Chereads / THE HOMELESS (Completed) / Chapter 3 - CHAPTER THREE: Anak

Chapter 3 - CHAPTER THREE: Anak

"Miguel!"

Punong puno siya ng takot ng mga oras na iyon. Hindi lang para sa kanyang sarili. Higit sa kanyang magiging anak. "Mauulit na naman ba ang nangyari? Hindi, hindi maari.. Hindi ako papayag! Bulong pa niya sa sarili. Pero ano ba ang pwede niyang gawin?

"Huwag po.." Pagmamakaawa ko pa sa kanya. Pero hindi man lang siya natinag!

"Halika! Alam ko na.. Maglaro tayo ha? Ako ang taya! Kaya kailangan mong magtago, mahal ko!" Sabi niya na nakangisi.. Para na s'yang nababaliw.

Nagulat na lang ako ng bigla niya akong hablutin sa buhok! Dahil na rin sa pagkagulat ko! Napasalampak na ako sa sahig..

"Halika mahal.. Kailangan mong magtago. Para hindi ka na makita ng lalaki mo! Halika!" Sigaw niya na nagpanginig sa buo kong kalamnan at lalong nagpatindi ng takot na aking nararamdaman! Kasabay ng magkahalong pakiramdam ng pagbatak ng aking anit at sakit ng aking pang-upo.

Napatili na lang ako sa sakit..

"Ahhhhh! Miguel!!"

Dahil pakaladkad niya akong hinila patalikod. Hawak ang mahaba kong buhok! Bigla ko tuloy naisip na sana'y kalbo na lang ako. Dahil sa sobrang sakit na aking nararamdaman ng oras na iyon. Wala na akong nagawa kung hindi.. Mapahiyaw sa sakit at umiyak!

Ang akala ko matapang na ako.. Dahil sa lahat ng napagdaanan ko sa buhay. Simula pa noon bata ako. Akala ko wala ng sakit na hindi ko kakayanin!

Mali pala ako..

Bakit ganu'n? Parang wala ng katapusan ang lahat..

Anak ko! Anak ko..

Huwag mong iiwan si Nanay ha!

Ikaw na lang ang natitira para sa akin! Pipi kong bulong sa aking anak!

"Miguel! Maawa ka sa akin sa amin ng anak mo! Huwag mo akong sasaktan.." Muli kong pakiusap kasabay ng pag-asa na sana makinig siya sa akin..

"Hindi naman talaga kita gustong saktan e'.. Kaya lang matigas ang ulo mo! Ilang beses ko bang sasabihin sayo na huwag mo akong gagalitin ha?"

"Hindi! Hindi ko na uulitin Miguel.. Huwag mo akong sasaktan!! Para mo ng awa!huhuhu.." Sabi ko habang pigil-pigil ko ang malalaki niyang kamay na nakahawak pa rin sa aking buhok.

"Alam mo kung anong dapat sayo ha? Halika.. Dito ka!!" Nang huminto kami sa harap ng isang built-in cabinet. Para ko ng nahulaan kung ano ang gusto niyang mangyari? Lalo na ng umpisahan niyang alisin ang mga gamit namin sa loob ng cabinet at ibalibag na lang kung saan-saan.

"Hindi!" Sabi ko kasabay ng malakas na kabog sa aking dibdib. Napaurong akong bigla, sabay tayo! Kahit pa masakit ang aking katawan. Pilit pa rin akong tumayo.

"Halika mas maganda kung dito ka sa loob.." Sabi nya at lumingon sa akin. Nakita niya akong nakatayo na at puno ng takot.

Ngunit imbes na maawa siya sa akin lalo lang ngumisi ang walanghiya!

Ngayon ko lubos na napatunayan na malala' na talaga s'ya. Dahil bukod sa pagiging lasenggero.. Adik din siya! Naitago niya lang sa akin noong una. Dahil siguro sa kagustuhan kong, magkaroon ng isang masaya at buong pamilya. Naging bulag ako at patuloy na umasa.

Bigla ko tuloy naisip wala nang pinakamagandang gawin.. Kun'di ang takasan s'ya!

Ngayon na!!

Ngunit! Bago pa ako makatalikod para tumakbo. Agad na niya akong nahawakan sa braso. Sa sobrang higpit pakiramdam ko nadudurog na aking buto.

"Tatakas ka pa ha! Tatakasan mo ako? Akala mo ba matatakasan mo ako ha? Papatayin muna kita bago mo ako matakasan, kayo ng lalaki mo naiintindihan mo ba? Katulad ng ginawa ko sa Nanay mo hindi ko siya tinigilan hangga't hindi siya namamatay!" Mataginting niyang sigaw sa akin sa galit na tono.

Hindi!! Kilala niya ang nanay ko? Bulong ng aking isip na puno ng pagtataka.

Pero bakit.. Paano?

"Ki.. Kilala mo ang nanay ko?" Hindi ko na natiis na magtanong.

"Oo naman.. Kaya nga tayo magkasama ngayon. Dahil sa nanay mo!" Sabi niya na nakangisi.

"Hindi! Anong ibig mong sabihin? Nagugulumihanan kong tanong, hindi ako makapaniwala na magagawa niya sa akin ito. Bakit?

"Gusto mong malaman kung bakit? Hah!! Dahil lang naman sa nanay mo. Naging miserable ang buhay ko. Dahil sa kanya pinabayaan at iniwan kami ni Daddy! At dahil doon nagpakamatay ang Mama ko! Kaya naman ipinangako ko sa aking sarili. Gagawin ko rin miserable ang buhay ng nanay mo!"

"Ah! Anong sinasabi mo? Hindi ko maintindihan.." Tanong ko. Hindi pa rin matanggap ng isip ko na, magagawa niya sa akin. Ang lahat ng ito.

"Hindi mo maintindihan? Kasi nga tanga ka! Tanga!!" Sigaw niya habang dinuduro ako ng daliri sa noo.

"Miguel! Bakit mo ginagawa sa akin ito? Ano bang kasalanan ko sayo? Bakit!!" Sigaw ko.

"Kasalanan mong naging anak ka ng nanay mo!" Dadag niyang sigaw.

"Wala akong kasalanan sayo.. Wala!huhuhu" sigaw ko at muli nanaman akong napaiyak.

"Wala! Alam mo kung ano ang kasalanan mo hah? 'Yan! 'Yang mukha mo, dahil sa tuwing nakikita kita. Nakikita ko rin ang put*** inang Nanay mo!!" Sigaw nitong muli. Kaya naman nabuhay nanaman ang takot sa aking dibdib.

"Miguel!" Tangi kong nasabi.

Nagulat na lang ako ng hawakan niya ako sa magkabilang balikat. At pasalyang ipinasok sa cabinet. Hindi! Muling napuno ng matinding takot at kaba ang aking dibdib, iniisip ko pa lang ang nais niyang gawin..

"Miguel! Huwag! Maawa ka sa akin! H'wag mong gawin sa akin to'.. Miguel!!!" Nagmakaawa ako sa kanya. Habang nakaluhod at pinagdikit ko pa ang ang aking mga palad. Ngunit hindi parin niya ako pinakinggan.

Nang makita kong isasara na niya ang pinto. Labis-labis na ang aking kaba..

"Miguel.. H'wag!! Palabasin mo ako dito. Ayoko dito.. Buksan mo ang pinto. Miguel!!" Sigaw ko. Habang pilit kong binubuksan ang pinto. Pero hindi ko kaya mas malakas siya!

Pagud na ako.. Pagud na pagud na ako. Pero kailangan kong maging malakas. Para sa aking anak, subalit anong magagawa ko?

Ang dilim.. Ang dilim dilim dito!

"Natatakot ako.. Miguel! Buksan mo to'.. Para mo ng awa! Palabasin mo ako dito!! Bog! Bog!" Patuloy kong pagmamakaawa sa kanya. Habang panay ang hampas ko sa pinto ng cabinet. Takot na takot ako!

Pero parang hindi niya ako naririnig. Hindi ko alam kung iniwan na ba niya ako? Pagkatapos niyang isara ang pinto. Basta pakiramdam ko. Nag-iisa lang ako sa dilim at puno ng takot.

Pakiramdam ko hindi na rin ako makahinga.. Anong gagawin ko?

Pinanghihinaan na rin ako ng loob.. Hanggang sa makaramdam ako ng antok. Dahan dahang kong ipinikit ang aking mga mata. Kasabay ng isang hiling na sana bangungot lang ang lahat at may isang taong gigising sa akin. Para magising sa bangungot na ito, katulad noon sa loob ng aparador!

Sandaling katahimikan ang lumipas..

"Huh! Si nanay.. Siguradong pagbubuksan din niya ako. Kapag wala na si tatay! Kailangan ko lang maghintay.." Sa isip at sa natutulog kong diwa. Naidlip na pala ako at ng muli akong magkamalay.. Isang na namang kakaibang pakiramdam ang gumising sa akin.

Ang sakit ng tiyan ko..

Bakit ang sakit sakit.. Ahhhh!

"Mi-miguel! Naririnig mo ba ako? Buksan mo to'.. Miguel! Bog! Bog!" Muli kong sigaw at tawag ko kay Miguel. Kasabay ng muling paghampas ko sa pinto. Alam ko na ang ganitong pakiramdam. Natatakot ako! Nakakaramdam ako ng pananakit ng aking puson. Tumitindi ang sakit na para akong maiihi. Hindi! Ayoko.. Hindi pwede!

Huh!! Dugo..! Bakit may dugo? Lalo pang tumindi ang kaba at takot na aking naramdaman ng sandaling iyon sa isiping mawawalan na naman ako ng anak sa ikalawang pagkakataon.. Hindi! Ayoko.. Hindi pwedeng mawala ang anak ko?

"Miguel!! Maawa ka sa akin..

Hindi! Ang anak ko!! Ayoko.."

"Migueeel!"

"Ang sakit sakit na..

Ahhhhhhhh!!!"

* * *

@LadyGem25