Chereads / AFTER ALL (Tagalog Novel)(Book 1) / Chapter 113 - C-112: BE A BETTER PERSON

Chapter 113 - C-112: BE A BETTER PERSON

Umabot sa pandinig ni Joaquin ang sigaw ni Amanda.

Naabutan niya si Amanda sa akto na hawak ng isang lalaking at dalawang babae empleyado ng ARC.

'Habang sa harap nito si Chloe na tuwang-tuwa na hinatak ang harapang damit ni Amanda upang ipahiya talaga ito sa lahat?

"HINDI!"

"ANONG GINAGAWA N'YO?!"

Malakas niyang sigaw na ikinagulat ng lahat ng naroon at sabay sabay na napalingon sa kanyang direksyon...

"Joaquin?" Gulat na bigkas ni Chloe na halos bahagya na lang lumabas ang boses sa bibig.

Biglang sumulak ang galit ni Joaquin kaya't hindi na napigilan pa ang sarili!

"MGA PUT***INA N'YOO!"

Saad niya sa marahas na salita, tiyak rin ang bawat hakbang sa iisang direksyon.

Puno siya ng galit ng mga sandaling iyon. Kaya inilang hakbang lang niya ang paglapit kay Amanda.

Mabilis na hinubad niya ang suot niyang coat.

Habang palapit gulat na gulat naman si Chloe nang makita siya. Hindi nito inaasahan na darating si Joaquin at makikita nito ang ginawa sa ganitong sitwasyon.

Kaya bigla na lang itong natigilan at hindi agad nakakilos. Ngunit gumagana ang isip.

Ngunit nagulat na lang ito ng maramdaman ang malakas na paghagis ng katawan. Dahil sa lakas ng puwersa ng ginawang paghawi dito ni Joaquin.

Mabuti na lang mabilis itong nasalo ni Rusell ng makalapit ito. Bago pa man may masamang nangyari.

Habang isa isa namang itinulak ni Joaquin ang mga may hawak kay Amanda na bigla ring natigilan sa bilis ng mga pangyayari.

Sabay kabig nito sa nakatulala pa ring si Amanda. Mabilis rin na ibinalot niya sa katawan nito ang hinubad niyang coat.

__

Nang mga oras na iyon, hindi pa rin maiproseso ng utak ni Angela ang mga nangyayari.

Shock siya at tila ba muli na namang nanumbalik sa isip niya ang karahasang nangyari noon.

Alam niya at naririnig ang mga nangyayari sa paligid. Nasa tamang pag-iisip pa rin naman siya.

Ngunit hindi niya magawang kumilos, naroon pa rin ang parehong pakiramdam.

Ang takot at pangamba na naranasan niya noon at hindi rin niya magawang kontrolin ang sarili at ang panginginig ng kalamnan.

Naramdaman ni Joaquin ang panginginig ng kanyang katawan at ang kanyang pagkatigagal.

Kaya naman lalong nadagdagan ang labis nitong pag-aalala at galit na nararamdaman.

"Angela?!" Niyugyug na siya nito sa kanyang balikat. "Honey! Look at me, please talk to me." Bigla itong kinabahan.

Hinawakan na siya nito sa magkabilang pisngi ngunit saglit na nanatiling nakatingin lang siya sa lalaki.

Para bang nawalan siya ng lakas na magsalita.

"Angela, kausapin mo ako huwag mo akong takutin. Please talk to me, Angela magsalita kaaa!"

Malakas at puno ng pag-aalala nitong sigaw. Habang pilit na ginagalaw ang kanyang mukha.

Habang nakaupo na siya sa ibabaw ng lamesa.

Minutes after...

Isang marahas na paghinga ang biglang lumabas sa kanyang bibig. Hanggang sa nauwi sa mahinang paghikbi.

"JOAQUIN?" Mahina niyang saad.

"GOD, THANK YOU!" Bulalas ni Joaquin.

Bigla rin siyang niyakap nito ng mahigpit. Kasabay ng paghugot nito ng malalim na paghinga na para bang muling nadugtungan ang buhay nito.

"Ma'am Alona..." Si Dessa na naiiyak na rin sa nangyari.

"Dessa? Dessa..." Tawag niya ng maaalala ito.

"Ma'am?" Tugon nito sabay lapit.

"Please, take care of her!" Bumitaw na si Joaquin sa pagkakayakap sa kanya at pumalit naman si Dessa.

Si Chloe nang muli itong makabawi sa pagkabigla...

"Joaquin, I.. I'm sorry hindi ko naman sinasadya. Kasi naman nagwawala siya kanina at hindi namin siya mapigilan. Kahit pa itanong mo sa kanilang lahat.

'Siguro sinusumpong na naman siya, a-alam mo namang may sakit siya hindi ba?

'Pa-para kasi siyang nababaliw kanina? Tama, baka nababaliw na siya Joaquin?!" Sunod-sunod na salita nito, halata rin sa boses nito ang kaba.

Ngunit pilit pa rin gumawa ito ng alibi para ilihis ang sarili.

"Put***ina ka Chloe!" Dinaklot nito ng kamay ang leeg ni Chloe.

"Nababaliw ha'? Ikaw ang baliw! Damn you, Chloe! Hanggang kailan mo ba ako lolokohin ha'?"

Sigaw ni Joaquin kahit nakatutok lang ito sa babae habang hawak pa rin ang leeg ni Chloe na pilit rin nitong binabaklas.

"Boss tama na, bitiwan mo na siya sige na. Baka mapatay mo siya Boss!" Pilit rin binabaklas ni Russell ang kamay ni Joaquin sa leeg ni Chloe.

Nakialam na si Russell sa pagitan nila sa pag-aalala sa posibleng magawa ni Joaquin kay Chloe.

"Pabayaan mo ko umalis ka d'yan!" Ngunit hindi tuminag si Rusell.

"Hindi, hindi kita niloloko, Joaquin bitiwan mo ko ark!" Pilit itinutulak at binabaklas ni Chloe ang kamay ni Joaquin sa kanyang leeg.

Halos hindi na ito makahinga at sandali na lang baka kapusin na ito ng hangin.

"Boss pakiusap bitiwan mo na siya. Please, Joaquin tama na!"

Lumapit na rin si Lester para tumulong na pigilan si Joaquin. Kaya ginawa nila ang lahat para mabaklas ang kamay ni Joaquin at inilayo kay Chloe.

Halos pangapusan ng hininga ang babae ng tuluyan na itong mabitiwan ni Joaquin.

"Uhu, uhu hah' ahh!" Ngunit saglit lang ng tuluyan na itong makabawe, muli na naman itong nagsalita.

"Joaquin maniwala ka, wala ka naman kasi dito kaya hindi mo alam ang nangyari!" Kahit hawak pa rin nito ang nasaktang leeg ipinagpatuloy pa rin nito ang pagsasalita upang idepensa ang sarili.

"Hindi mo lang kasi nakita kung paano ako sinaktan ng babaing 'yan! Nagpapaawa lang kasi siya sa'yo.

'Baliw na siya Joaquin, nakakatakot siya talagang nababaliw na siya!" Hindi pa rin ito tumigil parang balewala lang dito ang gumawa ng alibi.

"Tama na, tumigil ka na. Napaka walanghiya mo sinungaling ka! Alam ko na rin ang lahat ng mga kasinungalingang ginawa mo." Malakas na bulyaw ni Joaquin.

"Hindi! Hindi niloloko ka nila, sinisiraan lang nila ako sa'yo. Alam mo namang mahal na mahal kita kaya hindi ko magagawang lokohin ka."

"Tang*** Chloe tumigil ka na, ang kapal talaga ng mukha mo!"

"Mas pipiliin mo ba siya kaysa sa akin, hindi ba iniwan ka na niya at ipinagpalit ka sa iba!

'Mas gusto mo ba ang tira-tirahan na lang ng iba?!"

"Tumigil ka!" Muling kumuyom ang kamao ni Joaquin ng dahil sa sinabi nito.

Gustong gusto niya itong sakalin ulit, ngunit pilit pa rin niyang pinigilan ang sarili. Tama si Russell.

Baka nga makapatay pa siya?

Nang mga sandaling iyon hindi na rin nakapagpigil si Amanda. Dahil kahit paano nakabawi na rin ito.

Naririnig rin niya ang lahat ng sinasabi ni Chloe.

"Anong sabi mo, ako baliw, malandi, tira-tirahan?!" Lumapit pa siya sa mga ito.

Wala na siyang pakialam kung ano ang itsura niya at kung ano ang tingin sa kanya ng lahat.

Hinayaan lang niyang malaglag ang coat ni Joaquin na nakabalot sa kanya kanina.

Hiniya na rin lang siya kaya ano pa ba ang itatago niya. Wala naman siyang ginawang masama kaya hindi siya dapat mahiya.

Hindi na siya apektado kahit sira ang kanyang damit, naka-full cap bra siya at hindi naman iyon masagwang tingnan.

Bukod pa doon wala namang makikita sa kanya na hindi maganda.

Pero hindi si Joaquin. Bigla na naman kasi itong nataranta at nagpanic ng makita ang ginawa niya. Muling nabaling sa kanya ang buong atensyon nito.

"Shit, Angela!" Mabilis na kinuha ulit nito ang nalaglag na coat, ngunit...

"Tumabi ka d'yan!" Hinawi niya si Joaquin kaya napaharap siya kay Chloe.

"Nakita mo na Joaquin? Gustong gusto talaga niya na nakabilad ang katawan niya sa paningin ng iba. Dahil sanay na san... aahh'!"

Bigla na lang itong napahiyaw sa sakit. Dahil sa biglang paglanding ng kamao ni Amanda sa mukha nito.

Pikang pika na siya sa babae at hindi pa siya nakakabawi sa ginawa nitong paglapastangan sa kanyang buhok.

Kailangan muna niyang makaganti!

Dumugo ang ilong nito ng dahil sa ginawa niya at bahagya ring nadisporma. Kaya naman pala matangos ang ilong nito.

Dahil sa nose lift, peke naman pala ang demonyang ilong.

"Walanghiya ka, anong ginawa mo sa'kin?" Hysterical na hinawakan nito ang nasaktang ilong.

"Dapat lang 'yan sa'yo ipokrita ka! Para 'yan sa paninira mo sa'kin walanghiya ka. Buti nga ilong mo lang ang tinamaan ko at hindi ang buong mukha mo!"

"Walanghiya kang, malandi ka!"

Susugurin sana ulit ni Chloe si Amanda ngunit mabilis na humarang na si Joaquin.

"Tumigil ka na Chloe, sige lang subukan mo ulit siyang saktan at magsisisi ka!"

"Naniwala ka naman sa babaing 'yan, lolokohin ka lang niya ulit!"

"Umalis ka na Chloe, kung ayaw mong kaladkarin kita palabas." Tinuro pa nito ang daan palabas.

"Bakit ba ayaw mong maniwala sa akin? Iniwan ka na niya dati kaya siguradong iiwan ka lang niya ulit. Kapag nakakita na siya ulit ng ibang lalaki na ipapalit niya kay Dust."

"Ano bang pinagsasabi mong walanghiya ka, Kung ganu'n ikaw nga ang nagkalat na may relasyon kami ni Dust?!" Sabat ni Amanda.

"Totoo naman hindi ba? Nagsawa rin siya sa iyo kaya ka naman niya hiniwalayan. Siguro nahuli ka niyang may kinakalantaring iba?" Puno nang kumpiyansang saad nito.

"Buwisit ka, alam mong hindi totoo 'yan! Para na kaming magkapatid ni Dustin at alam mo rin na wala kaming relasyon."

"Ha' at sino ang maniniwala sa'yo pinapalabas mo lang naman na magkapatid kayo para pagtakpan ang relasyon n'yong dalawa!"

"Hindi totoo 'yan!" Umiiling na pagtanggi ni Amanda.

"Chloeee!" Napupuno nang saad ni Joaquin. "Guard! Ilabas n'yo na ang babaing ito. "Guard!"

"Sir!" Mabilis na lapit ng dalawang guards

"Joaquin maniwala ka, hindi sila totoong magkapatid niloloko ka nila. Dahil manloloko talaga ang babaing 'yan!"

"Tama na Chloe wala ka nang sasabihin na pakikinggan ko kaya tumigil ka na.

'Magpasalamat ka, dahil nagagawa ko pang pigilan ang sarili ko. Dahil kanina ko pa gustong pilipitin 'yang leeg mo kaya tumahimik ka na!

'Mahiya ka sa sarili mo huwag mo nang dagdagan pa ang mga kasinungalingan mo. Umalis ka na lang at kahit kailan huwag ka nang babalik pa dito.

'Huwag ka na rin magpapakita pa sa'kin at lalong huwag na huwag ka nang lalapit kay Angela o sa kahit kanino man sa pamilya ko, naiintindihan mo?!"

"Joaquin!"

"Tumahimik ka, umalis ka na! Guard ilabas n'yo na siya!"

"Ma'am tayo na po!" Ngunit bago pa ito tuluyang umalis isang matalim na tingin ang ipinukol nito kay Amanda.

__

"Makinig kayong lahat ang sino man sa inyo ang magpapasok ulit  kay Chloe dito sa opisina ko ay sinisiguro kong mananagot sa akin, naiintindihan n'yo ba?!

'At kung sino man sa inyo ang naniniwala sa pinagsasabi ng babaing iyon. Mabuti pang magsilayas na rin kayo dito!

'Alam n'yo bang hiyang hiya ako sa mga nakita ko? Hindi ko akalain na itotolerate ninyo ang ganitong gawain.

'Hindi man lang ba kayo nahiya kahit sa sarili n'yo? Ako nahihiya dahil hindi ko agad nakita na marami pala akong empleyado dito na mga walang kwenta! 

'Kahit kailan hindi naging issue sa akin na pakialaman ang mga personal na buhay ng mga kliyente ko. Dahil binabayaran lang nila ang serbisyo natin at labas na tayo sa personal nilang buhay.

'Kahit pa kayo, hindi ko kailan man pinakialaman ang buhay n'yo!

'Pero ano itong ginawa n'yo ha'? Pinagtulungan n'yo ang kliyente natin sa anong dahilan at ginawa n'yo 'yun? Nakakahiya kayo wala isa man sa inyo ang sumaway at hindi nakinig sa babaing iyon.

'Ang dami n'yo, ang dami n'yong mga walanghiya! Natakot lang kayo at sumunod sa babaing iyon.

'Sana man lang bago n'yo inisip ang kapakanan n'yo, naisip n'yo rin kung paano maging mabuting tao.

'I am disappointed to all of you!"

Pagkatapos ng lahat ng sinabi ni Joaquin muli na itong lumapit kay Amanda at muling ibinalot sa kanya ang coat nito.

Dahil rin sa sinabi ni Joaquin, tahimik, nakayuko at halos hindi makatingin ang lahat lalo na ang Chief Supervisor.

'Tayo na kailangan mo pang magpalit ng damit. Rusell ikaw na muna ang bahala dito." Bilin nito kay Rusell.

Inakbayan na siya nito at iginiya palabas ng opisina.

"Okay sige na, ako na ang bahala dito." Tugon nito.

"Joaquin, okay na ako si Lester na lang ang maghahatid sa'kin. Baka may kailangan ka pang gawin.

"No, ako ang maghahatid sa'yo!" Tugon nito.

Deretso na silang naglakad palabas ng opisina. Kasunod si Lester at Dessa.

'Pasensya na sa nangyari nagulo ko ang opisina mo, nakakahiya naman na dito pa kami gumawa ng eksena.

'Akala ko nga kakampihan mo ang babaing iyon at maniniwala ka sa kanya. Buti na lang at hindi mo siya kinampihan."

"Hindi ah' takot ko lang kaya na baka suntukin mo rin ako?!" Nakangiti nang biro pa nito.

"Sira, pero baka nga pag-untugin ko kayo kapag naniwala ka sa kanya at kinunsinti mo siya."

"I'm sorry! Promise hinding hindi ko na ito hahayaang maulit pa." Saad nito.

Kinuha pa nito ang kanyang kamay at inilapit sa bibig saka hinalikan.

"Sigurado nga talagang hindi na mauulit kasi ipinull-out na kami ng Chief Supervisor mo!" Aniya.

"Ano?" Muli sana itong babalik ngunit pinigilan na niya.

"Huwag na, ibabalik mo naman kami hindi ba?" Tanong na lang niya.

Malapit na sila sa elevator at saka bigla rin kasi siyang nakaramdam ng pagkailang. Dahil sa itsura at ayos niya ng maalala ang kanyang sarili.

May ilan kasi na napansin niya na nakatingin na sa kanya na may halong pagtataka.

"Oo naman, bakit ko kayo tatanggalin?" Saad nito.

Nahalata nito ang kanyang pagkailang kaya lalo pa siyang kinabig nito palapit at bahagyang sinuklay ng kamay ang kanyang buhok. Saka siya hinalikan sa ibabaw ng kanyang ulo.

"I think, kailangan mo na ring pumunta sa parlor." Huminga muna ito ng malalim bago pa ito muling nagpatuloy. "Sorry, sorry talaga dahil hindi ako dumating agad. Hindi dapat nangyari ito!"

"Kung sakali bang hindi tayo magkakilala gagawin mo ba ang ganito?" Curious niyang tanong.

"Bakit mo naman naitanong 'yan!" Tugon nito imbes na sagutin ang tanong niya.

"Naitanong ko lang...."

"S'yempre hindi sa'yo lang!"

"Sa'kin lang?" Nanlalaki ang mata niyang tanong. Hindi kasi ito ang inaasahan niyang magiging sagot nito.

Bahagya pa itong natawa sa reaksyon niya.

"Oo naman, hindi ko yayakapin ang iba, hindi ko hahalikan at hindi ako matataranta na halos hubad na siya sa harap ng mga empleyado ko.

'Hindi rin ako maiinis at magagalit sa sarili ko, na nahuli ako ng dating para ipagtanggol siya.

'Lalong hindi ko mararamdaman ang ganitong pakiramdam sa iba na kahit ano pa ang itsura niya ngayon, nag-iisa pa rin siyang maganda sa paningin ko.

'Pero kung ang gusto mong malaman kung itotolerate ko ba ang ganitong gawain ng mga empleyado ko nagkakamali ka. Hindi nila dapat ginawa ito sa'yo o kahit kanino pa man."

"Kahit simpleng negosyante lang ako at hindi bigtime na tulad ng iba?

'Like Dustin, kahit hindi mo sabihin alam kong hindi kayo magkasundo. Pero patuloy kayong tumatanggap ng trabaho sa kanila dahil hindi sila basta basta."

"Hey, kailan pa naging requirements sa opisina ko na huwag tumanggap ng hindi bigtime na kliyente?

'Hindi ako literal na negosyante at maaaring taga kwenta lang ako.

Pero alam ko naman, na ang lahat ng negosyante ay nagsimula rin sa maliit.

'Walang negosyo na nagsimula sa gitna at kahit pa ako, hindi ako nagsuma nang hindi ko ito inumpisahan sa una!

'And one thing that you good to know, knowing Dustin is one of our good client. But not only because he is a bigtime.

'Aaminin ko naisip ko rin na gantihan siya dahil sa'yo. Dahil napaniwala ako ni Chloe sa mga kasinungalingan nito. Bago ko pa nalaman ang totoo.

'Humanap talaga ako ng butas na p'wede kong magamit laban sa kanya. Lalo na nang malaman ko na ang ARC ang may hawak ng account nila.

'But I was surprised!

'Dahil wala akong nakita na kahit ano na p'wede kong ibato sa kanya.

'Until I realized that, he was a better than, I expected.

I can't do anything but just accept it and admitted that he is witty and a good business man.

'Bukod pa sa hindi ko pala kayang manira ng kahit sino na gamit ang aking propesyon.

'Natutunan ko rin na hindi tamang ihalo ko ang personal kong hangarin pagdating sa aking trabaho."

"Good!" Biglang tugon ni Amanda.

"Good lang... Wala bang kiss? Pinaghirapan ko kaya ang speech na iyon. Saka hindi 'yun scripted ah'!"

"Hmp, kanina ka pa nga halik ng halik eh'. Nakailan ka na?"

Natawa na lang ito imbes na sagutin siya sakto namang pagbukas ng elevator.

"Ting!"

Nagpatiuna na si Amanda sa pagpasok sa loob nito.

_

Si Dessa na balak sanang sumunod ngunit mabilis itong pinigilan ni Lester sa braso.

Kanina pa ang mga ito na sumusunod lang sa kanila.

"Doon na lang tayo sa kabila, hayaan mo na lang sila d'yan mas kailangan nila ng malaking space. Naiinggit ka lang yata eh' oh' sige na nga lalambingin na rin kita..." Saka ito tumawa.

"Bwisit! Kanina pa kita gustong tadyakan."

Inis nitong tinalikuran si Lester at deretso sa kabilang elevator. Lalo namang lumakas ang tawa ni Lester at sinundan na lang ito.

Habang nasa loob na ng elevator sila Joaquin at Amanda.

"Ano pumasa ba ako sa screening mo kanina?" Lumapit pa ito sa kanya at niyakap siya mula sa likuran.

Sinamantala nito na sila lang ang nasa loob ng elevator. Ngunit ilang segundo muna ang lumipas bago niya naisip ang ibig nitong sabihin.

"Hmmm, very well said pero hindi pa rin ako satisfied."

"Hmmm, okay na 'yun sa ngayon! So p'wede na rin akong umakyat ng ligaw?!"

"Huh'?" Bigla siyang napalingon kay Joaquin. Taas babà naman ang kilay nito habang nakangiti at nakatingin sa kanya. Halatang nagpapacute pa ito buti na lang cute talaga.

Pero may naisip muna siyang sabihin...

"Hmmm, magpaalam ka muna kaya sa fake kong Kuya at baka bugbugin ka na naman nu'n!"

"Nagawa ko na, kaya hindi na kailangan. Saka huwag mo siyang tawaging fake, mahal ka nu'n!" Napabalik siya ng lingon sa lalaki. Hindi dahil sa sinabi nito kun'di dahil sa pagtatanggol nito kay Dustin.

'Ano kayang nangyari?'

Pero mas nagulat siya sa sunod na sinabi nito....

"Pumapayag na nga siya na gapangin kita eh'..." Saka ito ngumisi ng nakakaloko kahit alam niyang nagbibiro lang ito.

Nagulat pa rin siya!

"ANONG SABI MO?!" Dahil sa naging reaksyon niya.

Narinig na lang niya ang malakas nitong pagtawa na pumuno sa loob ng elevator.

Bago pa ito kusang bumukas.

"TING!"

*****

By: LadyGem25

(06-14-21)

Related Books

Popular novel hashtag