Chereads / All For You / Chapter 14 - Chapter 13

Chapter 14 - Chapter 13

Thunder

Bakit ang asawa ko pa ang gusto nila? Paano nila nalaman ang tungkol kay Celes? Kinakabahan at natatakot ako para sa asawa ko. Bumalik ako sa huwisyo nang biglang tumawag ang kidnapper, pagkatapos ay ipinakiusap nila sa akin si Mama na nasa kabilang linya. Halatang takot na takot si Mama dahil sa boses nito.

"Ma, saan ka nila dinala?! Are you alright?!" nag-aalalang tanong ko.

"Hindi ko alam, Anak! Please, kunin ninyo na ako rito, they're hurting me!" she's crying on the other line.

"Ma, lakasan mo lang ang loob mo. Magiging maayos din ang lahat."

Bigla namang naputol ang pag-uusap namin ni Mama at nagpadala ng video sa cellphone na konektado sa computer. Si Mama ay nakaupo sa isang silya, nakagapos ang mga kamay at paa. May busal din sa bibig at puno ng mga pasa. Damn! Makakapatay ako! Niyakap ako ni Celes para pakalmahin. I saw Papa with his teary eyes. He's speechless. So, paano ko isusugal ang buhay ng asawa ko kung kaya din nila siyang saktan? Isang sampal na naman ang natanggap ni Mama sa kidnapper na naka-bonnet.Pagkatapos no'n ay bigla na lang nag-black ang screen ng cellophone.

We recieved a message from them regarding sa place na pagdadalhan ng pera. Gusto nilang si Celes ang magdadala, kung hindi namin ito susundin ay papatayin daw nila si Mama.

Madam Crystal

Naiinis kong binatukan ang isa sa mga goons na inupahan namin.

"Walanghiya ka! Ang sabi ko banayad lang gagawin mong pananakit, bakit mo tinotoo?! Stupido! Lumayas ka nga sa harapan ko!" sabi ko na matalim ang tingin sa kaniya.

"Pasensiya na po, Madam, gusto ko lang kasing maging makatotohanan ang acting natin." Kamot-kamot naman sa batok na nanunuksong ngumiti sa akin ang hinayupak.

"Layas!" sigaw ko.

Sumulpot naman sa harapan ko ang nakangising si Edward, ang kakunsiyaba ko sa lahat ng kabaliwan ko.

"Baby, huwag kang masyadong magalit d'yan at baka dumami wrinkles mo. Pa'no, 50-50 ba tayo sa pera niyan? Ang liit kasi ng hiningi mo, eh, ang dami n'yo namang pera."

"H'wag kang atat, kung tutuusin nagbigay na ako ng paunang bayad sa iyo, saka sa mga alipores mo!"

"Ang init naman ng ulo mo, Baby? Easy ka lang d'yan."

"Alam n'yo na ba ang gagawin at ang plano natin?"

"Oo naman, Baby. Ako pa ba?"

"Gusto ko lang makasiguro na kapag nakuha n'yo na si Celes ay patayin n'yo na siya kaagad! Saka natin isusunod ang mga anak niya!"

"Sayang naman, maganda pa naman ang asawa ng anak mo."

"Kung nanghihinayang ka, gawin mo ang gusto ! Wala akong pakialam basta gawin mo nang walang sabit ang plano natin! Walang gusot!"

Kaloka, manyakis talaga ang Edward na ito. Dahil sa inis ako ay iniwan ko na muna siya at magpapahangin muna ako sa labas.

Edward

Masama talaga ang babaeng `yon. Hindi alam ng pamilya niya kung gaano siya kagahaman sa pera. Alam ko lahat ng sikreto niya. Walang pakialam ang matandang babaeng iyon kahit kapamilya niya ang tinatalo niya. Ipinanganak talaga siyang ganid at walang puso! Sabagay, hindi naman talaga niya kadugo si Thunder Montefalcon kaya balewala lang ang pinaggagagawa niyang kasamaan.

Thunder

Sa Sitio Felicidad kami pinapunta ng mga kidnapper. Liblib ang lugar, malayo ito sa mga kabahayan kaya hindi ito mapapansin kung may magpupunta man ditong tao. Malayo rin ito sa mansyon. Kaya kahit magkaroon nang patayan hindi ito mapapansin o ni walang makakarinig.

Makikipagkita kami sa mga kidnapper para ibigay na ang ransom kapalit ang buhay at kalayaan ni Mama. May kasama rin kaming mga back-up na pulis at swat team. Hindi ko hahayaang mag-isa ang asawa ko. Labag man sa loob ko, pero si Celes na mismo ang nag boluntaryong haharap sa mga taong iyon dahil patuloy nilang sinasaktan ang aking ina. Masyado silang demanding, gusto nila si Celes ang magdala ng pera. Wala daw dapat pulis na kasama kundi'y papatayin daw nila si Mama.

Heto na ang hinihintay naming oras, maingat na sumunod ang pulis at swat team sa amin. Kasama ko si Papa at Celes. Inikutan ng ilang pulis at swat ang lugar at nagkaniya-kaniya sila ng puwesto. Ineskortan naman si Papa ng dalawang pulis at nagkubli.

Niyakap ko si Celes nang mahigpit bago pumasok sa loob at hinalikan sa labi.

"I love you, Babe. Mag ingat tayo," sambit ko.

Alam kong kinakabahan din si Celes at ramdam ko iyon. Nang makapasok na kami sa madilim at malawak na hide out ng mga kidnapper ay mmahigpit kong hinawakan ang kamay ni Celes. Nanlalamig ang palad niya. Napasinghap pa kaming pareho nang magliwanag ang buong paligid. Mga armadong lalaki ang bumungad sa amin. I think they're more than ten people surrounds us holding a gun and wearing a mask, so that no one will recognize them.

We're holding 3 bags full of money worth of 50 million. But I don't care! All we want is my mother's life! Hawak nila si Mama na nakatali ang kaniyang mga kamay, naka-plaster ang bibig. Puno siya ng mga bruises sa katawan. Her hair was a mess na parang sinabunutan ng paulit-ulit. Nahabag ako sa hitsura niya, sana ako na lang ang kinuha nila.

"Montefalcon! Hindi ka ba marunong sumunod sa instruction?! Ang usapan natin, iyang maganda mong asawa lang ang magdadala ng pera!" sigaw ng isa sa mga kidnapper.

"Tama na ang satsat mo! If you want to finish this! Here's the money and bring back my mother now!" nanggagalaiting sigaw ko sa kanila at isa-isang tinapunan sila ng masamang tingin.

"Aba't ang yabang mo, ha! Gusto mong unahin ko nang pasabugin `yang ulo mo?!" matapang na naman na sabi ng isa sa kidnapper na naman.

"Stop arguing, please, para matapos na ito!" Celes shouted to them!

Napapangisi naman ang mga kidnappers.

Lumapit naman ang dalawang goons sa amin at kinuha ang bag ng pera na dala namin. Binukasan nila ang mga bag at sinuri kung totoo ngang pera ang laman ng bag.

"Boss, ayos na!" senyas ng dalawang goons sa leader nila. Kinuha na nga mga ito ang bag at pinakawalan nila si Mama.

Tumakbo si Mama palapit sa amin na umiiyak.

"Mama!" tawag ko, nagyakap kami ng mahigpit. Sobrang na-miss ko si Mama. I can feel her trembling.

Akala ko tapos na ang lahat pero nagkaputukan at nagkagulo na sa loob ng planta. Inalalayan ko si Mama habang nakikipagpalitan naman ng putok ang mga pulis! Naitakas na ng isang kidnapper ang mga bag ng pera. Natamaan ang dalawang kidnapper at duguan na, hindi ko alam kung buhay o patay na ang mga iyon.

Hindi ko napansing wala na pala sa tabi ko si Celes. I really don't know kung paanong nangyari iyon. Ang tanga ko!

"Huwag ninyong ituloy 'yan! Kundi pasasabugin ko utak nitong babaeng ito!" narinig kong sabi ng leader ng mga kidnapper. Nawala ang ingay ng mga putok.

Hawak na nila si Celes at nakatutok ang baril sa sintido nito. Nagulat ako sa bilis ng mga pangyayari. Anong nangyari? Hindi ko maiwasang hindi mainis sa sarili ko. Celes smiled at me like she's saying it was okay. I'd tried to stop them but the man is teasing the gun on Celes head. Unti-unting lumakad na sila palabas kasama si Celes. Fuck, I cursed so many times. Wala man lang kaming nagawa para makuha si Celes sa mga hayop na `yon!

Buhay nga si Mama pero nakuha na naman nila ang asawa ko. Nang makita ni Papa si Mama ay nagyakap ang mga ito. Ako nama'y malungkot talaga sa nangyari. What a twist! Panibagong problema at pagsubok na naman ito! Anong kailangan nila sa asawa ko?! Is this a part of their damn plan?!

God, please help me and my wife, saan naman kaya siya dadalhin ng mga masasamang taong iyon?