Chereads / AFTER ALL (Tagalog Novel)(Book 1) / Chapter 46 - C-45: THE PAST "Darius Ramirez"

Chapter 46 - C-45: THE PAST "Darius Ramirez"

Bang...

Bang!

Bang!

Sunod-sunod na putok ng baril ang pumailanlang sa paligid. Kasabay nito ang malakas na pagtawa ni Anselmo at ng mga kasama nito...

Ito ang lalong nagpatindi ng pagkaligalig sa katauhan ni Darius.

Subalit hindi siya maaaring sumuko, hindi ngayon! Kailangan silang makaalis ng Hacienda, makarating hanggang sa dulo...

Mahigpit niyang hawak ang kamay ni Annabelle habang patuloy lang sila sa pagtakbo.

Patuloy namang nagpaputok si Anselmo, hindi pa ito nasiyahan. Pinasundan pa nito sa mga tauhan ang mag-asawang Darius at Annabelle.

"Sige sundan n'yo sila h'wag n'yo silang titigilan hangga't hindi sila nakakalabas ng Hacienda. Ang gusto ko manginig sila sa takot sa akin. Hanggang sa hindi na nila ako magawang tingnan sa mata. Maswerte sila kung makakalabas pa sila ng buhay."

Kahit pa ramdam niya ang sobrang sakit ng katawan sa kabila ng mga tinamong sugat at bugbog sa katawan. Hindi siya maaaring sumuko, hindi sila dito mamatay. Ito ang bulong ng kanyang isip.

"Makinig ka mahal ko, kahit anong mangyari h'wag kang bibitaw sa'kin naiintindihan mo? Makakalabas rin tayo dito sandali na lang..."

"Darius natatakot ako!huhuhu..."

"Lakasan mo ang loob mo, hinihintay tayo ng mga anak natin kailangan natin silang balikan!"

Bang!

Bang!

"Ahhhhh... Darius hindi ko na kaya!" Takot na takot na sigaw ni Annabelle.

"H'wag kang matakot nandito lang ako sa tabi mo hindi kita iiwan. Magkasama tayong makakalabas dito." Pagpapalakas niya ng loob kay Annabelle. Kahit siya mismo punong-puno na rin ng takot sa dibdib.

"Hayun sila bilisan n'yo!"

"Hindi... Hinahabol nila tayo bilisan mo ang takbo malapit na tayo!"

"Darius... Maaabutan na nila tayo!"

"Tumakbo ka lang h'wag kang titigil malapit na tayo!"

"Sige takbo pa... Darius, takboo!"

Sigaw ng mga tauhan ni Anselmo kaya lalo pa nilang binilisan ang pagtakbo.

Malapit na silang makarating sa hangganan ng Hacienda. Kaya naman nabuhayan na nang loob si Darius alam niyang ligtas na sila.

"H'wag kang mag-alala malapit na tayo sa hangganan maaari na tayong makalabas. Hinihintay na tayo ni Amanda at Ama...!"

Bang!

Hindi na niya naituloy pa ang sasabihin dahil sa biglang pagtama ng bala sa kanyang balikat. Bigla na lang siyang napaluhod.

"Darius! Darius..."

"Hah! Tu-tumakbo ka na i-iwanan mo na ako... U-umalis ka na!"

Kahit hirap pilit pa rin niyang pinagtulakan si Annabelle.

"Hindi... Hindi kita iiwan Darius!"

"S-sabi nang umalis ka na!"

"Ano Darius nahihirapan ka na ba, palagay n'yo ba makakalabas pa kayo ng buhay dito? Hindi na Darius!" Sigaw ng tauhan ni Anselmo na tila nasa paligid lang...

"Malapit na sila u-umalis ka na!"

"Hindi! Ayoko, hindi kita iiwan..."

"Ang tigas ng ulo mo... Ahhh!"

"Darius! Tulong....."

"Hayun sila Darius at Annabelle."

"Darius? Tulong, tulungan n'yo kami! huhuhu"

"H'wag ka nang sumigaw Miss Annabelle. Dahil walang tutulong sa inyo dito hindi n'yo na ito teritoryo kaya mamatay na si Darius at susunod ka na rin!"

"H'wag a-ako na lang... H'wag n'yo siyang ga-galawin!"

"Aba, matapang ka pa ha!"

Saad ng pinaka-lider ng grupo na si Gido. Itinaas pa nito ang hawak na riple upang sana ay ipukpok kay Darius, subalit hindi na nito naituloy matapang itong hinarangan ni Annabelle. 

Noon naman nagsilabasan ang grupo ng mga tao, babae at lalaki. Ang iba ay tauhan nila sa Hacienda. Tila nakahanda na ang lahat na makipaglaban. Hihigit pa sa isang daang katao ang kanilang bilang.

May mga dala silang iba't-ibang klase ng pananggalang. Dala nila ang kahoy, itak, pala o kahit ano mang bagay na p'wede nilang magamit sa pakikipaglaban.

Habang ang iba ay may dala ring riple. Pero ang higit sa lahat baon nila ang tapang at lakas ng loob upang harapin ang kalaban.

Ito ang huling alaala sa isip ni Darius na lubos na nagbigay ng kakaibang pakiramdam at kaligayahan sa kanyang puso.

Bago pa niya tuluyang ipinikit ang kanyang mga mata at unti-unting nawalan ng kamalayan.

________

DARRYL RAMIREZ

Maganda ang gising ni Darryl nang umagang iyon. Magaan ang kanyang pakiramdam, maaga siyang naligo at nag-ayos ng sarili.

Maaga rin kasi siyang papasok ngayon. Hindi dahil maaga ang kanilang klase kun'di may kailangan lang siyang gawin kaya kailangan niya ng ekstrang oras. At hindi rin 'yun p'wedeng gawin dito sa bahay.

Lalo na at kadarating lang ng Daddy niya galing ng Europe.

Pababa na siya ng hagdan dala na ang kanyang backpack at handa na sanang umalis. Pero nakita niya ang kanyang ama na tila sadyang hinihintay siya sa pagbaba ng hagdanan.

Bigla tuloy siyang nag-alangan na bumaba subalit nakita na siya nito kaya wala na siyang nagawa kun'di ang magpatuloy.

"Good morning po, Dad!"

Alanganin niyang pagbati na sinabayan ng ngiti. Nangunot naman ang noo nito at nasa mukha ang pagtataka.

"Ang aga mo yata, papasok ka na ba? I thought you're eating breakfast with us together?"

"Maaga po kasi ang pasok namin ngayon kaya sa school na lang ako magbe-breakfast."

"Ah' ganu'n ba, kung nagmamadali ka bakit hindi ka pa nagsuot ng uniform mo? Gusto ko pa naman na makita ka na naka-uniform, Iho!"

Nakangiting saad pa nito.

"A-ano kasi Dad, nagmadali na ako kaya naisip ko na sa kotse na lang magbihis at saka naiwan ko kasi 'yun coat ko sa school."

"It's okay Iho, no need to explain. Naiintindihan ko naman kayong mga kabataan. But you know what son? I can't wait to see you, working at the Hospital."

"Daddy matagal pa po bago ako makarating du'n mas mabuti kung magfocus lang muna ako sa academic."

"Tama Iho, magfocus ka lang muna sa studies mo. Konting panahon na lang naman resident doctor ka na... Pagpasensyahan mo na Iho, excited lang talaga ako na makasama na kitang magtrabaho sa ospital."

"Opo Dad... I think, I'd better to go na! Baka po kasi ma-late na ako sa klase ko, mamaya na lang po tayo ulit mag-usap."

"Okay sige Iho hindi na kita aabalahin pa. But make sure na makakain ka ng breakfast okay?"

"Okay sige po Dad, aalis na po ako!"

"Pagbutihin mo lang anak, I love you!" Saad pa nito sabay halik sa gilid ng kanyang noo.

"I love you too Dad.." Agad na siyang tumalikod at umalis matapos rin itong halikan.

Tuloy-tuloy siyang lumabas hanggang sa marating niya ang kanyang sasakyan. Sa idad niya ngayong 19 anyos pinapayagan na rin siyang makapag-drive ng sarili niyang sasakyan.

Ang mismo Daddy niya ang nagbigay nito sa kanya, isang red sedan bilang 18th birthday gifted nito sa kanya last year. Kahit nasa ibang bansa ito that time hindi ito nakakalimot sa birthday present nito sa kanila lalo na sa kanya.

Sobrang guilt tuloy ang nararamdaman niya ngayon. Kumpara nu'n nasa Europe pa ito at sa video call lang sila nag-uusap. Pero kahit ano pa ang gawin niya ngayon, hindi na niya mababago ang sitwasyon. Dahil wala rin siyang balak baguhin pa ito.

Nagkataon na magkaiba ang gusto nilang mag-ama, iba ang pangarap niya sa pangarap sa kanya ng kanyang ama.

Kahit kailan hindi pa rin niya pagsisisihan ang kanyang ginawa. Dahil ginusto naman niya ito kahit puno pa siya ng guilt. Handa niyang panagutan ang lahat at saluhin ang galit ng Daddy niya basta h'wag lang ngayon.

Dalawang taon na lang naman ang ipaghihintay niya. Dahil nasa huling semester na siya sa ikatlong taon niya sa kolehiyo.

Konting panahon pa at graduating na rin siya hindi man niya nasunod ang pangarap ng kanyang ama. Sisiguraduhin naman niyang maipagmamalaki rin siya nito sa pinili niyang propesyon.

"I'm sorry Dad, for being rebellious son!"

Bulong pa niya sa sarili bago pa ini-start na ang sasakyan at tuloy-tuloy nang umalis patungong eskwelahan.

Patuloy na lumipas ang mga araw bahay, eskwelahan lang ang routine niya. Sinikap rin niyang iwasan na makasalubong nang madalas ang Daddy niya. Hindi pa kasi siya handang harapin ito ngayon.

Subalit hindi yata nakikisama sa kanya ang pagkakataon. Dahil isang gabi pag-uwi niya isang pangyayari ang hindi niya inasahang magaganap...

Kagagaling lang niya sa school ng araw na iyon. Masayang masaya siya at pakanta-kanta pa... Naging maganda ang buong maghapong ito sa kanya. Dahil ngayong araw sinagot na siya ni Annabelle kaya ang saya-saya nila kanina.

Ngayon pa lang iniisip na niya kung ano ba ang maganda niyang gawin para bukas sa unang araw ng kanilang relasyon.

Hindi naman siguro magiging sagabal sa pag-aaral niya ang pakikipagrelasyon? Besides, ito pa nga ang inspirasyon niya kaya nga mas lalong gusto niyang magsumikap sa kanyang pag-aaral.

Dahil mahal na mahal niya ang dalaga at marami siyang pangarap para sa kanilang dalawa. At sisiguraduhin niyang matutupad ang lahat ng iyon.

Masayang pangako niya sa kanyang sarili. Hindi na nga niya napansin ang sasakyan ng kanyang ama na naroon na rin sa garahe.

Samantalang iyon ang una niyang tinitingnan nitong huling mga araw, pagpasok pa lang niya ng gate. Pero ngayon nawala ito sa isip niya kaya naman wala siyang kamalay-malay sa nakaambang problema nang araw na iyon...

Pagbaba niya ng kanyang sasakyan agad na siyang pumasok sa kabahayan habang masayang sumisipol pa...

Subalit bigla na lang siyang naumid at napahinto sa bungad ng sala nang makita niya ang presensya ng kanyang ama at kapatid na tila ba nagtatalo.

Ang unang pumasok sa isip niya umurong, tumakbo o di kaya ay magtago. Dahil ang takot sa kanyang ama simula pa sa kanyang kabataan ay nanatili pa rin sa kanyang dibdib. Ramdam pa rin niya ang panginginig ng katawan sa tuwing makikitang galit ito.

Hindi pa rin pala nabago ng nagdaang panahon ang ganoong pakiramdam sa kanyang sistema.

He still scared to his Dad's anger, but he realized one thing happen. Where on Earth he takes the strength to fooled his father?

Saan nga ba niya nakuha ang lakas ng loob o tapang para suwayin ito at gumawa ng bagay na alam naman niyang ikagagalit nito ng husto? Pero ginawa pa rin niya...

Paraan na rin ba ito nang pagrerebelde niya sa kanyang ama?

"There you are... Asshole!"

Malakas na sigaw at mura nito, habang pigil ito ng kanyang kuya na h'wag makalapit sa kanya.

Thereafter, he might think to go and run. But his Dad's attention throw on his direction.

What he can do now? He asked himself...

"Don't you ever think to go and run, Darryl... You're not going anywhere and stay where you are, I'm warning you!" Tila dumadagundong ang boses na saad nito.

Parang naisip na rin ng kanyang ama ang naisip niya, a minute before...

Bigla siyang natigilan ni hindi niya maigalaw ang kanyang mga paa. Napuno agad siya ng kaba, dahil sa isip niya alam niyang may kasalanan siya.

"Dad please... Kausapin mo siya ng maayos." Pakiusap pa nang kanyang kapatid.

Nangangahulugan lang ito na alam na nang Daddy niya ang lahat.

And that mean's, he never escape anymore. Never to run!

Face the consequences and claim the punishment. It's the only way, he can do now and to way out...

But he never expect that his Dad's do it before he knew it, a minute after.

Isang malakas na bigwas sa kanyang panga ang nasalo ng kanyang mukha. Naging dahilan tuloy ito ng pagdugo ng ipin at pagputok ng kanyang labi.

Pagkatapos ay dinaklot nito ang kuwelyo ng kanyang damit.

"Walanghiya ka, kailan mo pa ako niloloko ha?"

"Dad, sorry!"

"Sorry, 'yan lang ang sasabihin mo? Ginawa mo akong tanga, asang-asa ako na magiging doctor ka... Yun pala ginawa mo lang akong gago, punyeta ka!"

Pasalya siya nitong itinulak kaya sumadsad siya sa sahig. Pero nagpilit pa rin siyang tumayo.

"Dad!" Gulat na sigaw ng kanyang kuya agad itong lumapit sa kanya.

"Dad, alam mong hindi ko gustong maging Doctor iba ang gusto n'yo sa pangarap ko kailan n'yo ba 'yun maiintindihan?"

"Nangako ka at nagkaintindihan na tayo hindi ba? Pero anong ginawa mo niloko mo pa rin ako nagsinungaling ka sa'kin. Ako ang ama mo kaya ako pa rin ang masusunod! Itigil mo na ang pagsalungat sa'kin. Mag-aaral ka ng Medisina sa ayaw at sa gusto mo at sa Europe mo na rin ipagpapatuloy ang pag-aaral mo para siguradong mababantayan kita, nagkaintindihan ba tayo?"

"Ayoko Dad, bakit n'yo ba ako pinipilit?"  

"Talaga bang sinusubukan mo ako Darryl, bakit hindi mo gayahin ang kuya mo? Dahil sa pagsisikap niya Resident Doctor na siya ngayon and maybe soon isa na rin siyang Internist. Pero ikaw ano ang mangyayari sa'yo sa pagiging Arkitekto?! Kung walang kumpanyang magtitiwala at susuporta sa'yo sa propesyong iyan mapag-iiwanan ka lang naiintindihan mo ba?"

"Wala ka bang tiwala sa akin Dad? Bakit hindi mo na lang ako hayaan sa gusto ko?"

"Anak kita kaya alam ko kung ano ang makakabuti para sa'yo kaya h'wag mo nang ipilit ang gusto mo! Dahil alam ko naman kung bakit mo ito ginagawa? Kaya mas makakabuti para sa'yo na layuan mo na rin ang babaing iyon. Hindi siya magandang impluwensya sa'yo mas mabuti kung hihiwalayan mo na rin siya! Huwag mo nang hintayin na ako pa ang gumawa ng paraan kung paano siya mawawala sa landas mo! You know me Son, and you know what can I do?"

"Ano Dad... Bakit pati 'yun kailangan mong pakialaman?"

Kung ganu'n pala alam na rin ng kanyang ama ang tungkol kay Annabelle. Hindi na rin siya magtataka ito naman talaga ang gawain ng kanilang ama sa buhay nilang magkapatid. Ang pakialaman at bantayan ang mga kilos nila na walang pinagkaiba sa isang preso. Tila ba may mga mata sa paligid nila na hindi nakita.

Laging nakamonitor ito sa kanila kahit pa lagi itong wala sa tabi nila. Dahil wala itong ginawa kun'di magpakadalubhasa sa pagiging isang Doctor. Mula nang mamatay ang kanilang ina sa cardiac arrest at ang kakambal niya sa congenital diseased.

Hindi na rin ito nagkaroon ng katahimikan. Ang hindi niya maintindihan kung bakit gusto rin nitong sumunod sila sa mga yapak nito at ano ba talaga ang gusto nitong patunayan?

"Dahil hindi na rin naman kayo magkikita kaya mahihirapan lang kayo pareho. Dahil isasama na kita pagbalik ko ng Europe."

"Hindi ako sasama sa'yo Dad, ayokong  pumunta ng Europe o kahit saan. Dito lang ako kung saan ako magiging masaya?!"

"Ang tigas talaga ng ulo mo. Bata ka pa anak marami ka pang makikilalang iba. H'wag ka munang magseryoso ngayon mag-aral ka muna! Ipapaayos ko agad ang passport mo at mga papeles. Then be ready with in a week, okay?" 

"No... I'm not going anywhere, Dad and not going with you!"

"H'wag mo ako subukan Darryl! Don't get me mad at you or else you will be sorry!"

"Then don't make me, as your puppet too Dad... Because, I'm not like kuya Darren!"

"What?!"

*****

By: LadyGem25