Hindi ko inaasahan na isusurprise niya pala ako. Niyakap ko si Kuya ng mahigpit.
" Kuya, ano to? Bakit sinurprise nyo ako? " umalis ang kuya nya sa pagyakap.
" Bakit hindi mo itanong sa kanya? Idea niya to" humarap ako kay John.
" Sige mauna muna kami Celine para makapag-usap kayo " Sabi ni hayden. Tumango na lang ako.
Humarap kami sa dagat. Saka nagsimulang nag-usap.
" Idea mo ba talaga, to? " pagsisimula ko.
" Yes. It's my idea. Naisip ko kasi para naman mapawi ko naman ang nararamdaman mo sa nangyari kanina. Yung takot na sabihin mo ang totoong pangyayari o pagbibigay ng statement sa pulis. Alam ko wala akong karapatan na gawin to pero.....Di ba? Sabi ko sayo dito lang ako. Nandito lang ako hindi kita iiwan " humarap ito kay John.
" Akala ko nuon iba si Ramos. Kaya pinili ko sya na makasama kaysa sayo. Ngunit nagkamali ako. Mali pala ang pinagkatiwalaan ko. Ginamit nya ang kahinaan ko para lamang sa kanyang sarili. Hindi man lang nya ako pinahalagahan " humarap ulit ito sa dagat.
" Nung mga araw na hindi kita nakakasama. Siguro sa sobrang lungkot. Nung lasing kaming dalwa, duon ko ibinuhos ko ang sama ng loob ko " Bumuntong hininga ito.
" May mga araw na dumaan ang lumipas. Nakita kita sa Milktea shop. Kung saan ako nagtatrabaho. Nakita kita may kasamang babae. Masaya kayong dalwa; nagtatawanan at bagay kayo " suminghot ito.
" Perfect couple nga kayo eh. Parehas kayong mayaman tapos maganda pa sya, matalino. Hindi katulad ko, kung hindi ako nagsikap baka hindi ako ganito ngayon "
" Celine you don't have to be rich, intelligent and many money to have. Wag mong baguhin ang sarili mo. You don't deserve it. Gawin mo ang makakapagpasaya sayo. Yun ang nararapat na gawin mo " naglakad ito palayo kay John.
" Siguro nga tama ka pero..... "
" Oppss walang but...but " pinatigil ni john sa pagsasalita si Celine.
" John kain muna tayo. Nagugutom na kasi ako " napahalakhak si John.
" Sabi ko nga. Let's go " kahit kailan talaga panira tong tummy ko hayssstt.
Pagdating namin sa kubo kung saan huling nakasama namin ni Kuya Henry sina mommy at daddy.
" Naalala mo ba to Celine? Paborito mo to dati kaso baka hindi katulad na masarap magluto ni mommy " itinuro ni kuya ang ginataang shrimp. Napansin ko ang pagkalungkot ng mukha nya.
" Kuya wag kanang malungkot, Sino bang nagluto nito? "
" Ako!!! " nagulat ako kay John nang biglang nagsalita ito sa tabi ko. Kumuha ako ng plato at kubyertos. Tinikman ko iyon kasabay ng mainit na kanin.
" It's yummy huh. Hey kuya try it. It's the same. Katulad ng luto ni mommy " napangiti si kuya kaya sinimulan na rin nyang kumain.
" Yeah your right. It's good " tumikim din si kuya.
" No it's not good " nangunot ang mga noo namin kay Hayden.
" It's really good, Very good haha " Napakamot tuloy si John.
" Kala ko hindi nyo magugustuhan ang luto ko. Yun pala masarap " napatawa si Celine ng malakas
" Ano kaba? Ikaw pa ba. Sa lahat ka kaya magaling haha "
" T-Talaga? " ungkat nito na parang hindi sigurado.
" Yes. Really! " Masaya na sabi ko. Kinuha ko sya ng plato at kinuha ng kanin.
" Eat first. Okay lang ako " Hindi na pigilan niyang matawa.
" Ano kaba! minsan na nga lang gawin ko to. Pagbigyan mo na ako. Kahit ngayon lang " na sinundan pa ng dalaga ng wagas na tawa.
" I'm really thankful that your happy. Ilang taon narin ng masilayan ko ang tawang yan. Kaya sasamantalahin ko na " inilapag ng dalaga ang plato na kanina lamang ay kinuhanan ng kanin at pang-ulam.
" Thank you "
" Your welcome your highness haha " masyadong na gustuhan ni Celine ang Shrimp na niluto ni John sa kanila.
10 Minutes after meal.
" Masyado yata akong na busog baka tumaba ulit ako nito. Mahirap pa naman na magwork-out " lungkot na sabi niya.
" Nakakatawa ka kapag ganyan. Na miss ko yang nagpout ka. Sana lagi kang ganyan. Masaya, nagpout tapos malaya walang problema. Yung totoo kalang sa sarili mo " nasa tono nito ang seryosong sinabi.
" Salamat kasi naranasan ko muli ito. Alam mo pa ang naging special sa akin? "
" What is it? "
" Yung makasama ka sa oras na to. Salamat talaga. This is the best in my..." bigla nyang dinampi ang labi sa akin. Na inalayo naman pagkatapos. Nagulat pa ako sa ginawa nya.
" Celine, can we start again with me? " pareho kaming nagkatinginan. Pero sandali lang yon.
" S-seryoso ka? Talaga? " hindi ko makapaniwalang na lalabas sa bibig ko.
" Celine...can you be my girlfriend? " Kinuha nya ang kamay ko. Hindi ko maintindihan ang isasagot ko pano na'to.
" Ok lang hindi naman kita minamadali " pero sa kadahilanan na hindi ko agad makasagot. Binitawan nya dahan-dahan ang kamay ko at humarap sa karadagatan.
" Hayaan ko munang palamigin ang sitwasyon kapag nakalipas at kaya muna. Iintayin ko ang desisyon mo. Nung tinanong ko sayo ito. Hindi nakisama sa atin ang tadhana kaso nagbaba-kasakali din naman ako ngayon baka nga hindi pa ito ang tamang panahon " tumalikod na sya sa akin at lumayo sa tabi ko.
" John " tumingin siya sa akin bilang tanong sa akin na (Bakit?).
" I'm s-sorry " tumawa sya sa akin tapos pinagpatuloy ang paglalakad.
Humarap ako sa karagatan. Bandang alas-12:30 pm na ng tanghali. Sa kalagitnaan ng sikat ng araw nakalantad ang mga balat ko. Na dati lamang ay ayokong masikatan ng araw ang mga balat ko. Nagulat na lang ako ng biglang may sumigaw sa akin.
" Hey! Celine! Umalis ka nga dyan! Di ba ayaw mong mabilad sa init ng araw! Kasalanan ko pa kung magkasakit ka dyan! " si Hayden pala. Habang papalapit sa akin sa tabing dagat na kanina lamang ay katabi ko si John.
" Bakit mo naman magiging kasalanan? " tanong ko sa kanya. Natatawa pa ito pagkatapos.
" Basta, natatawa ako sa tanong mo. Tara na! " sabay kaming naglakad ni Hayden. Papunta kay kuya sa Hotel.
©Love To The Destiny