Chereads / What If The Love Counselor Fell in Love? / Chapter 5 - Ang Emosyon Nalang ang Natitirang Tapat sa Panahong Ito

Chapter 5 - Ang Emosyon Nalang ang Natitirang Tapat sa Panahong Ito

'Ang pinaka best na oras para ika'y umamin ay kapag uwian na para makaiwas ka ng konti sa mga saksi. Iyaya mo siya sa isang pribadong lugar, sabihin mo lang sakaniya na gusto mo siyang maka-usap tungkol sa mga aralin at kunwari may hindi ka magets at papaturo ka sakanya.

Kung nakapunta na kayo sa pribadong lugar doon ka na umamin ng nararamdaman. Isang daan at isang porsyentong sigurado ako na gagana ito. Hindi ko na nun alam kung anong mangyayari kapag natapos ka nang umamin tutal, ang masabi mo lang ang iyong nararamdaman ang mahalaga, hindi ba?'

Ito ang sinabi ko kay Bea kahapon at madali niya naman naintindihan ang aking ideya. Tinanong namin siya ulit kung sigurado talaga siya sa kanyang pagmamadali at siguradong-sigurado naman daw siya. Tinanggihan niya ang alok namin na pasikreto kaming manonood para naman may sasalo sakanya just in case iniwan siya sa ere ng lalaki.

Naalala ko din tuloy ang naging reaksyon ni Pedro sa sinabi ko "Napakahusay mo talaga. May pinaka na nga may best pa HAHAHA," tinawanan tuloy ako nina Bea.

"Oy Roger"

Nagulantang ako nung may chalk na tumama sa noo ko at napatakip ng bibig sina Ricah at Pedro na nasa tabi ko habang pinipigilang tumawa.

"Anong nangyayari?" Ang bulong ko kay Pedro dahil nakatingin ang karamihan kong kaklase saakin pati na din si sir Rico na parang napatigil ang kanyang kinukwento.

Umiling-iling ang naging tugon sakin ni Pedro at sinabi "Magdasal-dasal ka na pare ko." Ehe, bigla ko tuloy naalala si Sir Rico pala ang pinakamasungit na guro, sabi nila. First day na first day kahapon nag didiscuss na nga ng lesson ngayon.

"Tumayo ka nga muna, Roger"

"sorry po sir," Ang sabi ko kay sakanya at napatawa nalang siya, hindi ko talaga alam ano nangyayari kaya sinamahan ko nalang din siya tumawa. "Alam mo na siguro ang storya kaya hindi ka nakikinig sa akin " Ang sinabi niya at tumugon ako ng nakayuko "Pasensya na po talaga. Makikinig na po ako."

Laking pasalamat nasa good mood si sir at pinaupo niya na ako. Nakinig na ako sakanya subalit patapos na pala ung kwento. "Kwento mo nga sakin ulit ung buong storya mamaya, Pedro" Ang mahinang sinabi ko sakanya. Pinatong niya ang kamay niya siya aking balikat at sinabi "Huwag na. Ako nalang bahala sayo sa pag susulit sayo mamaya, bibigyan kita ng leksyon na mapupulot dyan sa storya"

" 'Handa ako maghintay kahit kailanman o aking sinta. Pangako, ikaw pa din ang nasa puso ko hanggang ika'y bumalik.' Ang sabi ni Leonara kay Mateo bago siya lumisan. Hinintay ni Leonora araw-araw ang pagbalik ni Mateo, lagi nga nito sinisilip sa bintana tuwing takipsilim, nagbabakasakali siya'y nakabalik na. Lumipas ang maraming taon ay hindi pa din siya nawalan ng pag-asa, patuloy pa din siya naniniwala na siya'y babalikan ng kanyang sinta kahit pa dumating na sa puntong pumuti na ang kanyang buhok at kumulubot na ang kanyang balat, nakuha niya padin maniwala, kumapit at namag asa na siya'y babalik pa. Ngunit dumating na sa puntong siya'y nakatulog na ng mapayapa nung takipsilim na iyon sa kanyang tumba-tumba na nakatutok sa bintana kung saan niya lagi hinihintay ang kanyang mahal na hindi na...bumalik. Nagtatapos."

Okay na sana eh, iiyak na ako sana kaso ilang segundo katapos sinabi ni sir ang "nagtatapos" bigla siyang tumayo sa kanyang upuan at sinigaw "Osya quiz time!."

Umagaw atensyon sakin ang nakatulala na mukha ni Ricah habang may luha pumatak sa kanyang kaliwang mata. Agad kong kinuha ang tissue ko sa bag ko at pinunasan ito. Napatingin siya bigla sa akin at sinabi ko sakanya "Wag ka mag-alala, malinis itong tissue." Napangisi nalang siya sabay ang pag sabi ng "Salamat nalang."

"Langya si sir noh, umagang-umaga pinapaiyak tayo sa isang ganyang storya," Ang biro ko sakanya pero mukhang napahiya yata ako sa biro ko nung sinabi niyang "Napaluha ako sa sinabi ni sir may quiz."

"Parehas na tanga ung magka sintahan sa storya," Ang biglang sabi ni Ricah at napa oo nalang ako, hindi ko kasi alam ano mga kaganapan naganap sa storya na yan. Natapos na ang pagsusulit namin at hindi ako nasayahan sa marka nakuha ko. "Kala ko ba ikaw bahala?" Ang tanong ko kay Pedro at napa sampal nalang ako sa mukha ko sa kanyang tugon "Yan napapala ng mga tao sobrang umaasa sa iba." Yan pala ang ibig niyang sabihin bibigyan niya ako ng leksyon, napakahayoooop! Tinignan ko ang papel ni Ricah at bigla na lang nahiya ung papel ko nung nakita ko kanyang marka. Napa-isip ako dapat pala umiyak nalang din ako kanina tulad ng ginawa niya para parehas sana kami nakakuha ng mataas na marka, hay hay.

Natapos na ang subject ni Sir Rico at pina break time niya na kami. Yinaya namin nina Loisa, Pedro at Mark si Ricah upang sumabay kumain samin. Buti nalang pumayag siya at dumaretso na kami sa canteen. Napatawa nalang kami sa naging reaksyon ni Ricah sa canteen. "Bakit ganyan naman ung canteen, ganito ba lagi? Napaka dami ng estudyante at sobrang punuan ehehehe," Ang tanong niya samin habang ngumingisi "Oo ganito talaga," ang sagot ko naman sakanya. Canteen pala ito, akala ko kasi evacuation site.

Nakakain din kami ng mapayapa nung may nahanap na pwesto. Nagkwentuhan lang kami sa mga nangyayari sa classroom at nakilala pa namin ng lubusan si Ricah sa kanyang pag open up saamin. Napangiti ako sa katangiang taglay niya, siya pala ung tipong babaeng

sobrang nakaka appreciate ng mga regalo, matino at positive lang kahit may mga problema sa buhay.

"May boyfriend ka na ba, Ricah?" Napa-ubo ako sa biglang pag tanong ni Loisa sakanya ng ganyan. Tinignan ko si Loisa na may nanglalakihang mata at napangiti nalang siya sakin sabay ang 'pag peace sign niya. "Mayroon na," Ang mahinahong pagka sabi niya habang nakatingin sa baba at isang matamis na ngiti nakaguhit sa kanyang mukha. Nangsikip bigla ung dibdib ko at nahirapan sa pag hinga. Agad iniba ni Pedro ang paksa ng pinag-uusapan namin ngunit nanahimik nalang ako at pinakinggan nalang ang kanilang pag-uusap.

Bumalik na kami sa silid-aralan at yinaya ako ni Pedro na mag banyo muna. Hindi ako makalakad mabuti dahil dito sa nag sisikip na dibdib ko. "Kailangan mo ba ng inhaler? O gas tank? Mayroon din wheelchair dyan," ang biro sa akin ni Pedro at pinalo ko siya sa ulo, napakagago talaga neto. "Biro lang ito naman," ang sabi niya sakin at hindi ko nalang siya pinansin.

"Ngayon alam mo na may jowa, ano na balak mo?" Ang tanong niya sa akin at hindi ako tumugon. "Friends nalang ba, Roger? Pwede din agawin mo siya sa boyfriend niya," Ang patuloy na pag sabi niya at nairita na ako "Umamin nga sakanya hindi ko magawa, agawin pa ba siya sa jowa niya?" Ang tugon ko sakanya at hindi nalang siya kumibo.

Bumalik na kami sa silid-aralan at umupo na saaming pwesto. Nagsimula na ako magkaroon ng balisa tungkol dyan sa jowa niya. Gusto ko siya tanungin kung sino ba iyon, nandito ba siya sa paaralan na ito, siya ba ang dahilan kung bakit siya lumipat dito sa paaralan? Dami kong gustong tanungin sakanya. Sinusubukan ko naman tanungin ito subalit napakalaki kong duwag. Hindi ko na ito natanong at dumating na ang oras na dismissal na.

"Osya, Latersss!" Ang paalam samin ni Ricah at siya'y umalis na.

"Anong nangyari kay Roger, Pedro? Bakit sobrang tamlay niya ngayon"

"Ngek. Kung ano-ano kasi mga tinatanong mo, Loisa." Naririnig ko mga sinasabi nila sakin. Lumapit sakin si Mark at hinaplos ang likod ko "Ganyan talaga yan, Roger. Isa ka din palang tao na may lalaking puso! Nakakaproud naman nararamdaman mo na ito."

Sa tagal-tagal ko nag bibigay ng mga payo, ngayon ko lang na realize na ganito pala kahirap ang nararamdaman nila 'pag wala nang pag-asa sa mga mahal nila. "Hinga lang mabuti Rog-Rog, masakit nga masampal ng katotohanan," ang sabi sakin ni Loisa.

"Tara gala," yinaya kami ni Mark at pumayag sila. "Uwi nalang ako maaga papahinga ako," Ang sabi ko sakanila ng matamlay. "Ingat ka pauwi, baka madapa ka sa mga bato-bato," biro sa akin ni Pedro at napatawa naman ako ng konti. Nagpaalam na ako sakanila at palabas na sana ako ng campus nung bigla ko naalala si Bea.

Napag-isipan ko puntahan siya sa kanyang silid-aralan para silipin kung nagawa niya nga.

Nabigla ako nung natagpuan ko siya sa hagdanan at kinamusta ako.

"Ano nangyari?" Ang tanong ko sakanya habang naguguluhan ng konti. Hmm, umayaw ba siya o nawalan ng lakas na loob? "Uhm... absent eh. Malas," ang tugon niya sakin habang bakas ung pagka badtrip sakanyang mukha. Absent pa nga, napaka wrong timing talaga.

"Pauwi ka na po ba?" Ang tanong niya saakin at tumango ako "kung ganun, sabay na ako sainyo."

"Saan ka umuuwi?" Ang bigla kong sinabi dahil napapansin ko parang nahihiya siya kausapin ako. Nagulat siya ng konti nung bigla ako nagsalita at tumugon siya "Dyan lang malapit sa Quero"

"Lapit lang pala, hatid ko na ikaw"

Medyo madilim at walang katao-tao ung paputa diyan sa Quero kaya napag-isipan kong ihatid s baka mapano pa siya. "Ha?! Sige... salamat," ang pautal-utal niyang sinabi.

"Na discuss na ba sainyo ung 'Pangako'?" Ang tanong niya sa akin at napa-isip ako ng sobra kung ano 'un. "Yan ba ung ikinuwento ni Sir Rico?" ang tanong ko sakanya at tumango siya. Akala ko anong pangako ba 'un, buti naisip ko iyon pala ung storya ikinuwento ni Sir Rico, un pa lang naman nadidiscuss eh.

"Napakatanga po ni Leonora, hindi po ba? Siya lang ang nagbitaw ng pangako sa kanilang dalawa ni Mateo at tinupad pa niya ito kahit alam niya na sa sarili niya na hindi na darating si Mateo." Ang sabi niya sa akin habang kami pumasok na sa medyo madilim at walang katao-tao na daanan.

"Hindi naman siguro, mang-mang lang siya." Biro ko sakanya at hindi ko alam ang gagawin ko nung bigla siya napaluha. Napatigil ang aming paglalakad at mabilis niyang pagsabing "sobrang nakita ko ang sarili ko sa sitwasyon ni Leonora, isang napakalaking tanga... isang napakalaking mang-mang. Ang pagka iba lang siguro sa sitwasyon niya sa sitwasyon ko ay ang nag hihintay ako sa tao na hindi naman talaga ako babalikan, ung taong hindi naman ako mamahalin, ung taong hindi naman ako hahanapin at ung taong sino nga ba ako para lumugar sakanya?"

Nag-isip ako ng masasabi para kumalma siya. Sumasabog nanaman ang kanyang emosyon. "Huminahon ka lang Bea. Wala naman katiyakan na hindi ka hahanapin nun at malay mo mamahali--" Napatigil ako sa sinasabi ko nung bigla niya ako yinakap at sinabi "Mamahalin niyo po ba ako?"

Wala ako maisip na tugon sa kanyang tanong.

Yinakap ko siya bilang paghingi ng tawad. "Gaano ko man gustuhin pilitin ipagkasya ang pagmamahal mo sa puso ko, hindi talaga magkakasya ito lalo na may ibang naglalaman sa buong puso ko, pasensya na. Wala nga lugar sa puso ko ngunit may lugar ka naman sa buhay ko," ang sabi ko sakanya at patuloy lang siya sa pagluha.

....

At un nga po, umabot pa ng takipsilim bago siya tumahan sa pag iyak. Hinatid ko siya sa kanilang bahay at medyo ok na siya. "Napaka tapat ng mga emosyon noh. Tunay nga na emosyon nalang ang nananatiling tapat sa mundong ito" Ang sabi saakin ni Ricah at sobrang napa oo ako dito. Teka?!! Ricah??

Nagulat ako nung bigla siya nasa tabi ko nung naglalakad ako pauwi. Pero ang mas nakakabigla... ang linyang sinabi niya... tugmang tugma sa mga linyahan lagi binibitawan ng kakilala ko.