Chereads / AFTER ALL (Tagalog Novel)(Book 1) / Chapter 114 - C-113: STAY FOR US FOREVER

Chapter 114 - C-113: STAY FOR US FOREVER

Matapos silang makapag-usap ni Joaquin kahit paano gumaan ang pakiramdam ni Dustin.

Ang tanging hangarin niya ay mapabuti ang kanyang kapatid. May tiwala siya kay Joaquin alam niya ang pagkatao nito.

Sigurado na rin siya na mahal nito si Amanda. Kahit naman hindi sila magkasundo matagal na niyang alam ang ugali at pagkatao nito.

Inilayo niya dito si Amanda noon dahil napaniwala rin siya ni Chloe na nakipagbalikan ito sa dating nobya sa biological mother ni VJ.

Pagbalik pa nila ng Pilipinas saka lang niya nalaman ang totoo.

Nalaman na lang niya ang totoong dahilan ng pakikisama nito kay Liscel noong narito na sila sa Pilipinas. Huli na, nasa London na noon si Amanda.

Magiging mahirap na para kay Amanda ang bumiyahe pabalik ng Pilipinas. Sinabi ng Doctor na maselan ang pagbubuntis nito sa kambal. Bukod doon bawal din itong ma-stress.

Naging mahirap din para sa kanya ang magdesisyon. Bukod pa sa alam niyang ano man ang gawin niyang desisyon ay tiyak na pananagutan niya ito.

Gusto niyang sabihin kay Amanda ngunit nag-aalala siya na baka maisipan nitong bumalik agad ng Pilipinas sa kabila ng kalagayan nito.

Hindi naman siya maaaring bumalik noon ng London.

Dahil kinailangan din niyang magbiyahe papuntang Singapore upang kausapin naman ang isa sa kanilang investor.

Nang makabalik siya galing Singapore tinangka rin niyang sabihin noon kay Joaquin. Pero nalaman niya na kasalukuyang nasa Ospital si Liscel.

Naisip niyang hindi iyon ang tamang pagkakataon para sabihin niya dito ang lahat.

Dahil sa pagkakataong iyon alam niyang higit itong kailangan ni Liscel.

Hanggang sa makapanganak si Amanda hindi na niya nasabi ang totoo.

Pagbalik nila ulit ng Pilipinas wala na sila Joaquin sa Batangas. Hindi niya alam kung nasaan na ang mga ito. Nalaman na lang niya na nasa Europe si Liandro at Joseph.

Ngunit hindi siya sigurado kung kasama ng mga ito ang mag-ama.

Hindi na niya nalaman kung nasaan na ang mga ito. Mukhang lihim pa ang kanilang paglipat.

Hanggang sa hinayaan na lang niya ang panahon ang magtakda ng lahat.

Ngunit lumipas ang mga araw, buwan at taon na hindi siya kinasihan ng magandang pagkakataon. Lagi na lang may hadlang at dahilan.

Hanggang sa hinayaan na lang niya na ang tadhana ang gumawa ng paraan kung sakali na magkikita pa rin ang dalawa?

Naniniwala siya na kung sila pa rin ang nakatadhana sa isa't-isa sigurado namang pagtatagpuin pa rin sila.

Ngunit ng tumanggi si Amanda na sumama kay Lyn pabalik ng Pilipinas. Nagsimula na rin ang kalbaryo sa kanyang sistema.

Hindi lang niya maamin na may kasalanan siya sa tuluyang paghihiwalay ng dalawa. Tila lalo niyang napaglayo ang dalawa at dahil dito natutunan na rin niyang ihanda ang sarili sa ano mang konsikwensa ano man ang mangyari handa naman niyang panagutan ito.

Lalo na nang malaman niya na ang taong hinahanap niya ay naroon lang pala mismo sa tapat ng dati nilang bahay.

Daig pa pala nila ang nagha-hide and seek. Iba talagang magbiro ang tadhana.

___

Papunta na sina Dustin at Anton sa kanilang opisina ng bigla siyang matigilan.

"Okay ka lang Boss?" Tanong ni Anton ng mapansin nito na parang hindi siya komportable.

"Okay lang ako medyo para lang akong biglang kinabahan." Saad niya.

"Ano ba kasing gumugulo sa isip mo Boss?" Tanong ulit nito.

"Okay lang wala lang ito, naalala ko lang si Amanda at 'yung mga bata."

"Sigurado namang okay na sila Boss huwag mo na silang intindihin. Baka nga sa oras na ito magkasundo na 'yun dalawa at nagpapalitan na nang kilig moment sa isa't-isa." Nakangiting saad nito

"Sana nga?! Malulungkot ako na hindi na kami magkakasama pero, kung malalaman ko na maayos ang kalagayan niya mas mapapanatag ako."

"S'yempre naman, hindi ba ikaw na rin ang nagsabi na wala kang ibang pagkakatiwalaan kun'di si Joaquin lang..."

"Ewan ko ba okay na ako kanina pero ngayon parang bigla akong kinabahan?"

"Naiistress ka lang Boss, saka nami-miss mo na si Ma'am Amanda at ang mga bata."

"Siguro nga!"

_

Pagdating nila ng opisina naabutan nila ang kanyang mga empleyado na parang may pinagkakaguluhan. Kaya wala sa focus ang pagtatrabaho.

"Anong nangyayari dito bakit kayo nagkakagulo?" Nagulat ang lahat sa biglaan niyang pagdating ng opisina.

Ilang segundo muna ang lumipas bago pa nakakilos ang lahat at nagsibalikan sa kanya kanyang p'westo.

"Ano magsalita kayo, ano ba ang pinagkakaguluhan n'yo at anong dahilan at nagkakaingay kayo?"

"Ah' eh' wa-wala ho Sir!" Hindi nakatiis na komento ng isa.

Ngunit hindi siya ang tipo ng madaling mapaniwala. Alam niyang may itinatago ang mga ito sa kanya.

"Anong wala nakita ko kayong nagkakagulo kanina at mukhang may itinatago, ginagawa n'yo ba akong tanga? Sige dagdagan n'yo pa ang pagsisinungaling, kilala n'yo ako!"

Kabisado na talaga siya ng mga empleyado niya. Kaya alam din ng mga ito kung kailan siya nagbibiro at hindi.

Kaya naman agad rin na nagsenyasan ang mga empleyado na tila takot ang bawat isa na unang magsalita.

"Ano wala bang magsasabi kung ano ang nangyayari dito o gusto n'yong lahat kayo maghanap na ng ibang trabaho?" Banta niya.

Isang babaeng empleyado ang agad na nagsalita.

"Sir a-ano kasi, si Macey po may ipinadalang video sa'kin."

"Video? Nagkakagulo kayo dahil sa video na 'yan, nasaan ba ang video gusto ko ring makita?"

"Eh' Sir kasi po..." Tila bantulot naman na saad nito.

"Sabi ko ipakita n'yo sa'kin ang video nasaan na? Aki'na!" Iritado na niyang saad.

"Nasaan na?" Ulit niya.

Kaya wala nang nagawa pa ang babae kun'di ipakita sa kanya ang video.

Dahil wala isa man sa mga naroon ang nakapagsalita sa takot na baka sila ang balingan ni Dust.

Eksaktong paglinaw ng screen ng cellphone habang hawak na ito ni Dustin. Malinaw niyang nakita ang nilalaman ng video.

Ang eksenang naganap sa ARC Accounting Firm na halos kalahating oras pa lamang ang nakakalipas.

Halos manginig rin sa pagpipigil ng galit si Dust habang pinanood ang eksena sa video.

"WTF!" Hindi na nito napigilang mapamura ng dahil sa nakikita.

Kitang kita sa video ang nangyari mula sa paggupit ng buhok ni Amanda hanggang sa pagpunit ng harapang damit nito pero dito na naputol ang video.

Marahil kung malambot lang ang hawak nito? Baka kanina pa ito nawasak ng dahil sa higpit ng pagkakahawak niya.

Ngunit hindi pa rin naiwasan na makalas ito bago pa niya ito binitiwan. Dahil sa galit wala na siyang pakialam kahit kanino pa iyon. Dahil kaya naman niya itong palitan ng paulit-ulit.

"Mga put***ina nila! Find Chloe wherever the hell she is right now! Patay ka sa'kin kapag hindi mo siya nakita." Biglang baling niya kay Anton.

"Yes Boss, hahanapin ko na siya!" Agad na itong tumalikod at umalis para hanapin si Chloe.

Punong puno siya ng galit at sinisiguro niyang malilintikan sa kanya ang babaing iyon at ang sino man na kakampi nito na nanakit at nagdulot ng kahihiyan sa kanyang kapatid. 

"Idelete n'yo lahat ng kopya ng video na iyan. Huwag n'yo nang hintayin na ako pa ang magbura n'yan siguradong magsisisi kayo." Malakas na utos at sigaw naman niya sa mga empleyado doon.

"Yes Sir!" Halos sabay-sabay naman at tila takot na sagot ng lahat.

Habang kinakapa niya ang bulsa at ng matagpuan ang sariling cellphone. Agad na idinadayal ang number ni Lester.

"Boss?! Buti tumawag k..."

"Damn you! Lester gago ka bakit hindi mo sinabi agad sa'kin ang nangyari diyan ha'?"

"Eh' Boss tatawag naman ak..."

"Put***ina ka, napakasimple lang ng trabaho mo hindi mo pa magawa! Nasaan kayo ngayon at nasaan ka kaninang Gago ka?!"

"Sorry Boss, pauwi na kami sa bahay. Okay na si Ma'am kasama na siya ngayon ni Sir Joaquin Boss pasensya na talaga. Hindi ko alam na nandoon pala si Ma'am Chloe."

"Okay na? Halos kalbuhin na si Amanda ng mga walanghiyang iyon! Anong ginawa mo ha', hindi ba sinabi ko sa'yo na huwag mo siyang hihiwalayan?"

"Sorry Boss, hindi ko lang talaga alam na mangyayari ang ganito. Alam ko ring naging pabaya ako Boss!" Tila aminado na ito sa naging pagkukulang nito kanina.

"Buti alam mo, humanda ka sa'kin, pupunta ako diyan!"

"Opo, Boss nakahanda na akong tumanggap ng parusa." Saad nito.

Aminado naman talaga ito sa naging kapabayaan nito kanina at nakahanda itong tumanggap ng ano mang parusa.

Dahil may pangako ito kay Dustin at hindi nito nagawa ng maayos ang tungkulin nito.

Ang totoo kanina pa nito balak tumawag kay Dust. Ngunit hindi nito alam kung paano sisimulang sabihin ang nangyari. Dahil batid nito na tiyak na magwawala ang amo.

Napahinga na lang ito ng malalim at ipinagpatuloy na ang pagmamaneho.

Kasalukuyan pa rin kasi silang nasa biyahe pauwi ng bahay.

Sinusundan nila si Amanda at Joaquin. Naipit sila ng trapic kaya medyo natagalan bago pa sila makarating.

___ 

Kasalukuyan pa rin na nasa sasakyan sila Joaquin at Angela ng mga oras na iyon.

Kaya malaya pa rin silang nakakapag-usap at sila lang kasi ang nasa loob ng sasakyan.

Malaking bagay na hinayaan lang sila ni Lester at Dessa na masolo ang isa't-isa.

Dahil talagang marami silang dapat pag-usapan. Gusto sana ni Joaquin na dalhin ito sa isang lugar na mas komportable silang makakapag-usap. Ngunit baka hindi ito pumayag dahil sa ayos nito ngayon, kaya gusto na nitong umuwi.

Lalo lang siyang nakakaramdam ng inis kapag naaalala niya ang ginawa ni Chloe. Parang gusto tuloy niyang pagsisisihan na pinakawalan pa niya ito.

Ngunit kahit naman gustong gusto pa niyang palipitin ang leeg ni Chloe sigurado siyang hindi rin ito magugustuhan ni Angela.

Dahil si Angela ang alam niyang tao na mas gugustuhin pa ang tahimik, kaysa sa tuloy tuloy na kaguluhan at ayaw na niyang maging magulo pa ang isip nito.

Mula sa front mirror ng sasakyan maya't maya niyang tinitingnan si Angela. Medyo trapik rin kahit hindi pa naman rush hour.

Ang sabi nito sa Alabang lang din sila lumipat. Pero gusto nitong sumama muna sa kanya pauwi ng bahay.

Dahil nami-miss na nito si VJ at sa totoo lang walang pagsidlan ang kanyang kaligayahan ng mga oras na iyon.

Dahil ito naman talaga ang simple niyang pangarap noon pa mang iwan sila nito at ngayon muli na itong babalik sa kanilang mag-ama at may bonus pa.

Nasasabik na siyang makita ang kanyang mga Anak, Anak nilang dalawa.

Gusto man niyang magalit sa mga panahong nasayang ngunit alam rin niya na hindi na niya maibabalik pa ang panahong nakalipas na.

Ang mahalaga, ang ngayon kung paano siya babawi sa lahat?

Dahil magmula ngayon hindi na siya papayag na mawala ito sa kanya, kahit ano pang mangyari.

Nang maramdaman niyang bigla itong natahimik at tila ba ito nag-iisip.

Agad na ginagap niya ang kamay nito at dinala sa kanyang labi.

"Anong iniisip mo, okay ka lang?"

"Oo naman okay lang ako, kahit pa mukha na akong aning-aning ngayon." Bahagya siyang natawa sa sinabi nito.

"Huwag ka nang mag-alala okay lang 'yan! Sabi ko naman sa'yo daan muna tayo sa Salon saglit lang 'yan."

"Aayusin ko na lang muna, bukas na lang ako pupunta ng Salon. Kaya lang hindi kaya matakot sa'kin ang anak mo?"

"Hmmm, malalaman natin?"

"Nakakainis ka naman, anong gagawin ko ngayon?"

"Just say you love him and you never ever leave us. Make a promise to him, from now on you will stay for us forever." Muli niyang hinalikan ang kamay nito.

"How?" Bigla siyang napalingon sa naging tugon nito.

"Bakit ayaw mo ba talaga kaming makasama?" Biglang nalungkot na tanong niya.

"Hindi naman sa ganu'n kaya lang paano naman si Liscel. Bakit parang binabalewala mo na siya, nagiguilty tuloy ako."

"Sandali, bakit ka naman magiguilty saka hindi ko naman siya binalewala. Ano naman ang masama kung magsama tayong dalawa."

"Gusto mong pareho kaming makasama ni Liscel sa bahay mo?" Nakasimangot pang tanong nito sa kanya.

"What?" Bigla siyang nagpreno. "Oppps!" Mabuti na lang maagap niyang nakabig si Amanda. Kaya hindi ito nasubsob sa harap ng sasakyan.

"Ano ka ba?"

"Sorry! Nabigla lang kasi ako sa sinabi mo. Ang ibig mong sabihin hindi mo pa alam na wala na si Liscel?"

"Anong wala na, naghiwalay rin kayo?!" Nakakunot ang noong tanong ulit nito.

"Shit! Talagang walang nagsabi sa'yo na wala na si Liscel after a year na nakasama niya si VJ?"

"A-anong ibig mong sabihin?!"

"Wala na si Liscel I mean namatay siya magtwo-two years ago na. Dahil sa sakit na ovarian cancer. Halos isang taon rin namin siyang nakasama. Bago siya tuluyang sumuko at iniwan na si VJ."

Humugot pa ito ng malalim na paghinga. Bago ito muling nagpatuloy sa padadrive.

"You mean, as in wala na talaga si Liscel? I'm sorry hindi ko alam, dahil ang buong akala ko nagsasama pa rin kayo hanggang ngayon."

"Actually hindi ko alam kung alam ni Dustin ang totoong nangyayari sa amin ni Liscel? But I'm sure alam rin niya ang nangyari kay Liscel.

'Hindi rin kami nagsama para ipagpatuloy ang naudlot naming relasyon. Pumayag ako sa hiling niyang makasama si VJ.

'Hanggang doon lang 'yun at wala nang iba. Bago pa siya bumalik ng Pilipinas alam na niya na hindi na rin siya magtatagal.

'Dahil kay VJ naging masigla siya at nalagpasan niya 'yung taning na ibinigay ng Doctor na-retained siya for 11 months to be exact. 

'Natuwa nga kami dahil akala nga namin noon malalagpasan niya ang kanyang sakit. Pero may mga bagay talaga na hindi natin kontrolado.

'Isang araw bigla na lang bumigay ang katawan niya tinitiis lang pala niya ang sakit para makasama pa ng matagal si VJ.

Hanggang sa hindi na niya nakayanan at tuluyan na rin siyang sumuko.

'Ang akala ko nga hindi na ako masasaktan noong mawala siya. Pero nasaktan pa rin ako at nanghinayang kasi nitong huli mas nakilala ko pa siya bilang kaibigan.

'Siguro kung sakali na nabuhay pa siya ng matagal, hindi man namin maibalik 'yung dati. Alam ko mas magiging mabuti kaming magkaibigan?"

"Tama ka, siguro nga? Saka kahit paano may pinagsamahan rin kayo at higit sa lahat.

'Hindi mo pa rin mababago ang katotohanan na siya pa rin ang Ina ni VJ.

'Kaya laging mananatili pa rin ang ugnayan n'yong dalawa at hindi na iyon mawawala. Dahil minsan mo rin siyang minahal."

"Hindi ka ba magseselos?"

"Bakit naman ako magseselos, hindi naman mahirap intindihin ang sitwasyon?"

"Hindi ka ba talaga magseselos?"

"Hindi nga?"

"Bakit hindi? Gusto kong magselos ka, p'wede bang magselos ka naman kahit one time lang?"

"Para kang sira!" Natawa na lang si Amanda sa sinabi nito.

Nagulat pa siya ng malaman na kanina pa pala sila huminto at nasa loob na sila ng bahay ni Joaquin.

"We're here... Hindi ko alam kung dumating na si VJ but I'm sure padating na 'yun kung wala pa sila?"

"Okay lang makapaghihintay pa naman ako."

"Gusto ko sanang sa bahay na tinuluyan mo tayo umuwi para makita ko 'yung bahay."

"Bakit ayaw mo bang makita ko muna ang bahay mo?"

"Hindi naman sa ganu'n kaya lang... Wala ka bang gustong sabihin sa akin?

'Gusto kong magalit kay Dustin sa hindi niya pagsabi agad sa'kin ng totoo. Pero mas gusto kong magtampo sa'yo. Dahil sa hindi mo pagsabi sa akin ng kalagayan mo noon. Bakit mo itinago sa akin ang tungkol sa kanila."

Napabaling ng tingin sa kanya si Amanda at matiim siya nitong pinagmasdan kasabay ng pagbuntong hininga.

"Nakausap mo na si Dustin at sinabi na rin niya sa'yo ang lahat. Sinabi na rin ba niya sa'yo ang dahilan kung bakit kami umalis sa poder niya?"

"Oo lahat lahat wala siyang itinago sa akin. Dahil nais pa rin niyang maprotektahan ka. Alam mo bang ibinilin ka niya sa akin.

'Pero ngayon hindi ko alam kung paano ko ito ipaliliwanag sa kanya. Hindi pa man tayo nagpapang-abot pero kung ano na ang nangyari sa iyo sa poder ko." Malungkot na saad ni Joaquin

"Alam mo na pala ang lahat kaya pala hindi ka na galit sa kanya."

"Hindi naman talaga ako galit sa kanya hindi lang talaga kami magkakasundo ng dahil sa'yo. Pero alam ko ang pagkatao niya kaya nga siguro mas nagagalit ako o naiinis.

'Dahil alam kong kayang kaya niya akong higitan at talunin sa kahit saang aspeto pa tingnan.

'Pero ngayong sinabi na niya sa akin ang totoo, narelieved ako. Nawala ang lahat ang inggit at insecurities ko.

'Dahil ang mahalaga na lang sa akin ngayon ay ang tuluyang mabawi kayo ng mga Anak ko!"

"Joaquin, patawarin mo ako kung lumayo ako sa'yo noon sa inyong dalawa ni VJ. Kasalanan ko ang lahat dahil naniwala lang ako sa nakita ko. Hindi ako nagtiwala sa pagmamahal mo.

'A-ang akala ko kasi dahil iniwan ko kayo kaya ayaw mo na sa'kin at nakipagbalikan ka kay Liscel. Inisip ko rin ang kapakanan ng Anak natin.

'Deserve ni VJ na magkaroon ng buong pamilya. Gusto ko lang naman na maging masaya kayo kahit pa hindi n'yo ako kasama.

'Kaya naisip kong sumunod na lang kay Dust. Magulo ang isip ko noon at wala rin akong ibang matatakbuhan.

'Si Dustin lang ang meron ako, wala na ang Mamang at hindi pa ako handang humarap noon kay Amara.

'Alam kong galit siya sa akin dahil hindi na ako nakabalik sa kanila noon. Namatay nga ang Mamang na wala ako sa tabi nila.

'Si Dustin lagi siyang nasa tabi ko kahit pa noong mga bata kami. Matagal ko na siyang kilala pero nakalimutan ko rin siya.

'Noong maalala ko na siya naisip kong wala akong p'wedeng pagkatiwalaan kun'di siya lang.

'Kaibigan siya ng Papang at kaibigan rin namin siya ni Amara. Hindi ko alam kung bakit palagi siyang nariyan kapag kailangan ko ng tulong.

'Ang alam ko lang itinuturing namin siya bilang isang kapamilya. Dahil para na rin namin siyang kapatid.

'Pero ganu'n lang 'yun, maniwala ka hindi kami nagkaroon ng relasyon kahit kailan at saka..."

Hindi na niya pinatapos ang sasabihin nito. Ginagap niyang muli ang mga kamay nito at halinhinan at paulit-ulit niyang hinalikan.

"Hush! Alam ko at hindi mo na kailangang magpaliwanag. Alam ko na ang lahat naipaliwanag na sa akin ng Kuya mo."

"Hindi ko siya totoong kapatid at Anak siya na..."

"Ssssstt, naniniwala akong mahal ka ni Dustin wala siyang ninais kun'di ang mapabuti ka.

'Totoong kapatid ang turing niya sa'yo at hindi mo 'yun dapat pagdudahan. Naniniwala rin ako na kahit Anak pa siya ng taong iyon hindi 'yun mahalaga.

'Dahil ang mahalaga iyong pagmamahal at pagtingin na ipinararamdam niya sa'yo naiintindihan mo ba?"

"Hmmm, hindi ka na nagseselos, bakit parang mas gusto ko yatang nagseselos ka?"

"Hahaha... Sira!" Panggagaya pa ni Joaquin sa sinabi ni Amanda kanina.

Kasalukuyan pa rin silang nasa sasakyan at hindi pa lumalabas.

Kaya pareho pa silang nagulat sa mga katok sa labas.

"Huh?" Sabay rin silang napalingon.

"Daddy! Narito ka na, bakit ayaw mo pa bumaba?" Tawag ni VJ sa Ama habang nasa labas at panay ang katok sa sasakyan.

Dahil kadarating lang nito galing eskwela nakasuot pa rin ito ng uniporme.

Napacute nitong tingnan sa suot nitong uniform sa isip ni Amanda. Parang kanina lang gustong gusto niya itong habulin.

Ngayon nakauwi na ito galing eskwela, ang daming nangyari sa loob lang ng isang araw. Pero mukhang hindi pa rin alam ni Joaquin na halos isang hakbang lang naman ang pagitan nila.

___

Bubuksan na sana niya ang sasakyan ng pigilan siya nito.

Gusto pa yata nitong sorpresahin ang Anak, kaya nagpatiuna ito sa paglabas.

Bigla kasi niyang na-miss si VJ kahit pa noong isang araw lang magkausap pa sila. Tinawagan niya ito para kumustahin ang kalagayan ni Joaquin.

Gusto rin sana niyang ipahanap dito ang gamit niya na naiwan sa kotse ni Joaquin. Pero hindi na niya itinuloy naisip niyang baka magkagalit pa mag-ama at naisip rin niya si Liscel.

Hindi naman niya alam na wala na pala si Liscel. Nalulungkot siya para sa mag-ama at kay Liscel.

Pero masaya siya na malaman na kahit paano naging masaya ang mga huling sandali nito sa pamamagitan ni VJ. Alam niyang napunuan ang kahungkagan ng buhay nito.

Dahil alam niya ang kaligayahan na naidudulot ng pagiging isang Ina.

Bigla tuloy niyang naisip, kung sakali kayang hindi siya inilayo ni Dust. Ano kaya ang posibleng nangyari sa pagitan nila?

Awtomatikong napabalik ulit ang tingin niya sa mag-ama.

"Daddy bakit ayaw mo bumaba, nagtatago ka ba ulit?!" Natawa na lang si Joaquin sa tinuran ng Anak.

"Hindi Anak may sorpresa kasi ako sa'yo kaya talagang hinihintay ka namin. Buti naman dumating ka na?"

"Ano po 'yung sorpresa n'yo sa akin Daddy?" Lumingon ito sa loob ng sasakyan.

"Hindi ba nagpromise ako sa'yo Anak so, this is it!" Siya namang paglabas ni Amanda mula sa loob ng kotse.

Biglang namilog ang mga mata nito pagkakita kay Amanda. Ngunit saglit lang napalitan agad iyon ng pagtataka.

"Mommy! Bakit gan'yan ka?"

Ngunit hindi na niya ito nasagot ng biglang may tumawag sa kanya mula sa labas at deretso itong pumasok sa loob na ikinagulat na lang ng mga guwardiya.

"AMANDA?!"

HUH'

Balewala rito ang paghabol ng mga guards, mabibilis ang mga hakbang nitong lumapit sa kanila.

Hindi man lang nilingon nito ang pagkaalarma ng mga guards at pagkakasa ng mga hawak nitong baril. Upang sitahin ang biglang pagpasok nito.

Kasunod na rin nito si Lester na mukhang ginawang punching bag. Dahil sa putok ang labi nito at ang kilay...

Mabuti na lang agad nang nasenyasan ni Joaquin ang mga guwardiya bago pa may mangyaring gulo.

"DUSTIN?!"

"TANG*** ANO ITONG GINAWA NILA SA'YO HA'?"

*****

By: LadyGem25

(06-22-21)