Chereads / His Concubine / Chapter 9 - Chapter 07

Chapter 9 - Chapter 07

Palihim na naiyukom ni Alois ang kanyang kamay. What the fuck is he doing here? Ang lakas lang ng loob nito na magpakita sa kanya pagkatapos ng ginawa nito.

"O siya, maiwan ko na kayo." Aniya ng matanda bago ito tuluyang umalis.

Nanlaki ang mga mata ng walang anu-ano'y pumasok ang lalaki sa loob at isinarado ang pintuan.

"Anong ginagawa mo dito?" Umigting ang panga niya.

"Bumibisita." He said bago ito umupo sa maliit na sofa. Ang lakas lang talaga ng loob. Parang walang kasalanan.

"Sagutin mo ako ng maayos" Matalim niya itong tiningnan. "Anong pakay mo, Ismael?"

Ang lalaking naka-upo ngayon sa puputsugin niyang sofa ay walang iba kundi si Ismael. Ang dating tauhan ng namayapa niyang ina. Ang lalaking nag traydor sa kanya. Kating-kati na ang kamay niya na sampalin ito. Ang lakas ng loob nito na magpakita sa kanya pagkatapos ng ginawa nito. Ang kapal lang talaga ng mukha.

"Masama bang bisistahin ang kaibigan ko?"

Hindi na siya nakapagtimpi. She slapped him, really really hard. She doesn't care kung magalit ito o masaktan. Friend? Kung kaibigan nga talaga siya nito ay hinding-hindi siya nito pagtatraydoran.

"Wala akong kaibigang traydor." Umigting ang panga niya.

Ismael gave her a smile, and she knows that, that smile is a fake one. Bumaba ang tingin ni Alois sa kasuotan nito. So he's a knight again, huh? Kaya pala siya nito ibinalik noon sa kaharian para mabawi ang dati nitong posisyon. Wala na ang madungis na Ismael na nakasama niya noon sa kalye.

"You betrayed me and my mother." Hindi makapaniwalang tumawa si Alois. "Pinagkanulo mo ako sa mga taong nandoon sa kaharian para lang makabalik ka sa palasyo, para makuha mo ulit ang posisyon mo dati! Nagsawa ka na bang manirahan sa kalye kaya mo iyon nagawa sa akin?!"

Hindi umimik ang lalaki. Nakatingin lamang ito sa kanya. Naramdaman ni Alois ang pangingilid ng luha sa kanyang mga mata kaya dali-dali niya itong tinalikuran. Hindi pwedeng makita ni Ismael na mahina siya.

"I know I didn't treat you as a friend. But you're the only person I trusted back then." Tumingala si Alois para pigilan ang pagbagsak ng luha sa kanyang mata. "You broke my trust, now, leave. I don't need your presence here. Hindi ko kailangan ng traydor sa pamamahay ko."

Narinig niya ang pag-alis nito sa pagkaka-upo pati na ang paghakbang nito.

"I'm sorry, but I'm not leaving."

Inis niya itong hinarap. Ano bang gusto nito? Ibabalik nanaman ba siya nito sa kaharian na 'yon?!

"Hindi ako sasama sa 'yo. I'd rather die kaysa sa bumalik sa kaharian na 'yon." Umatras siya nang lapitan siya ni Ismael. Nilingon niya ang backdoor, tatakas siya.

"Kahit ilang beses kang tumakas ay mahahanap at mahahanap ka pa rin ng hari at ng prinsipe. Your time is up, they gave you enough time to enjoy your freedom."

Kumunot ang noo ni Alois. They— the king and the prince gave her enought time to what? Mas lalong umusbong ang galit sa puso ni Alois nang mapagtanto ang sinabi nito.

"Yes, all this time, they knew where you are. Ang iba sa mamamayan ng lugar na ito ay alam na ikaw ang prinsesa. Even the co-workers. Hindi ka ba nagtataka kung bakit mabait ang iba sa kanila?"

Nakagat niya ang ibabang labi.

"I'm here to take you back. The kingdom needs yo—"

"Kingdom?! Baka naman ang ampon ng magaling kong ama? He wants me right?! He fvckin wants me to be his concubine! Ginagantihan niya ako!" Putol ni Alois sa sinasabi nito.

Nakita niya ang pag-igting ng panga nito. Tila hindi nagustuhan ang sagot niya. Wala naman siyang pakialam kung hindi nito nagustuhan ang sinabi niya. Ang sa kanya lang, gusto niyang ilabas ang galit sa puso niya. Magsasalita pa sana si Ismael nang biglang may kumatok sa pinto, hindi rin nagtagal ay bigla itong bumukas at iniluwa nito ang dalawa niyang kaibigan.

"Thana? Rilen?" aniya ni Alois.

Anong ginagawa ng dalawang 'to dito? parang kanina lang umalis si Rilen ah? Bakit bumalik ito at kasama pa si Thana. Hindi nakawala sa paningin ni Alois ang pagtingin ng masama ni Thana kay Ismael.

"What are you two doing her— " Hindi na natuloy ni Ismael ang sinasabi ng putulin ito ni Rilen.

"Ah ano! Melisa! May ibibigay pala sa'yo si Thana. Nakasalubong ko siya kaya naisipan ko na samahan siya." Aniya ni Rilen.

Bago pa man siya hilahin ni Rilen papunta sa kusina ay nakita pa ng mga mata niya ang pagtingin ni Thana sa lalaking kinamumuhian niya. Kakaiba ang tingin ni Thana…at hindi niya ito mabasa.

"K-kilala mo ba 'yon?"

Umiling si Alois. "Hindi, I don't know that guy." Pagsisinunhaling niya.

"Bakit hindi mo pinaalis at bakit pinapasok mo pa? Alam mo naman na delikado ngayon."

Nabalot ng katahimikan ang pagitan nila. Alois was nervous. Gusto niyang itanong kay Rilen kung alam din ba nito na siya ang prinsesa. She trust both of them— Thana and Rilen. Kaya hindi niya kakayanin kung pati ang dalawang pinagkakatiwalaan niyang kaibigan ay pagtataksilan siya.

"Rilen, do you know me?"

Kunot noong tumango si Rilen. Muntik ng mapaupo sa sahig si Alois, buti na lang at nahawakan siya ng kaibigan.

"What's with that question? Of course, I know who you are. You're Melisa— my friend who has a low alcohol tolerance, who hate seeing me flirting wuth other girls. Sa ilang taon ba naman nating magkaibigan ay hindi kita kilala." Natatawa nitong sabi.

Saglit na natulala si Alois ngunit kaagad din siyang napangiti. Imposible na alam ng dalawa ang totoo niyang katauhan. Katulad nga ng sinabi ni Ismael, may iba na alam ang totoo niyang katauhan, may iilan naman na hindi at sigurado si Alois na kabilang sa mga taong 'yon ang dalawa niyang kaibigan.

Mariing ipinikit ni Alois ang kanyang mga mata. She's no longer safe in here. Kinakailangan niya ng umalis sa lalong madaling panahon. Ayaw niyang iwan ang dalawa ngunit wala na siyang magagawa. Kung mananatili pa siya dito ay sigurado siyang magigising na lang siya na nasa kaharian na ulit.

"Rilen, I need your help."