SYDNEY AUSTRALIA,
Maaga pa rin siyang nagising kahit late na siya natulog nang nagdaang gabi. Tinapos pa kasi niya ang trabaho niya kagabi. Dahil kakailanganin nila ito ngayong umaga.
Magaan naman ang kanyang pakiramdam at kahit paano masaya siya dahil nakausap pa rin niya si Angela kagabi.
Ang akala niya hindi na niya makakausap ang nobya. Dahil natagalan ito bago sumagot kaya lalo lang siyang nag-alala.
Hindi naman kasi nito nirereject ang tawag niya maliban na lang kung may dahilan. Mabuti na lang sumagot din ito matapos ang marami niyang miss-call.
Pero puno pa rin siya ng pag-aalala, nararamdaman kasi niya na umiiyak ito. Subalit pilit na itinatago sa kanya.
Gusto sana niya itong tanungin subalit alam niyang hindi ito magsasabi sa kanya. Hindi bale pagbalik niya talagang aalamin niya ito.
Ayaw kasi niyang makulitan na naman ito sa kanya. Hangga't maaari ayaw muna niyang gumawa ng mga bagay na maaari pagsimulan ng away sa pagitan nila.
Ngayon pa lang nagsisimula ang kanilang relasyon kaya hindi niya hahayaan na masira ito ngayon o kahit pa kailan.
Kailangan nilang palaging maging responsable at unawain ang isa't-isa at iwasan ang ano mang maaaring makasira pa sa kanilang relasyon.
Palagay niya iyon ang mas higit na makakabuti sa kanilang dalawa, lalo na sa sitwasyon nila ngayon.
Pilit niyang iwinaglit sa isip ang pag-aalala at ipinagpatuloy ang kasalukuyang ginagawa.
Kahit paano nakakatulong ang lagaslas ng tubig at ang pagtama nito sa kanyang mukha habang nakatapat siya sa shower.
Ang mabining pagdaloy ng tubig sa kanyang katawan ay talagang nakaka-relax sa kanyang pakiramdam.
Kasalukuyan kasi siyang naliligo ng mga oras na iyon. Habang nasa isip niya ang nobya at ang posibleng kalagayan nito ngayon.
Ngayon lang siya natagalan sa paliligo kaya naman...
Ang sunod-sunod na katok ni Russell sa pintuan ng banyo. Ang muling nagpabalik sa kanyang kamalayan.
"Tok, tok! Boss matagal ka pa ba tanghali na tayo!"
May kalakasang sigaw nito upang masigurong maririnig niya ito.
"Oo sandali na lang matatapos na ako!" Ganting sigaw niya dito sa malakas ding tono. Nawaglit sa isip niya na mahalaga ang bawat oras sa kanila.
Minadali na niyang tapusin ang paliligo. Kailangan nga pa lang umalis sila ng maaga. Dahil papunta sila ng Melbourne ngayong araw.
"Pambihira naman Boss, ngayon ka pa talaga natagalan sa paliligo nakatulog ka ba sa banyo?"
"Hindi! P'wede bang h'wag mo na akong diwaraan, nagmadali naman ako hindi ba? At saka narito na tayo!" Kasalukuyan na silang bumibiyahe patungong Melbourne.
Natahimik naman ito matapos magbuntong hininga. Hanggang sa makarating sila sa kanilang destinasyon.
Ang Melbourne Australia...
Tatlo o hanggang limang araw din silang mananatili dito. Para mag-audit sa tatlo nilang kliyente. Mabuti na lang at sabay sabay na ang mga ito.
Binabayaran sila para ayusin ang finances o ang financial problem ng kumpanya kasama na ang pag-aayos ng mga taxes nito.
Kaya mahalaga sa kanila ang bawat oras bukod pa sa kailangan talaga nila itong tutukan.
___
Dahil sa palagian naman na nila itong ginagawa at matagal na rin nilang kliyente ang mga kumpanyang hawak nila ngayon. Kaya nagiging madali na para sa kanila na ayusin ito.
Ngunit natatapos pa rin ang maghapon na puno ng pagod ang katawan at isip nila.
Dahil hindi naman talaga ganu'n kadaling bilangin ang bawat sentimong ginagamit sa kumpanya. Lalo na kung ito ay nagkakaroon ng problema.
Pero dahil ito naman talaga ang trabaho nila, kailangan nila itong gawin ng may tiyaga at dangal.
Halos madilim na ang paligid kapag bumabalik sila ng Hotel na kanilang tinutuluyan.
Kung minsan nga gabi na talaga, lalo na kapag patapos na sila sa pag-aaudit. Pero sa huli kahit paano sulit naman ang hirap nila. Lalo na kung galante ang kanilang mga kliyente.
Dahil malaki naman talaga ang ibinabayad sa kanila depende pa sa kontrata. Bukod pa ang mga incentives at mga regalong natatanggap nila.
Kaya sa huli sulit rin naman ang pagud nila. Kahit pagod ang isip at katawan nila sa ilang araw na tutok sila sa tambak na trabaho, na kung minsan bumibilang din ng ilang Linggo o buwan.
Pero hindi lang naman iisa o sampung kliyente ang madalas na nase-serbisyuhan nila sa loob ng isang buwan. Kung minsan mas higit pa ng sabay-sabay.
_
Kahit pagod sa buong maghapon sinisikap pa rin niya na kamustahin at makausap ang kanyang mag-ina. Kahit minsan lang o kahit sandali lang sa loob ng isang araw.
Dahil dito na siya humuhugot ng lakas ngayon at inspirasyon. Ang kanyang mag-ina o si Angela at VJ na ang sentro ng buhay niya.
Kaya lumilipas ang araw niya ng masaya...
___
San Luis, Batangas city
Ilang araw na ang lumipas mula ng umalis si Joaquin ng Batangas. Pero kahit minsan hindi ito lumiban ng pagtawag sa kanya o kay VJ.
Kaya kahit nahihirapan na siyang gumawa ng alibi, patuloy pa rin siyang nagkukunwari. Hangga't maaari ayaw muna niyang masaktan ito.
Nais niyang makausap ito ng harapan at masabi niya ng maayos. Ang mga gusto at dapat niyang sabihin at ipaliwanag. Baka sakaling mas maintindihan nito ang kanyang sitwasyon.
Hindi ba iyon naman ang dapat na kahit maghihiwalay sila mananatili pa rin ang respeto nila sa isa't-isa. Kahit pa masakit saan man o paano mang salita ito ibaling. Dahil sa iisa lang naman ang kahulugan...
KABIGUAN!
Hihintayin na lang niya ang pagdating nito saka na lang niya sasabihin ang lahat. Kung paano niya ito gagawin?
Bahala na!
Kung magalit man ito sa kanya o kahit kamuhian pa siya nito. Dapat lang siguro iyon sa kanya, dahil kasalanan n'ya ang lahat.
Dapat hindi na niya ito pinaasa sa simula pa lang dahil alam naman niya sa umpisa pa lang na hindi na niya ito kayang panindigan.
Dahil sa simula pa lang nakalaan na siya sa iba at ang masakit sa mismong kapatid pa nito.
Kaya hindi niya hahayaan na magkagulo ang pamilyang ito ng dahil sa kanya. Sisiguraduhin niyang ibabalik niya sa normal ang lahat...
"Hey! Parang ang lalim yata ng iniisip mo ah' sana kasama ako d'yan?"
"Joseph! Ikaw pala? Halika dito maupo ka..."
Kasalukuyan siyang nakaupo sa Garden shed at nagpapahinga ng mga oras na iyon.
Araw ng Linggo kaya wala silang klase ngayon. Kaninang umaga naisipan niyang ayusin ang Garden nagtrim siya ng mga malalago nang halaman. Para mas gumanda pang tingnan at nagtanim din siya sa mga paso.
Kaya siya narito ngayon para tingnan kung meron pa ba siyang nakaligtaan. Baka kasi matagalan bago pa niya magawa ito ulit sa susunod o baka hindi na?
"You don't expect me right?"
"Ano bang pinagsasabi mo maupo ka nga dito." Tinapik pa niya ang bakanteng upuan sa kanyang tabi. Saka hinila na niya ang kamay nito at iginiya na ito paupo.
__
Lingid sa kanilang kaalaman may isang anino na naman ang sumusunod sa kanila ng tingin.
Sinusundan nito ang bawat kilos nila at galaw, punong puno ito ng panibugho at nagsisimula na namang maglabas ng galit sa mga mata.
Mula sa pagkakatingin nito sa kanila. Nang bigla na lang itong magulat ng may nagsalita sa gawing kanang tagiliran nito.
"Tito Maru' ano po ginagawa n'yo dito bakit ka po nagtatago?"
"Huh' anong... Hindi naman ako nagtatago! Ano bang sinasabi mo?" Pagkakaila nito.
"Nakita ko po tinitingnan mo sila Mama eh'... Saka bakit ka po ba umiiyak?" Inosenteng tanong nito.
"Ano? Hindi ako umiiyak mali ka nagha-halucinated ka lang... Manang-mana ka talaga sa ina-inahan mo, bwisit sa buhay ko. Tabi nga d'yan!" Mabilis at dere-deretso na itong tumalikod at umalis.
Naiwang nasa-shock ang bata at hindi makapaniwala, kaya naman napahikbi na lang ito.
Saglit lang ang lumipas tuluyan na itong umiyak! Patakbo nitong tinalunton ang daan palapit kay Angela habang tinatawag ito.
"Mama!"
"Huh!" Agad namang napalingon si Angela ng marinig ito.
Bigla siyang napatayo ng makita itong tumatakbo palapit sa kanilang kinaroroonan. Bigla siyang napabitaw kay Joseph at agad itong iniwan upang salubungin na ang bata.
Habang si Joseph na bigla na lang naumid sa dapat sana ay sasabihin niya sa dalaga.
Napilitan tuloy siyang bitiwan ang mga kamay nito. Napailing at napapikit na lamang ito kasabay ng buntong hininga.
Ngunit hindi nito napigilan na makaramdam ng pagkairita.
Pagak itong tumawa, kasabay ng mga tanong sa isip nito...
Bakit ba parehong pareho lang ang mag-amang ito lagi na lang kontrabida sa kanya? Dati ang bata lang ang kaagaw niya sa atensyon ni Angela at tanggap naman niya iyon at totoong mahal niya si VJ.
Pero ngayon nakakaramdam na rin siya ng inis maski sa bata. Dahil marahil sa ama nito hindi man niya gusto ang ganu'ng pakiramdam.
Ngunit hindi niya mapigilan ang sariling ito ang maramdaman. Lalo na ngayong alam naman niyang magkasundo na ang mag-ama at pakiramdam niya naitsa pwera na siya sa bata.
Pero alam naman niya kung ano ang tama hindi niya dapat idinadamay ang bata sa kung ano man ang meron sa pagitan nila ng ama nito.
Pilit na lang niyang kinalma ang sarili at sinundan ng tingin ang mga ito...
"Mama!" Tawag nito kay Angela habang umiiyak.
"Anak anong nangyari bakit ka umiiyak?" Tanong niya sa bata habang pilit inaalo ito.
Subalit tanging iling lang ang isinagot nito sa kanya sabay tingin nito kay Joseph na nasa likuran na nila na mas tila lalo pang nagpalakas sa iyak nito.
Bigla siyang nakaramdam ng pag-aalala sa ikinikilos nito ngayon. Kaya mas hinigpitan pa niya ang pagyakap dito at panay rin ang haplos niya sa likod nito.
"Ano bang nangyari anak may masakit ba sa'yo, nasugatan ka ba, nadapa?" Iling lang ulit ang isinagot nito at patuloy sa masakit na iyak.
"Bakit ayaw mong magsalita anak paano ko malalaman kung hindi mo sasabihin sa'kin?" Saad niya sa malumanay na salita.
Nais niyang mapalagay ang loob nito para mawala ang takot na maaaring nararamdaman nito ngayon.
"Anak nandito ako sige na, sabihin mo. Anong masakit may masakit ba sa'yo nadapa ka ba anak?" Saglit niyang pinalibutan ng tingin ang mga binti at tuhod nito. Pero wala naman siyang nakitang ano man dito.
"VJ... Sabihin mo na sa amin ng Mama mo kung anong problema, sige na?" Si Joseph na halata na ang pagkainip sa sasabihin ng bata.
"Wala po Mama!"
"Ha' anong wala, eh' bakit ka umiiyak?" Nagtataka na niyang tanong. Nararamdaman niyang nagsisinungaling ito.
Pero bago pa siya makapagsalita ulit upang sana'y muling kumbinsihin ito. Naunahan na siya ni Joseph na magsalita.
"Wala naman pala, bakit ka umiiyak? Parang hindi ka lalaki n'yan huminto ka na halika dito!"
"Mama!" Lalo pa itong yumakap sa kanya.
"Tumitigas na yata ang ulo mo ah' sabi ko halika dito, lumapit ka sa'kin!" Ngunit lalo pa itong nagpakanlong kay Angela.
"Ayoko po!" Sagot nito.
"Hindi ka lalapit? Ang tigas na ng ulo mo ah', nagiging Mama's boy ka na!" Sabi nito sa napalakas na tono.
"Joseph?!" Bigla siyang naalarma sa ikinikilos nito ngayon.
Ngunit tila bigla rin itong natauhan at nabigla rin sa sinabi nito.
"Sorry, I'm sorry!" Nagsisising wika nito.
"Doon na lang muna kami sa loob ako na ang bahalang magpatahan sa kanya." Saad na lang niya dito.
"I'm sorry, hindi ko sinasadya. I don't intend to be act like stupid and mad at him. Please?"
Malungkot at tila naman nagsisising saad nito.
"Ako na ang bahalang kumausap at magpaliwanag sa kanya h'wag kang mag-alala. Doon na lang muna kami sa loob." Saad niya.
Kinarga na niya ang bata papasok sa loob at naiwan naman si Joseph na alam niyang nagsisisi ito sa nagawa.
Subalit masama rin ang kanyang loob sa inasal nito ngayon. Kaya hinayaan na lang muna niya itong makapag-isip.
Kakausapin na lang niya ito sa susunod.
Alam niyang siya rin ang dahilan kung bakit nagkakaganito ito ngayon at hindi niya gusto ang nangyayari.
Dapat lang na matutunan nito at maisip na ihiwalay ang isyu nila sa relasyon nito sa bata. Dahil kahit ano pa man ang nangyayari sa pagitan nilang tatlo.
Hindi nila dapat idamay ang bata at kailangan din nilang isa-alang alang ang kapakanan nito.
Ang pagsikapan na hindi ito maapektuhan sa mga nangyayari sa kanila. Dahil hindi niya ito hahayaang mangyari, hindi ito dapat masaktan.
___
Makalipas ang lang ang ilang araw naging maayos na rin ang lahat. Magkasundo na ulit ang magtiyo na parang walang nangyari. Nagbibiruan na ulit ang mga ito.
Matapos niya itong paliwanagan, mabuti na nga lamang at madali naman nitong naunawaan ang lahat. Kaya naman nawala na rin ang kanyang pag-aalala.
Isang bagay lang ang naging kapansin-pansin sa kanya, na hindi rin niya maintindihan.
Napansin niyang naging mailap si VJ kay Maru' na dati naman ay close ang dalawang ito.
Pero bakit nitong huli hindi na ito kusang nilalapitan ng kanyang anak na ipinagtataka niya.
Naging palaisipan tuloy ito sa kanya, may nangyari ba na hindi niya alam? Tanong na umusbong sa kanyang isip.
Naalala niyang hindi na niya nagawa pang pilitin si VJ na magsalita noong araw na umiyak ito. Kahit anong pilit niya hindi pa rin ito nagsalita.
Pero dahil nakita naman niyang bumalik na ulit ang sigla nito, noong araw ding iyon kaya hindi na niya ito pinilit pa...
Pero ngayon para bang nakakaramdam siya ng pagdududa?
Ngunit hindi naman niya magawang tanungin ulit ang bata lalo na si Maru'. Dahil bukod sa sitwasyon nila, ayaw niyang isipin nito na gumagawa na naman siya ng isyu.
Lalo na at espesyal na araw ulit sa kanila ni VJ bukas.
Dahil bukas na ang kanilang Graduation day. Hangga't maaari ayaw muna niyang gumawa ng kahit anong isyu. Kaya pilit na lang niya itong inalis sa kanyang sistema. Saka na lang siguro niya ito bibigyan ng pansin.
__
KINABUKASAN...
Dahil araw ng Graduation nila ni VJ ngayon kaya kahit paano nagluto siya ng especial na pagkain na mapagsasaluhan nila sa pananghalian at meryenda.
Mabuti na lang natuloy na sa umaga ang Graduation ceremony nila VJ.
Nagkaroon kasi ng pagbabago sa schedule nito, magkasabay sila ngayong araw ng Miyerkules.
Dahil ngayong hapon naman ang marching ceremony nila.
Kagabi pa nila nakausap si Joaquin at kagabi pa rin ito walang sawang bumati sa kanila.
Hanggang kaninang umaga paggising niya punong puno pa rin ng pagmamahal ang message nito sa kanila. Dahilan rin para maging masigla siya sa buong maghapon.
Siguro kung wala lang problema at narito lang ang lalaki sa tabi nila ngayon? Baka mas higit na masaya at wala na siguro siyang mahihiling pa.
__
Naging napakabilis naman ng mga oras tila ba hindi man lang nila ito kinainipan. Kagaya ng inaasahan si VJ ang nakakuha ng pinaka mataas na antas ng karangalan.
Dahil siya at ang Lolo nito ang nagsabit kay VJ kaya naman ang sarap ng pakiramdam niya proud na proud siya bilang Nanay nito.
Masayang masaya naman ang bata, ilang mga kaklase at mga Nanay ang inimbitahan nila at nakisaya sa munting salo-salo na inihanda nila para kay VJ.
Makalipas pa ang ilang oras siya naman ang naghanda para sa kanyang Graduation.
Magkakasabay na sila nila Diane at Alyana na nagpunta ng University.
Dahil naroon na rin ang mga magulang nito. Habang siya naman ay kasama si Liandro at Joseph.
Naiwan si VJ sa Yaya nitong si Didang at kay Nanay Sol. Mabuti na lang agad na ring nagsiuwi ang mga bata kasama ng mga guardian nito.
Nakatulog naman dahil sa pagod ang kanyang anak bago pa sila umalis ng bahay.
Dahil sa maayos at disiplinado ang lahat naging maganda ang kabuuan ng ceremony sa huli hinirang pa rin siyang cum laude. Hindi man siya ang may pinaka mataas na karangalan.
Masaya pa rin siya sa nakamit na titulo. At least kahit paano may ipagmamalaki pa rin siya sa lahat at sa kanyang sarili.
Habang Dean's Lister naman si Alyana at Diane hindi rin naman nabalewala ang apat na taon na pinaghirapan nila.
Matapos ang Graduation niyaya na rin nila ang mga kaklase sa bahay at pati na ang mga magulang nito.
May ilang sumama sa kanila kasama na rin si Alyana at Diane.
Ngunit ang iba ay tumanggi na dahil mas pinili ng mga ito na mag-celebrate kasama ang iba pang pamilya. Kaya nauunawaan naman nila ang mga ito.
Hanggang sa magkakasunod silang bumalik ng bahay...
Ang hindi niya alam isang sopresa ang naghihintay sa kanya...
Isang sopresa na hindi niya alam kung dapat ba niyang ikatuwa o ikabahala?
Dahil binigyan pala siya ng isang surprise party ni Liandro.
Lingid ito sa kanyang kaalaman nagpahanda si Liandro ng party, pasasalamat ito para sa kanilang pagtatapos.
Pagdating nila naroon na ang lahat ng bisita mga malalapit na kaibigan at kakilala.
Maging si Dr. Ramirez at ang buong pamilya nito. Kasama na rin ang best friend niyang si Dorina at ang asawa nitong si Aaron. At s'yempre narito din ang halos, buong angkan ng mga Alquiza.
Maliban sa iba na nasa malayo at s'yempre si Joaquin na hindi rin makakarating.
Pero mas mabuti na nga siguro na wala ito. Dahil baka maging magulo lang ang lahat.
Pero may bahagyang lungkot pa rin siyang nararamdaman sa pagkawala ng presensya nito sa isang mahalagang araw na ito sa kanilang dalawa ni VJ.
Pero okay lang dahil alam naman niya na kung magagawa lang nito? Sigurado naman na hindi nito palalagpasin ang araw na ito...
___
Pagpasok pa lang nila at pagbaba ng sasakyan.
Masigabong palakpakan agad ang isinalubong sa kanya ng lahat ng mga taong naroon.
Halo-halo naman ang kanyang nararamdaman nang mga oras na iyon. Hindi niya malaman kung ano ba ang tama at dapat niyang gawin?
Only now she feels this way, she was overwhelmed and at the same time she feels anxious and afraid.
Baka kasi hindi niya magawa ang expectation ng lahat para sa kanya. Kung kaya't puno rin siya ng kaba, pero masaya pa rin siya.
Dahil nag-effort ang lahat upang i-surprise siya ng gabing iyon...
___
Meanwhile...
Gabi na pero nasa labas pa rin si Joaquin at Russell. Hindi pa rin sila umuuwi kahit pa tapos na ang kanilang trabaho para sa araw na ito.
Niyaya kasi niya ito na mag-ikot muna sila may mga nakabukas pa namang mga shop sa paligid.
Hanggang sa humantong sila sa isang Jewelry shop kilala ang shop na ito hindi lang sa buong Melbourne. Maging sa iba't-ibang bansa sa buong mundo.
Kasama kasi ito sa fashion trend sa London, Paris at New York. Dahil alam n'yang meron nang Branch ito dito sa Melbourne kaya talagang sinadya niya itong puntahan.
Hindi na nakatutol pa si Russell ng kayagin niya ito. S'yempre siya kaya ang Boss!
Matapos nilang bumili ng mga pasalubong at regalo kay VJ dito na agad sila tumuloy...
One week pa naman bago pa sila makauwi pero naisip na niyang bumili ng regalo at pasalubong sa kanyang anak at sa nag-iisang babaing pinakamamahal niya.
Gusto niyang maisip na hindi niya nakalimutan ang araw na ito para sa dalawang tao na, mahalaga sa buhay niya.
Kaya ngayon pa lang naisip na niyang bilhan ang mga ito ng regalo. Upang iparamdam na kahit wala pa siya sa tabi ng mga ito ngayon.
Handa pa rin siyang bumawi at hindi niya nakalimutan ang araw na ito...
Actually, noong isang araw pa sila nagpunta dito. Tinawagan na siya kanina para sabihin na ready na ang pina-reserved niya at for pick-up na lang...
Kaya pabalik na lang sila ngayon excited na siya itong makuha at sana magustuhan talaga ito ni Angela. Bulong pa niya sa sarili.
Matapos na makuha nila ito sa shop bumalik na sila agad sa Hotel at kasalukuyan na silang nagbibiyahe pabalik.
"Ano sa tingin mo magustuhan na kaya niya ito?" Tanong niya habang hawak sa isang kamay at pinagmamasdan ang isang sing-sing na nakalagay sa isang maliit na kahon.
Isang customized engagement ring na siya mismo ang pumili ng disensyo at batong ilalagay dito.
A pink diamond stud worth of millions ang napili niya, hindi naman mahalaga kahit gaano pa kalaki ang presyo nito.
Dahil mahalaga rin naman ang pagbibigyan niya nito at walang katumbas na presyo ang pag-ibig niya kay Angela.
"S'yempre naman, walang sino mang babae ang tatanggi d'yan, Boss! Sa'n ka pa makakakita ng sing-sing na p'wede ka nang makabili ng isang buong bahay."
"Alam mong higit pa dito ang kaya kong ibigay sa kanya."
"Sa palagay ko nga Boss, pero sigurado ka na ba talaga sa gusto mong gawin?" Tanong ni Russell na hindi kumbinsido.
"Ano bang klaseng tanong 'yan at bakit naman ako hindi magiging sigurado ha?" Inis niyang tanong.
"Alam ko naman 'yun Boss, pero hindi ba dapat lang na magsabi muna kayo sa Daddy n'yo bago ka muna magpropose sa kanya?" Mungkahi pa nito.
"Alam mo naman ang sitwasyon hindi ba?" Biglang lumungkot ang mukha nito na kanina lang ay puno ng sigla.
Hanggang sa makarating na sila ng Hotel...
"Hay! Nakakapagud..." Si Russell na pilit nitong kinukuha ang kanyang atensyon. "Okay ka lang ba Boss?" Sunod na tanong nito.
"Oo naman, okay lang ako sige na magpahinga na tayo may trabaho pa tayo bukas."
"Okay pahinga ka na rin Boss!"
"Hmmm,"
Nang sabay pa silang mapalingon sa biglang pagtunog ng kanyang cellphone...
Beep, beep, beep...
Galak ang una niyang naramdaman at tila biglang nanumbalik ang kanyang sigla.
Unang rumehistro sa kanyang utak na baka si Angela ang tumatawag.
Sigurado kasi siya na tapos na ang Graduation ng mga ito.
"Si Angela!" Masayang bigkas pa niya na puno ng sigla. Kaya agad niya itong kinuha at pinindot ang receiver.
Habang sagad ang ngiti sa mga labi na mababanaag rin sa kanyang mga mata.
Subalit...
Para lang pala magulat!
HINDI...
ANO ITO, ANONG KALOKOHAN ITO? HINDI P'WEDE, HINDI ITO TOTOO!
Sunod-sunod na tanong at sigaw ng isip niya, habang nginig ang mga kamay hindi makapaniwala.
Kasabay ng sunod-sunod rin niyang pag-iling...
Gustong-gusto na niyang ibalibag ang kanyang cellphone subalit natitigilan siya sa pagnanais na matapos ang kanyang nakikitang eksena sa kanyang cellphone.
Isa itong video na ipinadala ng kanyang pinsang si Arvin na may caption na...
"Hey! Couz, look it this lovable couple in town. Sana nandito ka rin to witness this kind of love!"
DAMNED!
Gusto niyang sumigaw, magalit at umiyak kaya nabitiwan niya ang cellphone.
Dahil sa biglang hawak niya ng dalawang kamay sa kanyang ulo na parang hindi niya alam ang gagawin, Litong-lito ang isip niya.
Dahil ang pakiramdam niya mababaliw siya...
Biglang naalarma si Russell sa mga ikinikilos niya.
"Boss?"
*****
By: LadyGem25