Chereads / What If The Love Counselor Fell in Love? / Chapter 4 - Mga Salita Kasingkahulugan ng Mahal Kita

Chapter 4 - Mga Salita Kasingkahulugan ng Mahal Kita

Nakatulala nanaman sa office namin at nagmumunimuni habang bulagta lamang dito sa sofa.

"Si Ricah nanaman ba iniisip mo, pare ko?"

tanong ni Pedro sa'kin,

" Hindi ba napag-usapan na natin ito? Kilalanin mo muna, huwag ka muna magpadala diyan sa nararamdaman mo. Atsaka hindi naman natin alam na open ba siya sa isang relasyon o malay natin may boyfriend na pala siya"

"Hindi ko matiis ang ganoon kagandang babae, Pedro. Bahala na ang mangyayari, susugal nalang ak--"

"Susugal ka kahit napaka dehado?" Natahimik ako sa kanyang sinabi.

"Wow! May office nga kayo.. buti naman!" Nagulat ako nung narinig ko ang boses ni Ricah at pumasok siya dito kasama ni Loisa. Natawa sina Pedro at Mark sa lakas ng pagka gulat ko, kaya ayon nakatikim sila ng mga malulutong na mura sakin.

"Maka higa nga din po sa sofa niyo!"

Ow shet! Tumalon siya sa sofa at pinilit niya kumasya. Muntik na matapon ang iniinom na kape ni Pedro sa pantalon ko at sa palda ni Ricah, buti nalang hindi natapon, susuotin ko pa itong pantalon sa susunod na tatlong linggo. Tumayo si Pedro at kumuha ng basahan para punasan ang konting natapon na kape sa sahig. Ang smooth ng balat ni Ricah ugh, papa request nga ako ng kama dito.

"Pag bigyan mo muna si Ricah, Roger"

wika ni Mark habang nagbabasa siya ng isang nobela. Kung sana nga lang hanggang mamaya nalang kami magka tabi dito sa sofa.

Umagaw pansin saamin ang pintuan nung narinig namin may kumatok.

"Pasok po" ang sabi ni Loisa at siya'y pumasok. Kami ay nabigla.. sino nga ba ang magaakala na papasok dito ang pinaka mahusay gumawa ng spoken-word poetry sa campus na ito.

"Hello po" binati niya kami at binati rin namin siya. Umayos kami ng upo ni Ricah at pinaupo namin siya sa tabi namin dito sa sofa.

"Buti pumunta ka dito, Bea. May problema ba?" ang tanong ni Loisa sakaniya at sumagot siya ng naka yuko "uhm.. 'di ko p-- po alam kung pa'no ito... sasabihin sainyo". Hmm, nahihiya siya.

Hinawakan ni Loisa ang kanyang mga kamay at sinubukan alisin ang kaba n'ya.

Tumayo ako at tumingin sa bintana sabay ang pagsabi ko sakanya

"Hahayaan mo lang ba ang sarili mo na umupo lang diyan?".

" Gusto ko po mag confess sa isang lalaki

..."

Hmm, isang babae mag coconfess sa lalaki? Maganda naman at sikat si ate Bea, kahit 'wag na siya humingi ng tulong saamin at mag pa cute nalang siya sa liligawan niya tiyak magiging sila naman pero may bumabagabag sa isipan ko,

"Close ba kayo ng lalakeng gusto mo?" ang tanong ko sakaniya at sumagot siya ng 'di sigurado, "uhmm.. err--- .. hindi".

Sino kaya ang kanyang liligawan?

"Sigurado ka ba sa lalaki na iyan? "

ang tanong ko sakaniya at tumango siya.

" Gusto ko makita kung pa'no mo siya liligawan. Practice natin hehe", ang sabi ko ulit sakaniya. Ito ang mabisang paraan para malaman kung gaano ka close ang liligawan niya.

"Isipin mo ako ung taong liligawan mo. Lahat ay nakabilang, mula sa iyong pag lapit sa'kin at tawag ng aking pangalan hanggang sa pagtapos ng iyong sasabihin", ang panuto ko sakan'ya.

Tumalikod na'ko at magsisimula na. Sa pagdinig ko palamang ng kanyang yapak, nararamdaman ko ang kanyang kaba, determinasyon at.... katahimikan ng gabi sa tabing dagat.

"uhm.."

ang una niyang sinabi. Dinala n'ya ako sa isang tabing dagat habang pinagmamasdan ko ang mga kumikinang na bituin. Sa pagliligaw, kung pa'no mo kukunin ang atensyon niya ay isa sa mga importante.

"uhmmm..."

ang kan'yang sinabi at ako'y napalingon

"Roger.."

tinawag niya na ang pangalan ko habang ang mukha niya'y balot ng nag-aalinlangan. Tumingin ako sa mga mata n'ya na pilit sinasabi, 'mas maganda ako sa mga bituin na iyong tinutulalaan' at ang boses niya'y sakto lamang, ung saktong nasasapawan ang mahinahong tunog ng alon ng dagat.

Kung ako yung lalake, sigurado halos nahulog na ang puso nun kay Bea. Nagsimula na siya magsalita at pinaramdam niya ako ng isang malakas na preskong hangin nung siya'y tumingin ng diretso sa'kin at sinabi,

" Hindi ko alam kung pa'no ko ito sasabihin. Sisimulan ko ba sa pagsabi ng 'mahal kita'? Pero ayoko, ayokong ulit-ulitin muli... mga linya ng sinaunang babae sinabi sa'yo na kailanman...'di tumalab.

Ang tulang ito na 'di naman kagandahan, 'di naman perpekto... subalit kung 'to naman papakinggan mo hanggang sa dulo, hayaan mo'ko sabihin ang paraan ng pagsabi ko ng 'mahal kita'.

Damdamin ko na litong-lito, nagaalala kung ano magiging reaksyon mo... hinahayaan na lamang kainin ng emosyon ko makaisip lang...mga linya mas babagay kaysa sa simpleng pagsabi ng 'gusto kita', 'uy.. p'wede ba maging tayo?'.

Gusto ko lang gumawa ng kakaiba, kakaibang paraan para namnamin mo bawat salitang sasabihin ko. Huwag mo na itanong kung bakit ganeto ang paraan ko, 'di ko din naman alam kasi... kung bakit ang puso ko andaming sinisigaw na salita na parang isang baliw. Sorry na, ganyan kasi ako sa tuwing nakikita kita.... baliw na baliw at madaming gusto sabihin. Ganyan ang pagmamahal ko sa'yo labis na umaapaw--"

Hinawakan ko ang balikat n'ya sabay ang malumanay na paghaplas ko sa kanyang buhok. Napangiti ako sakanyang tula na tila sa'kin niya iniaalay.

"Ayos.. po ba?", ang tanong n'ya at ngumiti nalang ako bilang tugon sa kaniya.

"Kung maaari lang po mga ate at kuya, gusto ko na umamin sakanya bukas"

Nagtinginan kaming lahat at hindi alam kung anong itutugon kay Bea,

"Parang ang bilis naman siguro kung gust--"

"Pero!..."

Naputol ang sinasabi ni Loisa sakanya nung bigla siyang sumigaw ng pa paos at dahan-dahang napaluha,

"Hindi ko na kaya itago, napaka bigat kasi sa puso. Dibale na ang kanyang magiging reaksyon, ang tanging hinahangad ko lang naman ay mapakawalan itong mabibigat na matagal nang kinikimkim ng aking damdamin"

tumayo si Loisa at binigyan niya ng tissue si Bea.

"Salamat po at pasensya na sa pagka drama ko"

Ang sabi niya habang yumuko saamin.

Kinuha ko ang tasa ni Pedro na nasa tabi ko at ininom ang kanyang hinandang tsokolate na dapat sakanya,

"Saan mo gusto umamin, Bea?"

Ang tanong ko sakanya habang binaba ang tasa sa lamesa.

Hindi ko pa po alam eh"

"Kung ganun, may ideya ako".