Mairy Alois Hernandez
Pinagmasdan ni Alois ang mga dahon na bumabagsak sa lupa. Ang pagsayaw ng mga halaman, puno at bulaklak sa tuwing iihip ang hangin. Gumagaan ang pakiramdam niya sa tuwing naririnig ang mga munting kaluskos mula sa mga nagtatamaang dahon.
Inayos niya ang ilang hibla ng kulay pilak niyang buhok na kumawala sa pagkakatali ng buhok niya. Her pale cheeks' started to turn into crimson because of the heat. Despite how hot it is, Alois remained seated at the porch. Magaan sa pakiramdam ang tanawin. Mula sa malayo ay natatanaw niya ang malaking palasyo. Parang wala sila sa loob ng lupain kung saan nakatirik ang palasyo, ayos na iyon para sa kanya kaysa naman sa manatili siya sa palasyo. Para kasi siyang sinasakal sa tuwing naaalala niya ang nangyari noon sa palasyo. She's thankful for Ignis, inilayo siya nito sa palasyo.
Bumuntong hininga siya. Hindi pa rin siya makapaniwala na ang dating lugar kung saan nagsimula ang lahat ay ang siya ring lugar kung saan ipinatayo ni Ignis ang bahay nila. The tree where Ignis asked her to become his life is still standing, mighty and healthy. Hindi maiwasang hindi maging emosyonal ni Alois nang maalala ang nakaraan.
She saw the old Alois and Ignis, nakaupo sa ilalim ng puno. Parehas na nakangiti at masaya. Pinunasan niya ang luha sa mata nang marinig ang pagbukas ng pinto. She didn't bother looking at that person, she already knew who it was. It's Ignis. Silang dalawa na lang naman ang nasa bahay. Sila Lithana at Rilen ay nasa paligid lang at binabantayan silang dalawa, susulpot lang ang mga ito kapag babantayan siya sa malapitan o hindi kaya'y may ipaguutos si Ignis. At sa mga oras na ito ay alam na alam ni Alois na nakamasid lang ang dalawang 'yon.
Ignis held her shoulder. Binalingin niya ito ng tingin. Binigyan pa niya ito ng nagtatanong na tingin. Hinawakan ni Ignis ang kamay niya para alalayan siyang tumayo. Ignis' no longer wearing a suit. Simpleng long sleeve na lang ang suot nito. Naka tucked-in ito sa kulay itim nitong pants at hindi na rin ganun kagarbo ang suot nitong boots.
Inangat ni Ignis ang kamay para takpan ang sinag ng araw na tumatama sa mukha ni Alois.
"You've been sitting there for a long time." Pagkatapos ay pinagpag nito ang suot niyang dress.
Nasanay na si Alois kay Ignis. Noon pa man ay sanay na siya sa lalaki. Sa mga kilos nito. At hindi maipagkakaila ni Alois na bumibilis ang pagtibok ng puso niya sa mga kilos nito. Hindi na ito ang dating Ignis na walang ibang ginawa kundi ang saktan siya, physical man o emosyonal. Ang kasama niya na ngayon ay ang dating Ignis.
Nag-iwas ng tingin si Alois nang ibalik ni Ignis ang tingin nito sa kanya. Muli ay pinagmasdan ni Alois ang paligid, sakto at may dumaan na karwahe sa hindi kalayuan. Palabas ito sa likurang gate ng palasyo. Malayo iyon pero alam ni Alois na sa labas ang punta ng karwaheng iyon. Hindi maiwasan ni Alois na mainggit sa taong nakasakay sa karwahe. Ilang buwan na ba siyang hindi nakakalabas?
Hindi alam ni Alois na pinagmamasdan siya ni Ignis. He saw how Alois' pouted her lips. Kitang-kita niya sa mga mata ni Alois ang inggit. Kinuha na ni Ignis ang tyansa na iyon para senyasan sila Lithana at Rilen na nagmamasid ngayon sa kanilang dalawa.
"Prepare my carriage." He mouthed. Rilen nodded his head. Yumuko pa ito bago umalis habang si Lithana naman ay nanatiling nakatayo. Sinenyasan niya ito na kumuha ng cloak para kay Alois. Katulad ng ginawa ni Rilen, yumuko rin ito bago umalis.
Ibinalik ni Ignis ang tingin kay Alois, ganun rin si Alois. Nagtama ang tingin nila ni Ignis. Nagulat si Alois nang bigla itong ngumiti. Hindi siya sanay na makitang nakangiti ang lalaking kasing lamig ng yelo. Palihim na hinaplos ni Alois ang pisngi niya. Alam ni Alois na mas lalong namula ang pisngi niya. She tsked.
Wala sa oras niyang naibalik ang tingin kay Ignis nang ipulupot nito ang kamay sa bewang niya. Ipinatong ni Ignis ang kamay sa umbok niyang tiyan. Hindi nailang si Alois, sa halip ay napangiti siya. Huli na nang mapagtanto ni Alois na ngumiti pala siya dahil nakita na ni Ignis ang napakagandang ngiti nito sa labi. Alois tsked. Tinaasan niya ng kilay si Ignis bago hampasin ang kamay nito na nakapatong sa umbok niyang tiyan.
Ilang beses na sinubukan ni Alois na alisin ang kamay nito ngunit hindi nagpatinag si Ignis. Alois gave up. Mas lalong ngumuso ang labi niya nang marinig ang pagtawa ni Ignis. Hinaplos ni Ignis ang tiyan niya bago ito lumayo. Ang akala niya ay titigilan na siya nito ngunit nagkamali siya. Natagpuan niya na lang si Ignis na nakaluhod sa harap niya. Ang mga isang kamay nito ay nakapatong sa tagiliran niya at ang isa naman ay abala sa paghaplos sa sinapupunan niya.
Nangilid ang luha sa mga mata ni Alois sa sunod na ginawa ni Ignis. Pinagdikit nito ang noo sa umbok niyang tiyan. Ignis planted soft kisses while caressing her tummy. Nakangiti ito at masayang masaya.
Alois knew that Ignis really do love the baby inside her womb, pero siya? Hindi niya alam kung ano ba ang nararamdaman niya. Kung hindi dahil sa batang dinadala niya, hindi naman siya makukulong sa palasyo. Pinilit lang siya ni Ignis at ang resulta nito ay ang batang lumalaki sa sinapupunan niya. If only Ignis didn't force her, siguro kung resulta ng pagmamahal ang bata ay matatanggap niya ito.
Alam ni Alois na isang malaking katangahan na kamuhian ang sariling anak. But she can't stop blaming the baby, ito ang dahilan ng paghihirap niya. Susubukan niya, susubukan niyang alisin ang galit sa puso niya. Susubukan niyang tanggapin ang bata. Like how her mother did to Ignis. Ang tanggapin ito sa pamilya nila kahit na ito ang sumira sa masaya nilang buhay.
"You're crying."
Napabalik siya sa sarili nang maramdaman ang palad ni Ignis sa kanyang pisngi. Pinunasan nito ang luha na kumawala sa kanyang mata gamit ang hinlalaki nito. Nag-aalala si Ignis. Saglit siyang pumikit atsaka pinunasan ang pisngi. Alois smiled, dahilan para mapatigil si Ignis.
"Ganito naman talaga ang mga buntis, emosyonal." Pagkatapos ay lumayo siya ng kaunti kay Ignis. Nag unat siya atsaka inayos ang suot.
Muling pinagmasdan ni Alois ang kapaligiran. She wants to go out. Gusto niyang pumunta sa bayan at maglibot. Like what she always do back then. Nagsasawa na rin kasi siya na palaging nakakulong sa loob ng lupain ng kaharian. She wants to see the town. Pero impossible na makalabas siya. Ignis wont let her.
"Gusto mo bang lumabas?"
Gulat na naibalik ni Alois ang tingin kay Ignis. Ganoon na lang ang gulat niya nang makita si Lithana na nakatayo sa likuran ni Ignis. May hawak itong cloak. Inabot nito ang hawak na cloak kay Ignis.
Inaya siya ni Ignis na lumabas ng palasyo. Sa sobrang tuwa niya ay nagawa niyang yakapin si Ignis. Ignis laughed. Pinaghalong gulat at saya ang nararamdaman ni Alois ngayon.
"I don't want to see you crying, are we clear, Alois? Kapag may gusto ka, tell me and I'll give you everything you've wanted." Aniya Ignis habang sinusuot sa kanya ang cloak na kulay beige.
Tumango siya.
Huminto si Ignis sa pagtali ng laso sa supt niyang cloak. Ignis looked deeply into her eyes. He planted soft kisses on her forehead bago nito ilahad ang kamay sa harap niya.
Alois didn't waste any second. Nakangiti nitang tinanggap ang kamay ni Ignis. Hindi nagtagal ay huminto na ang karwahe sa hindi kalayuan. Nakangiti ang dalawa nang tahakin nila ang daan papunta sa karwahe.
Rilen and Lithana smiled. Kitang kita sa mata ng dalawa kung gaano ito kasaya.
Maybe Alois can give Ignis her heart again. Maybe it's time for them to fix their broken hearts. Alois thought. Hindi nawala ang pagmamahal niya kay Ignis, nabalot lang ito ng galit. Her love for him is still there.
She still loves Ignis despite all the heartaches he gave to her. She still loves him eventhough Ignis ruined her family.