Chereads / His Concubine / Chapter 6 - Chapter 04

Chapter 6 - Chapter 04

Mairy Alois Hernandez

Sinuot ni Alois ang ninakaw niyang damit bago tuluyang lumabas sa pampublikong palikuran. Binuhat niya ang kaunting gamit niya, ang litrato at kagamitan ng kanyang yumaong ina, mabuti na nga lang at nakita niya ito sa loob ng karwaheng sinakyan niya nang dukutin siya ng tauhan ng kanyang ama at mabuti na lang ay nasa labas ng palasyo ang karwahe.

Maingat ang galaw ni Alois habang tinatahak ang daan papunta sa kung saan. Hindi niya alam kung saan siya pupunta, ang nasa isip niya lang ngayon ay ang makalayo sa kanyang ama.

Napahinto si Alois sa paglalakad nang may marinig na karwahe. Hinantay niya muna na lumagpas ito ng kaunti bago sumakay sa likod nito. Mabuti na lang at may upuan sa likod. Sumandal siya at huminga ng malalim. Nakatanaw lamang siya sa palasyo hanggang sa tuluyan na itong mawala sa kanyang paningin.

"I will never be your concubine, Ignis, never."

3 years later

"Magandang umaga, Melisa." Bati sa kanya ng matandang si Luisa.

"Magandang umaga rin po." Nakangiti niyang sabi.

Pinagpatuloy niya ang paglalakad. Lahat ng nakakasalubong niya ay binabati siya at ganoon rin ang ginagawa niya. Sino ba siya para hindi pansinin ang mga ito?

Inayos niya ang suot na damit pati na ang buhok niya. Hindi na siya ang dating Alois na nagnanakaw at naninirahan sa kalye. Noong umalis siya sa sentro  kung nasaan ang kaharian ng kanyang ama ay nagbago na ang buhay niya. Nagpakalayo-layo siya hanggang sa napadpad siya sa malayong bayan kung saan imposible na siyang mahanap pa ng taong naghahanap sa kanya.

Iba na rin ang itsura niya. Ang dating hanggang bewang niyang buhok ay hanggang balikat na lang,  hindi man niya maitago ang kulay ng kanyang buhok at ng kanyang mata ay nagawa naman niyang pagtakpan ang totoo niyang katauhan. Walang alam masyado sa mga pangyayari sa kaharian ang mga mamamayan ng bayan kung nasaan siya kaya alam niyang hindi rin nila alam na siya ang dating prinsesa. Hindi siya maka alis ng bansa dahil bantay sarado ang mga puerto kaya nanatili na lang siya sa malayong bayan.

Nang makarating siya sa kanyang pinagt-trabahuan ay kaagad siyang nagpalit ng damit. Umagang-umaga ngunit rinig na kaagad ang kasiyahan. Marami na rin tao sa kainan kung saan siya nag t-trabaho. Kaagad siyang lumabas at tumulong sa pag aasikaso sa mga costumer.

Tinapay at pera ang nakukuha niya pagkatapos ng trabaho, araw-araw ang sahod. Hindi ganoon kalaki ngunit sakto lang para buhayin ang sarili niya.

Tumulong sa pag kuha ng mga pagkain si Alois at ibinigay ito sa mga costumer. She's wearing a long brown skirt, kulay puting long sleeve at apron. She was busy talking with her co-worker when someone called her.

"Melisa."

Napangiti si Alois nang marinig ang boses na 'yon. A cold yet angelic voice.

"Thana." Aniya sa kaibigan nang lingunin ito.

Iginaya niya ito sa paborito nitong upuan at kaagad na ibinigay ang listahan ng mga pagkain. "Hindi bat may trabaho ka?"

"Nasa trabaho na ako."

Napa irap na lang si Alois. Ang trabaho ni Thana ay ang kumain sa lahat ng kainan at tikman ang mga pagkain, ino-obserbahan niya rin lahat ng kainan sa kanilang bayan.

"Pero hindi ba dapat nasa ibang kainan ka? Tapos mo ng obserbahan ang kainan na ito."

Hindi na siya inimik ng kaibigan. Tinuro na lang nito ang pagkain na gusto niya. Umalis si Alois at sinabi sa tagaluto ang in-order na pagkain.

Ala sais ng gabi natapos ang trabaho ni Alois. Pagod na pagod siya at inaantok na rin. Maaga kasi siyang gumising dahil maaga rin ang trabaho niya. Mas lalong nakaramdam ng pagod si Alois nang matanaw na niya ang bahay na inuupahan niya.

Hinagis ni Alois ang sarili niya sa maliit na higaan. Ni hindi na niya nagawang magpalit dahil sa sobrang pagod. Tumagilid siya at pinagmasdan ang litrato ng kanyang ina. Napakaganda nito. Namana niya sa ina ang kulay ng kanyang mata, ang maputi niyang balat at ang kanyang labi. Naiinis siya, bakit namana pa niya ang kulay ng buhok ng kanyang ama. Wala sa sariling niyang hinawakan ang kanyang buhok.

Her mother told her that she has a beautiful hair. She hates her silver hair, but everytime she remembers how her mom touches her hair and say those words makes her love her hair at the same time.

Her mom loves her dad so much, pero mas mahal siya nito kaya nga mas pinili siya nito kaysa sa trono bilang reyna. Hindi naman ganoon ang ama niya dati, nagulat na lamang siya nang bigla itong magbago. Nagbago ang pakikitungo nito sa kanya at ang rason nito ay dahil sa isa siyang prinsesa at hindi prinsipe. Nagtataka lang siya dahil hindi na nag asawang muli ang kanyang ama, ang hari. Kuntento na siguro ito sa ampon niya. Tsk.

"Goodnight, mom." Aniya bago patayin ang gasera.

Ignis Alexandre Aeternam

"I hate you!" Sigaw ng batang Alois sa kanya.

He was trying to talk to her pero hindi pa man siya nakakapagsalita ay sinigawan na siya ni alois. he can see hatred in her eyes at hindi niya ito masisi.

"I'm sorry." He said.

Tiningnan siya ng masama ni alois. "Sana ay hindi ka na lang nabuhay! You ruined my life and my family! Nang dahil sa'yo ay itinakwil kami ni ama!"

The next thing he knew was Alois beating the hell out of him. Tinanggap niya lahat ng hampas, sabunot at suntok. Alam niya kung gaano kalaki ang galit nito sa kanya. Because of him, her perfect life and the kingdom full of happiness become lifeless.

Ibinaba niya ang hawak na kopita atsaka tumingin sa labas ng bintana. Madilim na at malamig. Tahimik na rin ang buong palasyo dahil halos lahat ay tulog na. Siya at ang mga nagbabantay lamang ang gising.

He can't sleep. Hindi siya inaantok. It's been three years since her supposed to be concubine left him...no, tinakasan siya.

Ibinalik niya ang tingin sa mga papel na nakalatag sa lamesa. Galing lahat ito sa mga tao niya. Matagal na niyang alam kung nasaan si alois, ngunit hinahayaan niya lang ito. Atsaka na lamang ito ibabalik sa palasyo kapag kinakailangan na talaga niya. He wants Alois to enjoy her freedom dahil sa oras na makuha niya ito ay sisiguraduhin niyang hindi na ulit ito makakatakas sa kanya, ikukulong niya ito katulad ng ginawa sa kanya ni Alois noon.

Napangisi siya. "I'll make you my concubine, Alois."

He wants the throne, he will be the next king. Ignis Connor Alexandre Aeternam will be the king. Kinakailangan niyang magkaroon ng anak kay Alois para makuha ang trono at iyon ang gagawin niya.