Habang nasa biyahe kami. Hindi mapakali ang kamay ko.
" Wag kang matakot. Nandito ako " malamig na boses nito. Na nagpakalma sa aking kaba.
" Salamat " ngiti kong saglit.
Nang makarating kami sa prison. Huminga ako ng malalim para paghahanda. Ipinark ni John ang kotse sa tapat. Bumaba na kami sa kotse.
" Ready ka na? " tumango ako.
" Pwede bang dito ka nalang sa kotse. Laban ko to. Baka kasi madistract ako " Tumango siya.
" Okay lang " nagpasok na ako sa opisina.
* A few moments later
Nang maisulat ko na lahat. Tinanggap ng chief ang impormansyon.
" Wag po kayong mag-aalala. Sisiguraduhin po namin na makukulong ang taong ito " tumayo na ako at nakipag-shake hands.
" Salamat po chief " umalis na ako. Pero may tumawag sa akin.
" Celine!!!! patawarin mo na ako " Alam kong si Ramos yon.
" Chief pwede bang makausap si Ramos? " nanlaki ang mata nito.
" Ano bang pumasok dyan sa utak mo! Baka kung ano nanaman ang gawin nya sayo. Delikado ang iniisip mo! " alam ko naman pero bago sya makulong ng 10 taon gusto ko syang makausap.
" Desidido na ako. Madali lang " pagpupumilit ko.
" Oh sige. Palabasin na yang gago na yan " umupo ako sa isang upuan.
" Celine patawarin mo na ako..... " huminga muna ako bago nagsalita.
" Akala ko mapapagkatiwalaan ka, Walang hiya ka!!! " hinampas ko sya ng buong lakas.
" Aaminin ko lahat ng pagkakamali ko. Pero Celine nagbago na ako. Lubos kong sinisisi ang sarili ko sa lahat ng ginawa ko sayo " tumayo ako sa harapan nya.
" Nararapat lang yan sayo!!! Sa lahat ng mga ginawa mo sa akin. Binaboy mo ako! nawalan ako ng dignidad sa aking sarili. Nung mga oras na ginawa mo yun sa akin. Ibang-iba ka sa taong nakilala ko sa loob ng buong taon. Hindi na kita kilala. Akala ko nang magkatrabaho ka na.....naabot mo na ang gusto mo. Hindi ka magbabago. Pero bakit ganto...Anong nangyari sa Ramos kong nakilala ko noon " biglang pinukpok nito ang lamesa.
" Kasi ayoko na! ayoko nang maging mahina. Tapak-tapakan, minamaliit at kinahihiya ng mga tao. Kaya nagtapos ako para umangat sa buhay maging mayaman! " umupo ako ulit.
" Di ba mayaman kayo? Di ba? " umiling ito.
" Hindi yon sapat para kilalanin ako. Tiningalain ng mga tao, pero nagawa ko lang yon kasi akala ko magkakachance na magkakagusto ka sa akin "
" Eto nanaman tayo eh Eto nanaman. Ilang beses ko bang sasabihin sayo na kaibigan lang ang tingin ko sayo. Mahirap bang intindihin yon! " may diin na salita.
" Yun na nga eh! Yun ang problema. Bakit sa dami-daming lalake sya pa! pwede naman ako na lang " sinuntok ko ang lamesa.
" So anong point mo? Ano? Ah alam ko na nagseselos ka sa kanya. Anong sa tingin mo? kapag naging mataas ka nang tao mababago mo ang takbo ng mundo " nang hindi makasalita ipinagpatuloy ko.
" Tapos naghihiganti ka sa tingin mo sulosyon ang ' REVENGE ' Ramos naman "
" Celine plsss patawarin mo na ako..... " umalis na ako sa lugar na yon. Iniwan ko syang magisa.
Nakita ko si John panay hindi mapakali. Natatawa ako sa kanya. Sobrang consern nya sa akin. Hindi ko rin alam na matagal ang existence namin pero wala paring pagbabago sa paligid ganon parin.
Lumapit ako sa kanya. " John..... " tumawa ako ng buong galak. " Kamusta??? " tanong nya na walang emosyong puminta. " It's great " nakakatawa na sagot. Bigla nyang hinawakan ang mukha ko at iniharap sa kanya. " May pupuntahan tayo " pumasok agad sya sa kotse. " Tara na " pumasok narin ako sa kotse. " San tayo pupunta? " naiinis na ko rito.
" Basta secret " Napakamot nalang ako sa ulo ko.
Bumiyahe kami sa express way. Ang haba naman ng biyahe. Sulit naman kung mabubungaran mo ang isang magandang tanawin. Pero may kalakip na nakaraan.
" Bakit mo ako dinala sa lugar na ito? Kung saan maraming masasayang alala kami ng mga magulang ko " bumaba si John sa sasakyan para buksan ang pinto.
" Basta magtiwala ka lang " bumaba ako ng kotse. Hinawakan nya ang kamay ko.
" Gusto kong balikan ang nakaraan kasi duon nakasulat at nakatala ang mga alala na nagbigay sa atin ng tamang kahulugan sa buhay " anito.
Naglakad kami papuntang Isla.
" Saka nga pala may isa pa akong surprise " humarap ako sa kanya naghihintay kung anong sasabihin.
" Ayun sila oh " tinuro niya ang isang kubo.
Nakita ko si Kuya Henry At si Hayden. Napaluha ako sa kanila. Salamat naman at mabubuo ulit kami na masaya.
©Love To The Destiny