Chereads / Love To The Destiny / Chapter 36 - 36 The Club

Chapter 36 - 36 The Club

Nagtext na ako kay Kuya. Pinagpaalam ko na hindi ako uuwi ngayon. Habang naglalakad ako sa tabing dagat. May nagsalita sa tabi ko.

" Hi Miss Marisse Celine Smith " ang nakakainis na may ari ng resort. Anong pake ko sayo!

" I'm sorry. Hindi ko naman sinasadya ang nangyari. Sorry narin dahil hinawakan kita ng walang paalam. Nasanay na kasi ako sa ibang babae. Pero promise iba ka sa kanila " tsk! many explanation. Tsss.

" Ang ayoko ko sa lalake. Palagi nalang magsorry. Pero sa susunod ganon ulit ang asal. Pareho lang kayo mga lalake. Mga babaero, konting pagod aalis na. Sakit lang sa ulo " nagkibit-balikat ito.

" Maraming lalake na hindi perpekto. Nagkakamali, kayo bang mga babae? Perfect ba kayo? Di ba kahit wala na kayo.....naghahanap parin kayo ng chance na magkaroon kayo ng magkabalikan kahit hindi naman na pwede. Kayong mga babae ang rurupok nyo! konting pakilig lang babalikan nyo na kahit na paulit-ulit na kayong nasaktan" Wala akong maisagot nakakainis.

" Alam mo kung may problema kayo ng boyfriend mo. Wag mo igaya sa iba. Kung yang boyfriend mo kagaya ng iba. Wag ka nang magtaka halata naman sa mukha " hinampas ko ang ulo nya.

" Gag* ka ha " natatawa na sabi ko sayo.

" Anyway san ba may pampalipas oras dito? Ikaw naman ang may ari ng resort na'to. Libre mo na ako " tumawa sya sa akin.

" Pero ngayon lang to ha " Naglakad na kami. Ewan ko ba kung saan ako dadalhin nitong 'MAY-ARI NG RESORT'.

***********

Lahat ng mga nagtatrabaho bumabati sa kanya. Siguro ang laki ng kinikita nya rito. Oo namn manager na at may-ari pa ng resort. Hay Sana all pero ganon din naman ako ah. Kaya lang Manager lang.

" Oh kanina ka pang wla sa sarili. Pasensya na ha kung ako ang dahilan kung bakit kayo nagaway hindi ko namn intensyon na...." agad akong nagsalita sa kanya kaya naputol.

" May beer ka ba jan? " agad syang tumango.

" Seryoso uminom ka ng alak? Ibang klase talaga to ah " inilapag ng waiter ang baso ng alak para sa aming dalawa.

" Bakit sa tingin mo ba hindi ako uminom? na simple lang ako. Yun ba ang inakala mo? " agad na sagot ko sa kanya.

" Malay ko ba? Na isang Miss Marisse Celine Smith na may boyfriend, mataray at simple lamang manamit ay may alam uminom ng alak " sarkastong sabi nito.

" Lalaki lang ba ang uminom? Teka.....iniinsulto mo ba ang damit ko. Galing ibang bansa to no?! " Sabi ko sa kanya. Nagiinit ang ulo ko.

" Hindi namn. Pero seryosong tanong sinong nagturo sayong uminom ng alak? " natigilan ako sa sinabi nya. Naalala ko tuloy si Ramos sya ang nakakabatang kaibigan ko simula nung mga bata kami.

" Bakit? Bakit gustong malaman ng isang Jake Francis Padillo? " hindi ko agad ipagkatiwala ang pagkatao ko sa taong hindi ko pa namn kilala.

" Bakit? Masamang malaman? Full of Mystery ba ang buhay ni Miss Marisse Celine Smith? " ininom ko agad ang isang basong alak. Alam kong sobrang tapang pero nasanay na rin ako sa lasa mas magaling narin ito kaysa sa Wine.

" Oh! Dahan-dahan lang. Ano bang ginawa mo sa Bar nato kala ko...Gusto mo lang magpalipas oras yun pala gusto mo lang magpakalasing. Bumalik na tayo sa Resort ihahatid kita pauwi " hinila nya ang kamay ko.

" Ayokong umuwi. Wag na muna ngayon gusto ko bukas nalang. Saka hindi pa namn ako lasing. Kung gusto mong bumalik sa trabaho okay lang iwan mo na ako " binitawan nya ako. Humingi pa ako ng alak. Ininom ko agad ito.

" Talaga bang gusto mong ubusin ang isang bote ng alak? Nasan na ang cellphone mo tatawagan ko yung boyfriend mo para ihatid ka nya " kinuha ko ang cellphone sa bulsa ko.

" Hindi na! ako na ang tatawag " sinubukan kong tawagin pero wala cannot be reach. Uminom uli ako.

" Ano? sinagot ba? Tama na yan" pinigilan nya akong uminom pero ayoko itigil. Hindi nya namn sasagutin ang tawag ko. Nagaway kami kanina.

Pamaya may tumawag sa akin. Si Ella bakit kaya?

" Ella napatawag ka? " panimula ko.

" Nasa Bar kaba? Sinong kasama mo? " tanong nya.

" Oo nasa Club ako. Wla akong kasama ako lang. Sa tingin ko nga may tama na yung iniinom kong alak kahit nakaapat na ako " sagot ko. Pero tinitigan ako ni Jake pero umiwas ako.

" Bess wag kang magugulat ha sa sasabihin ko. Steady kalang "

" Kagagaling ko lang sa hotel ni John. Akala ko kasi kasama mo sya. Itinanong ko sa kuya mo. Sabi baka daw magkasama kayo. Pumasok ako sa kwarto. Nakita ko may kahalikan sya na ibang babae. Balak ko kasing sabihin sayo kanina kaso baka mabigla ka. Isesend ko sayo ang pic " bumagsak ang luha ko.

" Salamat best magiingat ako paguwi bukas " pinatay ko na ang cellphone.

" Sir! May pinapipirmahan lang po sa inyo. Mabilis lang daw po " Sabi ng secretary ni Jake.

" May gagawin lang ako. Babalik ako pamaya" Sabi nya. Pinunasan ko ang pumatak na luha. Tumango lang ako.

At ngayon ang gagawin ko. Lalaklakin ko lahat ng alak. Bahala na kung malalasing ako ng masyado.

©Love To The Destiny