MARK JOSEPH
Gabing gabi na pero nananatili pa rin siyang gising...
Nakakailang shot na rin siya ng Brandy pero tila hindi rin ito tumatalab.
Magkasama sila ngayon ni Maru' pero mabibilang sa daliri ang pag-uusap nila.
Ngunit matiyaga pa rin itong nakabantay at naghihintay sa kanya at nakasunod sa ano mang ipag-uutos niya. Hindi niya alam kung matutuwa ba siya o maiinis sa ugali nito.
Pero aminin man niya o hindi malaki ang nagagawa nito sa kanya, nagiging dependent na nga yata siya dito.
Hinahanap hanap na rin niya ito kapag nawawala ito sa paningin niya parang nakakabakla na nga!
Kahit gusto na niya itong paalisin minsan hindi niya magawa. Dahil alam n'yang kailangan niya ito lalo na kapag stressed siya at naguguluhan.
Dahil ito lang naman at si Ms. A ang nasasabihan niya ng mga hang-ups niya ng hindi niya kailangang magtago.
Ang mga bagay na hindi niya masabi sa Daddy niya lalo na ang tungkol sa kanila ni Joaquin.
Ang mga bagay na unti-unti rin niyang natutuklasan nitong huli. Hindi niya alam kung bakit ba parang natatakot siya na sabihin kay Liandro ang mga natuklasan niya sa kapatid at kay Angela?
Natatakot siya na baka hindi ito pumanig sa kanya, dahil alam naman niya kung sino ang mas higit nitong kakampihan.
Bigla ang pagbalatay ng pait sa kanyang mukha sa isiping iyon. Hindi dahil sa alak na kanyang iniinom, bigla pa nga niya itong nilagok.
Parang tubig na lang ito sa kanyang panlasa. Kaya naman sinunod sunod na rin niya ang pag-inom nito.
Biglang nabahala si Maru' at tumayo, nilapitan pa siya nito at bahagya ring tinapik sa balikat. Nang tila hindi na ito nakatiis na panoorin lang siya at hindi kausapin.
"Boss, hinay-hinay lang napaparami na tayo may problema ba?"
"Wala, h'wag mo akong intindihin okay lang ako... Basta d'yan ka lang samahan mo lang ako pero kung inaantok ka na? Sige iwan mo na ako!"
"Hindi boss okay lang... Hindi pa naman ako inaantok eh'!"
Nakangiting wika pa nito. Tinatawag siya nito ngayon ng boss imbes na Sir! Naisip tuloy niya si Russell kay Joaquin ang relasyon ng dalawang ito kaya naisip rin niya tama hindi pa naman siya nababakla!
Ang totoo hindi na rin niya maintindihan ang sarili. Sobrang naii-stress na siya nitong huli. Madalas hindi na siya makafocus sa trabaho kaya naaapektuhan na ito.
Mabuti na lang laging nasa tabi niya si Maru' marami itong alam pagdating sa kanilang trabaho daig pa nito ang nakapagtapos ng Arkitekto.
Isang bagay kung bakit hindi rin niya ito mabitiwan. Makakaya na nga nitong pumalit sa kanya kapag wala siya at napatunayan niya iyon nitong huli.
Dahil this past few days wala nang nasa isip niya kun'di si Angela at ang mga nalaman niya.
Ang lihim na pakikipaglapit dito ni Joaquin hindi na nawaglit pa sa isip niya.
Ang mga senaryo na itinanim ni Mandy sa isip niya lagi na lang bumabagabag sa kanya nitong mga huling araw.
Pero kahit alam naman niya ang lahat ng nangyayari, hindi pa rin niya magawang konprontahin ang dalaga. Dahil ano nga ba ang karapatan niyang gawin iyon?
Natatakot rin siya sa magiging tugon nito kaya mas minabuti na lang niya na h'wag ng magsalita at iwasan na lang ito.
Kahit pa batid rin niya at nararamdaman niya na unti-unti na itong nakukuha sa kanya ng kanyang kapatid.
Hindi niya alam kung tamang sabihin sa kanya na isa siyang masokista o baka mas higit pa siya ru'n?
May bahagi sa isip niya ang gusto na lang magparaya. Subalit labis na nasasaktan ang kanyang pride at ito ang labis na gumugulo sa kanyang isip.
Kaydaling gumuho ng kanyang mga pangarap parang sa isang iglap lang nawala ang lahat.
Ang mga pangarap na binuo niya sa loob ng limang taon na para sa kanilang dalawa ni Angela.
Ganu'n lang kadaling mawawala ang naging sentro ng kanyang buhay. Ang bumuo ng kanyang pagkatao at naging inspirasyon niya sa bawat araw.
Ang pumuno ng kulang sa buhay niya ang sana ay bubuo rin at magiging tunay niyang pamilya.
Kaya bakit niya ito ganu'n kadaling ipapaubaya sa iba, hindi ba p'wedeng maging madamot na lang siya?
Limang taon siyang umasa at inalagaan ito sa puso n'ya, dahil ang buong akala niya walang magbabago sa kanilang dalawa?
But all of a sudden everything has changed...
Siya ang nagsaing pero iba ang kakain, siya naman ang nauna pero bakit ganu'n?
Mula nang bumalik si Joaquin sa bahay nila tila mawawala na ang lahat sa kanya.
Dahil pakiramdam niya aagawin nito ang lahat sa kanya at ano pa ba ang matitira.
Wala naman siyang kahit ano mang pag-aari si Angela lang ang sana'y nais niya na magiging sa kanya ang inaasahan niya pero mawawala rin ito sa kanya...
Bigla na lang niyang naalala ang araw na umuwi ito ng Pilipinas ng manggaling ito sa Venice at ang pagkakabanggit nito sa pangalang "Jeremy" iba na ang pakiramdam niya hindi lang niya ito binigyan ng pansin noon.
Pero ngayon sigurado na siya ang pangalan ng kapatid niya ang tinatawag nito ng araw na iyon. Hindi pa nito tinawag ang pangalan niya sa panaginip nito.
Hindi na ba talaga siya ang gusto nito o mas tamang isipin niya na hindi naman talaga siya nito nagustuhan kahit kailan pero hindi lang niya matanggap...
Dahil labis siyang nasasaktan! Dahil alam niyang si Joaquin ang mas pinili nito kaysa sa kanya...
Napaka-swerte niya bakit ba nasa kanya na ang lahat, lahat na lang ng bagay ang dali dali niyang nakukuha?
Bigla na lang may nabuhay na inggit sa kanyang sistema.
Paano naman ako, ano na ang matitira para sa'kin? Bakit ba ayaw nila sa'kin at lagi na lang nila akong itinatapon wala ba akong halaga?
Si Angela na nga lang ang gusto ko bakit ayaw pa niyang ipaubaya sa akin...
Hindi ba nasa kanya naman ang lahat?
Bakit pati ang babaing gusto ko gusto pa rin niyang kunin?
TRAYDOR KA JOAQUIN INAGAW MO SIYA SA'KIN!
DAPAT AKO LANG SA BUHAY NIYA PERO DUMATING KA...
SANA HINDI KA NA LANG BUMALIK!
BAKIT KA PA BUMALIK?
Ginulo mo lang ang lahat...
Sunod sunod ang mga hinaing na biglang bumalatay sa isip niya.
Dahil na rin marahil sa sama ng loob kaya't hindi na niya nagawa pang pigilan ang samu'tsaring emosyon.
Idagdag pa na tinatamaan na rin siya ng alak na iniinom.
Ang emosyon na pilit man niyang pinipigilan hindi na niya nagawa pang paglabanan.
Bakit ba siya mahihiyang umiyak? Si Maru' lang naman ang makakakita sa kanya at sigurado naman siya na hindi s'ya pagtatawanan nito.
Biglang bumuhos ang kanyang emosyon...
Saglit siyang yumuko upang itago ang kanyang mukha, ngunit hindi maikukubli ang pagyugyug ng kanyang mga balikat. Dahil sa labis na sama ng loob at labis na pagtangis...
Habang si Maru' na patuloy lang s'yang pinagmamasdan. Nakaupo ito malapit sa kanyang p'westo nasa harap sila ng mini bar sa loob ng Condo.
Kaya wala siyang kamalay-malay na kanina pa nito hindi napigilan ang sariling emosyon.
Kaya hindi rin nito magawang makalapit sa kanya, kung alam lang niya ang bawat sakit na nararamdaman niya ngayon ay doble ang sakit sa pakiramdam nito.
Kaya lalo pang lumalim ang galit na nararamdaman nito para sa babaing kanyang itinatangi.
Hanggang isang pagbabanta ang nabuo sa isip nito.
ANGELA!
Kasalanan mo ang lahat ng ito... Sisiguraduhin ko pagsisisihan mo ang lahat!
DAHIL PAGBABAYARAN MO ITO!!
___
"Hija, matagal tagal na rin ng huli natin itong nagawa hindi ba?"
Kasalukuyan silang nasa Veranda ng mga oras na iyon habang umiinom ng kape.
Tuluyan na niyang nalimutan ang takot at pag-aalala. Parang pangkaraniwan na lang nila itong ginawa.
Tulad nga ng dati madalas sabay-sabay silang magkakape pagkatapos nilang kumain ng hapunan.
Madalas din kasama pa nila si Joseph. Dahil dito sila madalas na nagkakasundo pare-pareho kasi silang mahilig uminom ng kape.
Mga pagkakataon na hindi niya maaaring makasama si Joaquin dahil sa allergies nito. Saglit itong sumagi sa kanyang isip.
"Tama ka Papa masyado yata tayong naging busy nitong huli kaya nawalan na tayo ng oras sa mga simpleng bagay na tulad nito."
"Tama ka hija, sana palagi pa rin natin itong magawa para kahit paano sa kabila ng kaabalahan natin mayroon pa rin tayong oras upang kamustahin ang isa't-isa."
"Pa, pasensya na ha! Dahil sa kaabalahan ko hindi ko na kayo nabibigyan ng panahon."
Hinawakan pa niya ang mga kamay nito habang magkaharap silang nakaupo sa pagitan ng isang lamesita.
"Naiintindihan naman kita hija siguro masyado lang akong nasanay na ganito tayo palagi. Pero alam ko naman ang mga nangyayari sa'yo hija. Masaya ako sa mga achievement mo kaya alam ko naman kung bakit sobra kang abala nitong huli. Kaya h'wag mo akong alalahanin ang gusto ko bigyan mo ng oras ang sarili mo hindi puro trabaho ha?"
"Opo Pa!"
"Ngayong Ga-graduate ka na mas may oras ka na para asikasuhin naman ang sarili mo hija."
"S'yempre naman po Papa hindi ko naman pababayaan ang sarili ko h'wag po kayong mag-alala."
Nakangiti pa niyang saad upang ipabatid dito kung gaano siya kasaya ng mga oras na iyon.
"Then why don't you, to get settle down hija? Alalahanin mo hindi na rin kayo bumabata at saka para din magkaroon na ng kalaro si VJ. It's time to think of it, hija!"
Speechless!
Bigla na lang siyang nawalan ng kibo ng sabihin nito ang bagay na iyon. Ano ba ang mas tama at dapat niyang sasabihin.
Dahil alam na alam naman n'ya kung sino ang tinutukoy nitong kayo?
Hindi silang dalawa ni Joaquin kun'di sila ni Joseph!
"Papa bakit n'yo naman po biglang naisip 'yan? Hindi ko pa naman po kasi priority sa ngayon ang mag-asawa!" Bigla tuloy siyang nakaramdam ng guilt.
Sinungaling ka talaga! Kanina lang gumawa ka ng bagay na siguradong ikagagalit nila.
Bulong pa niya sa sarili, kasabay rin ng pag-uulap na naman ng kanyang mga mata.
Ito na ba ang kinatatakutan niya, kailangan na ba niyang magsabi? Ngunit bago siya makapagsalita ulit naunahan na siya nito.
"Hija, alam kong hindi na lingid sa iyo ang mga plano ni Joseph. Bakit hindi n'yo bigyan ng panahon ang isa't-isa mag-usap kayo hija."
Hinawakan pa nito at tinapik-tapik ang kamay niyang nakapatong sa ibabaw ng lamesita.
Pilit naman niyang kinakalma ang sarili upang hindi nito mahalata ang nararamdaman niyang tensyon.
Huminga muna siya ng malalim saka nag-ipon ng lakas ng loob upang makapagsalita at nang sa ganu'n ay masabi niya ang nais sanang sabihin...
"Papa hindi ko alam kung paano ko sisimulan. Pero sana h'wag kayong magagalit sa'kin. Gusto ko sanang malaman n'yo na..."
"Hija, makinig ka!" Hindi na siya hinayaan nito na matapos pang makapagsalita. Agad na inagaw nito ang kanyang atensyon.
"Papa!" Wala na siyang nagawa kun'di patuloy na makinig sa sasabihin nito.
"Anak, kung ang iniisip mo ay ang tungkol sa sakit mo h'wag kang mag-alala. Kung Joseph ang makakasama mo mas magiging panatag ang loob ko. Dahil alam kong siya ang higit na mas nakakakilala sa'yo. Alam kong mas mapoprotektahan ka niya!"
"Pero Papa hindi lang naman po 'yun ang iniisip ko kasi..." Hindi na naman s'ya pinatapos nito at muli itong nagsalita.
Hindi niya alam kung sinasadya ba nitong agawin ang kanyang atensyon para wala na siyang masabi?
Ngunit ano pa man ang layunin nito wala naman talaga siyang magagawa kun'di ang makinig na lang...
"Angela, anak! Ayoko sanang isipin mo na pinanghihimasukan ko ang desisyon mo. Pero wala na siguro akong mahihiling pa kun'di ang makita kayo ni Joseph na magkasama at masaya bilang isang pamilya. Batid mo kung gaano ka especial sa anak ko. Ikaw ang sentro ng buhay niya kung gaano s'ya naging seryoso mula ng dumating ka? Kung dati wala siyang sineseryoso pero mula ng dumating ka hindi na siya tumingin pa sa iba. Bukod doon gusto ko rin sanang manatili ka na lang sa tabi namin hija. Dahil hangga't maaari ayoko sana na magkaroon pa tayo nang problema. Naiintindihan mo naman ako hindi ba?"
"Pero Papa, hindi ko alam kung paano ko sasabihin? Pero hindi mo naiintindihan kasi..."
"Naiintindihan ko anak, kung si Joaquin ang gumugulo sa isip mo ako na ang bahala sa kanya..."
"Papa?"
Gulat na napataas ang tingin niya dito at tiningnan din niya ito ng matiim. Pilit rin n'yang inaaninag ang sinasabi ng mga mata nito.
Alam ba talaga nito ang tunay na nangyayari sa kanila ni Joaquin?Tanong ng naguguluhan niyang isip...
Huminga ito ng malalim at tila nag-alis ng bara sa lalamunan bago nagpatuloy sa pagsasalita.
"Alam ko nitong huli, ginugulo ka ng batang iyon! Si Joaquin palagi siyang nagdedesisyon ng hindi muna pinag-iisipan. Ginagawa niya kung ano ang magustuhan niya kahit hindi ito makakabuti. Kahit noong sila pa ni Liscel ganu'n na siya kaya hindi na niya namalayan na napapabayaan na niya ito. Kaya ayun nabaling ang tingin nito sa iba. Siya kasi 'yun tipo ng tao na hindi mapipirmi sa iisang lugar, ewan ko nga ba sa batang 'yun! Kaya ang kailangan n'ya sigurong mapangasawa 'yun kayang sumunod sa kanya kahit saan, 'yung walang obligasyon o walang responsibilidad na maiiwan."
At hindi ako ang babaing iyon! Bulong ng isip n'ya kasabay ng pagkirot sa kanyang dibdib.
Malinaw pa sa sikat ng araw ang gustong iparating nito sa kanya, hindi siya gusto nito para kay Joaquin. Ngunit gusto s'ya nitong obligahin para kay Joseph.
Saglit niyang pasimpleng pinahiran ng mga daliri ang tumakas na mga luha sa kanyang mga mata. Kahit pa pilit niya itong pinipigilan...
"Angela anak... Maaari bang tumingin ka sa'kin?"
Muli niyang itinaas ang mukha at muling humarap dito.
"Maaari ba akong humiling sa'yo ngayon? Isipin mo na lang na humihiling ako sa'yo bilang iyong ama. Maaari ba hija?"
Humiling? Parang alam na n'ya kung ano ang hihilingin nito. Ito na ba ang kapalit ng lahat ng kabutihan na ginawa nila sa'kin?
Dahil alam naman nitong hindi s'ya makatatanggi.
Naisip niya bakit nga ba hindi s'ya naniwala agad kay Joaquin? Na kaya nga nitong gumawa ng paraan para paghiwalayin sila ng hindi halata.
Magagawa nitong kontrolin sila at manipulahin kung gugustuhin nito.
Hindi niya ito matatanggihan dahil sa ginawa nitong kabutihan sa kanya.
Saglit s'yang tumingala upang kahit paano mapigilan niya ang nagbabanta na namang emosyon.
"A-ano po 'yun, Papa?" Pinilit niyang maging kaswal at pinigil rin n'ya na h'wag mapasigok.
Kahit alam na niya ang gusto nito at kung ano ang patutunguan ng kanilang pag-uusap.
Pinili pa rin niya ang magtanong alam din niya na nahihirapan ito dahil ito ang pakiramdam niya.
"Ah'... Gusto ko sanang pag-isipan mong mabuti ang sasabihin ko hija. Maaari bang kalimutan mo na lamang kung ano man ang nararamdaman mo para kay Joaquin?" Saglit na nahigit niya ang paghinga dahil sa sinabi nito.
"Kung kailan pa lang naman kayo nagkakilala. Kaya marahil hindi pa naman ganu'n kalalim ang nararamdaman n'yo sa isa't-isa." Yun lang ang akala at alam nin'yo Papa...
Ano kaya ang sasabihin nito at gagawin kung malalaman nito na kanina lang may nangyari na sa kanila. Hindi pa ba masasabing malalim 'yun? Sigaw ng kanyang damdamin ngunit nanatiling sa isip lang...
"Mas pag-ukulan mo na lang sana ng pansin ang magiging future nin'yo ni Joseph. Para din naman ito sa ikabubuti ng lahat. H'wag mo sanang hayaan na mag-away silang magkapatid dahil sa'yo at masaktan mo sila! Dahil baka mapilitan lang akong gumawa ng hakbang upang ilayo ka sa kanila pareho. Hangga't maaari ayoko sanang gawin iyon hija, naiintindihan mo naman ako hindi ba?" Tila may kasama nang pagbabanta ang bawat salita nito.
Naiintindihan naman n'ya ang damdamin nito bilang ama at alam din niya mas iisipin nito ang kapakanan ng dalawa nitong anak kaysa sa kanya.
Dahil ito ang katotohanan...
"O-opo Pa, naiintindihan ko po kayo at ayoko rin pong mangyari 'yun. Dahil pareho po silang mahalaga sa akin at lalo nang hindi ko po gusto na magkalayo silang dalawang magkapatid ng dahil lang sa'kin. Tulad rin ng hindi ko gustong magbigay ng problema sa pamilyang ito, Papa! Pasensya na po kung nabigyan ko pa kayo ng alalahanin."
Mabigat ang loob na saad niya at malinaw ang pagkakaintindi niya sa lahat ng sinabi nito.
Kaya nagkalakas din s'ya ng loob na sabihin ang lahat ng nais n'yang sabihin dito. Bahala na kung ano man ang maging pang-unawa nito?
"Salamat sa pang-unawa hija. Lagi mo sanang tatandaan na wala akong hangad kun'di ang maging masaya kayong mga anak ko! Sana hindi sumama ang loob mo sa akin, anak?" May lungkot sa mga matang wika nito.
"Hindi po Papa gaya ng sabi ko naiintindihan ko po kayo! Pero kung wala na po kayong sasabihin maaari na po ba akong magpahinga?" Alam niyang nahihirapan din ito sa sitwasyon nila subalit kailangan nitong mamili.
"Sige, magpahinga ka na bukas na lang ulit tayo mag-usap. Good night hija!"
"Sige po, good night po Papa!" Sabay halik sa pisngi nito...
Pagkatapos ay agad na s'yang tumalikod at hindi na muling lumingon. Mabilis na s'yang naglakad palabas ng Veranda patungo sa kwarto nila ni VJ.
Dahil hindi na niya kayang pigilan pa ang emosyon na kanina pa gustong umalpas.
Halos malabo na ang kanyang paningin bago pa s'ya nakarating sa kanilang kwarto.
Dahil sa luhang kanina pa pala kumawala sa kanyang mga mata.
Pagpasok niya sa kwarto at pagkasara niya sa pinto. Tuluyan nang bumuhos ang kanyang emosyon.
Hindi na niya napigilan pa ang humagulgul habang nakasandal pa rin s'ya sa saradong pinto.
Ano bang gagawin ko?
Joaquin! Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko?
Paano na tayo?
Nang bigla na lang s'yang matigilan dahil sa malakas na tunog nagmumula sa kanyang cellphone.
Dahil sa walang awat na tunog napilitan s'yang kunin ito.
Para lang sana i-off ito subalit nakita niya kung sino ang kanyang caller...
JOAQUIN?!
Dahil na rin sa magkakahalong pakiramdam at kalituhan.
Naging palaisipan pa sa kanya kung sasagutin ba niya ito o hindi?
*****
By: LadyGem25