Chereads / THE HOMELESS (Completed) / Chapter 5 - CHAPTER FIVE: Pagbalik..

Chapter 5 - CHAPTER FIVE: Pagbalik..

"Darating na si kuya Miguel.." Huh?

Bigla na lang umalingawngaw sa aking pandinig.. Hindi! Ayoko na.. Ayoko nang makisama pa sa kanya! Hindi na niya ako dapat abutan dito. Kailangan ko nang makaalis bago pa siya dumating.. Pero paano wala akong kahit ano? Basta bahala na!

Agad kong inaayos ang aking sarili.. Kahit nanakit pa ang buo kong katawan. Pilit pa rin akong kumilos. Agad akong tumungo sa banyo para magpalit ng damit. Buti na lang may nakita akong ilang piraso ng damit sa gilid ng kama. Marahil dala ito ni Clarice para sa akin. Isang t'shirt, jeans at isang pares ng underwear.

Paglabas ko ng CR bahagya pa akong nagmuni-muni sa loob. Nang wala akong makitang nagraround na nurse. Pasimple akong lumabas ng pinto.

Buti na lang wala namang nakapansin sa akin. Medyo hirap man ako sa paglakad tiniis ko na lang.. Pagdating ko sa groundfloor nakita ko pa si Miguel na bumaba ng sasakyan. Kaya dali dali muna akong nagkubli. Para hindi niya ako makasalubong. Nang makita ko na tuloy tuloy siya sa itaas.. Wala na akong inaksayang sandali. Agad agad na akong umalis. Lakad takbo ang ginawa ko makalayo lang ako sa lugar na iyon! Para hindi na muling bumalik pa.. Kahit kailan!

Umalis ako na walang wala, kahit ano wala! Kung kaya nang gabing iyon. Naranasan kong muli ang matulog sa kalye.

Kahit naninibago ako sa kalagayan ko ngayon. Tiniis ko na lang.. Hindi na kasi katulad ng dati. Hindi na ako pwedeng magpaawa. Para makahingi ng kahit konting barya.

Nakakaramdam man ako ng gutom tiniis ko na lang.. Mabuti na lang kahit paano kabisado ko pa ang kalakaran sa kalye. Para maproteksyonan ko ang aking sarili. Sa ngayon maayos pa ako.. Pero hanggang kailan?

Ah! Ayoko munang isipin ang bukas. Pagud na pagud na ako.. Gusto ko munang matulog.

Kahit ngayon lang..

Kahit sandali lang..

_______________

Matuling lumipas ang mga araw, buwan at taon. Halos hindi ko na nga maalala kung anong araw na ngayon, anong buwan at taon? Basta alam ko napakaraming taon na ang lumipas.

Mula noon lahat ginawa ko. Para lang patuloy na mabuhay. At maging malaya sa tanikalang gumapos sa akin. Noong kasama ko pa si Miguel.

Ang akala ko malaya na nga ako at hindi na muling masasaktan pa..

Ngunit bakit ganu'n?

Walang araw na hindi ako nakakaramdam ng sakit.

Sabi nila ang taong gipit daw. Kahit sa patalim kumakapit! Kaya naman kahit pa.. Ang pinaka-matalas na patalim kinapitan ko. Huwag lang akong mahulog, sa bitag ng kawalan!

Akala ko nakatakas na ako sa impyernong bahay na pinanggalingan ko hindi pala? Lumipat lang pala ako sa mas malaking impyerno! Mula sa pagiging escort ng mga kilala at mayayamang lalaki, hanggang sa pagiging pipitsuging GRO. Ang naging papel ko. Hanggang sa huli sa kalye pa rin pala..

Ang magiging tahanan ko.

Pero para saan ba ang lahat ng ito? Kung nawala na ang lahat ng pag-asa sa buhay ko..

Saan na nga ba ako patungo?

Para saan ba ang buhay ko?

____//

"Nay! May itatanong po ako ha.. Para sa identity n'yo! Konti lang po okay lang po ba?"

"Ha!" Nagulat ako at muling nabalik sa kasalukuyan. Nagbalik na pala ang babaeng kausap ko kanina lang.. Alam kong may sinasabi siya. Pero hindi ko naintindihan.

"Ok lang po ba kayo Nay? Baka gusto n'yo munang magpahinga sa loob?" Sabi nito nasa itsura niya ang pag-aalala.

"Ok lang ako ineng.. Huwag kang mag-alala." Sagot ko na lang.

"Sigurado po kayo? Ako nga po pala ang assistant coordinator dito sa home. Tawagin n'yo na lang po akong Loraine. Sabi ko po kanina, may konti po akong katanungan sa inyo. Ok lang po ba?" Ulit nito sa sinabi kanina.

"Ah! Oo naman ano bang itatanong mo ineng?" Muli kong sagot.

"Loraine po Nay! Itatanong ko po ang pangalan n'yo, idad at kung saan ba kayo nakatira dati? Ano po ba ang pangalan n'yo Nay! May mga anak po ba kayo o kaanak? Paano po ba kayo napunta sa kalye? Pinabayaan po ba kayo ng pamilya n'yo o nawawala kayo Nay?" Sunod-sunod n'yang tanong. Pero sa dami ng kanyang tanong hindi ko alam ang sagot. Kaya napatulalà na lang ako.

"Nay! Ok lang po ba kayo? Pangalan n'yo po Nay?" Ulit nyang tanong.

"Hah?" Sagot ko habang sa isip ko.. Sino nga ba ako? Ano nga ba ang pangalan ko? Bakit parang hindi ko na maalala pati ang pangalan ko.. Nalimutan ko na ba?

"Nay! Pangalan n'yo po, nasaan po ba ang pamilya n'yo?" Muli n'ya akong tinanong.

"H-indi ko matandaan.. Ineng pasensya na!" Sabi ko.

"Ano po? Paanong hindi n'yo matandaan? May sakit po ba kayo? Bakit hindi n'yo alam ang pangalan n'yo?" Tanong nito.

"H-hindi ko alam ineng.. Parang Emma.. 'Yun nga ba ang pangalan ko?" Bigla na lang sumagi sa isip ko.

"Emma po.. Sigurado po kayo?" Tanong n'ya sa akin na hindi kumbinsido.

"Ah! Hindi pala.. Aliza! A'hindi.. Pilit ko mang isipin hindi ko talaga maalala. Hanggang sa.. Parang.. Amel..,"

"AMAYA?!!" Sabay pa kaming napalingon sa pinanggalingan ng tinig. Ang boses na iyon na parang pamilyar sa akin. Pero ako ba ang tinatawag niya?

"Huh!" Habang patuloy ito sa paglapit sa aming tabi.. Palakas ng palakas din ang aking kaba. Lalo ng bigla na lang niyang hawakan. Ang magkabila kong pisngi. Nagulat man ako sa kanyang ginawa. Hindi ko pa rin s'ya nagawang pigilan. Hindi ko maintindihan parang kakaiba ang aking nararamdaman?

FLASHBACK!! NG KAHAPON.. Parang isang pelikulang biglang umikot sa aking isipan. Maski ang luha na nag-unahan sa pagdaloy sa aking mga mata ay hindi ko na napigilan. Mga alaala na inakala kong limot ko na.

Parang kahapon lang ng huling hawakan n'ya ang aking mukha.. Paano ko ba malilimot ang ganitong pakiramdam?

Pakiramdam na pilit kong kinalimutan noon..

Pakiramdam din na nagsilbing susi. Para maalala ko ang lahat mula noon hanggang ngayon!

Mga haplos na gumising sa natutulog kong alaala.. Matagal na panahon na rin pala! Mula ng may tumawag sa akin sa tunay kong pangalan.

Dahil sa pagtatago ko noon kay Miguel. Nagpapalit-palit ako ng pangalan. Bago pa man ako muling nagpalaboy-laboy sa kalye. Hanggang sa matuling lumipas ang maraming taon. Na hindi ko na namalayan kung sino ba ako kahapon?

Ahhh...

Ang mahalaga alam ko na kung sino ako ngayon?

"Amaya! Ikaw nga.. Sabi ko na nga ba babalik ka! Naalala mo pa ba ako? Ako ito si Amaro"

"Amaro?"

"Oo ako nga! Ang tagal kitang hinintay.. Alam ko na ang lahat. Ang dahilan kung bakit ka umalis noon. Sinabi na sa akin ni Amelia ang totoo. Kung bakit mo ako iniwan?"

"Si Amelia!" Bigla akong natauhan at biglang dumistansya..

"Wala kang dapat alalahanin.. Nakakalungkot mang sabihin, wala na siya!"

"A anong wala na si Amelia?"

"Talagang mahina ang puso niya. Hindi na niya nakayanan. Pagkatapos niyang manganak. Kahit pa sinikap ng mga doctor na iligtas siya."

Bigla kong natutop ang aking bibig at hindi ko napigilan ang mapaiyak! Si Amelia wala na s'ya..

"Tahan na ang totoo hinanap ka namin noon. Pero hindi ka namin nakita."

Alam ko.. Alam kong hinanap n'yo ako pero sinadya kong hindi magpakita..

"Sir! Kilala n'yo po siya?" Sabi ng babaeng kausap ko.

"Oo kilala ko siya.. Ako na ang bahala sa kanya Ms Loraine. Dito siya nakatira ito rin ang bahay nya!"

Dito ako nakatira.. Ito rin ang bahay ko? May bahay na ba ako ulit? Gusto kong umiyak.. Gusto ko ring lumundag! Totoo bang bahay ko pa rin ito?

"Ganun po ba? O sige po! Kayo na bahala kay nanay.. Nay! Iwanan ko po muna kayo ha!"

"Salamat.. Ms Loraine!"

"Halika! Ipapakilala kita sa anak at apo ko.." Saglit pa akong napatitig kay Amaro na parang may hinahanap. May tanong pa rin sa isip ko? Kahit alam ko naman ang totoo.

"Hayun pala sila.. Halika ipapakilala kita kay Amanda" Huh! Ang mag-inang masayang nag-uusap kanina. Siya pala ang naging anak nila. Ito ang namutawi sa isip ko. Habang akay ako ni Amaro palapit sa mag-ina na kanina lang matiim kong pinagmamasdan.

"Amanda! Iha.. Look who's here?"

"Nanay Mayang ikaw nga ba 'yan?" Nabakas sa mukha ko ang patataka

Dahil sa sinabi nito. Nagulat pa ako ng bigla niya akong yakapin. Sa higpit ng yakap niya. Parang matagal na niya akong kilala, nakalimutan ko lang ba?

"Siya si Amanda.. Ang anak namin ni Amelia."

"Matagal na po namin kayong hinahanap lalo na si Papa. Natutuwa po ako na nakita na n'ya kayo. Mula ng ipanganak ako. Siya na ang tumayong ama at ina sa akin. Kahit pa hindi naman niya ako tunay na anak! Minahal at inaruga pa rin niya ako."

"Amanda anak!"

"Kaya wala na akong mahihiling pa. Kundi ang makita siyang masaya!" Pagpapatuloy nito. "Kaya sana po dito na lang kayo at h'wag ng umalis pa! Maari po ba Nanay?" Wala na akong nasabi. Niyakap ko na lang siya na ginantihan din niya ng mahigpit ding yakap. Pakiramdam ko ng mga oras na iyon. Naging isa akong ina.

"Marami akong sasabihin sayo. Marami din akong dapat ipaliwanag! Gaya ng.." Tinakpan ko ang kanyang bibig. Pigil sa iba pa niyang sasabihin. Alam ko marami rin akong gustong sabihin at ipaliwanag. Pero hindi na iyon mahalaga sa ngayon. Marami pa naman sigurong araw na darating?

"Maari bang bukas mo na lang 'yan sabihin. Narito naman ako araw-araw at handang makinig sayo."

"Sige kung 'yan ang gusto mo? Pwede bang isa lang? Kanina ko pa kasi gustong sabihin sayo ito."

"Ano 'yun?" Tanong ko.

"Kumusta ka na?" Tanong niya na nakangiti pati mga mata. Ito 'yun unang nagustuhan ko sa kanya noon hanggang ngayon..

"Okay lang ako! Kahit muntik ko ng malimutan.. MAHAL PALA KITA!!" Sabay yakap ko sa kanya ng mahigpit!

"Hahaha! Sabi ko na nga ba? H'wag kang mag-alala ipapaala ko naman sayo.. DAHIL MAHAL NA MAHAL DIN KITA!" Muli niya akong hinawakan sa mukha at ginawaran ng mabilis na halik! Napangiti na lang ako at muli kaming nagyakap ng mas mahigpit..

Ahhh! Alam ko na.. Kung nasaan ang aking tahanan? Nasa "puso" ng mga taong mahal ko at mahal ako..

I think this is a "HOME" for me, to be never a HOMELESS again not today and tomorrow.

Nakauwi na nga ako..

And this is my home..

My real home, my hope and my life! Until..

THE END

* * *Thank you po!

By: MG GEMINI (09-06-19)

#THE HOMELESS @LadyGem25