Mairy Alois Hernandez
Hindi mapigilan ni Alois ang saya at excitement na nararamdaman. Nang makasakay sila sa karwahe ay hindi na kaagad siya mapakali. Panay ang paglinga niya sa labaa ng bintana ng karwahe. Para siyang bata na ngayon lamang pinayagan ng magulang na makapunta sa bayan.
Kitang-kita sa mukha niya ang galak na nararamdaman. Even her eyes shows how happy she is, ngunit nandoon pa rin ang kaba. Medyo matagal na rin kasi mula noong makaabas siya sa palasyo at ilang taon na rin ang lumipas mula nang makita niya ang siyudad ng emperyo ng kaniyang ama.
Marami kayang nagbago? Sa totoo lang, hindi na maalala ni Alois ang itsura ng siyudad. Napabuntong hininga siya.
Isang katanungan ang umokupa sa kaniyang isipan. Paano kung makilala siya ng mga taong bayan? That she's the King's daughter. Ano na lamang ang sasabihin ng mga ito sa oras na malaman nila na ang ampon ng kanilang hari ay ang siyang ama ng ipinagbubuntis niya. They will mock her because she ended up being a concubine.
Isang marahang tapik sa balikat ang nagpabalil sa kaniyang sarili. Mukhang napansin nito ang pagkabalisa niya.
"Are you okay?" Nag-aalalang tanong nito atsaka marahang hinawakan ang kamay niya.
Tumango si Alois bilang sagot atsaka ulit ngumiti. Kailangan niyang maging okay dahil baka biglang magbago ang isip ni Ignis at ipabalik sila sa kaharian— sa bahay nila.
"Ano naman ang pumasok sa isip mo at naisipan mong lumabas tayo?" Tanong niya kay Ignis bago muling ibaling ang tingin sa labas ng bintana. Saktong pagsilip niya ay ang siya ring pagtingin ni Rilen sa kanya.
Nakasakay ito sa kabayo. Rilen's wearing a simple clothes. Tila ba isa lang itong normal na mamamayan ng emperyo.
Nagdadalawang isip na ngumiti si Rilen. Alois' was shocked. She missed Rilen's smile. Mariin niyang ikinagat ang ibabang labi. Naging mahigpit din ang pagkakayukom ng kamay niya.
Hindi niya magawang alisin ang tingin, ni hindi niya kayang umiwas sa tingin ng dating kaibigan— ng dating inakala niya ay kaibigan. Tila ba piniga ang puso ni Alois nang maalala ang mga pinagsamahan nila ni Rilen at Lithana. Namimiss niya ng kasama ang dalawa, but what they did to her hurted Alois. It affects her big time. They betrayed her, all along, Alois thought that they're her friends, but she's wrong.
Mariing ipinikit ni Alois ang mata para pigilan ang luhang nagbabadyang umagos pababa sa kanyang pisngi.
She will forgive them, but, not now. Masyadong nasaktan si Alois sa ginawa ng dalawa.
Nang idilat muli ni Alois ang mata ay atsaka niya binigyan ng malamig na tingin si Rilen na siyang naging dahilan para mapakamot ito sa batok. Hindi pa rin niya mapapatawad ang dalawa.
"I just want to make you happy." Simpleng sagot ni Ignis sa kanya.
Naibaling muli ni Alois ang tingin kay Ignis.
"Pardon?"
"That's the answer to your question. 'yan ang rason kung bakit inaya kitang lumabas." Pagkatapos ay ngumiti si Ignis.
Alois blushed. Bumilis din ang pagtibok ng puso niya.
Napairap na lang si Alois para itago ang nararamdaman niya sa mga oras na 'to.
"Pero bakit kasama pa natin sila Thana at Rilen?" Inis niyang tinuro si Rilen. Inilabas pa niya ang kamay para maituro niya ang lalaki.
Kamot ulo namang napailing si Rilen. Siya ang pinag-iinitan ni Alois. Maswerte si Lithana dahil sa kabilang gilid ito ng karwahe, kung hindi ay baka ito naman ang tinarayan ni Alois.
Saglit na kumunot ang noo ni Ignis sa sinabi niya.
"Ayaw ko silang kasama, Ignis. Naiirita ako sa mukha ng lalaking 'yan." Tukoy niya kay Rilen na mas lalong napakamot sa ulo at napailing.
Saglit na hindi naka-imik si Ignis dahil sa narinig at sa inakto ni Alois. Nanatili ang tingin niya kay Alois na nakanguso at tila ba batang inaaway ng kung sino. Ignis chuckled.
Sinenyasan niya si Lithana mula sa bintana. Agad naman nitong inilapit ang sinasakyang kabayo.
"Yes, your highness." Ani Lithana.
"Iwan niyo na kami. She hates seeing Rilen's face, at ayaw kong maging kamukha ni Rilen ang anak ko." Hindi maiwasang hindi mapangiti si Ignis sa sinabi.
Sinulyapan niya si Alois na hindi makapaniwala sa narinig. Ang gulat sa mukha nito ay napalitan ng inis. Ignis' was expecting her to smack him or shout at him, but to his surprise, Alois pouted her lips. Para itong bata na inaasar ng mga kalaro.
Mukhang narinig din ni Rilen ang sinabi ni Ignis. Napailing ulit ito atsaka napabuntong hininga, pero hindi naman niya naiwasan na hindi matawa sa nangyayari. Mukhang pinaglilihian siya ng kaibigan— ni Alois.
Rilen chuckled. Agad namang sinilip ni Alois si Rilen atsaka ito sinamaan ng tingin. Sa halip na mag-iwas ito ng tingin, nginitian lang siya ni Rilen bago tanguan. Alois saw the old Rilen, ang Rilen na nakilala niya— ang kaibigan niya.
"Iwan niyo na kami." Utos ni Ignis sa dalawa.
"Yes, your highness." Magkasabay na sabi ng dalawa bago pihitin sa ibang direksyon ang kabayong sinasakyan.
Nakahinga ng maluwag si Alois nang hindi na niya matanaw ang dalawa, but there's still a part of her na gustong makasama sina Rilen at Lithana, she hates to admit it pero namimiss niya na ang dalawa.
"Sa dinami rami ng pwede mong paglihian, bakit si Rilen pa?"
Hinampas ni Alois sa braso si Ignis.
"Hindi ko siya pinaglilihian! Naiinis lang ako sa mukha niya." Umirap na sabi ni Alois.
"That's good to hear. Ayaw kong maging kamukha ng kung sino ang anak ko."
"Ikaw naman talaga ang magiging kamukha ng anak natin dahil ikaw ang ama. Use your brain, Ignis." Sarkastiko namang sagot ni Alois. Mabuti na nga lang at napigilan niya ang sarili na huwag tumawa.
Kumunot ang noo niya nang hawakan ni Ignis ang pisngi niya. He looked deeply into her eyes with a smile on his lips.
"Sisiguraduhin ko na magiging kamukha ko ang anak natin, sa paraan na 'yon ay maipapaalala ko sa 'yo na ang lalaking mahal mo ay ang siya ng ama ng anak mo." Ignis said before he winked at her.
"Paano kung hindi ikaw ang kamukha?" Tumaas ang kilay ni Alois.
Mas lalong nilapit ni Ignis ang mukha nito sa mukha ni Alois na siyang naging dahilan para mapalunok at mamula ang pisngi nito.
"I'll be the happiest man on the earth if our child will look like her mother. Dahil hindi ko na iisipin na panaginip lang ang lahat ng ito, sa paraan na 'yon ay tatak na sa puso't isip ko na ang babaeng bumihag sa puso ko ay ang siya ng ina ng mga magiging anak ko." Saglit na huminto si Ignis sa pagsasalita. "Kung hindi ko man maging kamukha, we can try it again and will make sure that we'll have a mini Ignis, running around the castle."
Namula naman ang pisngi ni Alois. Kinilig siya sa narinig niya but in order to hide that, she ended up punching Ignis' face.