Chereads / My Bittersweet Love (Tagalog Romance) / Chapter 3 - Chapter Three

Chapter 3 - Chapter Three

"KAILANGAN mo ba talagang umalis Thena?" iyon ang tanong sa kanya ng katrabaho at kaibigan niyang si Iona nang tuluyan na niyang ibigay ang resignation niya sa may-ari ng Sweet Dosage kung saan siya nagta-trabaho bilang isang pastry chef.

"Hay nako kung makapagsalita ka naman akala mo hindi na tayo magkikita." Biro niyang sabi habang hinahalo ang frosting na ilalagay niya sa huling cake na gagawin niya sa shop.

"Eh kasi naman kasalanan ng tinamaan ng magaling na Randolf na 'yon sayang ang pambi-build up ko sa hinayupak."

"Oo move na tayo bes, nakabawi na rin naman ako sa pagpaligo ko sa kanya ng wine 'no, mahirap kaya tanggalin 'yon sa puting polo." Nakangising sagot niya.

"Iyan ang gusto ko sa'yo kahit kailan hindi ka talaga magpapaargabyado eh."

"Sus, ako pa ba?" aniya saka inilagay na sa isang piping bag ang frosting na hinahalo niya para mai-design na sa nagaantay na cake sa harapan niya.

"At least hindi magiging stressful ang last day mo dahil day off ngayon ng gagong 'yon."

Hindi na siya nagkomento sa sinabi nito at nag concentrate na lang sa ginagawa. Isang waiter si Randolf sa Sweet Dosage kaya nga siguro na-develop siya ditto dahil halos araw-araw ay nakakasama niya ito sa trabaho.

Pero lately na-realize niya na hindi naman ganon kalalim ang nararamdaman niya para ditto at ito rin sa kanya. Kung nagawa nga nitong lokohin siya di hamak siguro na mas mababaw ang pagtingin nito sa kanya.

Nagsayang lang siya ng panahon, dapat talaga itinutuon na lang niya ang pansin niya sa trabaho. Bakit ba kasi kung ano-ano ang naisipan niya at nag-boyfriend pa siya ng isang sira-ulo.

"Pero seriously bakit kailangan mo pang mag-resign? Pwede namang ipatapon ko na lang ang ex mo sa ilog pasig kung ayaw mo talaga siyang makita."

Napangisi siya sa kalokohan nito. "Mas bagay sa'yon maging boss ng triad kaysa maging chef."

"Oh? Nag-try akong mag-apply kaso sabi nila over qualified daw ako." Pareho silang napahagikgik sa kalokohan.

Ah, kung aalis siyang Sweet Dosage ito siguro ang ma-miss niya, kakulitan na rin kasi niya ang mga kapwa empleyado sa kusina. Pero kailangan, mas dapat niyang magkaroon ng mas malawak pang experience sa field na baking kay nagdesisyon siyang mag apply sa isang sikat na restaurant.

"Hindi ba pwedeng ditto ka na lang?"

"Iona kahit maglupasay ka sa sahig hindi ko na mababawi ang resignation ko baka masakal pa ko ni Ma'am Mela kasi pabago-bago ang isip ko."

"Ay nako, peborit ka 'non kaya baka magdiwang pa 'yon kapag nagkataon."

Tinawanan lang niya ito saka tinapos na ang final touches niya sa ginagawang cake.

Napangiti siya sa kinalabasan ng mango peach cake na ginawa niya. Natapos din siya saka niya tuluyan nang binalingan ang kadaldalan ni Iona.

"Para ka namang sira ang tagal ko nang sinabi ang balak na kong 'to ngayon ka pa nagrereklamo diyan kung kailan naman paalis na ko."

Lumabi ito. "Eh kasi naman bakit pa kasi kailangan mong umalis okay ka na naman ditto di ba?"

"Sayang ang opportunity 'no saka nakapasa na ko sa initial interview pati na rin sa written exam ung final interview na lang ang kailangan kong bunuin at magiging official staff na ko ng sikat na restaurant na Flavors of Asia." Iniisip pa lang niya ang mangyayari hindi niya maiwasang ma-excite.

"Eh paano naman kung hindi ka pumasa?"

"Then better luck next time isa pa hindi ka ba naniniwala sa'kin? Yakang-yaka ko 'yon 'no ako pa."

Hindi naman sa pagmamayabang pero talagang may malaking tiwala siya sa sarili pagdating sa passion niya sa baking isa pa para saan ang ilang taon na pag-aaral niya kung mapupunta lang sa wala ang lahat.

Dugo at pawis din ang puhunan niya para lang magawa niyang makagraduate with flying colors at syempre para na rin makahanap ng magandang trabaho.

"Oo na... nagbubuhat ka na naman ng sala set mo. Pero mami-miss kita dalawa ka ditto kapag free ang oras mo ha? Alam mo namang mahal na mahal ko ang pastries na gawa mo."

Napangiti na lang siya sa sinabi nito saka inilibot ang tingin sa work station niya. "Basta alagaan niyo si Owen ha? Alam niyo namang ang dami na naming pinagdaanan."

Napangiwi ito sa sinabi niya. "Kahit kailan talaga hindi ko maiwasang maweirduhan na pinangalanan mo ng Owen ang oven natin ditto."

"Ang cute kaya." Ano bang masama na pangalanan niya ang partner niyang oven? Ilang taon na kaya niya nakasama 'yon kaya may sentimental value na sa kanya. Kung may pera nga lang siya baka bilhin na lang niya 'yon eh kaso hindi naman kasya sa tinutuluyan niya.

"Iba ang definition mo ng cute sa definition ko ng cute."

"Parehas lang 'yon ng spelling."

"Bahala ka na diyan." Napailing na lang siya nang tuluyan na itong lumabas sa working station niya.

Saka lang niya na-realize na ma-isa na lang pala siya sa kusina. Teka bakit walang tao? Hindi niya maiwasang magtaka, tinanggal niya ang suot na apron saka lumabas.

Para lang magulat nang nang may biglang pumutok na party popper paglabas niya ng kusina.

"Good Luck Athena!" sabay sabay na sigaw ng mga kasamahan niya na nag-aantay sa kanya sa labas.

"Ay bongga may mga padespida sila oh." Nakangiting sabi niya.

"We wish you luck Athena, kapag sikat ka nang pastry chef wag mo kaming kalimutan ha?"

"Ma'am naman kayo pa ba?" nakangiting saad niya, sinara ang buong shop para lang sa kanya at hindi niya maiwasang ma-overwhelm sa mga ginawa nito. Kaya bago pa siya umiyak 'don with matching tulo uhog pa ay nag-announce na siya.

"Let's party!"

Naghiyawan ang mga kasamahan niya at nagsimula na ang maliit na party para sa kanya.

ETO na talaga'yon. Parang ngayon lang tumimo sa isip ni Athena na nasa nasa last at final interview na siya para maging pastry chef ng Flavors of Asia.

Inabisuhan sila na ang final interview ay ang magbe-bake siya ng cake according sa kung ano ang specialty nila.

Kaya niyang mag-bake kahit na nakapikit ang problema lang niya ay kung makakapasa ang ginawa niya sa Interviewer.

Inilibot niya ang tingin sa paligid tatlo silang sasalang para sa last test. Parehong magagaling ang credentials ng dalawang kasama niya. Mga nakapag-aral sa ibang bansa pagkatapos ay galing sa mga kilalang restaurant sa habang siya ay galing lang sa isang hindi kilalang pastry shop at ang tanging mapagmamalaki niy ay ang kakayahan niya bilang isang Patissier.

Napabuga siya ng hangin, alam niyang lamang na lamang ang mga ito sa kanya at kahit na sinabi niya ni Iona na yakang-yaka niya ang lahat pakiramdam niya anumang oras ay kakaripas na siya ng takbo palabas dahil sa kaba.

Pero syempre hinid niya magagawa 'yon hindi siya pinalaking duwag ng mga magulang niya 'no.

Sabay-sabay silang napatingin sa pintuan nang pumasok na ang mga interviewer nila.

Pumasok na si Rainier,ito ang siyang nag interview sa kanya, ito rin ang manager ng restaurant. Kasunod nito ang isang pamilyar na bulto, wearing a long sleeve polo, black slacks and a pair of a black shoes para silang pinagpala sa presensiya nito.

He walks like he owns the whole place, humahakab sa katawan nito ang suot na long sleeve polo ngayon niya aaminin na talagang gwapo ang damuho.

Kung nasa isang pelikula lang sila baka eto na 'yung scene kung saan nag-slow mo ang bidang lalaki nang makita ito ng bidang babae saka nagtama ang kanilang mga mata.

Ang kaso lang naalala niya ang ginawa nitong pagtataboy sa kanya para tuloy siyang nakarinig ng sirang plaka kaya biglang naputol ang pagpapantasya niya.

Pagkatapos ay naalala niya rin ang ginawa niyang maliit na kalokohan na ginawa niya rito noong isang linggo kaya sigurado siyang markado na siya sa hit list nito. Kung tutuusin ay tinulungan na siya nito pero nagawa parin niyang gawan ito ng kalokohan.

Mag-sorry kaya siya? Nah, in the first place may kasalanan din ito sa kanya kaya siguro pwede niyang i-declare na quits lang sila. Kaya bakit naman siya matatakot? Wala naman siyang ginagawang masama.

Binalingan sila nito at nang nagtama ang kanilang mga mata at matamis na nginitian. Pero ang lolo mo deadma lang sa ginawa niya, okay lang 'yon ibig sabihin lang siguro 'non hindi na siya nito naaalala.

"Everyone please meet Mr. Daniel he's the owner and the head chef of Flavors of Asia." Ay may K as in karapatannaman pala ito magsuplado ng ganon may ipagmamalaki naman pala. Flavor of Asia is well known for its variety of cuisines and top notch quality of foods and services. Ang alam nga niya ay nominated ang lugar bilang restaurant of the year at malapit na rin itong maging five star restaurant.

Kaya nga determinado siyang makapasok bilang isang pastry chef sa kanito kasikat na restaurant. Magkakaroon siya ng malawak na experience at maganda rin itong mailalagay sa portfolio niya. Kung sakali man na hindi siya palarin better luck next time na lang siguro.

"All of the ingredients are prepared at your designated tables. We will evaluating your final product based on taste and your answer on why you created that specific pastry." Paguumpisa ni Rainier.

Ito na 'yung point na pakiramdam ay anumang oras ay mawawala sa ribcage niya ang puso niya sa sobrang kaba. Pasalamat na lang siguro siya at kahit papano ay nawala ang pansin niya sa kung anong mangyayari dahil sa pagdating ni Daniel Vergara a.k.a mister sungit.

Pero syempre hindi niya dapat hayaan mangyari na pangibabawan siya ng takot. Isa pa kung bigla na lang siyang aatras sayang ang lahat ng mga pinagpaguran niya isa pa nandito na siya alangan namang hindi pa niya tapusin 'to.

"You have thirty minutes to make bite size pastries for us. You may start." Pumesto na sila sa likod ng kanilang work table.

Sandali niyang tinignan ang kanilang dalawang judge pero sa pangalawang beses ay muling nagtama ang mga mata nila. Hindi niya alam kung nagkataon lang ba 'yon o sadyang nakatingin ito sa kanya.

Ipinilig niya ang ulo first kailangan niyang mag-focus at gawin ang lahat para siya ang ma-hire.

Hinayaan niya ang kanyang experience ang siyang magtake over para matapos niya ang desired patries na gusto niya. Sa mga ganito ng pagkakataon ay wala siyang pakialam kung may nakatingin o nagsasalita sa harap niya dahil ang buong atensyon niya ay nasa ginagawa.

Nadia Lucia