"Go out with me."
Napanganga si Nica sa biglaang pag-aya sa kanya ni Leo. Biglang naghuramentado ang sistema nya. Ang kaninang payapa nyang puso ay bigla na namang nabulabog dahil sa sinabi nito. No man does that to her system except Leonardo Villaruiz. Eversince their one night stand, lagi na lang naghuhuramentado ang sistema't puso nya. She's getting confused of her feeling these past few weeks. Kapag tinititigan sya ni Leo ay parang gusto nyang matunaw sa sobrang kaba. Hindi nya alam kung kinakabahan o nine-nerbyos lang sya sa presensya nito. He's intimidating as hell.
"Ano?" She asked out of the blue. Hindi nya alam kung paano mag-react.
"Ipapasundo kita kay Harvey mamayang dinner. 7pm. Huwag kang aatras." He planted a quick kiss on her lips, picked up his coat and pants, and stormed out of her room. Nanatili pa rin syang tulala.
Kahit na gulong-gulo sya sa mga nararamdaman ay nagawa nya parin na pumasok sa opisina. Iniwan nya si Dennis sa pangangalaga ng nanay nya. She managed to get all her work done. Lumabas na sya ng 7 pm at nakita nyang hinihintay sya ni Harvey sa labas ng building. Sumakay sya sa kotse na minamaneho ng kaibigan at hinatid sya nito sa isang restaurant. Pagpasok nya pa lang ng resto ay binati na sya kaagad ng mga staff at iginiya sya sa isang table na naka-reserved para sa kanilang dalawa ni Leo.
Nanatili lang syang nakaupo at hinihintay ang pagdating ni Leo. She smiled as her eyes surveyed the place. Walang katao-tao doon at siya lang ang natatanging tao na pinagsisilbihan ng mga crew. Mukhang ini-reserve ng binata ang lugar na iyon para lang sa kanilang dalawa.
Siguro espesyal ako para kay Leo. She smiled at that thought. More than 2 hours have passed pero hindi pa rin dumadating ang binata. Kahit nangangalay na ang kanyang pang-upo at nakakaramdam na sya ng gutom ay matiyaga nyang hinintay ang binata.
"Ma'am can i get you something." Tanong ng waitress na lumapit sa kanya.
"T-tubig na lang, please."
Nanatili lang syang nakaupo. Napangiti muli sya nang marinig nyang bumukas ang pintuan ng resto pero biglang napawi iyon nang makitang hindi si Leo ang nagbukas no'n kundi si Harvey. Lumapit ito sa kanya.
"Nica. Sorry pero hindi na daw makakarating si Bossing. May emergency sya na kailangang asikasuhin. Tayo na lang ang kumain."
She can feel her heart tightened as soon as she heard his excuse. Alam nyang wala syang karapatang masaktan. He has an excuse. Siguro may inasikaso lang itong importanteng bagay kaya hindi ito nakarating. But she can't stop her heart from aching because of disappointment.
"Ihatid mo na lang ako, Harvey. Uuwi na ako. Magpahinga ka na rin ng maaga para makapag bonding pa kayo ng mga anak mo." She smiled. Pinilit nyang takpan ang lungkot na nadarama.
"Hindi pa ako makakauwi eh. Susunduin ko pa si Bossing at Ma'am Claire sa airport."
She gave him a confused look. "Sinong Ma'am Claire?"
"Oh. Si Ma'am Claire yung ex girlfriend ni boss na nagtrabaho sa US. Sya yung emergency na tinutukoy ko. Bigla kasing inatake si Claire ng asthma sa airport at si bossing ang tinawagan nya kaya nagmadaling pumunta doon si Boss."
Ang kaninang naninikip na dibdib ay mas lalo pang nadurog nang marinig ang balitang dala ni Harvey. Bago pa man tumulo ang luha nya ay tumakbo na sya palabas ng resto at sumakay sa taxi.
Bakit ba ako nasasaktan ng ganito?
"Are you okay?"
Claire smiled and nodded to answer him. Nang tawagan sya ng dating kasintahan at sinabing inaatake ito ng asthma ay kaagad syang sumugod sa airport para alalayan ito. Nabigo si Leo na puntahan si Nica dahil sa biglaang pagtawag ni Claire.
"How are you, Leo? I heard you're doing fine. Balita ko kay Tita may bago ka ng pinagkakaabalahan ngayon? C'mon! Spill her name." Pangungulit nito sa kanya.
"Magpahinga ka muna, Claire. Bukas na lang tayo mag-usap." He patted her shoulder at lumabas na ng guestroom. Napilitan si Leo na patulugin sa mansyon nya ang dating kasintahan. Baka atakihin na naman kasi ito ng asthma lalo na't balak lang nitong mag check-in sa isang hotel pagkagaling sa airport. Mabuti ng nandoon ang dalaga sa mansyon kung sakali mang umatake na naman ang asthma nito.
He dialled Nica's number. Napabuntong-hininga sya nang hindi sinasagot ni Nica ang mga tawag nya.
Gusto nyang mag-sorry dahil hindi sya naka-sipot sa romantic date na sya mismo ang nagplano. He wanted to formally court her. Hindi nya maintindihan pero bigla na lang pumasok sa isip nya na seryosohin si Nica at bigyan ng chansa ang puso nya na magmahal ng babae. He never wanted anything from women except sex. But now, he was craving for Love. Hindi mahirap mahalin si Nica at sa tingin nya ay maganda ang kalalabasan kung sakali mang pakasalan nya ito. Maliban sa tuluyan na nyang maaangkin ang dalaga ay magkakaroon na sya ng magiging tagapagmana nya.
"Leo, are you okay?" Tanong ni Claire na kakalabas lang ng guestroom.
"I'm fine. Magpahinga ka na lang." Wala sa loob na tugon nya. Busy sya sa pag-dial ng number ni Nica.
"Sorry nga pala sa abala, Leo. Let me make it up to you." In a blink of an eye, he felt her embrace. Naglakbay ang mga kamay nito at tinanggal ang pagkakabutones ng polo nya. He immediately held her hand and removed it from his body.
"I'm sorry, Claire. Hindi kita mapagbibigyam sa gusto mo." He looked at her.
"Why, Leo? May ibang babae na bang kaya kang paligayahin ng higit pa sa kaya kong ibigay? I know that you're thirsty ang hungry of me, Leo. Don't stop yourself." She crushed his lips with her mouth. Agad na tinulak ni Leo palayo si Claire, making her lose her balance. She can see anger in his eyes.
"Akala ko ba tapos na satin ang lahat, Claire? Bumalik ka ba para lang guluhin ako? Well, i'm telling you. Eversince you walked out of my bedroom that day, kinalimutan na kita. I even threw away your things here in this house. Kaya huwag ka ng umasa pa na babalikan kita. You betrayed me." He clenched his fists in anger.
"Umalis ako dahil ayaw mo na sakin! Nanlalamig ka na! You didn't give me my sexual needs! Kaya napilitan akong maghanap ng iba. I thought i'll be happier if i'm going to be in someone's bed pero na-realize ko na hindi pala. I love you, Leo. Please! Give me another chance. Hindi na ako maghahangad ng iba. I can fill your bed everynight if that's what you want. Leo. Mahal kita." She pleaded. Ngunit nagulat sya nang makita ang pamilyar na emosyon sa mata ni Leo.
"You're in love..." Nanghina si Claire. She can't believe that she can see loyalty in Leo's eyes. Ang mga tingin nito sa kanya ay para bang nakalaan na ang puso nito sa ibang babae at wala na syang lugar dito.
"Who's the lucky woman?" She asked with tears in her eyes.
"Hindi ako in love." He denied.
"Don't make a fool out of me, Leo. I'm a psychologist kaya alam ko ang mga nararamdaman at iniisip ng mga tao sa isang tingin pa lang. You're in love, Leo."
He stiffened. Nagtiim-bagang sya sa sinabi nito. "I'm not in love, Claire." He insisted.
She faked a laugh. "The great Leonardo Villaruiz is finally in love. Hindi ko rin akalaing kaya mong magmahal, Leo. We've been together for 3 years! 3 years kong hinintay na tingnan mo ako ng puno ng pagmamahal pero wala. Hindi mo ako binigyan ng chance na maramdaman iyon galing sayo. You're so unfair." Her voice cracked. "By the way, wala akong pakealam kung in love ka sa iba. I'm going to make sure that you're going to fall on your knees and beg for me to come back. Because no other woman could turn you into a beast except me."
He smirked. "Well, i'm so sorry but... someone already turned me into a demon, Claire. May kinababaliwan na akong babae. I'm planning to formally court her and if she will let me, then i'll do everything to ask for her hand in marriage. Huwag mong sisirain ang mga plano ko, Claire. Because if you do, i'm going to burn your beloved clinic with you in it. You chose to leave me, Claire. Suffer the consequences." His expression darkened and left her dumbfounded.
"Nica ayos ka lang ba? Bakit namumugto yang mga mata mo?"
Mabilis na nag-iwas ng tingin si Nica sa pinsan nang mahalata nitong namumugto ang mga mata nya. Magdamag syang umiyak kagabi at nilabas ang lahat ng sama ng loob. Na-realize nya kagabi na hindi nya deserve na masaktan at umasa na lang na pagtutuonan sya ng pansin at pagmamahal ng isang lalakeng katulad ni Mr. Leonardo Villaruiz. Bumalik na ang ex nito kaya malaki ang chansang hindi na sya kailangan ng binata. Akala nya pa man din ay may pag-asang mahulog ang loob nito sa kanya. She also thought that they share something 'special' pero umasa lang sya. Nagmukha lang syang tanga.
"Ayos lang ako, insan. Nagpuyat kasi ako kagabi sa kakanood sa Netflix kaya ayun! Napuruhan ang mata ko." Biro nya. Hindi nya ipinahalata ang sakit na nadarama. Hanggang ngayon kasi ay nasasaktan pa rin sya sa ginawang pang-i-indian sa kanya ng binata para lang sa ex nito.
"Nica, kung may problema ka pwede mo akong kausapin. I'll be happy to help."
Napangiti sya sa sinabi ng pinsan nya sa kanya. "Thank you, insan. Kahit pala unggoy pwedeng magbigay ng advice?" Biro nya.
"Akala mo ba hindi ko alam na nakikipagkita ka sa boss ko?"
Her eyes widened in disbelief. "Paano mo nalaman?"
"Tssss.. Nica, In-underestimate mo ako. Updated ako sa lahat ng mga nangyayari sayo. Alam mo namang kaibigan ko rin si Harvey diba? Alam mo naman ang lalakeng 'yun, masyadong chismoso. Lagi nyang inire-report yung mga pagkikita nyo ni Sir."
"Papagalitan mo ba ako?"
"Nope. Actually mabuti na ring ma-inlove ka para ma-experience mo kung gaano ito ka-confusing. Love is very tricky, Nica. Akala mo wala kang nararamdaman para sa isang tao. But the next thing you know, You're inlove. Tinamaan ka na pala ng lintik. But i can say na isa yon sa mga magagandang bagay na mararanasan mo. You'll feel different kinds of emotions as if you're in a roller coaster ride. Kaya huwag ka ng malungkot kung malaman mong imposible kayong magkatuluyan. Just enjoy the feeling, Nica. While it last."
Napangiti sya. "Thank you sa advice insan." Tumakbo sya at niyakap ang pinsan mula sa likuran nito.
"Ang lambing talaga ng pinsan kong hoodlum." Biro nito sa kanya. Napuno ng tawanan ang opisina ng pinsan nya.
Pagsapit ng alas dose ay nagawa nya paring lumabas ng opisina ng pinsan at nagdesisyon na mag-lunch sa labas. Ayaw nyang pumunta sa cafeteria dahil baka makita nya si Harvey o baka makasalubong nya sa elevator si Leo. Gumamit sya ng hagdan para marating ang ground floor. Bigla syang nagsisi sa desisyon dumaan sa fire exit ng building nang makitang papasok sa entrance ng building si Leo kasama si Harvey. Bago pa sya makapagtago ay nakita na sya nito na nakatingin sa kanilang dalawa. Nag-iwas sya ng tingin at nagpatuloy sa paglalakad palabas ng building. Nagulat sya nang bigla syang hinatak ni Leo sa braso at hinila papunta sa elevator. Nang magsara ang elevator at napagtanto nyang silang dalawa lang ang nasa loob ay sinigawan nya ito.
"Ano ba? Bitawan mo nga ako! Saan mo ako dadalhin?!" Nagpumiglas sya pero nagmukha lang syang mahina dahil hindi man lang natinag si Leo sa mga ginagawa nyang pagpupumiglas.
"I'm sorry. Hindi ako nakapunta kagabi." Binitawan nito ang braso nya at hinarap sya ng maayos.
"May gagawin pa ako. Mauna na ako." Bago pa man nya mapindot ang elevator ay pinigilan nito ang kamay nya. He walked closer. Napaatras sya hanggang sa nakalapat na ang likod nya sa salamin ng elevator.
"Iniiwasan mo ba ako?"
"Ano naman ngayon kung oo? Hindi naman tayo magkasintahan kaya hindi mo na kailangan ng explaination."
"I said i'm sorry. Why don't you just accept my apology? May emergency ako kagabi kaya hindi ako nakapunta."
"Oo nga naman. Inatake nga pala ng asthma 'yung Ex mo kaya hindi ka nakapunta." Sarkastikong tugon nya.
"Are you jealous?" He smirked.
Bigla syang namula. "A-ano? H-hindi no! Bakit ako magseselos?" Tanggi nya. Naputol ang usapan nila nang biglang mag-ring ang cellphone nya. Mabilis nya itong sinagot.
"Nica! Si Greg 'to. Pwede ka bang sumaglit dito sa presinto? Gusto lang sana kitang i-libre." Bungad sa kanya ni Greg sa kabilang linya.
"Pwede bang next time na lang tayo magkita, Greg? Marami pa akong gagawin eh. Pupuntahan na lang kita mamaya sa bahay mo."
"Okay. Thank you Nica. Bye."
Saglit nyang sinulyapan si Leo. Nagulat sya nang makitang galit itong nakatitig sa kanya at animo'y kahit anong oras ay papatay ng tao.
"S-sige Greg. Walang anuman." Ibinaba na nya ang tawag.
"Sino 'yun?" Tanong nito sa kanya na para bang pulis na nag-i-interrogate ng suspect. Anger literally flashed in his ash, grey eyes. Bigla syang kinabahan.
"Ano bang kailangan mo, Leo? Aalis na ako! Gutom na ako at wala pa akong kain simula kaninang umaga kaya pwede ba? Huwag mo muna akong kulitin at mainitin ang ulo ko kapag gutom ako!"
Nang bumukas ang elevator sa 30th floor ay padabog syang lumabas para lumipat ng elevator. Nakahinga sya ng maluwag nang hindi sa sumunod ang binata sa kanya. Nagtatampo sya. Nagtatampo sya dahil nagawa ng binata na piliin ang ibang babae kesa sa maka-date sya. She knows she sounded selfish and immature pero 'yun yung nararamdaman nya. Inakala nya talaga na espesyal sya para dito. Ni minsan sa buhay nya ay hindi nya inakalang makakaranas sya ng isang matinding disappointment, lalo na sa isang lalakeng di nya kaano-ano.
****
"Damnit!"
Sa sobrang inis ni Leo ay naibato nya ang mamahaling figurine na naka-display sa ibabaw ng desk nya. Napalundag sa gulat si Harvey na ngayon ay nasa harap nya at naghihintay lang ng kung anong iuutos nya.
"Bossing, kumalma ka. Bakit ka ba galit?" Harvey gave him a scared look.
Napatiim-bagang sya. "Ano bang problema ng kaibigan mo at hindi man lang matanggap ang simpleng 'sorry'?! Damnit! She even managed to talk to a guy kahit kausap na nya ako! F*ck that Greg!" Galit nyang sigaw sa secretary nya.
"Bossing. Hindi po ako si Nica kaya huwag nyo po akong sigawan." Saway nito sa kanya. "Teka lang po pala, Bakit mo kilala si Greg?" Tanong nito sa kanya. Harvey arched his brows in confusion.
"Kilala mo 'yung lalakeng yun?"
"Oo naman boss! Eh bestfriend namin ni Nica yung mokong na 'yun eh. Ninong sya ng panganay ko."
"What's the score between that guy and Nica?"
"Wala naman boss. Dating manliligaw ni Nica si Greg. Pero binasted rin sya ni Nica ilang taon na ang nakakaraan. Mag bestfriends lang talaga sila ngayon kaya wala kang dapat ika-selos."
"I'm not jealous, Harvey!" Pagtanggi nya sa paratang nito. Harvey faked a laugh.
"Niloloko mo ba ako, boss? May asawa na ako kaya alam ko ang itsura ng isang halimaw na berde ang mata. Bossing, walang mangyayari kung hindi mo aaminin sa sarili mo na mahal mo yung kaibigan ko." Napailing-iling ito. "Bakit ka naiirita kay Greg kung hindi ka nagseselos?"
Napa-isip sya. He's got a point.
"But how did you know na in love ka na pala sa asawa mo?" He asked. Ang kaninang galit na mata ay biglang lumamlam. He wanted to know his unfamiliar emotions once and for all. Kung totoong inlove nga sya sa dalaga ay gagawin nya ang lahat para mapasakanya ito. Whatever it takes.
"Sige boss. Imaginin mong masaya sya sa piling ng ibang lalake."
His fist clenched in anger. Hindi nya maatim na makitang may kapiling itong ibang lalake maliban sa kanya.
"O di kaya'y i-imagine mo na na may kahalikan syang iba. Imagine-nin mong napapaligaya sya ng ibang lalake sa kama. Imagine-nin mong hindi ka nya mahal. Imagine-nin mong ayaw nyang maging parte ng buhay mo. Ano bossing? Masakit ba?"
Naitapon nya ang mga papel na hawak nya sa sobrang inis. He can't imagine all of those things! Nadudurog ang puso nya! He wanted her to be his! He wanted to lock her in his arms forever if that's what he needed to do to make her stay. He's willing to kill all of the men on earth just to make sure that she's not going anywhere except his arms. Napatiim-bagang sya.
"Tapos boss imagine-nin mong ikakasal na sya kay Greg-----" Pinutol nya ang mga sasabihin pa ni Harvey sa pamamagitan ng pagtapon ng ballpen sa mukha nito. Harvey laughed and enjoyed to stare at his dark, angry expression.
"See? Imagination pa lang yan bossing. Paano kaya kung totoo na? Hay naku boss! Kung ako sayo kekembot na ako. Basta huwag na huwag mong pa-asahin yung kaibigan ko na 'yun! Ayaw pa naman ni Nica na nadi-disappoint. Kaya nga kapag nangako ka sa kanya ay siguraduhin mong tutuparin mo. Kung hindi ay matitikman mo ang walang hanggang pagtatampo ni Nica."
And then it hit him. Kaya pala umiiwas ito sa kanya kasi nagtatampo ito dahil pinaasa nya itong darating sya.
"Harvey. I-cancel mo lahat ng meeting ko ngayong araw. Umuwi ka na rin para maaga kang makapag-pahinga. May lakad ako mamaya."
Nagsalubong ang kilay ni Harvey dahil sa sinabi nya. "Boss, himala at pinauwi mo ako ng maaga?"
He smiled. "Papagalitan ako ng kaibigan mo kapag hindi kita pinagpahinga."
He just laughed when Harvey gave him a confused look.