Chereads / My Bittersweet Love (Tagalog Romance) / Chapter 5 - Chapter Five

Chapter 5 - Chapter Five

"ARE you serious?" parang gustong sikmuraan ni Dan ang kaibigang si Renz nang sabihin niya rito na ang newly hired niyang pastry chef ay walang iba kung hindi ang babaeng tinulungan niya noong nakaraang linggo at siyang pinaghihinalaan niyang nagbaliktad ng numero sa pinto ng condo niya.

"Mukha ba kong nagbibiro?" naiiritang sagot niya sabay tungga ng beer na hawak niya.

"Mainit agad ang ulo? Parang naninigurado lang." nakangising sagot nito pero halata niya sa boses pa lang nito na naa-amuse ito sa mga nangyayari. Kahit siya rin naman ay hindi akalain na ito ang Athena Mendoza na binabanggit sa kanya ni Rainier na isa sa mga nakapasa nilang aplikannte.

"Alam mong ayaw ko sa lahat ang mga taong bingi."

"Iba ang naninigurado sa bingi, grabe siya nagsungit na naman." pero kitang kita niya ang kislap ang amusement sa mga mata nito. Pumunta kasi ito sa condo niya nang umagang umallis si Athena

Nagulat pa nga siya nang ito ang nabungaran niyang nag-doorbell iyon pala akala nito mali ang napuntahan dahil nakabaliktad ang number ng condo niya. In short ito ang nabiktima ng kalokohan ni Athena kaya ganon na lang ang reaksyon nito.

"But it's such a coincidence na ang babaeng lasing na tinulungann mo ay walang iba kung hindi ang pastry chef niyo ngayon. Kilala kita Dan, metikuloso ka pagdating sa pagkuha ng mga bagong empleyado what make you think na pwede siyang i-hire kung kagaya nga ng sinabi mo ay walang particular na magandang credentials sa resume niya?"

Uminom siya ulit ng hawak na beer tama ang sinabi nito pero ang pinaka nagustuhan niya sa presentation nito ay kung papaano nito ikinukonsider ang customers other than anyone else. Hindi lang quality ng mga gawa nito ang palagi nitong inuuna maging ang kung paano iyon maiihahain sa mga kakainin 'non.

Hindi man kasi sabihin ng assistant niyang si Rainier ay sigurado siyang ito ang nakita nito sa initial interview nito kaya nito ipinasa si Athena. Iyon ang hinahangaan niya sa manager niyang 'yon. Madali nitong makita ang malaking potential sa isang tao base sa mga nakalap nitong data.

"You'll know once you meet her." Iyon na lang ang nnasabi niya saka muling sumagi sa isip niya ang muli nilang pakikita kanina.

Sigurado siyang sa isang tingin pa lang ay nakilala na siya nito, pero binigyan lang siya nito ng matamis na ngiti. Iyong ngiti ng isang bata na alam mong may kasalanan na sa'yo pero hindi mo magawang magalit dahil sa ka-kyutan?

Hindi rin niya maintindihan kung papaano niya nagawang ikompara ang isang twenty four years old na babae sa isang bata. Pero iyon ang nakikita niya, siguro sa mga mata nito sa kabila kasi ng emosyon nito parang masyado pa rin itong guarded pagdating sa ibang tao.

"Fine fine, pero kung siya nga 'yong gumawa 'non sa pintuan mo hindi kaya siya rin 'yung babaeng nakasalubong ko sa elevator?"

Sa pagkakataon na 'yon at kunot noong binalingan na niya ito. "Anong sinasabi mo?"

"May naalala akong babaeng nakasalubong nung papunta ako sa condo mo, she's wearing a little black drees and a wedge sandals. Kung siya 'yon pakilala mo ko sa kanya ha? Type ko pa naman ang mga cute petits."

Sa hindi niya malamang dahilan ay agad siyang nakaramdaman ng pagrereblede at pakiramdam niya kapag ginatungan pa nito ang sinasabi ay baka bigla na lang niya itong maundayan ng suntok.

Sinamaan niya ito ng tingin. "I don't like my employees getting involve on your shenenigans so fuck off."

"Wow, masyadong protective boss, 'ni hindi pa nga sa'yo nakakapagumpisa 'yung tao." Sa kanila kasing magbabarkada ay si Renz angd pinaka notorious pagdating sa mga babae. Ang hindi lang yata nito makanti ay ang mga kaibigan nilang babae na halos kasabay na nilang lumaki.

"Tigil-tigilan mo nga ko." Inubos na niya ang iniinom nniyang beer. "Uwi na ko."

"Oy, teka! Hindi pa tayo tapos magusap! Ipakilala mo na muna ko!"

Hindi na niya pinatulan pa ang kalokohan nito at umalis na sa cosmic bar. Mas mabuting magpahinga na lang siya kaysa nag patulan ang kalokohan na 'yon gn kaibigan niya.

ALAS-SAIS impunto nang dumatin si Athena sa Flavors of Asia, pumasok siya sa employees entrance katulad ng bilin sa kanya ni Rainier kahapon.

Pagbukas niya ng pinto ay sumalubong na sa kanya ang mga nagkakagulong kitchen stafd naghahanda na ang mga ito ng mga lulutuing putahe para ngayng araw.

Hindi niya alam kung sinong kakausapin dahil busy ang mga tao hanggang sa may lumapit sa kanyang chef. Nang sabihin niya ang pangalan ni Rainier ay itinuro siya nito sa opisina kung saan tinangunan siya nito bilang pagbati bago siya nito hinarid sa magiging work station niya.

"She's Laila siya ang magiging assistant mo kung may mga tanong ka kung saan ang mga kailangan mo siya nang bahala sa'yo."

Tumango siya at saka na sila nito iniwan dahil may trabaho pa ittong kailangang tapusin.

Nang makaalis ito ay binalingan niya si Laila. "Hi! I'm Athena." Nakangiting bati niya saka inilahad ang kamay na tinaggap naman nito.

"Hello Ma'am ako po si Laila." Binitiwan na nito ang kamay niya.

"You can call me Athena hindi ko trip ang awkward atmosphere nakakapangit sa mga pastries na gagawin natin. Pareho pa tayong masesante ng wala sa oras ni Boss sungit."

Napahagikgik ito sa sinabi niya. "Nakilala mo na pala si Sir Dan."

"Oo kahapon lang, kakatakot parang anumang oras bubuga ng apoy." Syempre hindi niya pwedeng sabihn na natunganga ang beauty niya nang makita niya ulit ito.

Tuluyan na itong natawa sa sinabi niya at hindi naman niya mapigilan ang mapangiti dahil kahit papaano ay naging komportable na ito sa presensiya niya.

"Ganon talaga si Sir pero mabait 'yon."

"Kailan kapag bilog ang buwan?"

Napailing na lang ito sa kalokohan niya. "Ano nga pala ang patries na gagawin natin this day?"

"Mamaya na tayong mag-bake maganda kasi kung tanungin muna natin ang mga chef kung ana-ano ang dish natin ngayong araw para ibagay natin ang gagawin nating cake. Anyway alam mo ba ang preference sa mga kasamahan natin sa pagkain? Ipag bake muna natin sila ng tinapay para sa almusal."

Sumang-ayon ito sa sinabi niya at nagumpisa na siya sa pagbe-bake.

Matapos 'non ay dinistribute na nila ang mga tinapay sa laking pagtataka ng mga bagong katrabahho pero tinanggap naman ng mga ito ang ibinigay. Kahit si Rainier ay naweirduhan sa ginawa niya pero hinayaan lang siya nito.

Sa ilang sandali niyang pakipag-usap sa mga kasamahan ay agad niyang nakapalagayan ng loob ang mga ito. Mukhang magiging maayos siya sa bago niyang trabaho.

Nang magawa na niyang malaman ang kanilang mga dishes ngayong araw ay sinimulan na niya ang trabaho. Mahirap nang masabon ng kanyang boss baka masagot lang niya ito ng wala sa oras at masesante pa siya baka sa kangkungan na siya pulutin kapag nagkataon.

Nadia Lucia