Chereads / What If The Love Counselor Fell in Love? / Chapter 2 - Ang Kaniyang Mga Ngiti

Chapter 2 - Ang Kaniyang Mga Ngiti

"Uhm, Yeah... puwede, sige..err-- sige po hehehe-hehe" pautal-utal kong sinabi sakaniya at siya'y umupo sa tabi ko. Ano nangyayari saakin?!

"Pedrooooo", pabulong ko tinawag ang kanyang pangalan at kaagad siyang sumagot na ngumingisi

"bakit?"

"Ano nangyayari saakin?"

"aba malay ko, bakit 'di mo tanong kay Kupido?"

..Ito ba ang pakiramdam na ma inlove at first sight? Hindi maaari 'to, hindi ako naniniwala sa ganun!

Minasahe ni Pedro ang balikat ko at kanyang sinabi ng mahina "Relax ka lang. Gusto mo ba masira ang imahe mo?"

"Ang laki pala ng eskwelahan na ito, 'di po ba?" biglang tumibok ulit ng mas mabilis ang puso ko nung simula niya na ako kausapin.

"Hmm, hindi naman siya ganoon kalaki kung nasanay ka na.." ang sabi ko sakaniya. "Ay ganoon po ba.." Napakalambot ng kanyang boses. Binabalik-balikan siya ng mga mata ko habang pinupunas niya ang kanyang pawis at oh my goodness,... hindi ko na maalis ng saglit ang mata ko sakaniya noong dahan-dahan niya tinali ang kanyang buhok. Bakit nagmumukha siyang diyosa kapag nakatali ang buhok niya?!!

"Ayos lang po ba ang pagkatali?" Ang tanong niya nung bigla siyang humarap saakin. Nakakasilaw siya... nakakasilaw ang kanyang kagandahan.

"Ayos lang naman. Bakit mo pala.. naitanong?"

" Wala lang po. Kala ko po kasi kanina tinitignan niyo ako na parang may mali sa buhok ko..... hehe ano ba itong mga na iimagine ko?"

"Hahaha, 'di kasi maalis ang mga mata ko sa kagandaha--- aray, aray, aray!"

Bigla ako napasigaw nung kinurot ako ni Pedro at napagalitan tuloy kami ni Loisa na nasa harap namin, buti 'di ako narinig ni sir.

"Huwag ka magpapadala Roger. Baka nakakalimutan mo? Unang araw palang ng klase gusto mo matulad kay kuya na basta lang tinanggihan ni Loisa?" Bulong saakin ni Pedro. Hmm, muntikan na iyon ah.

" 'Di niyo maalis ang mga mata niyo sa ano po?", ang tanong niya habang siya'y nakaharap sa akin.

" 'Di ko lang maalis ang mga mata ko sa ganda ng ulap at ang panahon ngayon do'n sa mga bintana hehe-he-he", ang palusot ko sakaniya habang tinuro ko ang bintana.

Nagsimula na magsalita si sir at binati namin siya ulit ng magandang umaga.

Humikab ako dala ng nakakainip na discussion ni sir tungkol sa rules and regulations sa paaralan.

"At iyon na ang mga patakaran sa paaralan natin. Dumayo naman tayo sa pagkilala. Mag ii-start tayo do'n sa may bandang likuran, sasabihin niyo lamang ang inyong pangalan at araw ng kapanganakan"

Dumating na ang aking pinakahihintay. Halos mamatay na ako sa kakaisip kung ano pangalan niya

"uhm.. sa'kin po ba magsisimula?", ang tanong ni ate pretty habang siya'y dahan-dahang tumayo

"Yes po" Sagot ni sir sakaniya kaagad.

" Ako po si Ricah Hernandez , isang transferee. Ako ho pinanganak noong ika- labing put walo ng Agosto. Medyo excited na may halong kaba ang nararamdaman ko po ngayon dahil naniniwala po ako magiging masaya ang school year na ito. Ikinagagalak ko lahat na kayo'y makilala".

Umupo na siya at ako na ang sumunod. Umupo na din ako nung tapos ko na pinakilala ang aking sarili.

"Malapit na pala ang kaarawan mo" Ang sabi ko sakanya at tila wala siya sa kanyang sarili. "Uhm.." Ang sabi ko ulet at nanumbalik na siya.

"ah? Er---.. sorry!"

Kanyang sinabi.. hehe, ang kyut niya 'pag wala siya sa sarili...

.... Dismissal na at nagulat ako nung kami ni Pedro ay palabas na ng silid-aralan. Kumaway sa'kin si Ricah at ngumiti sabay ang pagsabi ng

"Bye, Roger!"

kinawayan ko din siya at napangiti na rin. Napapangiti ako sa mga ngiti niyang mala anghel at ang kanyang masayahin na katangian.

Pumunta kami ni Pedro sa isang mall kasama sina Loisa at ang isa naming kaibigan na si Mark. Kami ang magkakasamang tumutulong sa mga kapwang estudyanteng nanghihingi ng tulong tungkol sa love life.

Pinagsabi ni Pedro na gusto ko si Ricah sakanila at sila'y gulat na gulat. Aminado naman ako at inamin ko din ito sakanila habang ako'y pinapalo-palo ni Pedro sa aking likuran.

Pinagiisipan ko mabuti kung ano ang bibilhin kong regalo para kay Ricah at dahil do'n nagtagal kami ng konti sa mall.

Padilim na nung kami ay uuwi na. Inagkat ko sila na bumisita sa parke lagi namin binibisita dahil sa ganda ng takipsilim dito ngunit sila'y tumanggi at ginusto nalang umuwi. Ang hihina naman nila, sa arcade palang napagod na sila.

Pumunta nalang tuloy ako mag-isa doon at bumilis ang aking pagtibok ng puso nung nakita ko si Ricah sa malayo pa lamang. Napansin niya ako nung ako ay palapit sakanya

"Oh, Roger.."

She said with her soft voice as her hair gently sway in this refreshing, calm breeze.

"Tara, maupo ka", ang sabi ni Ricah sa'kin at umupo ako na may distansya subalit siya'y lumapit sa'kin.

"Hi!" 'Di ko alam ang sasabihin ko sakanya "ang tahamik mo po pala" wika niya pa.

"Hindi naman.."

"Gusto ko po ikaw mas makilala, Mr. Love Counselor"

teka, pa'no niya nalaman ang tawag sa'kin?