" Yes. I'm Her boyfriend " ano bang sinasabi nya. Wala naman akong boyfriend. Pero sya yung ex ko.
" Oh nice to meet you. I'm the owner of this Resort. Hindi ko sinasadya na mahawakan ang girlfriend mo. Kung saan ka kasi na punta kaya napupulot ng iba " sinuntok ni John. Bigla rin syang sinuntok nito. Ang lakas ng pagkakasuntok sa kanya dumudugo na yung bibig ni John.
" John Tama na. Okay lang ako " tumigil na si John. Kawawa naman sya. Humarap ako dun sa Jake.
" Naghahanap ka ba talaga ng gulo at sakit sa katawan? Aalis na kami " Umalis na kami sa restaurant. Pero biglang hinabol kami ng waiter.
" Bakit? " takang tanong ko.
" Eto daw po ang cheque " kinuha ko ang cheque. Lumapit ako kay Jake.
" Salamat ha sa cheque. Pero hindi ko na kailangan nyan " pinunit ko sa kanyang harapan. Ang cheque dapat pala hindi ko nalang kinausap yung lokong yon.
HABANG nakaupo kami sa balcony ni John.
" Bakit ka ba kasi kinausap yung t*nga na yon?" naguguilty tuloy ako sa nangyari.
" Mahabang kwento. Hindi na kailanman mauulit iyon. Hindi na. Pasensya kana ha napahamak ka tuloy. Sinuntok kapa ng b*b0 na yun " kinuha ko sa drawer ng living room ang first aid kit. Para gamutin ang sugat nya sa mukha.
" Eto ang gamot. Akin na yang mukha mo. Gagamutin ko nakipagsuntukan ka pa kasi sa push*t na yon. Yan tuloy ang napala mo " nakahawak ang mga kamay ko sa jaw nya. Napapangiwi sya kasi siguro sa hapdi ng sugat.
" Wag ka ngang malikot. Kapag dumugo to mas masakit. Saka kapag hindi to magamot lalong dudugo ng grabe yan " nakatitig sya sa akin. Hindi ko naman maiwasan na mapatingin.
" Yan tuloy hindi na clear skin. Bakit ka nga pala naririto? " tanong ko sa kanya. Kumuha ulit ako ng cotton para ipagpatuloy ang betadine sa sugat nya.
" Sinabi kasi ng kuya mo. Na wala syang tiwala sa grab. Kaya makisabay ka na lang daw sa akin " consern ba sya sa akin o sinunod lang nya ang utos ni Kuya.
" Pano mo nalaman na kausap ko yung Jake na yon sa restaurant? " nilagyan ko na ng band aid ang sugat nya.
" Hinanap muna kita sa hotel kaso wala ka dun. Paglabas ko nakita kita dito sa restaurant. Nakita kita kausap mo yung lalaki. Hinawakan nya ang kamay mo naalala ko tuloy yung ginawa sayo ni...Kaya nilapitan kita agad " hindi agad ako nakapagsalita.
" I didn't know what to say " hinawakan nya ang kamay ko. Napakainit ng palad nya may sasabihin ba sya sa akin na hindi ko alam.
" Simula pa nung napasok palang tayo. Kilalang-kilala na kita alam ko ang kahinaan mo, Alam ko lahat ang tungkol sayo. Kaya give me a chance to protect you, alagan kita sa mga taong nakapaligid sayo, Hayaan mong kahit wala ang kuya mo nandito naman ako so..... " sana maintindihan nya ang sasabihin ko.
" Hindi agad ako makapagdecide sa sarili ko. Ayokong magmadali sana naiintindihan mo " biglang tumayo sya kaya ganun din ako. Ipinatong ko cabinet ang mga gamot sa sugat.
" Celine! ano pa bang pruweba ha! para makita mo na hindi na kita sasaktan" aalis ako sa harapan nya. Pero hinawakan nya mahigpit ang balikat ko.
" Dahil natatakot na ako. Natatakot na akong sumugal. Gusto ko pagbinuksan ko ulit ang puso ko gusto ko tapos na ang sakit. Ayokong magdesisyon ng mali ng paulit-ulit " napahiyaw ako sa harapan nya. Hindi ko na pigilan ang emosyon ko.
" Sorry John. Leave me alone" Iniwan ko sya sa living room. Tumaas ako sa kwarto para ayusin ang sarili ko. Bumaba ulit ako. Nakita ko syang nakaupo sa sofa. Lumapit sya sa akin.
" Sorry Celine. Please forgive me" Yung paulit-ulit nlang kayong ganito. Nagaaway, Nagsisigawan, Umiiyak, pero sa huli hihingi ng tawad palagi nalang kaming ganito.
" Umuwi kana. Magpahinga sabihin mo kay Kuya gusto ko dito muna. Hayaan mo na akong gawin ang gusto ko. Gusto kong mapag-isa at magpahangin sa dagat " Iniwan ko sya sa veranda.
©Love To The Destiny