Chereads / Adik Sa’yo / Chapter 3 - Black sheep

Chapter 3 - Black sheep

"POGI! PWEDE ka ng lumabas." Napatayo agad si Jace nang marinig ang sigaw ng pulis mula sa kabilang side ng rehas.

"Talaga, Boss? Thank you!" aniya na malaki ang ngiti habang nakaabang sa pagbubukas nito sa bakal na selda.

Napailing at panay ang pagpalatak ng pulis. "Kayo talagang mayayaman, panis lang sa inyong makaligtas sa batas." Tuluyan na nitong binuksan ang pinto at nakalabas na si Jace. Nakipagkamay at tumapik pa siya sa mga presong pansamantala niyang nakasama buong magdamag. Nakakwentuhan niya ang mga iyon at buti na lang ay hindi siya napagtripan.

Hindi ito ang unang beses na napa-trouble si Jace at nagpalipas ng gabi sa loob ng presinto. Ang unang beses ay noong college pa siya. Nakabangga siya ng dalawang batang tumatawid sa pedestrian. Buti na lang at hindi masyadong napuruhan ang magkapatid at konting bali lang ang natamo ng mga ito. Binayaran ng Daddy niya ang hospital bills at binigyan din ng malaking pera ang magulang ng mga bata para hindi na magsampa ng kaso.

Lasing at sabog si Jace noon kung kaya siya pa ang mayabang sa loob ng selda. Binugbog siya ng mga preso. Simula noon, natutunan na niyang dapat kaibiganin ang mga preso para hindi siya mapag-tripan.

Naabutan niya ang nag-aalalang mukha ng kanyang Lola Therese paglabas niya sa presinto. "Jace, my baby boy! Naku apo, ano na naman ang ginawa mo?" Agad siya nitong hinagkan at pinaghahalikan sa pisngi.

"Mamita, I'm fine. Kaunting hassle lang." Nalukot ang mukha niya dahil kulang na lang ay lamutakin ito ng kanyang lola.

Ganoon talaga ka-spoiled si Jace sa Mamita niya. Siya ang paborito nitong apo at ito rin ang madalas niyang takbuhan sa tuwing pinagagalitan siya ng Daddy niya. Ito rin ang palaging tagapiyansa niya kapag nadadala siya sa presinto gaya ngayong araw.

"Thank you, Mamita for picking me up. You're the best talaga." Mahigpit niya itong niyakap at hinalikan sa pisngi.

"Hmm… alam mo namang hindi kita matitiis." Therese smiled sweetly and touched both of his cheeks. Kumunot ang ilong nito. He's reeking with the odor of sweats, alcohol, and cigarettes. "Jusmiyo naman, Jace! Pang ilang beses mo na ba `to? Kailan ka ba magtitino, apo? Paano kung wala na `ko sa mundo, sino na'ng mag-aalaga at titingin sa `yo?"

Umikot ang kanyang mata. "Promise, hindi na mauulit."

***

ISANG MALAKAS na suntok ang sumalubong sa mukha ni Jace pagpasok niya sa loob ng mansion. Nasubsob siya sa sahig. Dalawang nag-aapoy na mata ang agad bumati sa kanya pag-angat niya ng tingin. "Kahit kailan talaga wala kang kuwenta! Ano na naman ang kahihiyan na binigay mo sa `kin? Ha?!" Lumilitaw na'ng mga ugat nito sa noo habang dinuduro siya.

Nilapitan ni Therese si Jace. "Hayme! Tumigil ka na! `Wag mo naman saktan ang anak mo!" pakiusap nito sa nanginginig na boses. Halos gawin nitong panangga ang maliit at mahina nitong katawan laban sa nagbabagang galit ng panganay nitong anak.

Mas lalong nalukot ang mukha ni Hayme. "`Yan... `yan... sige, kunsitihin mo pa `Ma! Kaya tumitigas ang bungo ng magaling mong apo dahil sa `yo!"

Napaismid si Jace at napahawak sa namamagang panga. Pakiramdam niya makakalas na `yun sa lakas ng sapak na natikman niya. Umayos siya nang upo at nang-iinis na ngumisi kay Hayme. "Come on, Dad. What are you stressing about? Umabot na ba sa media? Ayaw mo no'n at nasa headlines ka ulit. Don't you like the spotlight?"

Malakas nitong hinablot ang kwelyo niya at kinaladkad siya patayo. Halos pumutok nang litid nito sa leeg habang naninigas ang panga nito. "Umaabuso ka na, Jace. Bente-otso anyos ka na pero daig mo pa ang kinder sa tigas ng ulo mo! Kailan ka ba titino, ha?! Ano?! Ganyan na lang ang gusto mong gawin sa buhay mo?! Magpaka-adik!"

Jace scoffed and rolled his eyes. "Stop acting like you care for me, Dad. Alam naman natin pareho na wala kang pakielam sa `kin. So, bakit nag-aaksaya ka pa ng laway mo?"

Sigurado si Jace na kaya lang nagagalit si Hayme dahil mas iniisip nito ang reputasyon bilang CEO ng Devenacia Estate, Inc. Ang pamilya nila ang may ari ng isa sa pinakamalaking construction company sa bansa. Hindi ito ang unang pagkakataon na nadumihan ang makintab na pangalan ni Hayme Devenacia dahil sa kagagawan niya. Jace was notoriously known as the youngest in Devenacia siblings with nothing but a pretty face who only holds one good reputation: on a woman's bed. Siya ang black sheep sa tatlong magkakapatid kaya palaging mainit ang ulo ni Hayme sa kanya. Ha! As if he cares! Pera lang naman nito ang kailangan niya. Basta mayroon siyang credit cards, kotse at condo ay okay na sa kanya. Hindi na niya hihilingin na mahalin siya nito.

"Wala ka talagang modo!" Tinaas uli ni Hayme ang kamao nito nang mabilis na pumagitna si Therese sa pagitan ng mag-ama.

"Please, Hayme tumigil ka na! Nakikiusap ako." Nakataas ang dalawang kamay ni Therese at tinutulak sa dibdib ang anak nito habang walang tigil ang pag-agos ng luha.

Natigilan si Hayme nang makita ang kalagayan ng ina. Agad nag-alala si Jace para sa kanyang Mamita. Matanda na si Therese at hindi maganda sa puso nito ang ma-stress. Nagpalitan ng mainit na tingin ang mag-ama bago unti-unting binaba ni Hayme ang kamao nito at humakbang paatras. Nakahinga nang maluwag si Jace. He can received all his father's wrath pero hindi niya mapapatawad ang sarili kapag may nangyaring hindi maganda sa Mamita niya.

Sa huling pagkakataon ay tinitigan siya nang masama ni Hayme bago ito naglakad at nag-walk out palabas ng mansion. Nag-aalalang hinaplos ni Therese ang pumutok niyang labi at namamagang panga.

***

KASALUKUYANG pumapainlanglang sa kabuuan ng art room ang napakagandang melodiya ng piano: "River flows in you by Yiruma". Kasabay ng musika ang pag-stroke at kiskis ni Nadia sa ginagawang painting. Nasa loob siya ng sariling mundo at walang ibang naririnig kundi ang madamdaming musika na humahaplos sa kanyang puso.

This piece was her Daddy's favorite. Her Mom was a pianist kaya marunong din siyang tumugtog ng piano. Ang pumapailanlang galing sa speaker ay isang record na siya mismo ang nag-play. Noong nabubuhay pa si Nathaniel ay madalas nitong nirerequest kay Nadia ang piece na ito.

Nadia was so engrossed in her artwork habang isa-isang bumabalik ang masasayang memories nila ng kanyang Daddy. Makapalipas ang ilang oras ay natapos na niya ang kanyang Obra Maestra. She smiled, feeling satisfied with her output. It was a portrait of her Daddy and her baby self. She used oil paint for her canvass.

Nagbuntong hininga si Nadia. If she could only bring back the time, araw-araw niyang sasabihin at ipararamdam sa Daddy niya kung gaano niya ito kamahal. Nathaniel was too engaged with business matters kaya bihira sila makapagbonding ni Nadia. Siya naman ay pursigido sa kanyang projects at paghahasa sa sarili na maging magaling sa sining at musika.

All of Nadia's talent came from her mom. Ngayon, pareho ng wala ang parents niya. She has left with no choice but to stand on her own. It's been a month and Nadia still mourns for her father. At kahit pa isang dekada nang nakalipas simula nang iwan siya ng kanyang mommy, pakiramdam pa rin ni Nadia ay tila kahapon lang nangyari ang lahat.

Pinunasan ni Nadia ang luhang pumatak sa pisngi at humugot ng malalim na hangin habang pinagmamasdan ang painting. "Dad, I promise that I'll be strong. I'll fulfill my dreams and I'd take care of your legacy. Hindi mauuwi sa wala ang lahat ng pinaghirapan niyo ni Mommy. I'll make sure of that."

Isang desisyon ang nabuo ni Nadia. Wala man siyang alam sa business world but she can learn. Kailangan niyang protektahan ang Monte Corp para sa alaala ng mga magulang niya.

Nag-ring ang cellphone sa ibabaw ng lamesita na pumutol sa malalim niyang pag-iisip. Agad niyang sinagot ang tawag. "Hello, Hannah?"

["Nads! Don't forget about my party tonight, ha. Sa Revel tayo!"]

She slapped her forehead dahil muntik na niyang makalimutan. "Okay, see you tonight."

["Yay! Laters, baby!"]

"Going to party again?"

Halos mabitawan ni Nadia ang hawak ng cellphone at agad pumihit sa likuran. Nasapo niya ang dibdib at nakahinga nang maluwag nang makita kung sino ang dumating. Her face instantly brightened. "Ninong!" She stood up and almost threw herself at him.

Masayang sinalo ni Johnny ang yakap niya at hinalikan ang kanyang noo. "How are you, sweetie?"

Hinarap niya ito at nagbuntong hininga. "Well…"

Naningkit ang mga mata nito. "I heard from James about what happened."

Bumagsak ang balikat ni Nadia at umupo sa stool sa tapat ng canvass. Tumayo sa gilid niya si Johnny habang pinagmamasdan ang bago niyang painting. Nadia can't read his face but she knows so well how much Jonny loves her father. The two were like brothers.

"Well, what can you expect from Tita Rosanna? Daddy had been showering her with gifts and golds. Apparently, ten million isn't enough to sustain her high maintenance lifestyle. Takot sigurong hindi makasabay sa yacht party at flamboyant tours ng mga amiga niya." Umikot ang kanyang mga mata.

Johnny sighed and sat beside her. Hinaplos nito ang kanyang pisngi. "Baka nabigla lang `yun. Don't worry, I'll talk to her."

Kung magandang lalaki ang Daddy niya ay tila doble niyon ang taglay ng Ninong Johnny niya. He's the opposite of her Daddy. Nathaniel was the serious and all business type while Johnny was the adventurous and playful one. Parang ying yang ang mga ito. Nung nabubuhay pa ang Mommy ni Nadia ay ito ang madalas na tagabalanse sa tuwing nagka-clash ang dalawa pagdating sa business at personal na bagay.

"How's Monte Corp?"

Johnny looked sideways and smiled at her. "Everything's fine, sweetie. A little bump here and there but you don't have to worry about those. I don't want you to get stress. You should be resting. Alam kong nagluluksa ka pa sa Daddy mo."

Bumagsak ang balikat ni Nadia. Indeed, hindi pa rin siya makamove on. Gumigising siya tuwing umaga at naglalakad papasok sa kwarto ng Daddy niya. Umaaasa na makikita niya itong nakangiti sa kanya. But all of them were just her hopeless dreams.

"Thank you, Ninong. I don't know what to do anymore kung wala ka." She hugged him.

"Anything for you, sweetie. How about lunch? I'm free until afternoon. I've missed you. It's been a hectic week, bihira tayong magkausap."

"Basta may blueberry cheesecake na kasama, I'm in!" Nadia sweetly smiled.

"Of course." He laughed. "`Di ka pa rin nagbabago. You're still like the little Nadia with her two pigtails who cried to me whenever she wanted to eat blueberry cheesecake."

Nadia giggled. "And you're still my superhero, ready to save me when I'm having a bad day."

"Always here for you, sweetie."