Hindi alam ni Nica kung tama ba ang ginagawang pag-iwas kay Leo. But one thing's for sure: Nasasaktan ito sa silent treatment nya.
Ilang araw na ang lumipas at hindi na nya mabilang kung ilang rosas na at strawberries na may kasamang chocolate dip ang natatanggap nya mula kay Leo, at lahat ng mga iyon ay may nakasulat na "I'm sorry, honey."
Mas lalo syang nanlulumo. Hanggang ngayon kasi ay hindi pa rin nito inaamin na mahal sya nito. Nasasaktan sya dahil pakiramdam nya ay naging biktima sya ng isang unrequited love.
Muli syang napahagulgol sa iyak. Hindi nya maintindihan ang sarili dahil nitong mga nakaraang araw ay nagiging emosyonal sya. Maliban doon ay halos wala syang ganang kumain at halos masuka sya kapag tinitingnan ang strawberries at chocolates na ipinadala ni Leo sa kanya kaya napipilitan syang itapon ang lahat ng iyon.
"Ganito ba talaga kapag heartbroken? Pati katawan ko umaayon sa nararamdaman ng puso ko?" Tanong nya sa sarili.
Hindi nya rin maintindihan pero lagi nyang gustong makita at makausap si Harvey. Lagi syang natutuwa kapag nakikita si Harvey, lalo na kapag nginingitian sya ni Harvey. Hindi nya maintindihan pero pinangigigilan nya palagi ang pisngi ni Harvey. Maliban doon ay napapansin nyang madalas ang pagdalaw at pagkamusta sa kanya ni Harvey. Kapag wala naman si Harvey ay palagi nya itong hinahanap. Para syang babaeng may crush kay Harvey.
"Mali ito! May asawa na si Harvey! Bakit ba kasi pinanggigigilan ko yung lalakeng 'yun?"
****
.
.
.
.
.
.
.
.
.
"Bossing sorry po talaga. Hindi ko alam kung bakit lagi akong kinukurot at niyayakap ni Nica. Sorry talaga boss. Nahihiwagaan din ako boss. Hindi naman ganun si Nica dati." Napakamot sa batok si Harvey habang nagpapaliwanag.
Pakiramdam ni Leo ay nalulunod na sya sa selos. "Bakit mas gusto pa ng babaeng yun ang secretary ko?!" his mind asked in an irritated state.
Nitong mga nakaraang araw ay laging nagkikita sila Harvey at Nica. Nakikita nya mula sa monitor nya ang mga nangyayari sa buong building kaya alam nya na laging nagtatagpo ang dalawa.
Nagseselos sya dahil natiis ng dalaga na hindi sya makita ng ilang araw samantalang ito naman ay mas gustong makita ang secretary nya kesa sa kanya.
"May asawa ka na, Harvey. Ano na lang ang iisipin ng asawa mo?" Hindi nya napigilan na ipakita ang tunay na nadarama kay Harvey. He might look so childish but he doesn't care.
"Naku boss wala akong gusto kay Nica. Sa tingin ko naman boss ay walang gusto si Nica sakin. Pinangigigilan lang nun ang pisngi ko."
"Why is she acting like that kung wala syang gusto sayo? Ginagago mo ba ako?" He gritted his teeth in anger.
"Bakit hindi sya ang tanungin mo boss? Ilang araw na yang away nyo a? Halos ako na ang naiiipit sa pagitan nyong dalawa." Reklamo ni Harvey. "Sa tuwing pinapadalhan mo sya ng chocolate at strawberry ay lagi nyang tinatapon kaya i hereby conclude na matindi ang galit nya sayo boss! Paborito kaya ni Nica ang strawberry at chocolate kaya hinding-hindi nya itatapon yun. Ang laki siguro ng kasalanan mo bossing no?" Saad pa nito.
"Get out of my house." Galit na asik nya.
"Sorry naman bossing. Ikaw naman masyadong galit."
Naputol ang mga sasabihin pa sana ni Leo nang mag-ring ang phone ni Harvey.
"Hello Attorney Manalo? Ano ang mapaglilingkod ko sayo?" Tanong nito sa kausap sa kabilang linya ng phone. Napakunot-noo sya nang magbago ang ekspresyon ni Harvey na animo'y nakatanggap ng bad news.
"Bossing. Si Nica.. Sinugod sa ospital si Nica."
Nagmamadali nyang hinanap si Nica sa monitor ng CCTV pero bigla syang binalot ng kaba nang makitang wala ang dalaga sa opisina ng pinsan nito. Nahagilap nya na kasalukuyang binubuhat ang walang malay na si Nica ng pinsan nito palabas ng building.
Bigla syang nilukuban ng takot at kaba. Mabilis syang tumakbo kasama si Harvey papunta sa garahe at pinaharurot ang sasakyan. Hindi nya mabilang kung ilang beses na syang nagdasal ng tahimik na sana ay walang mangyayaring masama sa dalaga.
"Bossing huwag kang mag-alala. Magiging okay si Nica." Pagka-kalma sa kanya ni Harvey. Nahalata siguro nito ang takot sa mukha nya.
He hopes so. Dahil hindi nya kakayaning mawala si Nica sa kanya. Mahal na mahal nya ang dalaga. Ini-imagine pa lang nya na mawawala ito sa kanya ay parang sinasaksak na ang puso nya.
Nang makarating sa ospital kung saan in-admit si Nica ay nagmadali syang takbuhin ang emergency room. Nakita nya kaagad ito na nakahiga sa hospital bed at sinusuri ng mga doktor.
"Anong nangyari? Bakit sya nahimatay?" Natatarantang tanong nya sa doktor.
"Don't worry. She's fine. Nawalan lang sya ng malay. We already run some test on her. Malalaman natin mamaya kung may malubhang sakit nga talaga ang pasyente. Don't worry dahil dehydration lang ang dahilan kung bakit nawalan sya ng malay. Excuse me." Anang doktor sa kanya.
Nakahinga sya ng maluwag. He immidiately ran to her side at hinawakan ang kanang kamay nito na may naka-turok na dextrose. He wanted to thank almost every saint in the world dahil okay ang kalagayan ni Nica. No words can explain how happy he is.
"Salamat naman at okay na sya. Hay naku si Nica talaga! Nakalimutan pang uminom ng maraming tubig." Narinig nyang wika ng pinsan nitong si Arthur na ngayon ay nasa tabi na nya.
He bowed a little to kiss Nica's forehead. Wala parin itong malay. Maya-maya'y gumalaw ito at unti-unting nagmulat ng mata. Hindi na nya namalayang tumulo ang luha nya sa pisngi ng dalaga. He immidiately kissed her with all his love. He made sure of that.
Kung nakakabawas man ng pagkalalake ang pag-iyak nya ay wala syang pake. He wanted to cry because of happiness and relief. Nica's worth crying for.
Naramdaman nyang tumutugon sa halik nya ang dalaga kaya mas lalo pa nyang pinalalim ang halik. He missed her kisses.
"Hay naku bahala na nga kayo dyan. Naghalikan pa kayo sa harap namin." Narinig nyang naglakad paalis ang dalawang pares ng paa. He smiled and continued to ravish her lips with his kisses.
Naramdaman nyang marahan syang tinutulak ni Nica kaya saglit nyang hiniwalay ang mga labi at tiningnan ito ng maayos.
"Bakit ka umiiyak?" She asked innocently. Pinahid nito ang mga luha sa gilid ng mata nya. He caught her hand on his cheeks and kissed it gently.
"Napuwing lang ako." He lied. Napangiti sya nang makitang biglang lumungkot ang ekspresyon ni Nica dahil sa sinabi nya.
"Just kidding. I'm happy dahil walang masamang nangyari sayo." Mabilis na bawi nya. She stared at him and gently cupped his face.
"Nag-alala ka siguro ng husto no? Nakalimutan mong magsuot ng pants." She chuckled. Napangiwi sya nang makitang wala nga syang suot na pants at tanging boxers lang ang suot nya.
"Wala na akong time magsuot ng pants. You're more important." He kissed her again. But this time, the kiss is so intense--- as if they we're both longing for each other's lips. Napakapit si Nica sa batok nya at mas lalong pinalalim ang halik.
"Boss mauna na ako. Kukunin ko muna yung extrang pants mo sa kotse mo boss." Paalam sa kanya ni Harvey habang busy sila sa paghahalikan.
He just waved his hand as a response to his secretary and continued to nip her lower lip.
Ah! He missed her so much.
Nagulat sya nang biglang humiwalay si Nica at pinigilan si Harvey.
"Harvey bumalik ka dito!" Sigaw nito para pigilan ang secretary nya na umalis.
What the hell?
"Pakurot naman sa pisngi mo oh. Please? Nakakagigil eh." She giggled like a child.
In a blink of an eye, jealousy filled his system. Matalim nyang tiningnan si Harvey at sinenyasan na umalis. Biglang natakot ang secretary nya dahil sa inasal nya at nagmamadaling umalis ng emergency room.
"Bakit parang mas gusto mong makita ang lalakeng yun kesa sakin?" Tanong nya sa dalaga na animo'y nagtatampong bata.
She smiled. "Hehehe. Ang cute cute kasi ni Harvey. Ang taba ng pisngi. Nakakagigil." Gigil na wika nito.
"How about me? Am i handsome? Am i more handsome than Harvey?" Biglang tanong nya dito. He can't accept the fact that Nica likes his secretary more than him.
"Oo naman! Anong klaseng tanong yan?" Iritadong tanong nito sa kanya. He pouted.
"Hahahaha! Ang cute mo mag-pout!" Sya naman ang pinanggigilan nito.
He smiled. At least he knows that he's better looking than his stupid secretary.
Biglang nag-seryoso ang anyo ni Nica. "Sorry nga pala, Leo. Sorry kasi nag-drama ako. Nagtatampo lang naman kasi ako dahil hindi mo ako pinaniwalaan. Hinusgahan mo ako kaagad. Sorry talaga." She stared at his grey eyes. Umupo ito mula sa pagkakahiga sa hospital bed at niyakap ang bewang nya.
Inalis nya ang pagkakayakap nito sa kanya at tiningnan ito sa mata. He sat down beside her and cupped her face with his right hand. "Honey, i deserve that silent treatment from you kaya hindi mo kailangang mag-sorry, okay? Inaamin kong nagalit ako sayo dahil akala ko'y hindi totoo yung sinabi mong mahal mo ako. Akala ko magiging biktima ulit ako ng isang pekeng pag-ibig but i was wrong." He planted a quick kiss on her lips. "Akala ko niloloko mo lang ako. Akala ko binayaran ka ni mommy. Nagkamali ako, Nica. That's why i'm here to pay for my mistakes. Do whatever you want, honey. Slap me. Punch me. Strangle me to death. Ikaw ang bahala. Just don't you ever pretend that i don't exist or i will die from the excruciating pain of heartache. No one does that to my heart, Nica. No one except you."
Napaluha si Nica sa sinabi ni Leo sa kanya. She cupped his face. "I won't, Leo. I promise." She planted a kiss on his lips. "Pangako hindi na kita sasaktan. I love you Leo. Mahal na mahal kita." She kissed his cheeks. "Nararamdaman mo naman diba? Bakit ka magdududa sa mga sinasabi ko sayo? Nagsinungaling na ba ako sayo? Akala ko maniniwala ka sakin nung sinabi ko sayong mahal kita kaya nagulat ako nung inakusahan mo ako ng mga bagay na hindi ko kayang gawin." Anang dalaga na puno ng hinanakit.
"Honey, look. Mula ngayon ay hinding hindi na kita pagdududahan, okay? I'm going to believe you even if you tell me that goblins and fairies do exists." Leo hugged her. "Don't you ever scare me again like that. Mamatay ako sa heart attack dahil sa ginagawa mo eh. Starting from today, i will hire somebody to assist you and monitor your health. Kukunan din kita ng sarili mong doktor para makapagpa-check up ka every month. Simula ngayon ay alagaan mo na ang sarili mo. Hinding-hindi kita mapapatawad kapag hinayaan mong magkasakit ka. Hindi ko kayang mawala ka." He planted a kiss on her forehead.
Natawa si Nica ng marahan. "OA ka naman yata sa pagkuha mo ng sarili kong doktor. Wala naman akong sakit eh. Napagod lang siguro ako ng husto."
"Kahit na. Hindi mababayaran ng pera kung may masamang mangyari sayo." He kissed her once again. "I love you, honey."
He saw happiness in her eyes. "Mahal mo ako?" Her eyes went teary because of what he said.
Napakunot-noo sya. "Hindi mo alam?"
She shooked her head. "Hindi ko alam eh. Hindi mo naman sinabi." She cupped his face.
"Isn't it obvious? At bakit ko pa sasabihin? Action speaks louder than words. Akala ko nararamdaman mo kaya hindi ka nagtanong kung mahal nga ba talaga kita. I thought you knew." He heaved a sigh. "Hindi ba't sinabi ko sayong i made love with you from the very first night na inangkin kita? You already stole my heart that night kaya hinanap kita kinabukasan. And then i found you. Hindi na kita tinantanan. Palagi kitang pinasusundan kay Harvey para masiguradong walang lalakeng aaligid-aligid sayo maliban sa akin. I fell in love with you, Nica. From the moment i first saw you dipping strawberries in the chocolate fountain. I don't really believe in 'love-at-first-sights' but there are no other words to explain what i felt for you that night at the party. So yeah, the ridiculous and the most stupid attorney, Mr. Leonardo Villaruiz, is madly in love with you. Curse you and your dimples, Honey."
He saw tears gently streaming down her face. "Leo. I love you."
He kissed her tears away. "I love you too, Ms. Veronica Manalo."
She flashed the sweetest smile he has ever seen. She cupped his face and mouthed "I love you too". That made his heart flutter.
"I think i just blushed." Pag-amin nya.
"Oo nga bossing eh. Naka-boxer ka ba naman sa emergency room eh. Sino kaya yung hindi magbu-blush sa hiya." Biglang komento ni Harvey na may dala-dalang paper bag. Nica's eyes suddenly diverted to Harvey and she immidiately pinched his cheeks.
"Nica naman! Malalamog na ang pisngi ko sa ginagawa mo eh." Reklamo ni Harvey. He felt jealousy again. Mabilis nyang hinila si Harvey mula sa kasintahan at kinuha ang paperbag mula dito.
"Makaka-alis ka na. Kung ayaw mong ma-sisante." Tiningnan nya ito ng masama.
"Nica. May halimaw na berde ang mata sa tabi mo. Nakakatakot no?" Biro ni Harvey.
"Hala? Saan?" Nagmamadaling hinanap ni Nica sa Emergency Room ang tinutukoy ni Harvey.
Harvey and Leo both laughed in unison. She never fails to amuse him. Mukha itong inosenteng batang naghahanap ng totoong halimaw na berde ang mata.
****
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
"Are you happy?" Tanong ni Leo kay Nica. She nodded and kissed his lips. Habol-habol pa rin nila ang hininga dahil sa ginawa nilang pagniniig.
Ilang linggo na rin ang nakalipas nang malaman nyang nagdadalang-tao sya. Nalaman nila iyon sa mismong araw ng confession ni Leo sa kanya. Kaya pala sya nahimatay ay dahil sa matinding pagod at stress. Idagdag pa na palagi syang dehydrated at kulang sa tulog dahil sa sobrang pag-iyak.
She could've never been more happier in her entire life until that moment came. Napaluha rin si Leo nang malaman nitong nagbunga ang pagmamahalan nilang dalawa. Nalaman din nya na pinaglilihian nya si Harvey kaya nya pinanggigigilan ang kaibigan. Pero hindi pa rin maiwasan ni Leo na magselos sa tuwing panggigigilan o pipisilin nya ang mukha ni Harvey.
Nag-umpisa na rin si Leo na bumili ng mga gamit at damit na pang-baby. Mukhang mas excited pa ito kesa sa kanya. Natuwa din ang mommy ni Leo nang malaman na nagdadalang tao sya. Ang nanay naman nya ay halos mahimatay sa sobrang tuwa. Ang pinsan naman nyang unggoy ay lagi syang iniinis at binu-buwisit dahil mas madali na syang magbago ng mood ngayon.
Tila nagkasundo ang dalawang pamilya nila. Bumisita kanina ang nanay at pinsan nya sa bahay ni Leo at nagkaroon sila ng munting salo-salo. Lahat ng pagkaing paborito nya ay ipinaluto ng Mommy ni Leo. Para syang prinsesa na pinagsisilbihan ng lahat.
Nang umalis na ang ina at pinsan nya ay naging busy na sila sa kwarto ni Leo. They took their time making love. Hanggang sa mapagod silang dalawa at ito na mismo ang sumuko.
"I love you, Nica." He kissed her forehead. Mas lalo nyang niyakap ang hubad na katawan ng kasintahan habang nakasandal sya sa balikat nito.
"I love you too, Leo." Her lips began to plant some soft kisses on his neck.
"Oh, you crazy little brat. You just woke him up again." He chuckled. Maya-maya'y sumeryoso ang ekspresyon nito at may kung ano itong kinuha sa ilalim ng unan nito at binigay sa kanya.
Umupo sya mula sa pagkakahiga sa kama at binuksan ang lampshade sa bedside table upang makita ng maayos ang bagay na inabot nito sa kanya. Nagulat sya nang makita ang isang pulang jewelry box. Napaluha sya nang makita ang isang magandang singsing sa loob ng kahon.
"Make me happy, Nica. Marry me." Umupo na rin ito mula sa pagkakahiga kanina. He stared at her with full of love and anticipation and gently took her left hand.
She nodded. Pakiramdam nya ay wala ng mas sasaya pa sa kanya. "Oo naman. Pakakasalan kita." Tugon nya.
He smiled and took the ring from the box and gently slid it into her ring finger. The ring fits perfectly.
"So perfect... just like you." Wika nito at tumitig sa kanya. Her heart melted when she saw love and happiness in his ash, grey eyes. He kissed the diamond ring on her left hand and gently lift it to caress his face.
"I love you." She mouthed. Halos hindi sya makapagsalita sa sobrang sayang nadarama.
She made the right choice. She chose to gamble in the crazy game of love... and she won. She won the man that she loved.
"I love you too, honey." He reached for her nape and sealed his love with a kiss.
For the first time in her life, she felt perfect. She felt complete. A loving soon-to-be husband and future healthy baby. What could go wrong?