"Leo! Calm down! Anong nangyari at bakit galit na galit ka?"
Simula ng umuwi si Leo galing sa opisina ay inumpisahan nyang basagin ang mga flower vases ng ina dahil sa galit. He couldn't believe na napaikot na ng ina nya maging si Nica.
"Magkano ang binayad mo kay Nica para pikutin ako? Tell me Mom! Tell me! Ganoon ka na ba ka-desperadang magka-apo at pinakealaman mo ulit ang buhay ko?!" He gritted his teeth in anger. Galit ang mga matang tiningnan nya ang ina at maging ito ay natakot sa anyo nya.
"Ano bang pinagsasasabi mo, Leo?! Hindi ko binayaran si Nica! In what world do you think na binayaran ko sya?! Calm down!" Saway nito sa kanya.
"Really? So you expect me to believe that the Matchmaker just set us up para magkakilala, ganoon ba? Do you really expect me to believe you, Mom? Hindi ito ang unang pagkakataon na may binayaran kang babae para lang matupad ang pangarap mong magka-apo! Hindi mo ako puppet, so stop messing with me!"
Nagulat si Leo nang maramdaman ang sampal ng ina sa kaliwang pisngi nya.
"Bakit mo napagsasalitaan ng ganyan ang Mommy mo? Wala akong hinangad kundi magkaroon ka ng masaya at maayos na pamilya. Tama ka! Binayaran ko si Claire dati para kunin ang loob mo. Inutusan ko si Claire na makipaglapit sayo at baka sakaling mahulog ang loob mo sa kanya ngunit nabigo ako! Pinagpalit ka nya sa iba! Alam ko ang mga pagkakamali ko Leo! Alam na alam ko! And the worst part is, nasaktan ka dati ng dahil sa kagagawan ko. I saw you suffer, anak. Masyado kang nasaktan ni Claire to the point na hindi ka na naghangad ng iba mula sa ibang babae maliban sa pakikipagtalik!" His mother began to sob. "Akala mo ba madali para sa akin na makita kang nagkakaganoon dahil sa kagagawan ko?! Hindi! Dahil walang mabuting magulang na gugustuhin makita na nasasaktan ang mga anak nila!"
Leo's expression began to soften when he saw his mother sob. Nasasaktan syang makitang umiiyak ang ina. Mabilis nya itong nilapitan at niyakap.
"I'm so sorry, Mom."
"Hindi ko binayaran si Nica, anak. Inamin ko sa kanya na sinet-up kayong dalawa ni Matchmaker para magkakilala kayo nung gabi ng party ko. Si Matchmaker ang nag-recommend sakin na baka magustuhan mo si Nica dahil personal nyang kakilala si Nica at alam nyang malaki ang chance na mahulog ang loob mo sa kanya. Pinagtagpo lang namin kayo, anak. Pagkatapos nun ay wala na kaming ginawang hakbang dahil ikaw na mismo ang naghanap kay Nica kinabukasan. Ikaw na mismo ang lumapit sa kanya. Ikaw yung unang gumawa ng hakbang para mapalapit sa kanya. Hindi ako. Hindi si Matchmaker. Ikaw anak. Kasi mahal mo sya."
He gently pushed his mother away and stared at her. "Sigurado ka ba, Mommy? Hindi mo sya binayaran kagaya ng ginawa mo kay Claire?" He gave her a confused look.
His mother shooked her head.
"Damn!" He cursed inaudibly. Naisapo nya ang dalawang palad sa noo at marahan na sinabunutan ang sarili nya sa sobrang inis. Nasaktan nya si Nica! And the worst part is, hindi nya man lang pinaniwalaan ang sinabi nito sa kanya.
"L-Leo. Nagkakamali ka. Hindi nila ako binayaran. Wala akong kinalaman sa mga plano nila. Leo. Mahal kita. Diba sabi mo maniniwala ka sakin? Mahal kita Leo. Mahal na mahal kita. Please maniwala ka naman sakin. Please!"
"F*ccckk!!" Mas lalo nyang sinabunutan ang sarili dahil sa inis. Naiinis sya sa sarili dahil hindi nya pinaniwalaan si Nica. He was so blinded by his past to the point that he forgot about his future. About her. Ni hindi man lang nya binigyan ng benefit of the doubt si Nica. He's a very good lawyer but definitely a terrible lover!
"Anak, what's wrong? Masakit ba ang ulo mo? You want me to send you to the hospital?" Nag-aalalang tanong sa kanya ng ina.
"Mom... i made a very terrible mistake."
"Why? Ano ba ang ginawa mo at para kang nasisiraan ng bait?" His mother gave him a confused look.
Inumpisahan nyang i-kuwento ang mga nangyari kanina sa pagitan nila ni Nica kanina sa opisina. Nang matapos nyang i-kuwento sa ina ang nangyari ay nanghihina itong napaupo sa sofa na nasa tabi nito. Nanghihina itong napatingin sa kanya. Her eyes widened in disbelief.
"Ano bang nangyari sayo, Leo? You're a lawyer for christ's sake! Hinusgahan mo kaagad si Nica ng walang ebidensya?! You didn't even give her the benefit of the doubt! Ni hindi mo sya pinaniwalaan! You know that she's not good at lying kaya bakit hindi mo sya pinaniwalaan? Hindi man lang ba pumasok sa isip mo yon?"
His mother was right. Hindi nga magaling magsinungaling si Nica. At isa syang malaking hangal dahil hindi nya ito pinaniwalaan.
Tumalikod sya sa ina para maglakad palabas ng main door ngunit pinigilan sya ng ina.
"Mas lalo syang masasaktan kapag nalaman nyang alam mo na ang totoo. Masasaktan sya dahil hindi mo sya pinaniwalaan kaagad. Just let her be, anak. Hayaan mo muna syang mag-isa. Mag-sorry ka sa kanya in the most romantic way possible...para malaman nyang sincere ka at mahal mo sya." Her mother smiled at him and held his hand. The warmth from his mother's hand gave him hope and courage that maybe everything will be back to normal soon.
*****
Matapos ang sagutan nila ni Leo ay nagdesisyon si Nica na sumugod sa bahay ng kaibigan na si Rina. Isa si Rina sa mga close friends nya maliban kay nila Dennis, Harvey, at Greg. Sa sobrang tagal ng pagkakaibigan nila ni Rina ay nagkakilala at nagkatuluyan ito at ang pinsan nyang si Arthur. Engaged na ang kaibigan sa pinsan nya at nagdadalang tao na.
"Patayin mo na ako, Rina! Patayin mo na ako! Hindi ko kaya! Ang sakit sakit na!" Hagulgol nya at mas lalong niyakap ang tyan ng kaibigan. Nilabas nya ang lahat ng sama ng loob kay Leo sa kaibigan nya. Hindi na nya mabilang kung ilang beses na nyang hiniling na patayin na sya ni Rina.
"Babe, gusto mo bang kunin ko na yung kutsilyo sa kusina para magilitan ko na ang leeg nitong pinsan ko?" Tanong ng pinsan nya na kagagaling lang sa kusina para magluto ng hapunan nilang tatlo. Halatang narinig nito ang buong usapan nila ni Rina dahil ngiti-ngiti itong lumabas at tila nanunuksong tumitingin sa kanya.
"Gusto mo bang masuntok, insan? Ikaw kaya gilitan ko sa leeg?" Reklamo nya.
"Aba! Ikaw nga tong nagre-request na patayin ng fiancé ko, Nica. Sumugod ka pa sa condo namin para lang mag-drama. You're not even supposed to be here anyways! Dis oras na ng gabi. Dapat nasa bahay ka na ni Nanay Eleanor!"
"Pwede ba tumahimik ka! Unggoy ka talaga! Kita mo ng umiiyak ang pinsan mo!" Sigaw nya sa pinsan at mas lalong ibinaon ang mukha sa tyan ng kaibigan.
"Bakit ba kasi kayo nag-away ni boss, Nica? Nagsinungaling ka ba sa kanya? Pinaglihiman mo ba sya? Pinagtaksilan mo ba sya? Kasi yung tatlong factors lang na nasabi ko yung mga posibleng dahilan kung bakit magagalit yung taong yun eh." Saad pa ng pinsan nya kapagkuwa'y naramdaman nya ang palad nito na marahang hinahaplos ang likod nya.
"Insan!" Humiwalay sya sa pagkakayakap sa kaibigan nya at kinabig ang pinsan nya para yakapin.
"Para kang bata, Nica! Ngayon alam mo na ang nararamdaman ko nung mga panahong nag-away kami ni Rina? Masakit 'no? Feeling mo siguro dinudurog ang puso mo sa sobrang sakit no?"
"Sorry insan. Kung alam ko lang na ganito pala kasakit yung nararamdaman mo edi sana nilibre na lang kita ng ice cream nung mga panahong depressed ka dahil kay Rina. Ang sakit sakit pala insan!" Mas lalo nyang hinigpitan ang pagkakayakap sa pinsan nya at mas lalong nilakasan ang pag-iyak.
"Nica, huwag ka ng umiyak. Kung galit sya sayo, huwag mo syang pansinin! Huwag mo syang kausapin! Kung naniniwala talaga syang binayaran ka ng mommy nya para lang lumapit sa kanya, then isampal mo sa kanya ang ipon mo sa bangko! Sabihin mo hindi mo kailangan ng pera nila! Walang hiya yung lalakeng yon! Lawyer nga pero parang tanga kung kumilatis ng sitwasyon. Bakit hindi ka man lang nya binigyan ng chance para patunayan ang sarili mo na nagsasabi ka ng totoo?" Galit na asik ng kaibigan nya.
That what hurts her most. Ni hindi sya binigyan ng chance ni Leo na patunayan na totoo ang mga sinasabi nya. Pakiramdam nya ay mas lalong piniga ang puso nya dahil sa sinabi ng kaibigan.
"Babe, huwag kang ma-stress. Nakakasama yan kay baby. Hayaan mo lang umiyak si Nica. First time kasi na masaktan ni Nica kaya ganyan sya umiyak." Pag-comfort ng pinsan nya sa fiancé nito.
"Naku kung ako sayo Nica maghahanap na ako ng iba. Hindi mo deserve yung mga ganung lalake! Kapag pumasok ka sa opisina bukas ay huwag mo syang pansinin o kausapin! Iwasan mo yung lalakeng yun! Hayaan mo sya sa buhay nya! Naku nanggigigil ako!" Hindi nakikita ni Nicca ang ekspresyon sa mukha ng kaibigan pero alam nya na nanggagalaiti na ito sa galit base sa tono ng pananalita nito.
"Rina huwag kang magalit. Makakasama yan sa baby nyo." Saway nya. Medyo humupa na ang paghagulgol nya dahil ayaw nyang mag-alala sa kanya ang kaibigan, lalo na at nagdadalang tao ito.
"Nica, tama si Rina. Mas lalo kang masasaktan kapag kinausap mo pa yung lalakeng yun. Mabuti pa, huwag mo ng pansinin si Sir Leonardo kahit pa magmakaawa sya sayo na pansinin ulit sya. Ibigay mo sa kanya yung bagay na kinatatakutan namin ni Nanay Eleanor na maranasan mula sayo."
Humiwalay sya sa pagkakayap sa pinsan nya para maharap ito ng maayos. "Silent Treatment? Gusto mong gawin ko yun? Baliw ka ba insan? Baka lalo syang lumayo! Ayaw ko!"
"Hindi ba nung nagalit ka sakin at kay Nanay Eleanor, hindi mo kami kinausap at nginitian ng isang buwan. Alam mo bang nasaktan talaga kami nun? Kasi ibang-iba ka kumpara sa normal mong sarili. Nakakatakot ka. Hindi namin mahulaan kung ano yung iniisip o nararamdaman mo. Mas gugustuhin pa naming humagulgol ka sa iyak sa harap namin kesa tahimik ka at hindi namamansin. Baby ka kasi namin ni Nanay Eleanor kaya ayaw namin na nagtatampo ka at cold ka samin." Ginulo ng pinsan nya ang buhok nya. "Kung mahal ka talaga ng kumag na yun, siguradong masasaktan sya kapag ginawa mo yun."
"Pero insan ayaw kong gawin yun! Baka lumayo sya sakin! Baka mas lalo syang magalit. Hindi ko kaya yun!"
"Nica, huwag mong kalimutan na lalake ako. Alam ko ang takbo ng utak ng mga kapwa ko lalake. Trust me, it'll work."
***
Nagdesisyon si Leo na mag work-from-home para maiwasan na makita si Nica sa building nya. He can't take it anymore. Gusto nyang mag-sorry sa dalaga para maging okay na ang lahat. Higit sa lahat, nami-miss nya ito. He missed everything about her. Her smile, her dimples, her sweet lips, her voice her scent, her body. Lahat ng tungkol kay Nica ay nami-miss nya. Kaya matindi ang ginawa nyang pagpigil sa sarili na huwag sugurin ang dalaga sa bahay nito at humingi ng tawad. Gusto nyang humupa ang galit nito sa kanya.
Mahigit isang linggo na rin nyang hindi nakikita ang dalaga. Nakakasagap na lang sya ng balita tungkol sa dalaga sa pamamagitan ni Harvey. Kung hindi nya inutusan si Harvey na bantayan si Nica at i-report sa kanya ang araw-araw na ginagawa ng dalaga ay mas lalo nyang mami-miss ito. Mas lalo syang mababaliw na makita ito at tingnan kung okay ito.
Para syang tanga na nakatitig sa walong monitor sa library nya. Pina-connect nya kasi sa monitors nya sa mga CCTV sa Lawfirm para makita nya ng live ang mga galaw at ikot ni Nica doon. Lahat ng sulok ng building ay nakikita nya. Maging ang opisina ni Attorney Arthur Manalo ay pinalagyan nya ng CCTV para makita palagi ang dalaga. Mukha naman itong okay base sa mga kinikilos nito at walang bakas ng lungkot sa mukha at kilos nito. Masayahin na rin ito kagaya ng dati at madalas na ang pagngiti. Minsan ay nakikita nya na kinakausap ni Nica si Harvey habang tumatawa, which made him feel jealous. Nalaman nya kasi kay Harvey na hindi man lang ito nagtanong kung kamusta ba sya. Madalas din itong makipag-usap kay Harvey kaya kahit nilulukob na ng selos ang buong sistema nya ay hindi nya iyon ipinakita sa secretary nya.
Baliw na ata sya. Pati ang secretary nya ay pinagseselosan nya.
Hindi na nya mabilang kung ilang oras na nyang pinagmamasdan si Nica sa monitor nya. Nasa opisina ito ng pinsan nito at busy sa mga binabasang papeles. Maya-maya'y may kinausap ito sa cellphone nito at ngumiti. Nakikita rin nya sa monitor na naririnig ni Harvey ang mga sinasabi ni Nica dahil nakikinig ito mula sa kabilang side ng pinto ng opisina.
Mabilis nyang dinial ang number ni Harvey. "Hello, Harvey. Sinong kausap ni Nica?" Tanong nya nang sagutin ng secretary nya ang tawag.
"Bossing. Bad news. Mukhang nagbabalak makipag-blind date si Nica. Boss hindi ko mapipigilan tong kaibigan ko. Um-oo na sya sa kausap nya. Boss anong gagawin ko?"
Naikuyom nya ang kamao. She's going out on a freaking blind date! Ganoon ba kadali para dito na kalimutan sya?
"You're going to regret going out on a blind date, honey." Nagtitimping bulong niya habang tinitingnan ang nakangiting mukha ni Nica sa monitor.
****
"Nica-chan! What a coincidence! Are you my blind date for tonight?" Masayang tanong ni Mr. Hino kay Nica nang makita sya nitong lumapit sa table na pina-reserve nito sa isang fine-dining restaurant.
Nag-bow sya as a sign of respect at gumanti ng ngiti dito. "Good evening Mr. Hino. I can't believe that you're my blind date for tonight. You know my friend, Rina?" Tanong nya dito. Si Rina kasi ang nagset-up sa kanilang dalawa na mag blind date.
"Yeah. Rina is one of my models in my new project here in the philippines. The company i work for's magazine decided to cover a story on philippine hospitality. I need filipina models to wear a filipiniama gown for the cover and i chose Rina. She looks like a classic filipina, just what i need for the magazine cover. And then she asked me if i am free to have a blind date with her friend, i didn't know that you're that friend she's talking about." Hinila nito ang upuan sa tabi nya in-offer iyon sa kanya.
"Thank you, Mr. Hino." Aniya nang makaupo na sya.
"You're welcome." Tugon nito sa kanya. Amazement is evident in his eyes as he stare at her. "You look stunning."
"Thank you, Mr. Hino. This is actually my first time wearing a red dress. I'm not used on wearing other colors except black. You must knew that already because you've seen me twice." She chuckled. "I always wear black."
Marahan itong tumawa. "Yeah. I can remember. Maybe that's the reason why you look so stunning tonight. You look different from before. Red really suits your skin color and your natural reddish lips. It made you look sultry and elegant." Puri nito sa kanya. Hindi sya makapaniwala. Pinuri sya ng isang photographer.
"Well thank you." She blushed.
Nag-umpisa na silang um-order ng mga kakainin nila. Busy sya sa pakikipag-usap sa waiter nang mabaling ang tingin nya sa pinto ng restaurant nang bumukas iyon. Nanlaki ang mga mata nya nang makita si Leo na pumasok sa restaurant kasama si Claire na nakalingkis ang kamay sa braso nito. Tila hindi sya napansin ng dalawa dahil dire-diretso ang lakad ng dalawa hanggang sa makaupo ang mga ito sa table na nasa likod lang ni Mr. Hino.
Pakiramdam nya ay may kung anong sumaksak sa dibdib nya dahil sa nakita. Bakit nya kasama ang babaeng 'yun?
"Are you okay, Nica-chan?" Worried na tanong ni Mr. Hino sa kanya. Nahalata siguro nito na bigla syang natulala at natigilan.
"I-I'm okay," Umayos sya sa pag-upo at muling binalingan ang ka-blind date nya.
Naikuyom nya ang kamao nang makita sa peripheral vision nya na hinalikan ni Claire ang pisngi ni Leo. She gritted her teeth in anger.
"Are you sure you're okay, Nica-chan? You look pale." Mr. Hino extended his arm para kapain ang noo nya. Nagulat sya sa ginawa nito.
"You don't have any fever." Anito sa kanya nang matapos kapain ang noo nya. Nakita nya sa peripheral vision nya na nakatingin sa kanila si Leo at nakakunot ang noo. Agad nya itong tiningnan at nagtama ang mga paningin nila. Agad syang nag-iwas ng tingin at nginitian si Mr. Hino.
"Don't worry about me, Mr. Hino. I'm fine." She flashed her sweetest smile. Siniguro nyang ilabas ang dimples sa magkabilang pisngi nya at mas lalo pang nagpa-cute kay Mr. Hino. Kailangan nyang i-distract ang sarili para hindi mapansin na kaharap nya lang ang lalakeng iniwasan nyang makita sa loob ng mahigit isang linggo.
Kanina pa nya gustong lumapit kay Leo at kaladkarin palabas ng resto si Claire ngunit hindi nya magawa. Kahit na nababalot na ng selos ang buong sistema nya ay oinigilan nya ang sarili. Hangga't maaari ay iiwasan nya muna si Leo. Pagseselosin nya rin ito para matuto ng leksyon.
****
Hindi pa rin mai-alis ni Leo ang mga mata kay Nica. Masayang nagku-kwento ang dalaga sa ka-blind date nito at hindi mawala-wala ang ngiti sa mga labi. She looks so elegant and sultry in her red, off-shoulder dress. Talagang nag-ayos ito para sa blind date nito.
Naikuyom ni Leo ang kamao sa sobrang selos. She even managed to smile and show her cute dimples in front of a stranger!
Damn you and your dimples, Nica!
Mas lalong nagsalubong ang kilay nya nang makitang pinunasan ng lalake ang sauce na nasa gilid ng labi ni Nica. Nahalata nyang bahagyang nagulat ang dalaga sa ginawa nito ngunit maya-maya'y ngumiti ulit at nag-thank you.
"You better stop flashing your dimples, Nica! Stop it!" his mind shouted in anger.
He felt cheated. Maging sa kanya ay hindi ngumingiti ng ganoon katamis si Nica. She's often quiet and shy.
Naibagsak nya ang kutsara na hawak nya sa sobrang inis.
"Are you okay, Leo?"
Galit na ibinaling ang tingin kay Claire na nagtataka sa mga kilos nya.
"What?!" Galit na tanong nya.
"Leo, if you invited me for dinner para lang magalit ng ganyan, I better be going. Sino ba kasi ang tinitingnan mo sa likod ko?" Clueless na tanong ni Claire sa kanya at lumingon sa likod nito.
"Oh. Your sweet little bitch is here. Mukhang masaya sya sa piling ng iba. How pathetic." Mataray na wika ni Claire, which made him furious.
"Stop badmouthing her, Claire. If you don't want to see all hell break loose." Galit na asik nya sa kaharap. Binalingan nya ulit ng tingin si Nica at mas lalo syang nanggalaiti sa galit at selos nang makitang hawak-hawak ng lalake ang kamay ni Nica at parang tinitingnan ang palad ng dalaga.
"Are you sure you know how to read my future just by looking at my palm?" Narinig nyang tanong ni Nica sa ka-date nito.
"Of course, Nica-chan. I can see in your future that you're going to spend your life with me." Narinig nyang tugon ng lalake kay Nica.
He gritted his teeth in anger. "That's not going to happen, j*ck*ss! Mangarap ka!"
Narinig nya ang malakas na tawa ni Nica. Nang tingnan nya ang dalaga ay halos maluha ito sa kakatawa. Ito ang unang beses na nakita nyang ganoon kasaya ang dalaga. And he's not the reason of her laughter.
Napatayo sya at galit na tiningnan ang lalakeng ka-date ng dalaga. He can't take it anymore. Kanina pa sya pinapatay ng selos!
Mabilis nyang nilapitan ang table ni Nica at hinila ang dalaga palabas ng resto.
"Bitawan mo ako!!! Ano ba??! Bitaw sabi!" Nagpumiglas ito sa pagkakahawak nya. As usual, hindi sya natinag. Kinaladkad nya si Nica papunta sa kotse nya at binuhat ito para isakay sa passenger's seat. Hindi na ito nagpumiglas pa. Sumakay sya at pinaharurot paalis ang kotse.
"Sino yung kasama mo?" Galit na tanong nya. Tila walang narinig ang dalaga dahil nanatili lang itong tahimik at walang imik.
"Answer me, Nica. Who is he? Balak mo na ba akong ipagpalit sa iba?" Puno ng hinanakit na tanong nya. He's not good at showing his emotions but he knows that pain and hopelessness was painted all over his face. Nasasaktan sya. He hated to admit but he's feeling hopeless. Lalo na't walang imik si Nica at parang walang pakealam sa kanya.
Bigla syang nakaramdam ng kaba. Bakit ganoon ito makitungo sa kanya?
Mabilis nyang pinark ang kotse nya sa isang tabi at hinarap ang dalaga. Nanatili pa rin itong nakatingin sa daan at hindi sya tinitingnan sa mata. Hindi nya alam kung paano magre-react. He knows what she's doing. She's giving him a silent treatment!
"Look at me, honey. Please." He begged. Nasasaktan sya sa ginagawang pagtrato nito sa kanya. Mukha yatang nasaktan ito ng husto. Wala syang dapat sisihin kundi ang sarili nya. He judged her easily. Ni hindi nya ito pinaniwalaan. Kaya karma nya ang ginagawa nitong pagtrato sa kanya ngayon.
He reached for her hand pero inilayo iyon ng dalaga sa kanya.
"Look Nica. I'm so sorry. I'm so sorry for hurting you. I know i've been a jerk. Alam kong nasaktan kita. Kung gusto mo, sampalin mo ako. Saktan mo ako. Suntukin mo ako. Please, honey. hurt me ." He reached for her hand and squeezed it. Ngunit tila bato ito dahil ni wala syang naramdamang pagkilos mula dito. She just acted so cool and composed like he doesn't even exists.
"Look at me. Please... Nica..." he begged. He felt his heart tightened when she pulled her hand away from his.
"Nica... I'm begging you. Saktan mo ako. Bugbugin mo ako kung gusto mo. Please. Huwag mo namang gawin sakin to. I know i deserve the silent treatment. Nica. I'm begging you, saktan mo na lang ako gamit ang mga kamay mo." Pain was evident in his voice as he spoke.
"Tapos ka na ba? Pwede na ba akong umalis?" She met his gaze. Mas lalo syang nasaktan nang makitang walang emosyon sa mga mata nito. He can't sense any emotions from her, and it hurts like hell!
"Nica..." He wanted to touch her. He wanted to kiss her. He wanted to lock her in his embrace pero alam nyang mas lalo itong masasaktan kapag ginawa nya iyon.
"Mauna na ako." She opened the door and stormed out of his car.
Nahampas nya manibela sa sobrang sama ng loob. He's not angry at her. Galit sya sa sarili nya dahil sinaktan nya ito. Dahil sa maling akala kaya naghihirap ang kalooban nya ngayon at walang dapat sisihin kundi sya.