"Hindi ba sinabi ko na sayong bata ka. Kapag tinawag kita lumapit ka agad. Bakit ba ang tigas ng ulo mo? Ha!!"
"Sori po Nay!"
"Sa susunod kapag hindi ka agad lumapit.. Hahayaan na kita sa labas hindi kita papasukin. Naiintindihan mo?"
"Opo Nay!"
"Opo! Nay! Opo nay! Palagi kang ganyan. Pero hindi ka parin sumusunod sa akin.. Ang sabi ko hwag mong susundan ang tatay mo! Pero hindi ka nakinig sumunod ka parin. Mabuti na lang nasundan kita. Kung hindi nasaan ka na kaya ngayon?"
"Gusto ko lang magpaalam kay tatay bago siya umalis."
"Hindi na kailangan. Hindi ka naman niya gusto, hindi ka niya mahal! Naiintindihan mo ba?"
"Hindi totoo yan.. Mahal ako ni tatay! Sabi niya lab niya ako. Basta mabait lang ako palagi. Sabi pa nya basta sasamahan ko lang sya palagi sa kwarto. Saka susunod ako sa gusto nya. Bibigyan niya ako ng pera. Saka pagsumama ako sa mga kaibigan nya bibigyan din nila ako ng pera. Makakapasok na ako sa school. Diba? Nay! Pagmarami na akong pera."
"Hindi! Hindi ka sasama sa kanila. Kahit anong mangyari hindi ka sasama sa kanila. Hindi ka makikinig sa tatay mo. Masasama sila naiintindihan mo ba?"
"Hindi totoo yan! Ikaw ang masama Nay! Ikaw ang masama'.. Palagi mo akong pinagagalitan. Ikinukulong mo pa ako palagi sa aparador natin. Masama ka Nay! Hindi mo ako mahal.."
"Tumigil ka! Ginagawa ko lang kung ano ang makakabuti para sayo!"
"Mildred!"
"Huh! Ang tatay mo bumalik na!"
"Tay! Hmmp!" biglang tinakpan nito ang kanyang bibig gamit ang kamay.
"Tumahimik ka, huwag kang maingay! Halika na kailangan mong magtago!"
"Ayoko na! Ayoko ng magtago nay! Susunod na lang ako kay tatay.."
"Magtigil ka, sinabi ng wag kang maingay! Sige na! Pumasok ka na sa loob.."
"Ayoko na dito nay.. Natatakot po ako sa loob. Ang dilim dilim dito! Magpapakabait na po ako!huhuhu."
"Tama na! Tumigil ka na.. Dito ka lang hwag kang lalabas. Hanggat hindi ko sinasabi maliwanag? Hwag kang magiingay dito. Puputulin ko yang dila mo kapag nagingay ka, naiintindihan mo?"
"Nanay! Huwag nyo po ako iwan dito!huhuhu.."
"Tahimik!"
"Ano ba? Mildred kanina pa kita tinatawag ah? Nandito ka lang pala! Bakit hindi ka sumasagot? Nasaan ang anak mo?"
"Hah! Wa' wala hindi ko alam.. Baka nasa labas pa! Bakit mo ba hinahanap?"
"Ano bang pakialam mo, kung gusto ko syang hanapin."
"Rigor! Pabayaan mo na sya.. Hwag naman pati yung bata nakikiusap ako sayo. Napakabata pa niya."
"Mabuti nga yun habang bata pakikinabangan na natin siya."
"Napakasama mo talaga! Pati sarili mong anak gusto mong idamay sa kawalanghiyaan mo!"
"Eh' Gaga ka pala e' hindi ko naman sya anak!"
"Anak mo sya Rigor! Bakit ba hanggang ngayon? Ayaw mo paring maniwala."
"Anak ko! Nagpapatawa ka ba? O baka naman nakalimutan mo na? Laspag kana nung pakasalan kita!"
"Napakasama mo talaga! Alam mong hindi ko yun ginusto! Pinagsamantalahan nila ako!!"
"Yun na nga e'.. Hindi mo alam kung sino sa mga gumahasa sayo. Ang ama ng batang yun! Tapos sasabihin mong ako ang ama! Gaga' ka rin! Buti nga pinakasalan pa kita!"
"Sana nga hindi mo na lang ako pinakasalan!"
"Ah! Para ano? Para mas piliin mong sumama sa dati mong boyfriend na nag-asawa ng iba! Mas gusto mo pa lang maging kabit kaysa maging asawa ko!"
"Mas mabuti pa nga! At least siya nirerespeto niya ako. Dahil totoong minahal niya ako! Hindi katulad mo! Araw-araw mo akong binababoy! Para may pantustus ka sa bisyo mo!!! At ngayon pati anak ko gusto mong babuyin!"
"Ah!ganun.. Nagmamalaki ka na? Bakit kya mo ba siyang hukayin sa hukay? Para maipagtanggol ka! Patay na siya! Pinatay na sya ng baliw n'yang asawa. Kaya wala ka nang pwedeng ipagmalaki sakin. Dahil sayo pinatay siya ng asawa niya! Ang tanga lang nagpakamatay din siya. Pero ako hindi ko yun gagawin sayo.. Dahil hindi ako tanga!!"
"Bakit hindi mo na lang kami pabayaan Rigor! Iwan mo na kami.. Kung sawa ka na! Pabayaan mo na lang kami!"
"Sayo sawa na ko! Pero sa anak mo nagsisimula pa lang ako. Ngayon pa! Mas mukhang magiging malaki ang pakinabang ko sa kanya kaysa sayo."
"Hayup ka Rigor! Hindi ako papayag na gawin mo sa anak ko. Ang ginagawa mo sa akin.. Walanghiya ka!!"
"Bakit may magagawa ka ba? Kaya mo na bang lumaban sa akin.. Ha? At hwag na hwag mo akong tatakasan. Wala karing mapupuntahan na hindi ko malalaman. Sa akin ka lang k'yo ng anak mo naiintindihan mo?"
"Tama na Rigor! Kapag hindi ka tumigil isusumbong kita sa pulis. Ipakukulong kita!"
"Eh' talaga pa lang gaga ka e'.. Gusto mo ba talagang masaktan! Tinatakot mo ba ako ha?"
"Rigor! Nasasaktan ako.. Ano ba? Bitawan mo ako!!"
"Nanay!"
_____///__
"Huh! Anak.. Bakit ka lumabas? Ang tigas talaga ng ulo mo!"
"Kung ganun pala itinatago mo lang sa akin ang bata? Aba't talaga palang ginagalit mo ako ah! Put*** Um.. Pak!" Gulat man ako sa ginawa ng tatay. Wala akong magawa dahil sa takot ko sa kanya. Alam kong sasaktan din niya ako tulad ni Nanay. Kaya napatulala na lang ako. Nakita ko pa kung paano itinulak niya si nanay. Kaya napaupo ito sa sahig sa batang isip ko. May namumuong tanong? Nang biglang..
"Ahhh! Rigor!"
"Halika sumama ka sa akin.. Iwan na natin ang lukaret mong ina!" Biglang hila sa akin ng tatay.. Hindi ko lubos na maintindihan, kung ano ang nangyayari. Ako ba ang pinag-aawayan nila pero.. Bakit?
"H'wag anak.. H'wag kang sasama sa kanya!" Sigaw ng aking ina.. Pakiramdam ko mas gusto kong sundin ang Nanay ko!
"Ayaw ko po.. Ayoko pong iwan si nanay! Tay.."
"Bitiwan mong anak ko!"
"Aba't talaga pa lang sinusubukan mo ako ah! ha?"
"Hmmmmp.. Bitiwan mo ak!!"
"Tay! Tama na po.. Tay maawa ka po kay nanay!huhuhu"
"Huwag kang makikialam dito!!"
"Halika sasama ka sa akin!" Muli nitong paghila sa akin.
"Tay! Ayaw ko po.."
"Rigor! Bitawan mo sya.. Walanghiya ka! Ummmp!"
"Blag.. Crashhh!!"
"Tay!!" "Nanay.."
"Ahhh! Walanghiya k.. Agh!!" Bigla itong nabuwal matapos itong hampasin ng nanay ng isang matigas na bagay na hindi ko na inalam kung ano man?
"Halika na anak kailangan na nating umalis dito. Habang hindi nagigising ang walanghiya!" Biglang hawak ni nanay sa akin. Para ituro ang dapat gawin.
"Saan po tayo pupunta nay?" Tanong ko pa?
"Basta bahala na kunin mo mga gamit mo.. Madali na!!"
"Opo nay!"
______//_
"Tapos ka na? Halika na aalis na tayo! Bilis na.."
'''''
''''''
''''''''
"At saan kayo pupunta ha?" Gulat kaming sabay na napalingon. Huh! Ang tatay!
"Akala mo ba matatakasan n'yo ako! Ha? Mamatay muna kayong dalawa ng anak mo! Bago n'yo ako matakasan.. Naiintindihan mo?!!" Sabi pa nito. Sabay hila ng buhok ni Nanay. Nagulat man wala na itong nagawa.
"Aray ko! Rigor.. Pabayaan mo na kami.."
"Tay! Bitawan mo si nanay!" Sigaw ko at nagsimulang pumatak ang akimg luha. Sa samu't saring pakiramdam. Ano na ang gagawin ko nay? Bulong ko sa isip..
"Umalis kana anak, tumakas ka na!
Tumakbo ka na!" Biglang sigaw ni Nanay.
"Aba't!"
"Ayaw po kita iwan nay!" Sagot ko.
"H'wag nang matigas ang ulo mo! Iwan mo na ako sabi.. Masama si nanay anak kaya umalis ka na dito! Umalis ka na.. Hindi kita mahal kya umalis ka! Ayaw na kitang makita. Kahit kailan.. Kaya alis! Alis na!!" Pasigaw na utos ng kanyang ina. Habang pigil nito ang kanyang ama. Tama ba ang narinig ko? Pinapaalis niya ako? Hindi ko maintindihan? Kanina lang tinutulungan siya nitong tumakas sa Ama. Bakit ngayon galit na naman ito sa kanya? Balik na naman ba ito sa "bad Nanay!"
"Nay ko..!"
"Alis na sabi!!"
Sabay pa silang nagulat ng muling magsalita. Ang kanyang ama "Hindi ka aalis.." Sabi nito.
"Rigor!! Tama na!" Pigil dito ng kanyang ina. Gamit ang buong lakas h'wag lang itong makalapit sa kanya.
"Nanay ko!!" Muling pagtawag ko kasabay ng pag-agos ng aking luha. Saglit ko pa muna itong pinahiran, bago nagpasyang tumalikod na.. Ito na rin ang huling nasilayan ko ang aking ina. At ang aking kinilalang ama?
"Sira ulo ka talagang babae ka!" Narinig ko pang turan ng tatay. Kasabay ng pagtalikod ko at handang pagtakbo!
Tumakbo ng walang tiyak na patutunguan, walang bahay na tutuluyan at walang tahanan na masisilungan.. Walang ama, walang ina, walang pamilya at nag-iisa..
Puno ng takot at pangamba! Gusto kong magtanong kahit bata pa ako.
Gusto kong itanong.. Bakit?
Bakit ganu'n? Bakit ganito? Bakit ako?
Pero sino ba ang tatanungin ko? May sasagot ba sa akin?
_____//__
"Nay! Ayoko umalis.. Natatakot akong mag-isa! Nay.."
"Bes! Gising.. Nanaginip ka!"
"Nay!!" Huh! Panaginip lang ba ang lahat? Inilibot ko ang aking paningin sa paligid. Kinusot ko pa muna ang aking mga mata. Napatingin ako sa nag-iisang tao sa aking harapan..
Clarice?" Tawag ko ng makilala ko ito.
"Hay! Buti naman gising ka na! Akala ko hindi ka na magigising. Ilang araw ka na kayang tulog." Sabi nito. Pinsan s'ya ni Miguel at kasamahan ko rin siya sa trabaho. Kaibigan ko s'ya pero alam ko very loyal s'ya kay Miguel. Magkakampi sila! Huh.. Si Miguel ah.. Ano na nga pala ang nangyari? Hindi!
Bigla na lang sumagi sa isip ko ang mga nangyari. Hindi! Hindi pwede.. Awtomatikong sumayad ang kamay ko sa aking tiyan. Nang maisip ko ang nangyari. Bigla akong napatingin kay Clarice na parang kalmado lang ito..
"A anong nangyari sa akin?" Tanong ko na puno ng kaba at napapailing..
"Bes.. Wala na tayong magagawa nangyari na! Wala na ang baby mo. Pwede pa naman kayong gumawa ulit ni kuya.. Diba? Kaya hayaan muna!" Sabi nito na parang napakasimple lang..
"Hindi! Hindi pwedeng ganu'n lang.. Anak ko 'yun Clarice! Hindi 'yun ganu'n lang.. Hindi!!!" Sigaw ko wala akong pakialam..
Kahit nakakaiskandalo pa ako! Basta gusto kong magwala..
Bakit ganu'n?
Bakit nawalan na naman ako?
Bakit palagi na lang ako ang nawawalan..
Wala naman akong ginagawa ah?
Bakit kailangan ako ang magdusa!
Bakit??!!
"Wala ka na ngang magagawa.. Nakunan ka na hindi mo na maibabalik pa sa matres mo 'yun! Maliit pa naman 'yun pwede n'yo pang palitan." Sabi nito na parang wala lang kahit pa ako nasasaktan.
"Tama na!! Kung wala kang sasabihing maganda tumigil ka na.. Tumahimik ka na lang o kaya iwan mo na lang ako! Alam mo ba kung bakit nangyari sa akin ito?" Sabay turo ko sa aking sarili! "Gawa ito ng dem**yong kuya Miguel mo!" Sigaw ko at hindi ko na naman napigilan ang pag-iyak.
"Ikaw na nga ang sinasamahan ko! Darating na si kuya Miguel hintayin mo na lang.. Bahala ka na nga d'yan!" Sabi niya na tumalikod na at umalis.
Saka lang ako nakahinga ng maluwag at nagpatuloy lang sa pag-iyak! Pakiramdam ko nag-iisa na naman ako. Wala na ang anak ko.. Wala na!huhuhu..
"Darating na si kuya Miguel.." Huh?
Bigla na lang umalingawngaw sa aking pandinig.. Hindi! Ayoko na.. Ayoko nang makisama pa sa kanya! Hindi na niya ako dapat abutan dito. Kailangan ko nang makaalis bago pa siya dumating.. Pero paano wala akong kahit ano? Basta bahala na!
Ngayon na ang pagkakataon kong makatakas..
Ngayon na!!
* * *
@LadyGem25