Chereads / THE HOMELESS (Completed) / Chapter 1 - CHAPTER ONE: Paglisan

THE HOMELESS (Completed)

🇵🇭LadyGem25
  • 5
    Completed
  • --
    NOT RATINGS
  • 35.7k
    Views
Synopsis

Chapter 1 - CHAPTER ONE: Paglisan

"HOME FOR THE HOMELESS"

Ito ang mga katagang mababasa sa gate ng isang bahay panuluyan. Para sa mga walang tahanan, walang mauuwian o pinagkaitan ng tirahan.

Isa itong pasilidad na may tatlong palapag. Napapaligiran ng katamtamang taas ng bakod at gate na yari sa bakal. Malinis at maayos ang buong kapaligiran at may ibat ibang klase ng halaman, sa loob nito mayroon ding mini chapel, playground at basketball court.

Dito kami dinala ng mga taga DSWD. Matapos kaming damputin ng mga pulis ng mahuli kaming pakalat-kalat sa kalye kahapon. Isa kasi akong palaboy at sa kalye na rin natutulog.

Sandaling inilibot ko ang aking paningin sa paligid. Bahagya pa akong napatigil sa paglakad. Para kasing pamilyar ako sa lugar na ito. Nang biglang magsalita ang babaeng umaalalay sa akin..

"Nanay tayo na po sa loob para makapagpahinga na kayo." Sabi ng isang babaeng hindi ko kilala. Pero sa tingin ko dito siya nakatira.

"Ineng maari bang maupo muna ako doon?" Sabay turo ko sa isang pahabang upuang kahoy na nakadikit at naliliman ng isang puno ng Langka.

"O sige po dito muna kayo. Huwag kayong aalis dito ha? Papasok lang muna ako sa loob babalikan ko na lang kayo dito mamaya." Sabi nito matapos akong alalayang makaupo.

"Huwag kang mag-alala ineng hindi ako tatakas. Hindi na ako makakatakbo." Sabi ko dito. Nitong huli kasi sumasakit na rin ang aking likod at balakang. Mahina na rin ang aking tuhod iba na talaga kapag nagkakaidad na. Kaya paano pa ako makakatakbo sa idad kong ito, ilan taon na nga ba ako? Hindi ko na maalala.

Umayos na ako ng upo pagkaalis ng babae.

Tama! Parang natatandaan ko rin ang punong ito. Bulong ko sa aking isip at bahagya ko pang napagdikit ang aking palad. Dahil sa tuwang naramdaman ng maalala ko ito.

I was remembered the day, before! Dito ako madalas umupo noon.. Sabay haplos sa aking kinauupuan..

Dito ako madalas bumubuo ng mga pangarap ko.. Kasabay ng pagbangon ng alaala sa isip ko. Ang pangingilid ng aking mga luha!

Dito rin nabuo ang aking pagkatao at mga pangarap noon.. Noon yun!

Noong hindi pa nawawasak ang aking pagkatao at puno pa ako ng mga pangarap sa buhay..

Napabuntong hininga na lang ako at muling tumingin sa paligid.

Mula sa aking kinauupuan natanaw ko. Ang mag-inang masayang nag-uusap sa 'di kalayuan. Bahagya akong napangiti at bahagyang nakaramdam ng pananaghili. Sa pagkakataong ito hindi ko tuloy naiwasang isipin..

Ang pagdaloy ng mga alaala ng aking nakaraan..

_____

"Sigurado ka na ba talaga iha? Kaya mo na ba talagang mag-isa? Sabi ni Nanay Celia.. She is the Directress of Home for the Homeless. And She's the acting mother of all here at home.

"Opo Nanay Celia ako na po ang bahala sa sarili ko. Huwag na po kayong mag-alala sa akin." Sabi ko.

"Oh! S'ya iha mag-iingat ka na lang palagi ha? Bumalik ka kapag gusto mo ng umuwi ha?" Muli niyang paalala..

"Opo! Dadalaw po ako dito palagi." Maikli kong sagot at tuloy tuloy na akong lumabas. Inihatid na lang niya ako ng tanaw. Nagkakaidad na rin kasi siya at medyo mahina na. Matagal na panahon na rin kasi siya dito. Marami na rin siyang inalagaan dito sa home.

When I walked out of the gate. I'll stopped for awhile and turned to looked back around at home once again. The home where I live for a long time ago. Then I tend to think the jackfruit tree in front of the house near of the gate.

Mula sa punong ito matatanaw mo ang lahat ng pumapasok at lumalabas sa loob ng home.

I drew a deep breath. And I slightly felt sorrow for the man who standing next to the tree. Maybe, he looked at me for minutes ago. I know he would like to come near me, but he did not. Maybe, he accept the fact, that I didn't change my mind. Because I decided!

I looked at him briefly with holding my tears. Before I turned to leave and went to my destination. Pero ang hirap palang pigilan ang luha. Lalo na kung ramdam mo talaga ang sakit..

____//___

Sumakay na rin ako sa isang tricycle na maghahatid sa akin sa istasyon ng bus paluwas ng maynila. Kung saan ako tutuloy at mangungupahan ng isang bed space at magsisimula ng mamasukan. Bilang isang sales staff sa isang kilalang department store.

Sa Home na ako nakapag-aral ng elementary. Sila din ang sumoporta sa akin para makapag-aral ng high school at dalawang taong kurso sa kolehiyo. Kaya naman kahit paano nakapagtapos ako ng two years computer secretarial course. Pero dahil wala pa akong experience sa trabaho. Kaya saleslady pa rin ang bagsak ko.

Matuling lumipas ang panahon hindi ko na namalayan. Ang pangakong dadalaw ako sa home ay hindi na nangyari pa, naging abala kasi ako sa pagtatrabaho sa kagustuhan kong mabuhay at magkaroon ng magandang kinabukasan.

Ngunit sadya yatang napakahirap mabuhay ng maalwan. Kahit ano pang sikap ko at pagpupursige sa trabaho, sadyang kulang pa rin. Ang sweldo kong minimum ay nauuwi lang sa personal kong pangangailangan upa ng bahay, pagkain at pamasahe araw araw.

Pakiramdam ko naghahanap-buhay ako para din mabuhay ang iba. Kaya wala rin akong naiipon. Ang pangarap kong makapag-aral ulit para magkaroon ng mas magandang trabaho ay hindi na natupad. Palagi kong tanong sa sarili. Bakit ba napaka-unfair ng buhay?

Siguro kung noon mayroon lang akong pamilya at bahay na mauuwian hindi ako mahihirapan!

Siguro kung hindi lang iresponsable ang mga magulang ko? Kung sana naging responsable lang ang tatay ko noon. Kung hindi lang siya nagbisyo, hindi sana siya nakulong at napatay sa kulungan. Hindi sana naging desperada ang nanay ko, para pumatol sa kung sino-sinong lalaki.

Para lang masuportahan ang kanyang bisyo at pagkaadik sa sugal. Hindi ko na nga alam kung ilang kapatid ko na ang ipinamigay niya o ibinenta? Sa tuwing siya ay mabubuntis sa kanyang kinakasama.

Sa murang isip ko noon wala akong ibang gusto kundi ang makakain lang, kaya naman natuto akong maglakad sa kalye. Kumalabit ng kung sino-sino para humingi ng konting barya. Kung minsan nga natetempt din ako na kumuha ng pag-aari ng iba, o 'di kaya maghintay ng pagkaing itatapon nila. Naisip ko tuloy?

"Sabi nila huwag kayong magtitira ng pagkain sayang marami ang nagugutom"

T***'ina! kalokohan 'yun.

Ang hindi nila alam mas marami ngang tira mas masaya. Para sa aming umaasa lang sa sahod pinggan at pagkain sa basura!

Sa idad na pitong taon halos sa kalye na ako nakatira. Kung minsan nga dito na rin ako inaabutan ng pagtulog. Kasama ng ibang batang tulad ko rin.

"Mga batang kalabit penge."

Pero ni minsan hindi ako hinanap ng nanay ko. Kaya nagpasya akong tuluyan ng tumira sa kalye, hindi na rin kasi masayang umuwi sa bahay namin.

Mas hinihintay pa nga ni nanay ang pag-uwi ng bago niyang kinakasama kaysa sa pag-uwi ko. Hindi ko na rin kasi alam kung may bahay pa ba akong uuwian? Mula ng paalisin akong mag-isa ni Nanay noon..

Nalaman ko rin na nakulong si Tatay at biglang nagbago na ang Nanay. Kaya hindi narin ako bumalik pa sa bahay namin.. At least dito sa kalye malaki ang bahay ko, ang dami ko pang nakaparadang sasakyan!

Pero kung minsan sadya yatang mapagbiro ang tadhana. Kung kailan sanay na akong mabuhay sa kalye at masaya na ako sa bahay ko!

Saka naman may dumarating na alat. Isang araw na nakipaghabulan kami sa mga pulis. Dati-rati naman hindi nila ako nahuhuli.

Ang bilis ko kayang tumakbo!

Marahil dahil na rin sa pagod at walang kain. Kaya hindi ko na naiwasan ang isang pulis na bigla na lang humablot sa akin.

Nakatakda na sana niya akong hatawin ng dala niyang dos por dos. Nang makita ko ito pilit akong nagmakaawa sa kanya na takot na takot, hindi ko na namalayan nalaglag na pala ang suot kong sombrero.

Marahil nakita niyang isa akong babae kaya naman naawa rin siya sa akin.

Nang araw na iyon dinala nila kami sa DSWD sila ang magdadala sa amin sa ibat ibang institusyon.

In that moment, only one thing entered into my mind..

That is to tell a lie!

I know it's wrong to tell them, that I haven't any relatives and I am an orphant.. Who cares anyway?

Forgive me.. God!

To think that, should I go home?

The street where I live for almost a year! This is my home. The only way, I'll turning back again and again..

"ang bahay" ko lang..

Ang akala ko ibabalik nila ulit ako sa kalye, ngunit nagkamali ako. Simula noon hindi na ako nakabalik pa..

Simula ng..

Dinala nila ako sa isang intitusyon na nangangalaga sa mga katulad namin na nabubuhay sa kalye.

Noong una pakiramdam ko ikinulong nila ako sa isang hawla. Kaya ilang beses din akong nagtangkang tumakas.

Pero paulit-ulit lang akong ibinabalik sa home. Tulad ng isang ibon na nasanay na laging malaya.

Sa kalye ako ang hari ng kalooban ko. Kaya natuto akong lumaban at naging matapang. Dahil sa kalye bawal ang mahina, ang duwag at higit sa lahat bawal ang umiyak!

Kailan nga ba ako huling umiyak?

Ahhh! Noong malaman ko na lang na patay na pala ang nanay ko! Sabi nila naover dose daw?

Pambihira!

Hindi man lang siya nagpaalam sa akin.. Iniwan na pala niya ako!

Hanggang sa unti-unti nasanay rin ako sa home. Nagsimulang ituring na pamilya ang mga taong nakatira dito. Tulad ko rin sila na pinagkaitan ng magandang kapalaran.

Maswerte pa rin naman kami.

Kung palaging may mga institusyon na tulad nito na handang kumupkop sa mga katulad namin.

Dito nagkaroon ako ng pamilya at mga kaibigan.

Mga kaibigan na naging kakampi ko, karamay at itinuring kong mga tunay na kapatid sa mahabang panahon.

Ngunit dumating ako sa punto na kailangan ko silang iwan..

Because, I know this is the right thing I can do for us. Dahil ito 'yung alam kong tama at dapat kong gawin..

Kahit pa labag sa aking kalooban na iwanan sila.

Kahit masakit sa akin..

Dahil sila lang ang masasabi kong naging pamilya ko sa loob ng labing dalawang taon.

Ginawa ko ito dahil kailangan..

Para sa kabutihan ng lahat.. And this is the best thing to do..

Para sa isang kaibigan.

___________

At ngayon nga narito na ako.. Nag-iisa at araw-araw nakikipag-uunahan sa sasakyan. Para makarating ng tama sa oras ng trabaho. Nakikisabay sa maingay at magulong buhay ng Maynila.

Hanggang sa mabilis na lumipas ang mga araw, buwan at taon. Patuloy lang akong nagsikap.

Pero ganu'n pa rin ang buhay ko. Minimum pa rin ang sweldo ko.

Ngunit kailangan ko pa ring magpatuloy. Dahil ako na lang mag-isa.

Wala na akong maasahan pa kun'di ang aking sarili. "Do I have a choice?"

And this is my life..

Kung saan at paano nagsimula ang lahat..

* * *TY😊

@LadyGem25