HINDI MAKAPANIWALA si Nadia sa mga nangyayari sa kanya ngayon. Pagod nang mata niya kaiiyak at wala na siyang lakas para magwala at sumigaw at lalo lang din siyang nagmumukhang baliw sa tuwing inaaway niya ang mga staff sa loob ng Love and Hope Rehabiliation Center.
Ang ikinangingitngit niya nang husto ay wala siyang kalaban-laban. Walang siyang kahit na anong hawak dahil na-confiscate ang cellphone at wallet niya. Paggising niya ay nakahiga na siya sa hospital bed sa clinic ng center.
Isang babaeng doktor na nasa mid-forty's ang humarap sa kanya at sinabing positive siya sa Drug Dependency Examination na labis niyang ikinabigla. Pumayag siyang mag-undergo ng screening test dahil confident siyang magiging negative ang result kaya naman halos umiyak siya ng dugo ng malaman ang resulta. Naging pula ang lahat sa paningin ni Nadia at malakas na nagsisigaw. Imposibleng maging positive siya dahil never siyang tumikim ng droga. Ni yosi nga ay hindi niya naging bisyo, drugs pa kaya?
Dahil hindi siya nagpaawat sa pagwawala ay tinurukan na naman siya ng pampatulog. Paggising ni Nadia ay nasa loob na siya ng females dormitory, nakahiga sa kama at nakatali na parang baliw. Naisip niya na mas lalo siyang ita-tratong adik kung patuloy siyang magwawala. Nakiusap siya na kausapin ang Director ng center pero tumanggi ang mga staff at sinabing hindi maaari.
Kinabukasan ay kinausap siya ng Head Psychiatrist na si Dr. Becca Gomez at sinabi na kailangan niyang mag-undergo sa treatment program ng Love and Hope for the next six months. She will be under observation at magkakaroon din ng assessment after the said duration. Sa oras na pumasa siya sa assesment at magamot ang kanyang addiction ay maaari na siyang makalabas.
Malakas ang kutob ni Nadia na si Rosanna ang may kagagawan ng lahat ng ito. Malaki na agad ang hinala niya na gusto nitong malamatan ang reputasyon niya sa Board of Directors nang sa ganoon ay hindi siya pagkatiwalaan na maging parte ng Shareholders lalo na `pag lumabas sa media ang scandal na isang adik ang only heiress ni Nathaniel Montemayor Jr. Malaking kasiraan `yun sa imahe ng kumpanya. Hindi niya alam kung ano ang magiging epekto nito sa Board. Baka mapatalsik siya agad bilang Shareholder kahit na hindi pa man niya nakahaharap sa mga ito.
Ang Monte Corp ay isa sa pinakamalaking Conglomerate sa Pilipinas. They have been leading in different industries: oil, hotel & food chains, real estate, insurance and e-commerce. Their multi-industry company has been powerful and triumphant for the last decade. Napunta sa Daddy niya ang kumpanya matapos pumanaw ang lolo niyang si Nathaniel Montemayor Sr.
Near to bankruptcy nang Monte Corp when her Daddy was elected as the new Chairman of the Board. That time Sandra was promoted as the Chief Executive Officer while Johnny as the Chief Marketing Officer. Her Mom was a natural-born leader. Even better than her Dad. Kaya madalas ngang sabihin ni Nathaniel noon na kung hindi nalipat kay Sandra ang pagiging CEO ng kumpanya ay baka tuluyan nang bumagsak ang Monte Corp. Through Sandra and Johnny's undying support, Nathaniel was able to put Monte Corp on top of the game again. The three of them were called in the business world as the "Dragon Trio". They were the superior trio who have saved a dying empire and gave a second chance to a thousand families. They were all over the news. It was Nadia's favorite bedtime story. Sa paningin niya ay superhero ang Daddy, Mommy at Ninong Johnny niya at sinagip ng mga ito ang buong mundo.
Sandra and Johnny were childhood best friends. While Nathaniel and Johnny were college buddies at nakilala ni Nathaniel si Sandra through Johnny. The two of them instantly fell in love. Johnny was her daddy's wing man and best man on her parents wedding.
Ninong Johnny is Nadia's second father. Parang anak na rin ang turing nito sa kanya. Kumpleto siya sa gifts mula rito tuwing birthday, bagong taon, pasko at maging valentines day. Sa mga panahon na nilalamon si Nathaniel ng kumpanya, it was Ninong Johnny who was always there to attend on her parents day. Madalas ngang mapagkamalan ng mga classmates niya ang Mommy at Ninong Johnny niya na mag-asawa. Little Nadia doesn't mind though, because that time she used to believed that Ninong Johnny was indeed her second dad. Nang lumaki ay saka niya lang na-realize na father figure lang pala ito at hindi blood related. At hindi rin maaaring maging dalawa ang asawa ng Mommy niya.
At nang biglang kuhanin ng Osteosarcoma na isang uri ng bone cancer si Sandra sa kanila ay hindi na ulit naging tulad ng dati ang Dragon Trio. And Nadia's life was never the same again. Sa labis na pagluluksa ni Nathaniel ay binuhos nito ang lahat ng oras sa trabaho, not knowing that he was slowly neglecting Nadia. Thanks to Ninong Johnny, Nadia was able to get through with her grief.
Three years ago nang makilala ni Nathaniel si Rosanna sa isang private beach in Hawaii. Nadia was able to see the visible changes in Nathaniel. Mas naging masigla ito at laging good mood. Two months later nang sabihin nito sa kanyang ikakasal na ulit ito. Nadia was too shocked to react. Not that she doesn't want her Daddy to be happy again, but she was never ready to have a new mother. Nobody can't replace Sandra on her life. Pero dahil mahal niya ang Daddy niya at gusto niya itong maging masaya ay tinanggap na lang niya ang katotohanang may bago na itong mahal.
Kasama sa Board si Rosanna bilang Chief Financial Officer. Iyon ang bagay na mas kinakatakot ni Nadia dahil sigurado siyang sa mga sandaling ito ay sinisiraan na siya ni Rosanna. Kung mabubulok siya rito ay napakadali para kay Rosanna na paikutin ang ulo ng mga tao sa Monte Corp. Malaking patunay ang ginawa nitong pag-set up sa kanya.
Ang tanging pag-asa ni Nadia na makatutulong sa kanya sa loob ng Monte Corp ay si Johnny Cuerva. Nalipat rito ang CEO position nang pumanaw si Sandra. Kailangan niya itong makausap sa lalong madaling panahon dahil baka pati ito ay malason ni Rosanna.
Sa oras na makalabas si Nadia ng center ay sisiguraduhin niyang malalagot ang evil stepmother niya sa lahat ng ginawa nito. Hindi siya papayag na magtagumpay ito na masipa siya sa kumpanyang pinaghirapan ng pamilya niya. By hook or by crook ay makaka-alis siya ng Love and Hope.
"Anim na buwan Nadia, anim na buwan lang ang kailangan mong tiisin," kausap niya sa sarili. Dapat na maging malinis ang records niya for the next six months nang sa ganoon ay makalabas siya agad.
Kailangan niya rin makaisip ng paraan kung paano niya mako-contact si Attorney James Lucero upang makahingi siya ng tulong. Sa kasamaang palad ay kahit pagtawag sa telepono ay ipinagbabawal sa kanya. Malamang ay may kinalaman din si Rosanna roon. Pero hindi siya susuko. Kailangan niyang maging matatag kahit anung mangyari.
"Humanda ka, Rosanna."
#BababangonAkoAtDuduruginKita
***
PAGDATING ni Jace sa presinto ay naroon at nakaabang si Hayme. Ipinagtapat ni Hayme na ito mismo ang nag-utos sa mga pulis na ipadampot siya. Kailangan niyang magtino at pumasok sa isang private rehabilitation center. Kung hindi ay dadalhin ni Hayme ang kaso sa korte at sa bilangguan ang bagsak niya. Patong-patong ang kaso ni Jace. Tinakot pa siya nito na babawiin nito ang susi ng condo at kotse niya at puputulin nito ang credit card niya kapag hindi siya sumunod sa gusto nito.
Walang nagawa si Jace nang damputin siya ng mga staff ng Love and Hope at sinakay sa van. Galit na galit si Jace sa Daddy niya. Pero nakiusap si Therese na sumama na lang siya nang maayos para hindi na lumaki pa ang gulo. Pinangako ng Mamita niya na kakausapin nito mabuti si Hayme upang palabasin siya agad sa rehab.
For the meantime na nasa loob si Jace ay wala siyang choice kundi ang sumunod sa mga patakaran at programa na binibigay ng Love and Hope. Ayon sa nakausap niyang si Dr. Gomez ay six months ang standard program na binibigay ng center sa mga residents. Sa oras na maipasa niya at maging clear siya sa assessment ay makakalabas na rin siya agad.
May oras ang lahat ng kilos nila sa loob ng center. Scheduled din ang kanilang daily activities. Gigising sila ng 4:30 am upang mag-exercise. Pagkatapos ay maliligo ng 6:00 am pagdating ng 7:00 am ay almusal. Pahinga sila ng one hour at pagsapit ng 9:00-11:00 am ay mayroon silang activities. 11:30 am-1:00 pm ang lunch at may dalawang oras sila para mag-siesta. Pagdating ng 4:00-6:00 pm ay may bible study na kasabay ng afternoon snack. 6:30-7:30 pm ang dinner. Matutulog sila pagdating ng 8:30 pm. Repeat ang schedule para sa buong linggo. Tuwing Sunday ay may misa.
Kung tutuusin ay mas maayos na rin na rito sa rehab ang bagsak ni Jace imbis na sa madumi at mabahong kulungan. Kaunting buwan lang naman ang kailangan niyang tiisin. Sana lang ay magawan agad ng paraan ng Mamita niya na makalabas siya rito. Alam niyang hindi siya nito matitiis.
Kasalukuyang naglalakad si Jace sa hallway patungong boys dormitory nang mapadaan siya sa garden. Agad niyang napansin ang isang pamilyar na babae. Nakaupo ito sa batong bench na katapat ng fountain. Nakatalikod ito at hindi niya masyadong makita nang maayos ang mukha kung kaya agad siyang nag-iba ng direksyon upang mas makakuha ng magandang view. Nanlaki ang mata ni Jace nang makilala kung sino ito.
"It's her!" Tinuro niya ang babae.
Naalala niya noong unang araw na dinala siya rito sa rehab ay may babaeng nagwawala habang inaawat ng mga staff. Magulo ang buhok nito at pawis na pawis habang panay sigaw na, "Hindi ako adik!"
Pero ngayon pinagmamasdan niya itong mabuti, bukod sa ito ang babaeng nagwawala no'ng isang araw ay may memorya siyang pinipilit balikan dahil alam niyang nakita na niya ito noon. Hanggang sa pumasok sa isipan niya ang gabi sa Revel.
Tama! It's her! The beautiful peeping tom who saw him banging Blondie behind the cubicle. Hindi i-n-expect ni Jace na gumagamit din pala ang babae dahil napakainosente ng mukha nito. Napailing na sumandal si Jace sa dingding sabay humalukipkip. Malaya niyang pinagmasdan ang babae.
Nakatulala lang ito at nakatingin sa tubig na lumalabas mula sa batong fountain. Umihip ang malakas na hangin at nilipad ang mahaba at maalon nitong buhok. Bahagyang tumaas ang dalawang kilay ni Jace dahil pakiramdam niya tila ba nag-slow motion ang lahat sa kanyang mga mata habang pinagmamasdan ito.
Napalunok siya nang madiin at may kakaibang init na naramdaman sa buo niyang katawan. Madilim noon sa bar at lasing siya nung una silang nagkita. Pero ngayong mataas ang sikat ng araw ay mas napagmasdan niya nang mabuti ang mukha nito. Jace has seen countless women of all types before but there's something about her face that seems to stand out among the rest. Damn! This woman is a living goddess.
Napangisi si Jace. Seems like his stay here wouldn't be that bad after all.