Chereads / His Concubine / Chapter 12 - Chapter 10

Chapter 12 - Chapter 10

Mairy Alois Hernandez

"Anak, Meet Ignis." Her mom said.

Tiningnan niya ng maigi ang batang lalaki na nakatayo sa tabi ng kanyang ina. Mahaba ang buhok nito at may mga pasa sa mukha. May sugat din ito sa gilid ng labi.

"Hi! I'm Alois." Inilahad niya ang kamay.

Tinitigan lamang nito ang kamay niya. She can see tears in his eyes. Tila ba paiyak na ito. Binaba ni Alois ang kamay at kaagad na niyakap ang batang lalaki.

Napako sa kinatatyuan niya ang batang lalaki, gulat na gulat sa ginawa ni Alois.

"Don't cry. Hindi dapat umiiyak ang mga lalaki, that's what my dad said." She said pagkatapos humiwalay sa pagkakayakap.

She smiled at him, ganun din ang ginawa ng batang si Ignis. Since that they, they became best of friends. She thought that Ignis will be her friend forever, but at the very young age, They fell for each other. He trusted Ignis but it turns out that he will betray her by ruining her life and taking everything away from her.

Habol hiningang idinilat ni Alois ang mata. Iginala niya ang tingin. Nasaan siya? Hindi pamilyar ang silid kung nasaan siya?

She was about to stand nang biglang yumanig ang buong silid. Nanlaki ang mga mata niya. Kaagad siyang tumakbo sa maliit na bintana. Laking gulat niya nang makita ang malawak na karagatan. Where the heck is she?

Nasa cruise ship ba siya? Hinilot niya ang sentido, doon niya napansin ang tela sa kanyang ulo. Ah, Oo nga pala. Bumagsak nga pala siya at tumama ang ulo niya. She's still alive? Who saved her?

Ibinalanse ni Alois ang sarili. She saw her luggage kaya kaagad niya itong kinuha. She opened the door, umaasa na may makakasalubong na kahit sino ngunit laking gulat niya ng bumungad sa kanya ang isa pang silid. May kulay pulang sofa sa gitna at may kulay itim na karpet. A center table kung saan nakapatong ang isang bote ng wine at may kandila na kulay asul. Hindi ito nakasindi.

"Damn it! Nasaan ako?" She asked herself.

Sino ang nagdala sa kanya sa barkong ito? Iwinaksi niya ang mga katanungan sa isip. Kailangan niyang makahanap ng tulong. Nahanap ba siya ng mga tauhan ng ama niya?

"Finally, You're awake."

Nabitawan ni Alois ang bagahe sa gulat. Hinanap niya ang may-ari ng boses na 'yon. The light was dimmed kaya hindi niya masyadong maaninag ang mukha ng kung sinong nakatayo sa bukana ng nakabukas na pinto. Idagdag pa ang liwanag galing sa labas kaya natatakpan ng anino ang mukha nito pero kilalang-kilala niya ang boses na 'yon.

"Did you sleep well, Alois?"

Umigting ang panga niya.

"You bastard!" Galit na galit siya. "What do you want?! Bakit hindi mo pa ako hayaang maging malaya?! Nakuha mo na ang lahat! Hindi pa ba 'yon sapat, ha?!"

"Calm down. I can answer all your questions." He said while laughing.

Nainis si Alois sa inasta nito. May nakakatawa ba sa ginawa ni Alois? Wala naman hindi ba? So bakit ito tumawa? Is he crazy or something?

"Why did you saved me?" She asked again.

The guy closed the door before answering her question.

"I won't let my concubine die, ya' know."

That's it. Inipon niya ang lakas. Patakbo siyang lumapit kay— Ignis at hinampas rito ang bagahe. Hindi lang isa o dalawa. She hit him multiple times. Fvck! she need to escape!

Papatulugin niya muna ang lalaking ito. She was about to hit him again when Ignis rolled to the other side of the floor and kicked her luggage bag. Tumalsik ang bagahe papunta sa kabilang parte ng silid.

Hindi namalayan ni Alois na nakatayo na pala si Ignis. Nagulat na lang siya ng hawakan nito ang palapulsuhan niya at ilagay ito sa likuran niya. Marahas siyang isinandal ni Ignis sa pader. Ngayon ay naka harap siya sa pader habang nasa likod niya si Ignis na hawak ang palapulsuhan niya. Nararamdaman rin ni Alois ang malalim na paghinga ni Ignis.

"Get off me! You Bastard!" She shouted.

"Bibitawan lamang kita kapag kumalma ka na— "

"Gago ka ba? Paano ako kakalma?!" Putol niya sa sinasabi nito.

Narinig niya ang pagbuntong hininga ng lalaki bago siya marahas na hilahin papunta sa sofa. Itinulak siya nito sa sofa kaya tumama ang likod niya sa sandalan. Mabuti na lang at malambot ang sandalan kung hindi ay baka napasigaw na siya sa sakit.

Bago pa man umupo si Ignis sa single couch ay dali-dali na siyang tumayo at tinakbo ang distansya ng pintuan.

Hindi pa man siya nakakarating ng tuluyan sa harap ng pintuan ay pinigilan na siya ni Ignis.

"Our father's Knights are outside."

Napahinto si Alois sa sinabi nito. Their what?

"Be thankful dahil itinago kita dito." He said. Binuksan niya ang bote ng wine at nagsalin sa Wine glass.

Itinago? siya?

"What did you say?" Hinarap niya si Ignis na abala sa pag inom ng Wine.

Totoo ba ang narinig niya?

"I saved you and hid you here."

Gustong matawa ni Alois. Bakit naman siya ililigtas ng lalaking 'to? ah oo nga pala! Hindi niya hahayaan na mamatay ang magiging concubine niya.

"I heard our father about his plan. Pwersahan ka niyang ibabalik sa kaharian at ipapakasal sa iba. He said that he doesn't need you anymor— " 

"Hindi naman na talaga niya ako kailangan dahil nandyan ka naman. I'm a nobody to him, don't you get it? Matagal na." Galit na sabi ni Alois. Matagal na siyang nawalan ng halaga sa kanyang ama simula ng dumating ang Ignis na 'to.

"Let's have a deal, Mairy." Sumandal ito. "Tutulungan kita na tumakas. I don't even want you as my concubine. Nagbago na ang isip ko. I want to help you."

Tama ba ang mga naririnig ni Alois? He's going to help her? Nagpapatawa ba ito?

"I don't trust you."

Nagkibit balikat si Ignis. "You don't trust me? You don't trust the man who saved you from death and hid you from our father's Knights?" Umiling si Ignis.

"It's your choice. Either you trust me or not. I'm just here to help you. Mahahanap ka rin nila once I told them that you're hiding in my room. Ibabalik ka nila kay ama at ipapakasal ka sa kung sino."

Saglit na natigilan si Alois. Is he threatening her?

He's going to help her? How?

"Just sit in the couch if you changed your mind."

Kinagat ni Alois ang ibabang labi. How can she trust the man who ruines her life? Ngunit iniligtas siya nito at itinago sa kwarto nito. Alam ni Alois na hindi papasok ang mga tauhan ng hari sa kwarto ng prinsipe. Bumuntong hininga siya. Labag sa loob siyang naglakad pabalik sa kinauupuan ni Ignis— sa sofa.

Umupo siya sa at tiningnan si Ignis. Inalok siya nito ng wine but she refused. Baka may kung anong inilagay ito sa wine.

"Don't worry, wala akong inilagay na kung ano sa wine. Kung gusto mo ay tikman ko muna ng makasigurado ko."

Kunot noo niyang tiningnan si Ignis at ang wine glass na nakalahad sa harapan niya. Wala naman siguro itong nilagay. Nakita niya naman noong sinalinan nito ang wine glass. Padabog na kinuha ni alois ang wine glass at kaagad na itong ininom. Hinintay niya na mahilo siya o manghina ngunit wala. Wala nga itong nilagay.

"Bakit mo ako gustong tulungan?" She asked.

"I heard the king, He wants you to marry someone. Kapag nangyari 'yon ay may tyansa na ikaw ang maging susunod na tagapag mana. You're soon to be husband might use the chance to take my throne."

Natawa si Alois. Kaya pala gusto siyang tulungan dahil natatakot itong mawala sa kanya ang trono bilang susunod na hari.

"So you're scared, huh?" Natatawang sabi ni Alois.

"You're the real crowned princess. You're the right owner of the crown."

Natatawa talaga si Alois. Kaya pala nawala ang sungay at buntot ng demonyong ito dahil natatakot na mawala sa kanya ang trono.

"Paano mo ako tutulungan?"

Inilapag ni Ignis ang Wine glass. "Itatago kita sa silid na ito hanggang sa dumaong sa susunod na puerto. Doon ay ibababa kita at papasakayin sa barko papunta sa ibang bansa."

"Ilang araw ang itatagal? You know, I can't bear staying and sharing the same air with you."

"Three days."

Tumango si Alois. "Deal."

Hindi niya inaasahan na ang tutulong sa kanya ay ang lalaking kinamumuhian niya. Napangisi si Alois. May silbi rin pala ang lalaking ito.