Chereads / AFTER ALL (Tagalog Novel)(Book 1) / Chapter 51 - C-50: THE PLAN

Chapter 51 - C-50: THE PLAN

Ang masakit na alaala ng kahapon ay sadyang nag-iiwan ng pilat sa puso ng sinuman.

Ito rin ang dahilan kung bakit napupuno ng galit ang puso, na s'yang nag-uudyok upang maghiganti...

"Papang, hindi ka dapat namatay hindi mo pa kami dapat iniwan. Ipinapangako ko Papang magbabayad siya sa ginawa niya sa inyo ng Mamang. Magbabayad si Anselmo sa pinakamasakit na paraan."

Ang pagkamatay ng kanyang ama at ina ang mga alaalang hinding-hindi niya malilimutan. Ito rin ang dahilan kung bakit hanggang ngayon hindi siya matahimik.

Dahil hangga't alam niyang nabubuhay ang taong iyon. Ito ang dahilan ng lahat ng paghihirap niya. Hindi siya mabubuhay ng masaya, gaya ng gusto ng Papang niya.

"H'wag kang mag-alala Papang magiging masaya rin ako. Kapag nagawa ko na ang lahat ng plano ko. Kapag nagbayad na ang taong iyon sa ginawa niya sa atin. Dahil ngayon alam ko na kung paano ko siya pagbabayarin! Patawarin mo ako sa gagawin ko pero ito lang ang alam kong paraan para pagsisisihan niya ang lahat ng ginawa niya sa'yo, sa Mamang at sa'kin. Naririnig mo ba ako Papang, magbabayad si Anselmo sa atin. Kapag nangyari 'yun magiging masaya na ako Papang kasama ang apo mong si Kisha. Makakapamuhay na rin kami ng tahimik at masaya." Bulong niya sa sarili na hindi na alintana ang paligid.

"Hey, okay ka lang darling?"

Kaya nagulat pa siya ng marinig niya ang boses ni Madi sa kanyang tabi.

Kanina pa ito nagsasalita pero sobrang layo ng lipad ng kanyang isip. Kaya ni hindi na niya  naramdaman ang pagpasok nito sa kwarto.

"Huh, ikaw pala Madam!"

Mabilis niyang pinahiran ang halos tuyo ng luha sa kanyang mga mata. Sinikap niyang pakalmahin ang sarili at pilit ngumiti.

"Anong Madam ka d'yan? Ano't ang aga-aga nagdadrama ka, problema mo Iha?" Nakataas ang kilay na tanong nito.

Dahilan para siya mapangiti sa aura nito na ang dating makapal na kilay na ngayon naging isang linya na lang at mukhang malapit na ring maubos dahil sa kakaahit nito.

"Bruha ka, h'wag ang mukha ko pagdiskitahan mo at hindi ako ang may problema, ikaw!"

Lalo lang tuloy siyang napabungisngis ng tawa dahil sa itsura nito ngayon, na alam niyang nagsisimula nang mainis sa kanya.

Madalas kasi niya itong biruin noon at sabihin dito na darating ang araw na magpapadrawing na lang ito ng kilay sa kanya at mukhang mangyayari na nga ito sa hinaharap.

"Good morning!" Bati niya na sinabayan niya ng matamis na ngiti upang kahit paano maibsan ang inis nito. Bahagya rin napawi ang kanyang kalungkutan.

"Bruha ka talaga, alam na alam mo kung paano ka makakalusot sa akin. Oh' siya tumayo ka na d'yan at tanghali na. Tanggal na ba ang hang-over mo?"

"Medyo sumasakit pa ang ulo ko pero okay na ito ililigo ko na lang. Nasaan nga pala sila Kisha at ate Yolly?" Naisip niyang itanong.

"Si Yolly naglalaba na, si Kisha naman ayun ginagawang laruan nu'n tatlong boys."

Gulat siyang napalingon dito dahil sa sinabi nito.

"Sinong boys?" Nagtatakang tanong niya.

"Sino pa 'yun tatlong pamangkin ko hindi pa rin sila umaalis. Wala na yatang balak umalis. Sobrang natutuwa kay Kisha hindi maiwan ng mga loko. Sabi ko alagaan muna nila at titingnan lang muna kita."

"Hindi p'wede!" Parang wala ito sa sariling tatakbo sana palabas.

Subalit mabilis itong hinarang at pinigilan ni Madi.

"Ano ka ba, bababa ka ng gan'yan ang itsura mo nakita mo na ba ang itsura mo sa salamin at saka anong hindi p'wede?"

Awtomatikong napalingon siya sa harap ng salamin sa tokador. To realize that, what a messy face she had? Magulo ang kanyang buhok na halos tumakip na ito sa kanyang mukha. Ang make-up niya na hulas na rin at lipstick niya na kalat na rin sa kanyang bibig. Oh' may gulay ano bang nangyari sa damit niya konti na lang lalabas na ang kanyang kaluluwa.

Hindi naman siya nag-aalala kahit pa malasing siya kapag si Madi ang kasama niya. Dahil alam niyang parang anak na ang turing nito sa kanya. Pero hindi ang makita ng iba...

"Tingnan mo nga 'yang itsura mo, parang gusto nang humiwalay ng buhok mo d'yan sa ulo mo. Hindi ka naman gumagamit ng piluka, right?"

Sabi nito habang titig na titig sa kanyang buhok na tila gustong magtaka.

Bigla tuloy siyang napahawak sa kanyang buhok at marahang inayos ito. Nakaramdam rin siya ng konting kaba at pagkailang.

"S'yempre hindi, alam mo namang malusog at maganda ang buhok ko noon pa man."

Huminga muna ito ng malalim at tila nakumbinsi naman niya ito agad. Dahil talaga namang maganda at malusog ang buhok niya noon pa man.

Kaya nga gustong gusto nitong maging personal siya nitong modelo. Bukod sa maganda niyang tindig at height, dahil na rin sa magandang hubog ng kanyang katawan, mukha at buhok. 

Hindi naman 'yun kataka-taka dahil maganda at gwapo yata ang Mamang at Papang niya...

Pagmamalaki pa niya sa sarili, subalit ibig na namang mag-ulap ng kanyang mga mata sa muling pagkaalala niya sa mga ito.

Miss na miss na kasi niya ang mga ito. Kahit alam niya na hindi na niya ito makikita pa kahit kailan.

Samantalang ang babaing iyon, napakasaya pa niya habang ako ang nagdurusa at nahihirapan.

Nabubuhay sa takot dahil sa hayup na Anselmo na 'yun! Pero konting panahon na lang malapit na rin silang magbayad sa'kin.

Bulong niya sa sarili.

"Hey, ano bang mukha 'yan, ano bang iniisip mo? Pabago-bago ka ng aura, from teary eyes to anger. Lately napapansin ko na masyado ka nang nagiging malalim ha! Dati ka nang malalim pero mas lumalim ka pa mula ng magbalik ka. Bakit ba may pakiramdam ako na ayaw mong magtiwala sa'kin? Hindi naman siguro 'yan dahil sa ama ng anak mo, tama?"

"Labas siya dito, wala siyang kinalalaman sa problema ko!"

Mabilis at sigurado niyang sagot sa malakas na tono.

"Hey! Okay ka lang, ano ba talaga ang problema mo ha?"

"I'm sorry, nabigla lang ako kalimutan mo na lang ang sinabi ko. Hindi pa lang talaga ako handang sabihin ang problema ko kahit kanino. Kilala mo naman ako hindi ba? Balewala naman sa akin ang problema. Alam mo rin naman na ikaw lang talaga ang pinagkakatiwalaan ko sa lahat, kaya nga sa huli sa'yo pa rin ako tumatakbo. Sobrang komplikado lang talaga ayaw ko lang madamay ka pa at maging problema mo pa ang problema ko. Kaya sana maintindihan mo ako, sorry na ha!"

"Oh' siya sige na, ano pa nga ba ang magagawa ko? Hindi naman kita mapipilit, sabagay problema mo 'yan. Pero sana kapag hindi mo kaya alam mong nandito lang ako, ha. Sige na maligo ka na at ayusin mo ang sarili mo bago ka bumaba. Alam mo naman na may mga buwisita tayo sa ibaba."

"Okay, salamat ha? Salamat sa pang-unawa." Kahit paano naibsan ang kanyang pag-aalala.

Saka na lang muna niya iisipin si Kisha, hindi na muna ngayon. Bahala na!

"Sige na maligo na, bababa na ako!"

Tuloy tuloy na nga itong bumaba, napahinga na lang siya ng malalim ng tuluyan na nga itong makaalis. 

Ah' paano nga ba niya sasabihin dito ang totoo? Gayu'ng alam na alam naman niyang hindi siya nito kakampihan sa oras na malaman nito ang totoong layunin niya. Lalo na kung may kinalalaman sa pamangkin nitong si Joseph ang lahat ng mga plano niya.

Sigurado siyang hindi siya nito maiintindihan. Kaya hindi pa nito dapat malaman sa ngayon. Hindi niya hahayaan na may makasira pa sa mga plano niya sa ngayon.

Dahil ito lang ang paraan para magbayad sila... Ito lang!

__________

Alas singko pa lang ng madaling araw gising na si Angela upang muli tulungan si Nanay Soledad sa pagluluto at paghahanda ng Almusal.

Kahit sa kabila ng hindi maganda nangyari ng nagdaang gabi. Alam niyang wala na siyang dapat ipag-alala pa. Dahil maayos na ang lahat, kaya kahit paano magaan na ang kanyang pakiramdam.

Bukod pa sa excited din siya ngayong araw. Dahil kagaya ng nakaugalian nila sa Farm sila mag-aalmusal ngayong umaga ng Sabado.

Magmula ng bumalik siya ĺnang Pilipinas ngayon lang ulit niya ito magagawa. Sobrang naging abala kasi siya sa ibang bagay kaya hindi na siĺa nakakasama kay Liandro sa Farm.

Dahil patapos naman na ang klase sa eskwela. Kaya kahit paano ngayon maaari na siyang magrelax muna. Sayang wala si Joseph, hindi niĺya ito natuloy tawagan kagabi. Hindi rin naman ito tumawag sa kanya.

Ngayong umaga tumatawag ulit siya hindi naman nito sinasagot. Bakit kaya? Hindi naman niya naiwasang magtaka.

Napabuntong hininga na lang siya at napailing.

"Okay ka lang ba anak? Tahimik ka na naman at panay na naman ang buntong hininga."

"Okay lang po ako Nay! H'wag po kayong mag-alala." Nginitian niya ito bilang patunay.

"Kung iniisip mo pa rin 'yung nangyari kagabi..."

Hindi na niya ito pinatapos magsalita.

"Okay na po 'yun Nay, kalimutan na po natin 'yun!" Muli siyang ngumiti.

"Hay! Mabuti naman kung ganu'n. Mabait na bata naman talaga 'yan si Joaquin. Nagbago lang siya mula noong nangyari sa kanila ni Liscel. Masyado kasi siyang nasaktan noon. Kaya Ikaw na sana ang magpapasensya sa batang iyon."

"Ah' naiintindihan ko po w-wala pong problema sa akin 'yun Nay!" Nagiguilty tuloy siya dahil sa sitwasyon nila.

Lalo yatang nagiging mahirap para sa kanya habang tumatagal. Para bang lahat na lang ng taong makakaharap at makakausap niya sa bahay na ito kailangan niyang pagsinungalingan.

Makalipas ang oras pagkatapos nilang magluto. Ipinahatid na rin nila agad ito upang maiayos naman ng mga tauhan sa Farm.

Maaaring sa mga oras na ito nakarating na rin si Liandro sa Farm nagpaalam na rin kasi itong mauuna at hindi na sila hihintayin na matapos. Nagkape lang ito at umalis na, malapit lang naman ang Farm mula sa bahay ng mga Alquiza.

Maaga pa kaya may oras pa siya para mag-ayos ng sarili. Naisip niya kung gising na kaya si VJ sa oras na ito?

Habang pumapanhik siya ng hagdan panay ang unat niya ng kanyang braso. Para na rin siyang nag-eexercise kahit paano nare-relaxed siya sa ginagawang iyon.

Subalit bigla siyang natigilan ng lumalakad na siya sa pasilyo. Si Joaquin kasi ay prenteng nakasandal sa labas ng pintuan ng kwarto nito. Mukhang pababa na sana ito maaaring naantala lang dahil nakita siya nitong parating.

Napansin rin niya na parang kaliligo lang nito at nakabihis na rin. "Aba kaaga-aga may lakad" Hindi niya naiwasang ibulong. 

Pero habang lumalakad siya palapit, tila ba nakangiti pa ito habang siya'y pinagmamasdan. Nakaramdam tuloy siya ng pagkailang at hiya na parang gusto niyang umurong.

Pero alam niyang isang katangahan kung gagawin pa niya iyon. Kaya nagpatuloy lang siya sa paglakad. Sabay bulong, bakit ba ngayon pa siya maiilang.

Kung bakit kailangan pa kasi niya itong lagpasan bago ang kwarto nila ni VJ.

Pero tuloy-tuloy lang siyang lumakad matapos niya itong batiin at tanguan.

Ang buong akala niya hindi siya nito papansinin. Pigil niya ang paghinga ng magkatapat na sila nito.

Paglagpas niya sa kinatatayuan ng binata saka lang siya nakahinga ng maluwag.

Subalit muli niyang nahigit ang kanyang paghinga ng bigla na lang siya nitong yakapin mula sa kanyang likuran. OMG! Ano bang ginagawa nito? Muling bulong ng isip niya.

Gusto niyang magprotesta subalit tila ayaw naman sumunod ng kanyang katawan. Daig pa nila ang nagka-cuddling sa sobrang higpit ng yakap nito sa kanya.

Nakadikit ito sa kanyang likod kaya ramdam niya ang mainit na pakiramdam na nagmumula sa katawan nito. Nalalanghap rin niya ang mabangong amoy ng ginamit nitong sabong pampaligo. Dahil sa yakap nito para bang ipinaghehele ang kanyang pakiramdam.

Ano bang nangyayari sa kanya? Muli tanong niya sa sarili.

"Wala ka ba talagang balak na pansinin ako, kaya mo ako nilalagpasan?" Tila nagising naman siya sa kahibangan ng magsalita ito.

"Joaquin, ano na naman ba itong ginagawa mo baka may makakita sa atin?"

"Wala namang makakakita sa atin kaya h'wag kang mag-alala. Wala na ang Papa nagpunta na sa Farm, wala pa rin si kuya Joseph at yung asungot niyang pusa. Kaya walang dahilan para mabahala ka!"

"Kahit na, alam mong mali pa rin itong ginagawa natin!"

"Mali? Kung tutuusin wala namang mali sa ginagawa natin. Pareho lang tayong takot na aminin ang totoo. Dahil pareho lang tayong takot na makasakit ng iba. Lalo na kung mahal din natin ang taong sasaktan natin, hindi ba?"

Pinilit niyang makawala sa yakap nito upang magkaharap silang dalawa.

"Kung ganu'n alam mo naman pala, bakit ang kulit mo pa. Kaya kailan mo ba maiintindihan na hindi tayo pwede? Magiging magulo lang ang buhay natin pareho kapag ipinilit pa natin ang isa't-isa. Nakita mo naman ang nangyari kagabi hindi ba? Si Papa pa lang 'yun, paano kung si Joseph pa ang makakita ng paglapit-lapit mo sa'kin, ha! Ano na lang ang mangyayari sa inyong dalawa? Mag-aaaway kayo ng dahil lang sa akin at iyon ang hindi ko mapapayagang mangyari. Dahil higit na mag-alala at masasaktan ay ang Papa. Naiintindihan mo ba?"

"Alam ko naman 'yun hindi ko rin naman gustong mag-alala ang Papa. Hindi naman kailangang ipaalam natin agad sa kanila. P'wede namang..."

Hindi na niya ito pinatapos magsalita.

"At ano ang ibig mong sabihin ang patuloy silang lokohin ganu'n ba?"

"Hindi, s'yempre hindi, makinig ka!" Hinawakan siya nito sa magkabilang pisngi.

"Gagawin lang naman natin iyon habang hindi pa tayo handang humarap sa kanila. Gagawa ako ng paraan, susubukan kong kausapin ang Papa sa paraang maiintindihan niya tayo." 

"Hindi! H'wag mong gagawin 'yan please, nakikiusap ako." Hinawakan pa n'ya ang braso nito upang makumbinsi ito.

"Anong gusto mo, ganito na lang tayo palagi? Pinipilit nating iwasan ang isa't-isa kahit hindi tayo komportable. Hanggang kailan, hanggang sa yayain ka nang magpakasal ni Kuya Joseph kahit hindi mo s'ya mahal?"

"M-mahal ko s'ya!" 

"Sinungaling! Hindi mo mahal si Kuya Joseph, hindi mo lang maamin 'yun! Dahil alam mong sobra siyang umaasa sa'yo at sa pagmamahal mo. Naprepressure ka lang kaya hindi mo siya magawang ireject!"

"Hindi totoo 'yan! Dumating ka lang kaya ginugulo mo ang isip ko. Noong wala ka naman okay lang, wala kaming problema."

"So, ako ang problema? Sige pangatawanan mo 'yan! Okay i-convince mo ang sarili mo na mahal mo si Joseph. Hanggang sa ikaw na mismo ang malunod sa sarili mong problema. Ano nga ba pakialam ko, balewala naman talaga ako sa'yo. Ang hirap mo kasing mahalin!"

"Joaquin, intindihin mo naman sana ako! Tama ka, hindi lang naman ikaw ang nahihirapan. Dahil nahihirapan din ako sa sitwasyon natin."

"Kung naging ibang tao ba ako, malaya mo akong mamahalin?"

"Hindi lang naman si Joseph ang dahilan ko, kung bakit ayokong magkaroon ng kompromiso sa inyo pareho. Dahil hindi naman normal ang buhay ko sa simula pa lang hin..."

Hindi na rin siya nito pinatapos magsalita.

"Kung iniisip mo ang kalagayan mo, wala akong pakialam. Handa akong tanggapin ka kahit ano pa ang mangyari?"

"P'wes ako hindi, hindi ko gusto na pati kayo mahirapan ng dahil sa sitwasyon ko! Hindi ko alam kung hanggang kailan ako magiging ganito at walang kasiguraduhan kung babalik pa ba ako sa dati... Kung maaalala ko pa ba ang pinagmulan ko, kung ano ba ako o kung sino ba ako?!" Histerical niyang saad.

Muli naman siyang nilapitan ng binata at bigla na lang niyakap. Hindi na niya ito nagawang iwasan pa. She feels upset this time.

Until she found herself embrace him back instead of stay away.

"Hush! I don't want to cause you to cry, stop crying okay?" Muli hinawakan nito ang magkabila niyang pisngi.

Unti-unti rin nitong inilalapit ang mukha sa kanyang mukha upang sana siya ay mahagkan.

Subalit...

Sabay pa silang nagulat at napatigil nang biglang may nagsalita. Magkasabay rin nila itong nilingon, habang magkalapit pa rin sa isa't-isa.

"Mama... Papa! Anong ginagawa n'yo d'yan?" Inosenteng tanong ni VJ subalit tila nangingiti.

"Ha? wala!" Magkasabay rin nilang sagot.

Naitulak pa niyang palayo ang binata, buti na lang agad itong nakakuha ng balanse.

"Pambihira ka naman anak, nakakagulat ka!"

"Gising ka na pala anak, kanina ka pa ba d'yan?"

"Hindi po Mama..." Nakangiti nitong saad at muling nagpatuloy sa pagsasalita.

"Bakit kasi nandito kayo sa labas? Hindi kayo pumasok sa loob, hindi ko naman po kayo isusumbong kay Lolo eh. Saka hindi ko naman po kayo nakitang nagkiss!"

"What?"

"Ano?"

Nagkasabay pa nilang tanong?

*****

By: LadyGem25