Chereads / AFTER ALL (Tagalog Novel)(Book 1) / Chapter 60 - C-59: THE PROMISE

Chapter 60 - C-59: THE PROMISE

Naantala ang sana ay pag-alis na ni Angela papuntang Resort. Nang malabasan niya si Joaquin na naghihintay sa kanya sa may pasilyo.

Ang buong akala pa naman niya ay nakaalis na rin ito. Pero narito pa rin ang binata at abot pa ang demand nito ngayon sa kanya.

Nagulat man s'ya sa pagiging prangka nito ngayon at lantarang pagseselos. Hindi pa rin niya maitatanggi ang tuwa sa puso niya ng mga oras na iyon.

Kaya naman napapayag na siya sa kondisyon nito. Besides! Ano pa ba ang dapat niyang itago?

Gayu'ng obvious naman dito kung ano talaga ang kanyang nararamdaman para sa binata. Kaya nga siguro malakas ang loob nito ngayon na magdemand.

_

"Okay, I think you steal my heart!" Aniya na hinaluan pa nang lambing ang tinig.

_

"What?" Nabiglang tanong nito.

"I think... I lost my heart, because of you!" Aniya at deretso pang tumingin sa mga mata nito.

Sound's corny, but sometimes love is undescribable.

Nagiging corny na yata siya dahil ba sa in love na talaga siya sa lalaking ito?

"Whew! Pambihira, I love you na lang sana okay na eh'?"

Nakangising saad nito at hinila siya palapit at saka niyakap.

Nagulat man natawa na lang din siya sa naging reaksyon nito at gayu'n din sa nasabi niya.

Kusa namang yumakap ang mga kamay niya sa batok nito. Sadya rin niyang inihilig ang ulo sa malapad nitong dibdib at tila ba napaka-komportable ng kanyang pakiramdam.

Maya-maya'y hinawakan nito ang magkabila niyang pisngi. Saglit na niyang nakalimutan ang nakatakda niyang pag-alis...

"Hey! Baka naman makatulog ka na sa sarap ng pagkakahilig mo sa akin? Kung gusto mo h'wag na tayong pumunta sa party eh'. Doon na lang tayo sa kwarto ko tutal wala naman silang lahat..."

Saglit pa itong huminto at nagtaas, baba ng kilay sabay tanong nang...

"Ano game?" Nakangisi nitong saad na puno ng kapilyuhan.

Nang ma-recall ng utak niya ang kahulugan ng sinabi nito. Bigla n'ya itong sinipa sa binti.

Napalundag tuloy itong bigla at saglit na ininda ang pagsipa niya. Ngunit nakangisi pa rin ito.

"Aray ko, pambihira naman! Ang ibig ko lang naman sabihin, baka lang gusto mo munang matulog tayo 'yun lang!" Tatawa-tawang saad nito habang panay ang hilot ng binti.

"Nakakainis ka naman d'yan ka na nga, aalis na ako!" Mabilis na siyang tumalikod at inis itong iniwan.

Subalit muli nitong hinuli ang kanyang kamay at hinila siya pabalik. Sa pagkakataong iyon mariin nitong pinagsalikop ang kanilang mga kamay.

"Joaquin! Ano bang ginagawa mo? Gabi na pero pareho pa tayong wala sa party. Ano na lang ang iisipin nila na magkasama tayo?" Eksaherado na niyang saad. Kahit pa totoo namang magkasama sila ngayon.

Nag-aalala pa rin kasi siya sa p'wedeng isipin ng lahat hindi pa rin sila pwedeng magpadalos dalos. Sa totoo lang nahihirapan na rin naman sa sitwasyon nila.

Pero dapat pa rin silang maging ma-ingat. Lalo na sa gabing ito hindi pwedeng makaagaw sila ng eksena.

"Sandali na lang may sasabihin lang naman ako. Hayaan mo nga silang mag-isip. Ayoko na ng maraming excuses na kailangan ko pa silang isaalang-alang palagi. Pagud na rin akong itago na lang ang nararamdaman ko. Gayu'ng alam ko naman na ako ang mahal mo! Pero dahil rin sa'yo nakahanda naman akong magpanggap."

"Salamat naman kung ganu'n? Akala ko kukulitin mo na naman ako. Nangako ka na hindi mo ako guguluhin ngayong gabi sana naman tuparin mo 'yun!" Saad niyang may halong pakiusap.

"H'wag kang magpasalamat dahil hindi pa naman ako tapos at s'yempre may mga kondisyon ako..."

Saad nito habang panay na rin ang halik nito sa likod ng kanyang palad ng hindi pa rin nito binibitiwan. Tila ba ito naglalambing sa kanya.

"Kondisyon na naman wala bang katapusan ang kundisyon mo! Sandali nanamantala ka na yata ah?" Reklamo niya.

"Simple lang naman ang gusto ko may mga ibibilin lang naman ako sa'yo. Para matupad ko rin ang ipinangako ko sa'yo, ayaw mo ba nu'n?" Nginitian siya nito at tila ba kinukuha nito ang kanyang simpatiya.

"Okay, sige na nga, sabihin mo na kung anong ibibilin mo at gabi na kailangan na nating umalis."

"Ayoko lang naman na sobrang maging malapit ka kay Joseph. Kung ayaw mo talagang magselos ako konting distansya lang okay?"

"Alam namang iwasan ko ang kuya mo. S'yempre naman magtataka 'yun kung bakit ko siya iniiwasan hindi ba?" Aniya.

"Pero p'wede ka rin namang dumistansya ah' h'wag ka lang maging malambing sa kanya 'yun lang, mahirap bang gawin 'yun?" Reklamo nito.

Huminga muna siya ng malalim at sinikap na intindihin ito. Dahil sa nakikita niyang tila seryoso na talaga ito sa sinabi kaya...

"Okay sige na, hindi na ako magiging malambing sa kuya mo. Ano masaya ka na?" Naiinis na rin niyang tanong.

"Paano ako magiging masaya kung hindi ka naman seryoso d'yan?" 

"Hayzzt! Nakakainis ka na, anong hindi seryoso? Bahala ka na nga aalis na ako." Inis at padabog na hinila niya ang kamay at saka tumalikod.

Pagkatapos ay nagmartsa siya paalis. Muntik pa siyang matapilok dahil sa kanyang pagdadabog.

Ngunit mabilis siya nitong nadaluhan. Agad na napunta ito sa tabi niya para alalayan siya. Subalit bigla niya itong tinabig sadyang ipinaramdam niya dito ang pagkainis.  

Tuloy lang siyang lumakad ulit at lumayo dito. Subalit bigla rin siyang natigilan ng paglagpas niya hindi man lang ito nagreact. Dahil hinayaan lang siya nitong umalis. Siya pa talaga ang hindi seryoso?

Pumikit siya ng mariin at muling huminga ng malalim.

Isang pagpapasya ang nabuo sa kanyang isip. Dahil muli siyang lumingon at lumakad pabalik.

Bakit ba hindi niya magawang tikisin ang lalaking ito. Kaya siya laging napapahamak eh' at hindi rin nakakapag-isip ng tama.

Siguro nga dahil sa ganito talaga ang magmahal.

Tuloy-tuloy lang siyang naglakad ng mabilis pabalik. Habang si Joaquin nakatingin lang sa kanya at naghihintay.

Hindi niya mabasa ang nasa mukha nito at hindi rin niya maintindihan ang sarili...

Mas binilisan pa niya ang paglalakad. Kasing bilis rin ng pagtibok ng kanyang puso.

Ngunit bago pa siya tuluyang makalapit sa binata. Kinabig na siya nito palapit at walang sabi sabi s'yang hinalikan sa labi.

Hindi niya alam kung paano nito iyon ginawa. Naramdaman na lang niya na tila umangat siya sa lupa. Pagdilat niya nasakop na nito ang kanyang labi.

Sa una'y marahan lang nitong ginagalaw ang bibig at mariin ang bawat halik nito sa kanya. Ngunit hindi pa ito nasisiyahan pilit pa nitong ibinubukas ang kanyang bibig at pilit sinusuyo.

Hanggang sa unti-unting palalim ng palalim ang halik na iyon.

Ginagalugad na rin nito ang kanyang bibig na tila ba may hinahanap ito doon. At nang matagpuan nito ang hinahanap mas lalo pa itong naging mapusok.

Gusto mang magprotesta ng isip niya ngunit tila ayaw naman sumunod ng kanyang katawan.

Tila ito may sariling isip na sumusunod lang sa bawat galaw ng labi ng kahalikan. Saglit pa s'yang pumikit upang namnamin ang tamis na dulot ng halik nito.

Nagsisimula na naman ba siyang makalimot at malasing sa kakaibang  sensasyon na dulot ng mga halik nito?

Subalit laking gulat niya ng bigla na lang itong tumigil sa paghalik sa kanya. Saglit na tila ibig pa niyang magprotesta sa pagtigil nito.

Ngunit naramdaman rin niya na tila ba pinipigilan rin nito ang sarili.

Habol pa nila pareho ang paghinga ng tuluyan na itong tumigil sa paghalik sa kanya.

Kung kailan sana'y handa na rin siyang magpatangay kung saan man sila makarating.

Ah' gising Angela ano ba ang nangyayari sa'yo? Bulong pa niya sa sariling isip.

Hindi na rin niya maikakaila pa na gustong-gusto niya ang halik nito gustong gusto!

Hinawakan pa nito ang magkabila niyang pisngi ng muli itong magsalita...

"Pinipigilan ko ang sarili ko na kulitin ka! Dahil ayokong magalit ka sa'kin at bumalik na naman ulit tayo sa simula. Pinipigilan ko rin ang sarili ko na buhatin ka papunta sa aking kwarto at samantalahin ang kahinaan mo! Kung p'wede lang sana kitang pakasalan ngayon mismo ay gagawin ko. Para may passes na ako na gawin ang bagay na iyon. Gusto ko kasing maisip mo at maalala mo palagi kung gaano kita iginagalang at nirerespeto, naiintindihan mo ba?"

Napatango na lang siya at muling niyakap ito.

"Pakasal na kaya tayo?" Tanong nito habang nakayakap pa rin sa kanya. Subalit napabitaw siyang bigla dito dahil sa narinig.

"Ano sira ka ba?"

"Bakit ayaw mo ba akong pakasalan?" May lambong na muli nitong tanong.

"Hindi naman sa ayaw pero hindi pa ngayon ano ka ba? Nakakagulat naman ang mga sinasabi mo, kasal naman ngayon!'

"Ano naman ang nakakagulat du'n, gusto naman talaga kitang pakasalan? Alam mo bang iniisip ko na baka maunahan pa ako ni kuya Joseph na mag-propose sa'yo. Sana lang hindi ka maobliga na pumayag?"

"Naiisip mo pa talaga 'yan?"

"Hindi naman imposible 'yun, hindi ba?"

Muli siyang napahugot nang malalim na paghinga dahil sa sinabi nito. Alam naman niyang nag-aalala lang ito sa posibleng mangyari.

"Okay, pwede ko pa naman iyong tanggihan kung sakali man!"

"Talaga gagawin mo 'yun para sa'kin kahit, kahit posible rin na masaktan mo siya magagawa mo pa rin?"

Muli nitong hinawakan ang kanyang kamay at mabilis ring hinagkan upang tiyakin ang katotohanan ng kanyang sinabi.

"Oo na sige na, h'wag ka nang mag-alala pangako sa'yo lang ako magpapakasal."

"Talaga, hindi ka nagbibiro?"

Tuwang-tuwa itong yumakap sa kanya at ramdam rin niya ang kaligayahan nito ng mga oras na iyon. Hinayaan lang niya itong maging masaya.

Dahil masayang-masaya rin siyang makita na talagang napasaya niya ito.

Kahit pa hindi niya alam kung paano niya nagawang sabihin ang pangakong iyon. Dahil ang totoo puno pa rin siya ng pag-aalinlangan sa sarili. Kung talagang magagawa nga ba niya itong pangatawanan?

Basta ang alam lang niya, 'yun din naman ang gusto niya. Ang makasal dito balang araw. Kahit hindi pa niya batid kung paano nga kaya iyon mangyayari sa pagitan nilang dalawa? Lalo na sa kalagayan niya.

Ah' bahala na! Basta ngayon sapat na, na pareho nilang napasaya ang isa't-isa.

Ayaw muna niyang sirain ang kaligayahan pareho nilang nararamdaman ngayon.

__

Makalipas pa ang ilang sandali, napapayag niya ito na paunahin muna s'ya sa pagpunta sa Resort.

Past 7:30 pm na nang makarating siya sa Resort. Marami nang tao at abala na ang lahat. Puno na rin ng kasiyahan ang pagtitipon ng gabing iyon.

Marami man ang nagtanong kung bakit late siya dumating. Pero dahil may maganda naman siyang alibi. Kaya napaniwala naman niya ang mga ito.

Maliban kay Joseph na sa tingin niya may bahagyang pagdududa. Pero hindi na rin naman ito nagtanong pa. H'wag lang sana nitong maisip na tanungin si Didang at VJ kung anong oras siyang nagpaalam sa mga ito.

Dahil sigurado malalaman nito na nagsinungaling siya. Daig pa tuloy niya ngayon ang isang teenager na tumatakas sa ama. Dahil nakipagtagpo sa kanyang boyfriend.

_

Makalipas lang ang mahigit sampung minuto. Dumating na rin si Joaquin at Russell. Bawat madaanan ng mga ito binabati at bumabati rin sa kanila.

Ngunit nakaramdam s'ya ng kaba ng mapansin niya ang biglang pagtalim ng tingin dito ni Joseph. Bigla rin nitong hinagilap ang kanyang kamay.

Nang palapit na si Joaquin sa gawi nila naramdaman niyang lalong humigpit ang paghawak ni Joseph sa kamay niya.

Hindi rin naman nakaligtas sa kanyang paningin ang pasimple at saglit na pagtutok ng tingin ni Joaquin sa magkahawak nilang kamay.

Pagkatapos tiningnan siya nito ng matiim na tila ipinapaalala ng tinging iyon ang kanyang pangako.

Gusto man n'yang bumitaw ngunit hindi niya magawa. Dahil ramdam niya na parang lalo pang humigpit ang paghawak ni Joseph sa kanya ng tangkain niyang ilayo ang kamay.

Biglang dumoble ang kanyang kaba. Lalo na nang mapansin niya ang paggalaw ng masel sa panga ni Joaquin na tila ba nagngangalit ito. Alam niyang naiinis na ang binata ng mga sandaling iyon.

Bigla tuloy niyang naalala ang sinabi nito kanina. Pagbaling ulit ng tingin niya kay Joseph tila ba nakikipagsukatan na naman ito ng tingin kay Joaquin at ganu'n din ang huli.

Ano na naman ang nangyayari sa dalawang lalaking ito na palagi na lang nagbibigay ng matinding kaba sa kanya.

Mabuti na lang agad napawi ang tensyon sa pagitan ng mga ito. Dahil sa pagdating ng bagong bisita. Dapat nga ba niya itong ipagpasalamat?

Agad nila itong nabatid ng dahil sa mga konotasyon na maririnig sa paligid. Ang iba ay humihiyaw, sumisipol at masayang bumabati sa pagdating ng mga ito. Parang may dumating na artista o VIPs.

Malayo pa pero nakilala na niya agad ang mga dumating. Ang isa ay si Tita Madz ang transgender na tiyuhin nila Joseph at ang isa naman ay si... Huh?

"BAKIT SIYA NARITO?"

* * *

By: LadyGem25