Chereads / AFTER ALL (Tagalog Novel)(Book 1) / Chapter 61 - C-60: "The Jealous heart 1"

Chapter 61 - C-60: "The Jealous heart 1"

Huh?

_

_

Si Mandy?

Pero teka bakit sila magkasama kung ganu'n magkakilala pala sila? Tanong at sagot rin niya sa sarili.

Muli nakaramdam na naman s'ya ng insecurities dahil lang naman sa presensya nito.

Lalo na at biglang napako ang mga mata ng lahat sa dalagang bagong dating.

Maging si Joseph at pati ba naman si Joaquin. Hindi tuloy niya naiwasang makaramdam ng panibugho.

Hindi naman kasi kataka-taka na pag-ukulan ito ng pansin ng lahat. Dahil talaga namang ang ganda nito ngayon. Maging siya hindi napigilang humanga sa angkin nitong kagandahan.

Para kasi itong modelo sa suot nitong mid drift outfit. Isang black crop cami top, floral white maxi wrap skirt at dress boots.

Deretso lang ang lakad nito habang nakahawak sa braso ni Tita Madz. Idagdag pa na sa bawat hakbang nito habang lumalakad na-eexposed ang magandang hubog ng katawan at ang long legged nitong mga binti at hita.

Kung bakit napakahusay rin nitong magdala ng damit. Para lang naman itong rumarampa sa entablado kung maglakad. Hindi tuloy niya naiwasang ikumpara ang kanyang sarili dito.

Hanggang sa maramdaman na lang n'ya ang unti-unting pagbitaw ni Joseph sa kanyang kamay. Nasundan tuloy niya ng tingin ang mga kamay ng binata. Habang unti-unting lumuluwag sa pagkakahawak sa kanya.

Saglit pa s'yang napatingin sa mukha nito na hindi inaalisan ng tingin si Mandy. Habang palapit ito ng palapit sa kanila.

Hindi maikakaila sa mga mata nito ang paghanga nito sa dalaga. Ang pagsunod ng tingin nito sa bawat galaw ng babae.

Bakit parang nakakaramdam s'ya ng pagkadismaya. Bakit kay dali lang s'ya nitong nakalimutan? Samantalang kanina lang halos ayaw s'ya nitong bitiwan. Pero ngayon tila aligaga ito at hindi mapakali sa paghabol ng tanaw sa babaing bagong dating.

Matutuwa sana s'ya kung sa ibang sitwasyon. Dahil mas pabor sa kanya kung ibabaling na lang nito ang pagtingin sa iba. Lalo na kung may magmamahal rin dito ng higit sa kanya. Pero bakit ba s'ya nakakaramdam ng inis?

Nasanay kasi s'ya na s'ya lang ang espesyal sa paningin nito. Pero ngayon mukhang meron ng mas espesyal sa kanya.

"Hayaan mo na lang s'ya narito naman ako!"

Isang bulong ang nagpasikdo ng kanyang damdamin at biglang nagpabaling ng kanyang atensyon sa nagmamay-ari ng boses, na hindi niya akalain na nasa kanyang tabi na pala...

Si Joaquin na hindi man lang n'ya namalayan na nakarating na pala ito sa tabi niya.

Pasimpleng ikinawit pa nito ang kamay sa kanyang baywang at hinatak s'ya nito upang higit pa silang magkalapit at nanatili rin itong nakadikit sa kanya.

"Joaquin!" Anas niya.

Awtomatikong napalayo s'ya agad dito at umikot ang paningin sa paligid upang alamin kung meron bang nakakapansin sa kanila? Pilit man niyang alisin ang pagkakawit ng kamay nito sa kanyang baywang ngunit hindi niya magawa.

Lalo na at ingat na ingat siyang makagawa ng ingay at makuha ang atensyon ng iba. Mabuti na lang at wala sa kanila ang pansin ng lahat. 

"H'wag kang mag-alala hindi nila tayo mapapansin abala silang lahat sa pagtingin sa dumating. Ako lang yata ang hindi, dahil sa'yo lang naman ako abalang nakatingin. Ikaw lang naman kasi ang nais kong makita buong magdamag. Para kasi sa'kin mas maganda ka pa rin sa kanya."

Muli nitong bulong at bahagya pa s'ya nitong hinila ulit palapit upang tuluyang ilayo kay Joseph.

Nakangiti pa nitong hinagilap at pinagsalikop ang kanilang mga kamay at tila ba walang pakialam sa makakakita.

Nagawa na pala s'ya nitong ilayo kay Joseph ng hindi man lang n'ya namalayan o kahit pa ng katabi n'yang si Joseph.

Saglit tuloy n'yang nalimutan ang nangyayari sa paligid. Dahil kahit aminin man niya o hindi biglang napawi ang kanyang insekuridad na nararamdaman niya kanina. Parang nais pa nga n'yang kiligin sa boladas nito. Pero nang bigla niyang maalala...

"Hmmm, sinungaling kanina nga halos tumulo na rin ang laway mo d'yan! Baka akala mo hindi kita nakita?" Pabulong din n'yang saad sa binata.

Inilapit pa niya ang bibig sa tenga nito upang tiyakin na ito lang ang makakarinig ng kanyang sinabi. Saka nakasimangot pa niya itong inirapan.

Hindi napigilan ni Joaquin ang matawa dahil sa itsura niya.

"So nagseselos ka na n'yan?"

Bulong ulit nito sa kanya.

"Hindi ah' anong nagseselos?!"

Bigla s'yang natigilan at mabilis s'yang napalayo sa binata. Batid niyang napalakas ang kanyang boses. Kaya bigla niyang natutop ang bibig.

Lumikha kasi ito ng ingay na naging sanhi ng paglingon ng ilang mga bisita.

Tila naging agaw eksena tuloy sila maging si Joseph ay biglang napalingon at hinagilap s'yang bigla sa paligid.

Maging si Mandy at Tita Madz na Kasalukuyang kausap na pala ni Joseph nang lagay na iyon ay napatingin rin sa kanya.

Kung bakit hindi man lang n'ya namalayan na nakalapit na pala ang mga ito sa kanila.

"Hi! Tita Madz!" Agad na bati niya dito para maibsan ang pagkapahiya. Tumango naman ito at ngumiti.

"Hello hija!" Saad rin nito

Habang si Joaquin na tuluyang hindi na napigilan ang pagtawa. Para bang wala itong pakialam sa paligid.

Gusto tuloy n'yang mainis dito at tadyakan itong muli kung pwede lang sana. Dahil tila inilagay s'ya nito sa sitwasyon na hindi n'ya alam kung paano ito lusutan. Habang ito prente lang naman na tumatawa. Nakakainis talaga!

Paglingon niya kay Joseph nakakunot ang noo nito at palipat-lipat ang tingin sa kanila. Naroon din ang pagtataka kung bakit magkasama sila. Mabuti na lang agad s'yang nakalayo kay Joaquin. Paano na lang kung nakita nito ang pagkakadikit nila kanina?

Sobrang tensyonado tuloy ang pakiramdam n'ya ngayon. 

Pero bakit maging si Mandy ay tila matalim yata ang tingin nito sa kanya. Dahil napaka-seryoso ng mukha nito o baka rin naman naghahallucinate lang siya?

Subalit sa loob-loob niya bakit naman ito magagalit? Dahil ba kay Joaquin o kay Joseph? Tila gustong lumiyad ng kanyang dibdib at magdiwang sa isiping iyon.

Parang nadagdagan rin ang tiwala niya sa sarili. Hmmm, mukhang nagawa niyang inisin ito sa pagkakataong iyon.

"Hey! Joaquin, mukhang ang saya mo ngayon ah?"

Boses ng pinsan nitong si Jayz ang bumasag sa katahimikan ng lahat. Kaya napabaling dito ang kanyang tingin.

Tumayo ito at lumapit sa kanila mula sa kinauupuan nitong lamesa malapit sa pwesto nila.

Hanggang ngayon kasi nakatayo pa rin sila sa gilid ng ginawang malaking tent. Ang gitna nito ang nagsisilbing dance floor.

May mga lamesa at upuan sa paligid na nasisilungan naman ng mga malalaking payong.

Ang ibang mga bisita naman ay nagsisimula na rin magsayawan sa gitna ng tent. May mga nasa pool side at nagsisimula na ring maligo.

Habang ang iba naman ay nagkakatuwaan na at abala na sa pagkain at pag-inom.

"Tama si Jayz bro, bakit nga ba ang saya-saya mo yata ngayon at nakakapanibago?" Ulit na tanong ng pinsan nitong si Aldrich. 

Isa-isang lumapit ang mga magpipinsan sa kanila at nag-ipon ipon sa tabi ni Joaquin.

"Wala lang basta masaya lang ako, hindi naman masamang maging masaya di'ba?"

"Ang tanong sino naman kaya 'yung malas na babaing 'yun na nagpabalik ng ngiti mong 'yan kuya?" Singit naman ni Joshua.

"Teka nga bakit ba ako ang napapansin n'yo, sa pagkakaalam ko hindi naman ako ang may birthday ah?" Protesta niya.

"Masaya lang kami na malaman na nagbalik na ang dating ikaw. Welcome back, bro!"

"Tama!" Sabay-sabay na sigaw ng kanyang mga pinsan.

Saglit na bumaling ang tingin sa kanya ng binata at saka ngumiti.

Nang mga sandaling iyon ramdam niya ang kagustuhan nilang yakapin ang isa't-isa, subalit hindi nila magawa.

Dahil tanging ngiti lang ang kaya nilang ibigay ngayon sa isa't-isa.

Ilang segundo ang lumipas nang maramdaman na lang n'ya ang pagpatong ng kamay ni Joseph sa kanyang balikat.

Kaya awtomatikong nasundan niya ito ng tingin. Ito rin ang nagpaalala sa kanya na hindi pa talaga sila malayang mahalin ang isa-isa.

Wala namang kamalay-malay ang magpipinsan sa mga nangyayari sa pagitan nila.

"Sandali kumain na ba kayo? Kumain muna kaya kayo sige na! Sabay-sabay na kayo nila Tita Madz!"

"Naku, mabuti pa kayo na lang na mga kabataan ang magsabay sabay. Kayo na ang bahala dito kay Mandy. Doon na muna ako kila kuya ha?" Paalam naman nito.

"Yes Tita!"

"Ate Angelle, alam mo bang ayaw kumain ni Kuya Joseph ng hindi ka kasabay. Kaya kanina pa 'yan naiinip sa kahihintay sa'yo!" Saad naman ni Arvin.

"Ganu'n ba, bakit naman hindi ka pa kumakain?"

"Okay lang naman ako, hindi pa naman ako nagugutom kanina, kaya naisip kong hintayin ka na lang tutal sabi mo naman kasi susunod ka agad." Himutok pa nito.

"Pasensya na talaga, pero p'wede naman akong bumawi diba? Kaya halika na kumain na tayo nagugutom na rin kasi ako e' tara na?" Pilit n'yang pinalambing ang tinig upang kumbinsihin ito.

"Ehem! Ako ba hindi mo yayaing kumain Ate?" Pabiro pang tanong ni Joaquin.

Tila naman nanadya pa itong nagpapansin sa kanya.

"Hi Joaquin!"

Biglang bati naman ni Mandy kay Joaquin. Halatang inaagaw nito ang atensyon ng binata.

"Oh, hi!" Sagot naman dito ni Joaquin na sinabayan pa nang matamis na ngiti.

"Did you miss me?" Malambing na tanong ulit nito sa binata.

"Yeah, of course I do! Halika tayo na lang ang magsabay kumain. Tutal pareho naman tayong walang kasabay, nakakainggit naman sa kanila hindi ba? Pero dahil sa isang magandang dilag naman ang makakasabay kong kumain. I think sila ang dapat mainggit sa akin, right guys?" Pagmamalaki pa nito sa mga pinsan.

Tuwang-tuwa naghiyawan at nagtawanan naman ang mga ito. Dahil sa narinig na mga sinabi niya. Maliban lang sa kanila ni Joseph.

Sadya pa nga nitong ipinakita sa kanilang lahat ang masuyong pag-alalay nito kay Mandy at iginiya na ang babae patungo sa isang bakanteng mesa. Tila ba kinalimutan na ng mga ito na naroon pa rin sila.

Saglit s'yang natulala at walang magawa kun'di pagmasdan lang ang mga ito habang palayo.

"Woooh! Parang magkakaroon ng double wedding ah!hahaha"

Malakas na kantyaw pa ng isa sa magpipinsan. Kaya naman, lalo pang lumakas ang hiyawan at tawanan ng lahat.

_

Kung minsan nakakapagod rin pala ang maging mabait. Dahil sa totoo lang sobrang sama ng loob ang kanyang nararamdaman ng mga sandaling iyon.

Gustong-gusto n'yang hilahin ang buhok ni Mandy at ilayo sa lalaking mahal niya. Pero hindi niya kayang gawin dahil mas pinili lang naman niyang ingatan ang damdamin ng iba.

Alam n'yang sinadya talaga ni Joaquin na balewalain siya dahil hindi n'ya natupad ang pangako n'yang hindi na magiging malambing sa binata.

Isang bagay ang napatunayan niya ng mga sandaling iyon. Kaya niyang pigilan ang pagiging marahas. Subalit talaga pa lang mahirap pigilin ang sariling emosyon.

Maya-maya'y tanong ni Joseph.

"Okay ka lang?"

"Ha' ah, oo naman!"

Sinikap n'yang magpakita ng isang pekeng ngiti. Kahit ang totoo gusto nang sumabog ng kanyang dibdib. Dahil sa labis na sama ng loob.

"Halika na kumain na rin tayo gutom na rin ako, I'm sure gutom ka na rin!"

"O-okay tayo na!" Muli pa n'ya itong nginitian. Pinagsalikop naman nito ang kanilang mga kamay at saka ngumiti.

Tuluyan na nilang iniwan ang mga magpipinsan na nagsibalik na rin sa kani-kanilang pwesto.

Nagpalinga-linga muna si Joseph upang humanap ng mauupuan nila. Nang makita nito ang isang bakanteng mesa iginiya na s'ya patungo doon. Subalit kailangan muna nilang daanan ang pwesto nila Joaquin at Mandy.

Dere-deretso lang nilang tinungo ang bakanteng mesa. Pagtapat nila sa dalawa nagpanggap na lang s'ya na parang hindi ito nakikita.

Ginamit niyang basehan ang nararamdamang inis sa binata upang magawa niya itong balewalain. Tila heto na naman sila sa aso't-pusang relasyon. Minsan magkabati pero madalas magkaaway.

Pero hindi pa rin n'ya itong naiwasang lingunin nang tila sinadya nitong kunin ang kanyang atensyon.

"Ehem!"

"Okay ka lang ba honey?"

Malambing na tanong ulit ni Mandy sa kaharap na binata. Pakiramdam niya sinasadya talaga ng dalawang ito na inisin siya.

"Okay lang naman ako sweetheart, h'wag mo akong intindihin. Kumain ka lang d'yan!" Saad ng binata sa malambing ding tinig.

Alam naman n'ya na sinasadya lang talaga ng mga itong paringgan s'ya pero bakit ba s'ya naaapektuhan?

Bakit ba kasi, hindi s'ya nito maintindihan? Hindi na tuloy n'ya namalayan na kanina pa s'ya pinagmamasdan ni Joseph. Bago pa nito hinarap ang sarili nitong pagkain.

Kanina pa rin may nagserved sa kanila ng pagkain. Pero hindi pa rin niya ito nagagalaw.

"Meron ka bang hindi sinasabi sa akin or you might be something to say?"

Hindi lang s'ya nagulat, sobrang nabigla rin s'ya sa tanong nito. Saglit na tila nangangapa pa s'ya ng dapat n'yang isagot...

Ano nga ba ang isasagot niya?

Tila naghihintay ito ng isasagot niya kahit hindi pa ito nakatingin sa kanya at inaabala nito ang sarili sa pagkaing nakahain sa kanilang mesa.

"Ha' ah' wa-wala, a-ano bang sasabihin ko? Ano bang ibig mong sabihin?" Patay malisya niyang tanong.

Ngunit hindi maikakaila ang pagkalito sa kanyang boses.

Hindi!

Hindi pa rin n'ya magagawang saktan ito at aminin dito ang totoo. Kahit pa alam n'yang maaaring nakakahalata na ito ngayon. At marahil nagsisimula na rin itong masaktan.  

Saglit itong pumikit at huminga ng malalim. Bago pa ito muling nagsalita.

"Sige na kumain ka na, kalimutan mo na lang ang sinabi ko!" Saad na lang nito sa kanya.

Kung ano man ang dahilan o pumipigil dito upang h'wag s'yang komprontahin. Hindi n'ya alam kung ano o kung sadyang likas lang talaga ang pagiging mahinahon nito palagi.

Ito rin naman ang isang bagay na nagugustuhan niya sa pagkatao nito.

Subalit ito rin ang dahilan kung kaya't parang mas natatakot s'ya kapag ito ay nagalit.

Hinarap niya ang kanyang pagkain at pilit isinubo. Kahit pa wala s'yang malasahan gaano man ito kasarap.

"Dahan-dahan lang baka mabulunan ka n'yan? Hindi ako galit sa'yo kaya wala kang dapat ipag-alala."

Napaangat s'ya ng tingin at humarap sa binata seryoso naman itong nakatingin sa kanya. Ilang segundo rin sila na nakatingin lang sa isa't-isa at tila nagpapakiramdaman.

Hanggang sa naramdaman na lang n'ya ang hindi napigilang pagtulo ng luha mula sa kanyang mga mata.

Napalapit tuloy si Joseph sa tabi niya dahil sa pag-aalala.

"Are you okay?"

"Okay lang ako!"

Pero hindi na n'ya napigilan ang sariling yakapin ang binata. Marahil dahil na rin siguro sa nararamdaman niyang guilt.

Dahil hanggang ngayon hindi pa rin n'ya alam kung paano sasabihin dito ang totoo, kung paano ba n'ya ito sisimulan? 

Ngunit ang pagyakap niyang iyon ay hindi rin nakaligtas sa paningin ni Joaquin. Dahil kanina pa naman nito palihim na binabantayan ang mga kilos nila.

Naikuyom nito ang mga palad at pilit pinipigilan ang sariling h'wag umalma.

His heart's full of jealousy that time. He felt like a bomb that anytime, soon to be explode.

But he suddenly remembered the promised that he would not disturb it tonight.

Kung kaya't kailangan n'yang kumalma...

Ang lahat ng ito ay hindi rin kaila kay Mandy. Dahil kanina pa rin ito nakikiramdam lang at palihim na nagmamasid.

"Sige lang pagbutihin n'yo para mas masaya! Hindi ko na pala kayo dapat sirain. Dahil kayo na mismo ang sisira sa inyong mga sarili." Bulong nito sa sarili. Tila nagdiriwang ang isip nito ng mga sandaling iyon.

Naka-plaster na rin ang pekeng ngiti nito sa labi sa tuwing pagmamasdan nito si Joaquin. Habang okupado rin ang isip nito sa mga bagay na naglalaro sa isip.

Hinahayaan lang n'ya ito na gamitin s'ya upang pagselosin si Angela. Dahil matagal naman na n'yang alam na nagkakagustuhan ang dalawa.

Muli s'yang ngumiti at humarap sa binata. Alam n'yang sa simula pa lang hindi na ito naging interesado sa kanya. Dahil isang babae lang ang umuokupa sa puso at isip nito at nagkukunwari lang din ito sa kanya.

Okay lang dahil pabor din naman ito sa kanya. Bukod pa sa hindi rin naman talaga s'ya interesado dito. Isa lang naman ang nais n'ya ang magkagulo-gulo sila.

Simple lang naman ang gusto n'yang mangyari...

Ang pagkasira ni Angela sa lahat,  ang mapaghiwalay niya si Joseph at Angela. Ang magkasira ang magkapatid ng dahil sa babaing iyon.

Dahil siguradong isa lang naman ang kapupuntahan nito. Alin lang sa dalawa ang mahiya ito at umalis ng kusa o tuluyang mapalayas sa poder ng mga Alquiza.

Kapag nangyari iyon, pareho na lang sila ngayon. Parang dagang walang sariling lungga.

* * *

By: LadyGem25