Halos sampung minuto na ang nakakalipas magmula nang pumasok s'ya sa kanilang kwarto matapos ang naging pag-uusap nila ni Liandro.
Ngunit nanatili pa rin s'yang nakatayo at nakasandal lang sa likod ng nakasaradong pinto at patuloy lang sa pag-iyak.
Nakatakip ang kamay sa bibig upang hindi makalikha ng ano mang ingay ng dahil sa kanyang pag-iyak.
Hindi n'ya gustong magising si VJ at makita s'ya ng anak sa ganu'ng sitwasyon.
Hindi na niya nagawang pigilan ang sariling emosyon na kanina pa gustong umalpas. Walang tigil sa pagbalong ang kanyang luha na tila ba ayaw nang maampat.
Pero bakit nga ba s'ya umiiyak? Dahil ba nakakaramdam na siya ng pagkabigo at iniiyakan na n'ya ang kanyang kasawian at kawalan ng pag-asa na ipaglaban pa ang kanyang pagmamahal.
Ano nga ba ang dapat n'yang gawin?
Puno ng kalituhan ang kanyang isip kung kanino bang salita ang mas higit n'yang dapat sundin?
Sa isang taong naging napakabuti sa kanya at pinangungutangan niya ng lahat pati na ng ikalawa niyang buhay o sa isang taong nagbigay ng kulay at nagturo sa kanya kung ano ang tunay na pag-ibig?
Ngunit makakaya ba niyang basta talikuran na lang ang salita ni Liandro upang sundin ang gusto ng puso niya? Hindi!
Anong gagawin ko? Joaquin tulungan mo ako! Hinaing ng puso at isip...
Nasa ganu'n s'yang disposisyon ng bigla na lang tumunog ang kanyang cellphone.
Hindi na n'ya sana ito gustong pansinin subalit wala itong tigil sa pagtunog.
Naisip niyang baka magising si VJ kaya napilitan tuloy s'yang damputin ito. Nasa bandang paanan kasi ito ng kama. Dito pala n'ya naiwan kanina bago s'ya tumuloy ng Veranda.
Agad n'ya itong kinuha para lang sana i-off ito subalit nakita niya kung sino ang kanyang caller...
JOAQUIN?!
Dahil na rin sa magkakahalong pakiramdam at kalituhan.
Bigla s'yang natigilan at saglit munang nag-isip kung sasagutin ba niya ito o hindi?
Ngunit wala pa rin itong tigil sa pagtunog kaya sa huli sinagot din niya ang tawag.
Saglit s'yang huminga ng malalim at pinahiran ang mga luha bago pa s'ya nagsalita.
"Hello, hey honey!" Sunod-sunod nang salita ni Joaquin na nasa kabilang linya bago pa niya ito nasagot nasa boses nito ang pagkainip...
"Hello?" Saad niya sa mahinang boses kasunod ng pagtakip sa bibig upang pigilan ang paghikbi.
"Hey, sweetheart naabala ko ba ang tulog mo bakit ang tagal mo namang sumagot?" Halata sa boses nito ang bahagyang pagtatampo.
"Ha' hindi naman may ginagawa lang ako sa labas naiwan ko pala dito itong cellphone ko. Si VJ ang tulog na kanina pa." Pinilit n'ya ang makapagsalita ng maayos.
"Ganu'n ba, hindi ba nagising sa tawag ko? Pasensya na, tumawag ako kahit late na nami-miss ko kasi kayo hindi ako makatulog."
"O-okay lang... Nami-miss din naman kita!" Naiiyak na naman niyang saad.
"Hush! Sweetheart umiiyak ka ba? H'wag kang mag-alala sandali lang naman ako dito. Once na matapos ko lahat ng problema dito, babalik na agad ako d'yan! Kung p'wede nga lang bumalik na ako agad bukas eh'."
Ang hindi nito alam ang bawat salita nito kanya ay lalo pang nakapagpapahirap sa kanyang kalooban imbes na makagaan kanya.
"Okay lang ako nami-miss lang talaga kita, pero h'wag kang gaanong magmadali ha'. Gawin mo lang ang dapat mong gawin d'yan okay lang naman kami dito. Basta isipin mo lang mahal na mahal kita para hindi mo kami gaanong ma-miss ha'!" Tila pinipiga naman ang puso niya habang sinasabi niya ang mga katagang iyon.
Kaya naman mas lalo pang bumalong ang luha sa kanyang mga mata, dahil sa hindi mapigil na emosyon.
"Pasensya na hindi ko lang talaga mapigilan ang sarili ko na hindi masabik sa'yo at sa ating anak. Bawat oras na lumilipas lalo ko lang kayong nami-miss. Kung p'wede lang na hilahin ko ang mga araw at kung p'wede kong gawin ang trabaho ko ng isang pitik lang ginawa ko na sana. Para lang makasama ko na kayo agad. Kung alam mo lang..." Tila habol pa nito ang paghinga matapos itong magsalita.
Magkakahalong emosyon naman ang kanyang nararamdaman ng mga oras na iyon. Gusto n'yang matuwa ngunit mas gusto niyang umiyak...
Tila nakikisama naman ang kanyang mga mata. Dahil wala pa rin tigil ito sa pagbalong ng masaganang luha.
Hindi n'ya alam ngayon kung ano ang tama at dapat n'yang sabihin dito? Kung paano n'ya sisimulang sabihin dito ang lahat...
Kung tama ba na sabihin niya na h'wag na itong umasa pa sa kanya?
Dahil hindi na niya magagawang tuparin ang kanyang pangako.
Saan ba s'ya magsisimula?
Saan ba n'ya sisimulan ang pagsasabi ng mga bagay at salita na alam n'yang makasusugat sa damdamin nito at higit sa damdamin niya na ngayon pa lang sobrang sakit na.
Kung p'wede namang bukas na lang o sa isang bukas at sa mga susunod pang bukas.
Basta h'wag lang ngayon...
Dahil ang tanging nais lang niya ngayon ay ang marinig ang boses at ang bawat sasabihin nito.
Ang tinig nito na nagpapahayag ng matinding damdamin para sa kanya ay sadyang nagbibigay rin ng kaligayahan sa kanyang puso.
Upang kahit paano naman ay maibsan ang sakit ng kanyang kalooban.
Ang marinig sa mga labi nito kung gaano s'ya nito kamahal?
Dahil baka sa susunod puro galit at hinahakit ang isisigaw at isasampal nito sa mukha niya dahil sa pagsira niya sa kanyang pangako.
Pangako ng pag-ibig na hindi na niya mabibigyan ng katuparan at kailangan na yata niyang tuldukan...
"Hey, bakit ang tahimik mo ang dami ng sinabi ko wala ka man lang sagot? Pambihira naman..."
Pabirong wika pa nito kahit paano ramdam niya ang saya nito habang kausap siya at parang nakikita pa niya ang mga ngiti sa mata nito.
Kaya handa na ba s'yang sirain ang mga ngiting iyon sa mga mata nito ngayon? Hindi...
Hindi ngayon!
"Honey... Okay ka lang ba? Inaantok ka na yata eh' o ayaw mo akong kausap ngayon?"
"Ha' naku hindi gusto ko lang munang pakinggan ang boses mo okay lang ako parang inaantok na nga lang siguro ako, ganu'n!"
"Hindi ka talaga marunong magsinungaling! Bakit parang ang lungkot ng boses mo? Saka akala mo ba hindi ko napansin na parang galing kang umiyak. Ayoko lang pangunahan ka, dahil alam ko naman na sasabihin mo sa'kin kapag may problema hindi ba? Alam mo bang natotorture tuloy ang isip ko. Dahil iniisip ko baka nagsisisi ka na sa nangyari sa atin kanina o baka kasi may masakit pa rin sa'yo hanggang ngayon at wala ako sa tabi mo para alagaan ka!" Lalo lang bumalong ang luha sa kanyang mga mata pagkarinig sa sinabi nito.
"Ano ka ba Joaquin okay lang ako, s'yempre naiiyak ako kasi nami-miss kita!" Muntik pa s'yang pumiyok kung hindi n'ya maagap na natakpan ang bibig.
Buti na lang hindi nito hiniling na magvideo-call sila. Sigurado s'yang nakaharap na naman ito sa loptop nito at busy sa ginagawa sa harap ng computer natatrabaho pa rin kahit gabi na.
Hindi kasi ito nagbubukas ng cam kapag may mahalagang tina-type na papeles.
Nakabisado na niya ito noon pa mang nasa Venice pa sila. Kapag kinukulit s'ya nito at wala sa Venice at out of town. Palagi na itong nagme-message sa kanya kahit wala namang sila. Isang ugali nito na aminin man niya o hindi ang totoo palagi niya itong kinasasabikan.
Palagi may oras pa rin ito na tawagan s'ya...
"Bakit ka ba kasi iyak ng iyak? Kahit itago mo pa sa'kin 'yan, nararamdaman pa rin kita! Kung may problema sabihin mo na sa'kin, sige na..." Kulit pa nito hindi nga naman s'ya nito ino-obliga.
Ngunit alam n'yang nakakahalata na ito at maaaring hindi rin s'ya nito tigilan sa pagtatanong.
"H'wag mo na akong kulitin okay lang ako, siguro inaantok lang ako. P'wede bang bukas na lang tayo ulit mag-usap?" Pag-iwas niya.
Mas mabuti pa nga sigurong iwasan na nga lang n'ya ito.
Dahil hindi rin n'ya alam kung hanggang kailan n'ya kakayanin na magpanggap na walang nangyayari at kung ilang beses pa niyang sasabihin na okay lang siya kahit hindi.
"Sabi ko na nga ba magagalit ka na naman kapag nagtanong ako. Okay sige bukas na lang ulit tayo mag-usap. I think you need enough rest now. Medyo late na rin I'm sure, hindi ka naman magsisinungaling sa'kin right?"
Para na namang tinusok ng libo libong karayom ang puso n'ya dahil na rin sa guilt.
Dahil sa mga oras na ito, kung bibigyan ng parangal ang mga sinungaling marahil s'ya ang may pinaka-mataas na antas.
"Hindi! Okay lang talaga ako h'wag kang mag-alala bukas okay na ako ha? Pasensya na ha' matutulog na ako! Matulog ka na rin baka ma-overwork ka naman sige na. Good night na!"
"Hey, bakit ka ba nagmamadali ha', Miss Rush hour? Pero okay sige na nga, inaantok ka na nga siguro? H'wag mo na akong alalahanin okay lang din ako mas kailangan mo ang pahinga i-ooff ko na. Good night na mahal ko!"
Masuyo at may lambing pang saad nito bago pa tuluyang ini-off ang cellphone.
Tila naman nauunawaan naman s'ya nito.
Saglit na nanatili pa rin s'yang natitigilan at walang tigil ang kanyang mga luha sa pagpatak.
Nasa gawing paanan s'ya ng kanilang kama habang nakaupo at yakap ang kanyang mga tuhod.
"Mama..."
"Huh?" Nagulat niyang reaksyon.
Ngunit hindi n'ya magawang lumingon at saglit rin na nakaramdam ng pagkabahala...
"Mama, bakit ka umiiyak may masakit ba sa'yo, ha' Mama?!"
"Hindi, wala anak nagising ba kita?" Agad n'yang pinahiran ang kanyang mga mata at bago pa niya ito napigilan paluhod na itong lumakad palapit sa kanya.
"Anak bakit ka bumangon matulog ka pa..." Pupungas pungas ito ng makalapit sa kanya halatang antok na antok pa.
"Mama, nanaginip po ako pinapaiyak ka daw ni Daddy. Mama hindi ka naman papaiyakin ni Papa di ba?"
"Ha' s'yempre naman hindi mahal tayo ng Daddy mo kaya hindi n'ya tayo paiiyakin."
Napayakap na lang s'ya sa anak kasabay ng pagbuntong hininga. Tila nararamdaman din nito ang nangyayari sa kanila. Bigla tuloy s'yang nag-alala para dito.
"Mama kapag pinaiyak ka ni Papa magagalit ako sa kanya."
"Anak h'wag ganu'n s'ya pa rin ang Papa mo kaya dapat hindi ka magalit sa kanya. Mahal tayo ng Papa mo lagi mong tatandaan 'yan ha!"
"Opo Mama at love kita... Kaya h'wag ka nang umiyak!" Niyakap pa s'ya nito.
Ginantihan n'ya ito ng mas mahigpit na yakap. Kahit paano kasi gumaan din ang kanyang pakiramdam. Dahil sa sinabi nito at sa pagmamahal nito sa kanya.
"Mahal din kita anak, kahit ano pa ang mangyari anak kita at lagi mong tatandaan 'yan ha!"
"S'yempre naman po kasi talaga namang anak mo ko kasi love mo ako di'ba? Kahit hindi mo pa ako pinanganak. Sabi kasi ni Lolo Paps kahit hindi ka totoong anak okay lang basta may love. Dahil kahit pa hindi ako nanggaling sa'yo nandito naman ako sa puso mo!" Sabay turo nito ng maliit na kamay sa tapat ng kanyang dibdib.
Tila naman hinaplos ang puso sa pagkakataong iyon.
"Oo anak tama ka!" Bigla n'ya itong kinabig at niyakap ng mahigpit.
Muli rin s'yang napaiyak...
But this time it's not because of sadness. But yet it is because of happiness as a Mother of this child of her.
Kahit bata pa ito madali nitong naiintindihan ang sitwasyon. Basta ipinaliwanag dito ng maayos.
Ang talino talaga nito sana'y tulad din ito ni Joaquin na madali nitong maiintindihan kapag pinaliwanagan niya ng maayos kahit pa magkaiba ang kanilang sitwasyon.
"Mama, kahit hindi mo ako anak basta anak mo pa rin ako ha? Ayoko ng ibang Mama gusto ko ikaw lang ang Mama ko!"
"Oo naman anak kita kaya h'wag mong sabihin 'yan ako pa rin ang Mama mo kahit ano pa ang mangyari naiintindihan mo! Tandaan mo anak kita h'wag mong kalilimutan 'yan ha' ako lang ang..." Bigla s'yang natigilan bakit parang kabisado na niya ang bawat salitang lumalabas sa kanyang bibig.
Parang narinig na niya ito dati? Pakiramdam pa niya parang may nagsabi na rin nito sa kanya, pero sino naman kaya? Tanong pa niya sariling isip.
Ngunit hindi naman niya ito maisip at maalala, imposible namang ang kanyang Papa Liandro?
Saglit na ipinilig n'ya ang kanyang ulo at pilit na iwinaglit ito sa kanyang isip.
"Mabuti pa anak matulog na tayo baka marinig pa ng Lolo mo na gising pa rin tayo masyado ng gabi."
"Okay po Mama, halika na Mama tabi na tayo! Tulog na rin kaya si Daddy?" Tila naalala nitong itanong ang ama.
"Ah' oo sabi nga matulog na tayo ng maaga."
"Halika na Mama tulog na din tayo... Sabi kasi ni Daddy kapag natulog ako ng maaga at kapag madami akong tulog malapit na s'yang umuwi. Kaya halika na Mama tulog na tayo."
"Okay pero mag-pray muna tayo bago matulog para hindi ka na managinip ng masama. Okay ba 'yun anak?"
"Sige po Mama!" Dali-dali na itong bumaba at lumuhod sa gilid ng kama.
Saka yumuko nang nakasalikop ang dalawang maliliit na kamay at ipinatong sa ibabaw ng kama.
Kabisadong kabisado na nito ang gawing iyon kahit minsan lang niya ito itinuro dito.
Lubha talagang gumagaan ang kanyang loob kapag kasama niya ito. Palagi na lang s'ya nitong napapangiti tulad din ng ama nito.
__
Matapos ang ilang saglit nilang panalangin at paghanda sa pagtulog tuluyan na rin silang nakatulog ng mahimbing habang yakap ang isa't-isa.
Kung sila ay pagmamasdan walang makapagsasabi na hindi sila tunay na mag-ina.
Ano nga ba ang pagkakaiba?
Inalagaan niya ito mula sa maliit pa kulang na nga lang sa kanya ito lumabas...
Ano nga ba ang tunay na kahulugan ng pagiging isang tunay na ina o kahit pa ng isang tunay na ama?
*****
By: LadyGem25