sa mga bata. Sunod-sunod na nagsilapitan ang tatlong kambal at nagmano sa Tito at Lolo nila. Nasa labas kasi ang mga ito kanina kasama ang mga yaya nilang naglalaro.

Kumandong naman si Chzarina sa Daddy niya at biglang nagtawanan sa hirit ng bata.

"Tito guwapo. Ninang Ising likes you so much!" Tumingin si Nathan kay Ising at nginisihan niya na ikinapula ng pisngi ni Ising.

"Really? Wow!" eksaheradong sabi niya.

"Yes, tito. She's always dreaming of you." Nagkatawanan kaming lahat sa daldal ni Chzarina.

"Chzarina, stop, ay naku, huwag po kayong maniwala sa kaniya. Wala po iyon." Napakamot pa si Ising sa ulo.

"We're here, because, bad news came earlier," Uncle Madrigal said.

"What is it all about?" naniniguradong tanong ni Daddy Delfin.

"Tita Cyrstal is dead." Si Nathan na ang nagsalita.

Nagulat kaming lahat sa nangyari.

"Ano bang nangyari kay Mama?" hindi makapaniwalang tanong ni Thunder. Saka niya sinenyasan ang tatlong yaya na ilabas muna ang mga bata.

"Isa sa mga kasama niya ang nagsabing ayaw na daw niyang mabuhay. Na-depressed daw siya dahil sa patong-patong niyang kaso. She shot her self.

Inagaw niya `yong baril ng isang police officer. Mabilis nga daw ang pangyayari," kuwento ni Nathan.

Sa sulok ng aking mata'y niyakap ni Daddy Delfin ai Mama Cristina. Lahat kami ay malungkot. Hinawakan ni Thunder ang kamay ko. Akala yata ni Madam ay iyon na ang madaling paraan para makabayad siya sa mga kasalanang ginawa niya. Mali iyon dahil kinitil niya ang sariling buhay upang matakasan ulit ang krimeng nagawa. Nangyari na't wala na kaming magagawa pa. Ang tanging magandang gawin ay ang ipagdasala na lang namin ang kaniyang kaluluwa.

Thunder

Mom and Dad are in good terms, they still love each other. Napunan ng ligaya ang mga panahong nawala siya sa amin ni Papa. Masaya rin si Lolo at napakalakas pa rin niya. Our both parent are good in taking care of their grand childrens. My kids are so lucky having a grand parents like them. And also, we're lucky to have them. Money can't buy us happiness and that's true. All we need is our family to keep strong.

Celes

Ang buhay namin ngayo'y parang tipikal na pamilya lang na walang kaarte-arte. Mabait ang mga biyenan ko't kasundong-kasundo namin sila. Dapat pala noon pa namin nalaman iyon. Si Daddy Delfin masyadong nabulag sa pinapakita ni Madam Crystal. Sana masaya na siya kung saan man siya. I am lucky to have a husband like him. Sa ngayon wala pang sakit ng ulo. Na-realize kong sobra niya kaming mahal ng mga bata. Ginagawa niya lahat para sa amin. At hindi isyu ang pagiging mahirap ko sa kanila. Ang pamilya kasi ni Thunder ay sobrang napaka down to earth. Ngayon ay hindi na ako mangangamba pa sa anumang pagsubok na maari naming kahaharapin dahil alam ko kung magkasama kami ay walang imposible.

"I love you, Babe," bulong sa akin ni Thunder habang tanaw ang mga bata mula sa kinaroroonan namin. Nasa veranda kami ng kuwarto namin at ang mga bata ay nasa ibaba sa may garden naglalaro.

"I love you too, Babe," nakangiting sagot ko't yumapos sa kaniya.

"Ang saya nila, ano?" sabi niya, tumango lang ako. Ilang sandali lang ay namutawi sa amin ang katahimikan. "Thank you, Babe," bulong niya pa. Kumunot naman ang noo ko.

"Thank you for what?" Binigyan ko nang mabilis na halik sa labi si Thunder na ikinangiti niya.

"For everything, you and our children completed my life."

"Asus, Ang drama..." natatawang sabi ko. Lalong humigpit ang pagkakayakap ko sa kaniya.

Inangat ni Thunder ang mukha ko at masuyong hinalikan sa labi. Ilang minuto lang din ang itinagal ng halik na iyon. Parang laging first time sa pakiramdam. Aaminin kong nasasabik na ako sa kaniya. We never have a decent sleep until I came home when they'd rescued me.

Pero ngayon mukhang mahihimbing na ako sa pagtulog niyan, siguro dahil pinaparamdam naman ni Thunder na magiging safe ako sa tabi niya.

Wala na rin naman akong mahihiling pa dahil sobrang saya na ng aming pamilya. Everything is in the right places. Wala na rin akong galit sa kinagisnan nitong ina. Matagal ko nang pinakawalan ang galit na iyon.

Ang tanging hangad namin ni Thunder ay mapabuti ang aming pamilya ngayon. Maging masaya't makontento sa lahat ng bagay na mayroon kami.

"Dapat yata ay gawin na natin si baby number 4, habang busy pa sa paglalaro ang tatlo," bulong niya.

Napahagikgik ako sa kapilyuhan niya.

"Tanghaling tapat, e, tumigil ka nga!" Natatawa pa rin ako.

"Sige na, miss na miss na kita. Pulos na lang tayo diyeta."

Nasapok ko siya sa ulo't sinangga naman niya ng kamay ang ulo niya.

"Sige na nga!"

"Kita mo, nagpapakipot pa. Sabik ka naman pala."

"Bwisit ka!" Humagalpak ako sa tawa.

Kinabig uli ako ni Thunder at sabay buhat sa akin. Napatili ako ng malakas nang pumasok na kami sa loob ng kuwarto't hinagis ako sa kama. Nakaka-miss nga naman ang ganito.

WAKAS